The Gay Who Got Me Preggy

By pearlysel

1.5M 37.6K 2.5K

One night that changed everything. More

S y n o p s i s
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 16

28.3K 770 128
By pearlysel

Kaagad akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman ko na naman na parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali dali akong tumakbo papunta ng bathroom at nilabas ang lahat. Wala sa sariling napahawak pa ako saulo ng mahilo pa ako. Wala namang lumalabas kundi puro laway lang.
Napakapit ako ng mahigpit sa bowl para hindi ako matumba.

Shet! What happened to me? Since last week I started throwing up every morning. Hindi naman ako lasing.

Bumukas naman ang pinto ng banyo at pumasok doon ang nag alalang mukha ng Yaya ko.

"Hija?! Juskoo ba't ang putla mo? Anong nangyari sayo?!" Taranta itong lumapit sa akin.

"Yaya .."

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Kinakapa kapa  pa nito ang sa may leeg at sa noo ko kung mainit ba ako.

"Wala ka namang lagnat, bakit ka nagsusuka?"

"I'm okay Yaya. Baka sumama lang ang tummy ko sa kinain ko kahapon," Palusot ko pa rito at inaalalayan naman ako nito.

Habang  naghilamos ako napansin ko naman ang nang uusig na tingin ni Yaya mula sa kama ko. 

Nanghihinang lumabas ako sa banyo at umupo sa kama na kung saan nakaupo din si Yaya.

" Oh ito na... Uminom ka muna,"

Walang imik na sumunod naman ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ako nagkakaganito. Last week pa to e, then every morning pa akong magsusuka. Kaya pagpasok sa school hinang hina na ako at minsan pa ay mahuhuli na natutulog sa klase.

"Anong nangyari sayo hija? Wala ka namang lagnat-"

"I think I'm d-dying Yaya,"

"Jusko! Ano ba ang pinagsasabi mong bata ka." Saway pa nito sa sinabi ko.

"Ano ba kasi ang kinain mo kagabi, at nagkaganyan ka? Baka naman naging sensitive na yang tummy mo,"

"Yaya, Last week pa to. Nahihilo at nagsusuka ako, tas napapadalas pa ang pagiging sleepy ko."

Nailang naman ako nang mapansin ang matiim na titig ni Yaya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin dito.

"Please Yaya, Nakakailang ka na." Saad ko rito at nag iwas tingin.

"Precious, Wala ka namang boyfriend diba? Birhen ka pa naman diba?"

Naguguluhang napatingin ako kay Yaya sa naging tanong niya. Bakit naman nasali ang virginity dito?

"A-anong klaseng t-tanong yan Yaya,"

"Sagutin mo ako Precious Skylane.."

Napakagat labi naman ako nang marinig ang kompleto kong pangalan. Seryoso na si Yaya pag ganyan siya.

"Yaya.. I'm hungry-"

"Sagutin mo muna ako. You can eat later." Napansin ko sa boses niya na medyo napikon na siya sa mga alibi ko.

"I'm hungry," Siguro masyado na akong oa ngayon kasi nagugutom lang ako pero parang  nanunubig na ang mga mata ko.

Shet! Ano na nangyari sa akin?! Ang oa ko na.

"Precious,"

" Y-yaya. I don't have b-boyfriend but I am not innocent anymore." Nauutal na sabi ko napakagat naman ako sa labi ko nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko. Shet! Nagugutom na kasi ako.

Gulat na gulat na tinignan ako ni Yaya lalo na nang makita ang luha ko.

"W-who's the boy?"

"Si Aizan,"

"Ha? Si Aizan? Yung k-kaibigan mong B-BAKLA! Haha. Nagpapatawa ka ba hija?" Hindi pa kumbensido si Yaya sa sinabi ko.

Wala sa sariling pinunasan ko naman ang luha ko. At inis na tinignan si Yaya. Bakit ano sa tingin niya nagloloko ako? Totoo naman e!

"Oo nga po, Yaya-"

"Sure ka? Si Aizan? Ano nirape mo?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Seriously mukha na ba akong rapist?

"Mukha na ba akong rapist ng bakla, Yaya?"

Umiiling iling naman ito at di parin makapaniwalang tinignan ako. Para pamg iniisip pa talaga nito na nagbibiro lang ako.

"Mas babae pa nga yon gumalaw sayo," Hindi nalang ako umimik at hinahaplos nalang ang tummy kong tumutunog na.  Sus! Pa bading-bading lang yun pero mas magaling pa sa lalaki ang performance ng baklang yun.

"So kailan may nangyari sa inyo?"

"One month ago, Noong birthday ni Aizan-"

"Jusko! Precious Skylane! Kaya pala di ka bumibili ng regalo ni Aizan kasi ibang regalo ang ibibigay mo! Ano bang iniisip mong bata ka!" Napapikit naman ako sa sinabi nito. Iniisip ba talaga ng mga tao na ganun yon? Eh nagkataon lang na may chuchu na nangyari diko pinlano yon!

