Her Greatest Battle (Editing)

By writerfreak13

278K 7.8K 602

(Formerly The Bookworm) Saka na ang description XD Kung curious kayo basahin niyo nalang. More

Prologue
Round 1
Round 2
Round 3
Round 4
Round 5
Round 6
Round 7
Round 8
Round 9
Round 10
Round 11
Round 12
Round 13
Round 14
Round 15
Round 16
Round 17
Round 18
Round 20
Round 21
Round 22
Round 23
Round 24
Round 25
Round 26
Round 27
Round 28
Round 29
Round 30
Round 31
Round 32
Round 33
Round 34
Round 35
Round 36
Round 37
Round 38
Round 39
Last Round

Round 19

5.8K 184 23
By writerfreak13


"Ms. Quintana?" isang mahinang yugyog ang nakapagpagising sakin.

"Ma'am!" bigla akong napatayo nang mapagtanto ko na si Ma'am Gatdula pala iyon.

"Hala s-sorry po! Nakatulog na naman ako." napayuko nalang ako.

"Can you help me carry those books in my office?" isang mahinahon na boses ang narinig ko.

Nagulat man pero sumunod rin naman ako.

"S-sige."

On our way . . . .

"You're not yourself this past days, Sky." she started "What's wrong?"

"I-I'm sorry. Medyo may pinagdadaanan lang."

"Can you tell me about it?"

Umiling ako "I c-can't. I don't want to talk about it yet. I'm not ready."

We stopped at the front of the faculty room.

"You don't trust me?"

"No! Hindi naman sa ganun. I-it's . . . . it's hard to tell for now."

She sighed.

"Naiintindihan ko at kung handa ka ng ikwento andito lang ako. Gusto kong tulungan ka okay?"

"Salamat."

"Osige na. Akin na yan at pumunta ka na sa klase mo."

"Sige. See you tomorrow!" nagbabye ako sa kanya at dumiretso sa next class ko.

Mabilis na tumakbo ang oras.

Dumaan ang lunch. Hindi ako sumabay sa kanila dahil wala akong gana.

Kasalukuyang tinatahak ko ang parking para makauwi na ako.

Then, nakita ko si Sunny na nakasandal sa kotse ko.

"Tapos na class mo?" she asked as I approached her.

I nod.

Inilahad niya ang kamay "Keys?"

"Ha?"

She rolled her eyes and snatched the keys in my hand then got inside my car.

"Kotse ko yan."

"Alam ko no! Sumakay ka na nga lang."

"Bakit? san ba tayo pupunta?"

"Sasakay ka ba o ibabangga ko 'tong kotse mo?" nagbabanta niya akong tinitigan.

Ugh bakit ba ganito ang babaeng 'to?

"Ano?" inapakan niya ang silinyador. The car roared.

"Aish eto na!" umikot ako sa kabila at pumasok sa passenger seat.

"Madali ka naman palang kausap eh." pinaandar niya ang kotse.

Hindi ko nalang siya pinasin at ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana.

Mga trenta minutos ang lumipas nang bigla siyang magpark sa isang buffet restaurant.

Nauna siyang bumaba.

"What are we doing here?"

"Sasayaw!" puno ng sarkasmo niyang sagot.

Nauna ulit siyang pumasok at wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil nasa kanya ang susi ng kotse ko.

Mabangong amoy ang bumungad sa amin dulot ng iba't-ibang pagkain.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Ang daming pagkain!

Iginaya kami ng waiter sa isang table. Magkaharap kaming umupo.

Busy ako sa pagtitingin ng pagkain ng magsalita siya.

"Since ako ang nagdala sayo dito, libre ko dapat next time ikaw naman."

Bigla akong napalingon sa kanya.

"Libre mo talaga?"

"Ayaw mo?"

"Sabi ko nga libre mo eh hahahaha."

Wala na akong inaksayang panahon at pumili na ng kakainin.

Tips para matikman lahat ng pagkain sa buffet:
Una sa lahat, get a little bit of everything. Wag yung takaw mata. Konti konti lang para magkasya lahat ng gusto mong kainin.
Pangalawa, iwasan ang uminom ng tubig o kahit anong liquid. Madaling makabusog ang mga yun.
Pangatlo, since mag Pinoy tayo at hindi mawawala ang kanin sa ating pagkain. Make sure na ito yung huli niyong kakainin dahil paniguradong mabubusog na kayo doon.
Pang-apat, kung karamihan ng nakain niyo ay mamantika. Uminom kayo ng tea or maligamgam na tubig para hindi kayo mahigh blood.

