The Gay Who Got Me Preggy

By pearlysel

1.5M 37.6K 2.5K

One night that changed everything. More

S y n o p s i s
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 4

29.9K 760 30
By pearlysel

"Wow! Beshy, para sa akin ba ang flowers na yan! Galing na naman ba yan kay Melmar ma'babes." Nagningning ang mga matang saad ni Aizan nang makita niya akong papalapit sa kanila.

IRAP yan ang natugon ko ng makita ang nangingislap na mga mata ni Aizan. Kislap sa pagkasabik. Hindi pagkasabik na makita ako, kundi ang pagkasabik na mauwi na naman niya ang bulaklak na dala-dala ko.

Ouch! Laban lang heart. Kaya pa natin to.

Napansin ko pa ang masamang tingin na iginagawad ni Aizan sa akin ng inirapan ko siya. Hindi ko nalang ito pinansin at nilingon ang isa ko pang beshy na nakasimangot na nag iwas ng tingin nang makita ang dala- dala kong bulaklak.

Hayst! Kahit di niya aminin. Alam kong nagseselos na'tong babaeng to. Marami na naman sigurong ang tumatakbo sa isip nito nang makita ang dala kong bulaklak. Hayst! Beshy Mertylle kung alam mo lang.

Lihim na napangite ako ng maalala ang nangyari kanena. Na kung saan may pa luhod-luhod pang nalaman si Henry.

Hayst! Henry. Pinahirapan mo lang talaga ako. Pa'no ko ibibigay sa bruhang to ang bulaklak at chocolates na ipabibigay mo. Kung gumawa kana ng moves na nagpapahirap sa akin.

Naisip ko tuloy kanena habang ini-explain ni Henry sa akin ang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka abnormal ang isang yon. Kung di rin naman kasi kalahating tanga at gago. Edi sana masaya na sana ang lahat. Di na sana ako namomoblema pa'no ko maitatawad kay Beshy Mertylle to, Di pa nga ako nakapag abot nito, nakasimangot na siya. Pa'no pa kaya pag malaman niya na kay Henry to galing, edi patay ako.

"Sarap ng irap te, lasang tsokolate." Narinig kong bulong ni Aizan. Ang dami ko nanngang problema tas dadag-dag pa ang baklang to, at kailan pa naging lasang tsokolate ang pag irap ng isang tao?

"Isang imik pa Aizan, makakatikim ka na talaga ng masarap na sampal. Well, di rin naman masyadong masakit tong kamay ko. Lasang tsokolate lang din naman."

"TSK.Sungit!" bulong nito pa ng bakla na narinig ko naman. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napaiwas siya ng tingin.

"Mer.." tawag ko kay Mertylle na nag iiwas parin ng tingin sa akin.

"Mertylle?"

Akward na lumingon naman siya sa akin. Nagtatanong pa ang mga matang tinignan ako. Ngumite muna ako rito bago nilahad ang bulaklak at ang chocolates sa kanya.

"Wag ng daming arte! No more ligaw² tingin please. This flowers and chocolates are for you, Beshy." Kitang kita ng dalawang mata ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Beshy Mertylle.

"What? Para sa akin?"

Marahan na tumango naman ako at nginitian ang bruha.

"K-Kanino galing?" Nauutal pa na aniya.

"Kay Henry." Mabilis na sumama naman ang mukha niya ng marinig ang pangalan ni Henry.

"Thanks, Precious. Hindi ko tatanggapin yan, it's for you. Wag mong ibigay sa akin. Kasi di niya yan binili para sa akin. And lastly, I'm not Aiza na--" Mabilis na pinutol ko naman ang litanya niya. Kasi nafefeel kong mag buburst out na talaga ang Beshy ko. Nababahid pa sa mukha nito ang pagka-inis.

Hayst! Nang dahil to sa'yo Henry! Ba't kasi dumadrama ka pa! Ayan tuloy! Naging demonyita na tong babaeng to.

"No. Di talaga to para sa akin. Para talaga to sa'yo, Beshy. I mean, binili to ni Henry para sa'yo at di para sa akin. Actually, inuutusan niya nga akong dalhin to dito para sa'yo kasi nahihiya siya sa'y--" Diko na natapos pa ang linya ko nang magsalita na rin si Mertylle.

"What the?! Anong trip niya?! Ikaw ang gusto niya! Patay na patay yon sa'yo! Tas bigla siyang magpapadala ng bulaklak at chocolates sa akin! Gago ba siya! Ma balak ba siyang tuhugin tayong magkakaibigan! That jerk--" Nagkasalubong ang kilay ni Mertylle na tinignan ako.

Wahh. I'm scared. Katakot ang mukha ng babaeng to. Para siyang tigreng may nakitang pagkain. Baka mamatay ako ng wala sa oras nito! Ikaw talaga Henry! Pahamak ka!