"Grabe naman kayo Yaya, di naman namin yun sinasadya. It's just a mistake..."

"Mistake? Precious di mo ba naiisip na ang isang pagkakamali na yun ay maaring makapagbago ng buhay mo?" Kaagad naman akong napatingin sa seryosong mukha ni Yaya.

"Yaya, isa lang ang makapagbago ng buhay ko pag di pa tayo kakain magka ulcer ako nito. At talagang mas mag susuka ako at mahihilo. Nagugutom na po talaga ako," Malalim naman itong nagbunyong hininga at masayang napa "yes" ako nang marinig ang sinabi niyang kakain na kami.

Sarap na sarap ako sa kinain ko habang si Yaya naman ay nakatingin lang sa akin.

"Yaya, kain ka po,"Umiiling naman ito at tinignan lang ako. Hindi ko nalang siya pinilit pa at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Mga favorite foods ko kasi ang nakahanda sa mesa kaya ganadong ganado akong kumain ngayon. Muntik pa akong mabilaukan kasi sa sobra kung bilis kumain. Sarap na sarap naman kasi ng mga foods na nasa harap ko.

"Gumamit ba kayo ng condoms?" Muntik pa akong nabulunan sa narinig kay Yaya.

"Yaya, I'm eating.." Buti nalang talaga kami lang dalawa dito at umalis sila Mommy at Daddy kundi patay ang labas ko nito. 

"Sagutin mo ako Precious, Dahil seryoso ako."

Wala naman akong nagawa kundi sagutin nalang ito. Napayuko pa ako nang maramdaman ang umiinit kong pisnge.

"I don't know,"

Narinig ko pa ang mas malalim nitongbuntong hininga. May problema ba si Yaya? Parang angbigat bigat ng problema niya kung mag buntong hininga siya.

"Kailan ka pa niregla?"

"Yaya, stop it. I'm still eating."

"Just answer me!" Medyo tumaas na ang boses ni Yaya kaya napayuko nalang ako.
Shet yung mata ko nanunubig na naman. Naging oa na talaga ako.

Napaisip naman ako sa tanong ni Yaya,

"Shit,"

Tinignan pa ako nito na parang hinihintay ang sagot ko, "Ano?"

Last week pa sana ako madatnan eh! Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na regular naman yung period ko pero last week di talaga ako nadatnan. Shet..

"L-Last week pa sana po ako-"

"Tangina! Ito na yung sinasabi ko eh!" Narinig kung bulong ni Yaya bago tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

Naiwan naman akong nakatunganga at napaisip sa period ko.

Ilang minuto lang rin ang lumipas at yung dessert na naman ang nilalantakan ko. Naramdaman ko naman ang mga yabag na papalapit.

"Gamitin mo to,"

Napakunot naman ang noo ko nang makita ang nakaplastic na pregnancy kit. Anong trip ni Yaya? Ba't niya ako pagagamitin nito.

"Yaya,"

"Wala ng tanong tanong. Gamitin mo muna yan." Hindi na ako nakapagreact pa nang hawakan ako  nito sa braso at dinala sa may  bathroom.

Walang imik naman akong pumasok sa banyo at tinignan ang 5 kits. Shet! Kinakabahan ako bigla.

Binasa ko muna ang instructions ng isang kit bago ko ito ginamit. Limang kits ang nilagay ko sa harap ko. Hindi ko naman mapigilan ang kabahan. What if tama ang instinct ni Yaya, what if I'm pregnant. Kaya ako nagkaganun every morning it's because of morning sickness. Fvck..

After ilang minuto lumabas na ang resulta. At sa limang kits na ginagamit ko isa lang ang resulta. Nanghihinang binuksan ko ang pinto ng banyo at nakatayo naman roon ang nag aalala kong Yaya.

"Ano?"

Speechless akong humarap sa kanya at nilahad sa kanya ang limang kits na nagpapa speechless sa akin. Parang nawalan ako ng energy at tanging kaba at panginginig lang ng aking mga paa ang naramdaman ko. Hindi ko ma napigilan ang sariling wag mapaluha sa nakita. I'm fvcked up!

"Yaya."

"Diyos ko!" Nakikita ko din sa mukha ni Yaya ang pamumutla nang makita ang resulta.

"It's positive. I'm pregnant,"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 87 76
Paano nga ba maging isang mabuting ina? Gaano kahalaga sayo ang kapakanan nang anak mo? Ano ang kaya mong gawin para sa ikaliligaya nang anak mo? Han...
345K 1.9K 11
Nang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to...
193K 6.7K 46
HE WAS A GAY Written by: ImVictorique Book Cover: Mushy23 Gay Series#3 She's a lesbian while he's gay. What will happen if 'LOVE' was on their way...
7.8K 165 46
THE UNWANTED GIRL SEASON 2 by cutenixA A tagalog-english story. BTS Jungkook x Blackpink Lisa LisKook story. This is just the beginning of their Fore...