"Besh, kalma ka muna please. Natatakot na ako sa'yo. Before you complain, can you please listen to me." Malalim na humugot muna si Mertylle ng hininga bago tinignan ako. Wosh! Mahigpit na hinawakan ko siya sa kanyang mga braso at inayang umupo muna. Di naman siya nag react at umupo nalang din. Napansin ko naman ang naguguluhang tingin ni Aizan sa amin.

"What happened? Nag aaway ba kayo?" Pinanlakihan ko ito ng mata kaya tumahimik nalang din siyang umupo sa tabi ni Mertylle. Habang nakatayo naman ako sa harap nilang dalawa.

"Okay. Ganito kasi yon..." At doon ko sinabi sa kanila ang lahat, ang totoong nararamdaman ni Henry kay Mertylle ang ginawang kalokohan nito na kinainisan ni Mertylle. Natapos din ang isang oras na na ipaintindi ko kay Mertylle ang lahat, nawala na rin ang galit na nasa mukha nito. Hayst! Parang nabunutan ako ng tinik ng makita ko ang maaliwas na mukha nito, daming sagutan din kaya ang nangyari bago ko napa amo ang babaeng to. Okay na din dahil tinaggap na niya ang bulaklak at ang chocolates, pero sabi niya kanena na malalagot daw si Henry sa kanya pag nakausap na niya ito.

"Buti naman at di ka na nagmumukhang tigre, Besh." Napalingon naman siya sa akin at nginitian ako. Namumula pa ang mukha nito na napayuko.

"Crush din pala ako ng crush ko. Ang serep sa feeling." Bulong nito na nagpapangite sa akin.

"Ayieehh.." kantyaw ko rito sabay sundot sa tagiliran. Mas lalo pa namula ang bruha at niyuko ang ulo.

"TSK. Oa mo naman Mertylle, di natin alam na nagkunwari lang naman pala si Henry--Ouch!" Nakahawak sa ulo na saad ni Aizan.

Nakapameywang na hinarap ko naman ang bakla. Inggit lang to eh, wala kasing nagbibigay sa kanya.

Hayst! Kundito ka nalang kasi sa akin! Edi sana may mga ganyan ka din! Kaya ko kayang mag mala Lalaki. Taga bigay ng Rosas sayo at chocolates, kaso lalaki nga lang ang gusto mo.

"Wag kang panira Aizan! Isa pang salita makakatikim ka na ng mala tsokolateng sampal." Mabilis na inirapan naman ako ng bruho at nagdadabog na tumalikod sa amin. Agad na napalingon naman ako kay Mertylle ng nawala ang mga ngite na nakapaskil sa mukha niya.

"Besh? Wag kang makinig kay Aizan--"

"Besh, What if, tama si Aizan. What if, pinaglaruan lang pala ako ni Henry. What if--"

"Shh..Ako ang papatay sa kanya. At di siya luluha sa harap ko kung nagsinungaling lang siya. Mataas ang pride ng mga lalaki, pero kanena habang nanghihingi siya ng tulong sa akin. Sinabihan ko siya na dapat luluha siya sa harap ko para tulungan ko siya, at yes, lumuha siya. Imagine this, One of the hearthrob in our Campus, cried and beg to help him to get you." Natulala si Mertylle ng marinig ang sinabi ko.

"Oh my God! He cried? Baka naman pawis lang yon o di kaya, tubig na nilagay niya at di mo lang nakita---"

"He did. Nakita ng dalawang mata ko ang luhang tumulo galing sa mga mata niya." Napatakip si Mertylle sa mga bibig niya.

"Oh my God."

"Yes. Please Besh, let him. Let him prove you how much he loves you." Marahan na tumango naman si Beshy Mertylle.

Ilang minuto din kaming nag uusap lang doon, bago namin napagdesisyonan na pumasok na sa next subject namin.

••••••

Busy ako sa pagbabasa ng mga notes ko kasi sabi kasi ng Teacher namin kahapon na mag ququiz daw kami kaya heto ako. Study-study din pag may time. Baka magkaitlog na naman kasi ang manok mamaya. Bagsak pa ang labas ko.

Napalingon naman ako sa mga kaklase ko na kanena lang ay ang ingay pati na kina Mertylle at kay Aizan. Na ngayon ay nanahimik, yong bang parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan na'to te!

Napatingin naman ako sa pintuan ng makita kong napadako ang mga tingin nila Mertylle at Aizan doon.

"Melmar? Henry?" Bulong ko nang makita sina Henry at Melmar na nakatayo sa may pintuan.

Ngumite naman si Henry ng makita ako, si Melmar naman ay may dala pang bouquet of roses. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.

Anong eksena na naman ba to?

Naglalakad na papunta sa pwesto ko si Melmar. Yung mga kaklase kong nag aaral kanena ay napatingin na sa kanya. Napansin ko naman ang matamis na ngite ni Henry na naglalakad na din sa likuran ni Mertylle, mabilis itong umupo roon na nakatingin parin sa amin. Naguguluhan na nilingon ko naman si Melmar na nasa harapan ko na.

Ano tong pinanggagawa ni Melmar? Don't tell me mangliligaw na naman to ulit?

"Hi! My Precious,"Nakangiteng saad niya, sabay lahad ng bulaklak na dala niya.

Mabilis na tinaasan ko kaagad siya ng kilay ng nasa harapan ko na siya, nginitian pa ako ng bruho. Di mo ko madadala sa ngite-ngite mo Melmar.

"Ano na naman bang eksena to Melmar?! Diba, sinabi ko na sa'yo na hindi ako magpapaligaw." mahinahon pero may diing saad ko dito. Mas lalo pang uminit ang bunbunan ng ulo ko ng nginitian pa ako nito.

"Sino ba kasing may sabi sa'yo na nililigawan kita?" saad ng bruho habang may ngite paring nakapaskil sa mga labi.

Pinagtritripan ba ako ng lalaking to? Gumaganti ba siya kasi binasted ko siya? May balak ba siyang, ipahiya ako sa harap ng mga kaklasi ko?

"Kung ganun, ano tong eksenang to Melmar? Bakit may pabulaklak ka pang nalalaman?" Kunot na kunot na ang noo ko habang sinasalubong ang nangingislap niyang mga mata. I don't know what's on him. Ba't nangingislap pa ang mga mata ng lalaking to. Pag malaman ko lang na pinagtripan niya lang ako. Mapapatay ko talaga tong lalaking to.

"Oh? About this, just a friend offering. Ayaw mo ba? Di mo ba nagustuhan?" Nawala ang ngiteng nakapaskil sa mga labi ni Melmar ng mabilis kong tinulak pababa ang mga kamay niyang nakalahad ng bulaklak.

"Melmar. Dami mo pang arte, ba't di mo nalang ako kinausap agad. Gumastos ka pa, para lang sa ganito. Hindi ako mahilig sa ganito, Melmar. Tatanggapin ko ang pakikipagkaibigan mo ng walang bulaklak na'yan. Gumawa ka pa ng eksena, nagmala JaDine tuloy tayo rito. Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga Secret Admirers mo-"

"Wala akong paki sa kanila My Precious, you're all I need."

"Shhh... Wag ng bumanat." Napangite naman siya sa sinabi ko.

"So, FRIENDS?"aniya habang nilalahad ang mga kamay niya. Nakangiteng tinanggap ko naman ito.

"FRIENDS."

"Yes!" Bulong niya na narinig ko. Nilingon pa ulit ako nito at doon ko nakasalubong ang mapupungay na mga mata ni Melmar.

"C-Can I... C-Can I, hug you, My Precious?" Namumula pa si Melmar na napakamot sa batok. Wait, nahihiya ba siya? Ang cute pala ni Melmar pag nahihiya siya. Kaso nga lang, kay Aizan talaga ako. Di talaga ako nahuhulog sa charm ni Melmar. Speaking of Aizan, mabilis na napalingon sa ka pwesto niya. At doon ko nakita si Mertylle at si Henry na nag-uusap. Habang si Aizan naman nakatingin sa amin ni Melmar. Nagsalubong pa ang kilay ni Aizan na nakatingin sa amin, napangite naman ako ng wala sa oras na hinarap si Melmar na naghihintay sa sagot ko. At dahil sa may pumasok na kalokohan sa utak ko, kaya tumango ako. Alam ko kasi na pag-tatango ako, magseselos si Aizan. Magseselos siya kasi nga yayakapin ako ni Melmar, si Melmar na gusto niya at hindi ako. Ouch!

Mabilis na niyakap naman ako ni Melmar, nag ayiehh naman ang mga kaklasi ko. Napalingon ulit ako sa pwesto ni Aizan na masama ang tingin sa akin. Sorry Aizan pero gusto akong yakapin ng crush mo. How I wish, na sa kay Melmar ka nagseselos at hindi sa akin. How I wish, na ganyan ka sama ang tingin mo sa akin, kasi nagseselos ka kasi nga niyakap ako ni Melmar, kasi ayaw mong may yumakap sa akin na ibang lalaki. Kaso hindi eh, kasi alam ko, na ganyan ka sama ang tingin mo sa akin. Kasi nagseselos ka, nagseselos ka kasi kayakap ko ang crush mo. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanena pa ako nakabulagta dito.

Continue Reading

You'll Also Like

40.2K 799 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
187K 3.5K 31
A perfect girl and a perfect boy results to a perfect combination.
224K 9.4K 68
CLANDESTINE Written by: ImVictorique Book Cover: Mushy23 Gay Series#4 They have PAST and now a PRESENT. So what will be the FUTURE? Date started: Ju...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West