Matapos akong makapili ay bumalik na ako sa table namin at nauna na naman siya sakin.

"Uy mukhang masarap yan ah! Penge!" kumuha na siya agad kahit hindi pa ako nakakaoo, dibale libre naman niya.

"Masarap nga!" kumuha ulit siya.

Napansin ko ang plato niya na pasta ang laman.

"Paborito mo ang pasta?"

Tumango siya "Pero number one ang palabok." at patuloy ang pagkain niya sa laman ng plato ko.

"Kumain ka ba?"

"Hindi."

"Ha? bakit?"

"Pinaghandaan ko 'to."

"Eh paano pala kung nagcommute ako at hindi mo ako nakita, mag-isa kang kakain dito?"

"Hindi na ako kakain dito. Hassle. Ang mag-isa lang ako. Parang tanga yun."

"Ah okay." pinagpalit ko ang plato namin. Halos maubos niya na eh.

"Ayun nakaramdam rin!" at nagpatuloy siya sa paglantak ng pagkain ko.

Nagpatuloy ang paglamon namin.

Tumigil lang kami para manuod ng mga nagluluto. May open kitchen sila.

Eto namang kasama ko ay parang bata na nanunuod ng kids show. Tuwang-tuwa siya.

"If you really love to cook, why didn't you take Culinary Arts?" I asked.

"Mas love ko ang magtravel. I can take a two year training naman after I graduate."

"What are your plans after you graduate?"

"Rest for a year then magtetrain ako under my father to handle our business. Tapos siguro 2 years pa and I can run it on my own na."

"Wait, kung ikaw din maghahandle ng business niyo bakit ndi business management ang kinuha mo?"

She rolled her eyes "Ugh kasasabi ko lang diba? I love to travel."

"Alam ko kaso diba para mas alam mo kung pano magpatakbo talaga ng isang business."

"Hindi naman ako kinontra ni Dad nung pinili ko yan and I as said, magtetrain ako under him. Actually, bata palang ako nung inintroduce niya ako in the world of business so kahit papaano may idea na ako."

"Wow, ikaw na!"

She flipped her hair "I know right?"

"Teka, nagtataka lang you never mentioned your Mom?"

"Well um she died of cancer when I was 5."

"Oh I'm sorry."

"It's okay. Anyways, desserts naman tayo? ang daming variety ng cake oh!" turo niya doon sa mga nakadisplay na sweets.

"Ayoko. Walang mocha flavor."

"Ang arte mo naman. Masasarap kaya yang mga yan."

"Matamis naman. Basta ayoko."

"Bahala ka nga." iniwan niya ako at kumuha ng pagkain.

Lamon ulit.

Coffee drinker pala ang isang 'to. Nakakadalawang baso niya siya eh. Nung tinanong nga ako kung iinom ako at nang sinabi ko na hindi ako umiinom ay gulat na gulat siya.

Ano ba daw ang problema ko sa kape. Sinubukan kong iexplain sa kanya kaso inunahan na niya akong sermunan sa benefits ng kape.

She can be really annoying.

Dalawang oras ang lumipas at busog na busog kami.

Bes ang hirap huminga.

"I have never been this full in my entire life, ngayon lang!" sabi ko.

"Hahahaha ako din."

"Nakakaantok. Tara na at umuwi. Susi ko?" binigay niya sakin yun at inihatid siya sa kanila.

The next day.

"Sige Ma'am, una na ako sayo." paalam ko sabay labas ng room.

Pero natigil ako ng makita si Sunny.

"Bat andito ka pa?" tanong ko.

Imbes na sagutin ang sagot ko ay inabot niya sakin ang isang box.

"Para sayo."

Kinuha ko "Akin?"

"Oo. Kainin mo. Sige, maiwan na kita." at umalis siya.

Binuksan ko at nakita ang mocha cupcakes.

Bes, mukhang masarap.

Okay, tiis muna. Mamaya ko na kakainin.

Pumunta na ako sa next class ko.

Lunch.

"Uy ano yan?" tanong agad ni Mico.

"Cupcakes."

"Talaga? penge kami!" - Dom.

"Ayoko nga."

"I know that box." sabi ni Erika sabay sulyap sa katabi niya. Yung isa naman patay malisya.

"Thank you dito Sunny ha?" I smiled kahit na hindi niya ako tiningnan dahil busy siya sa phone.

"Teka akala ko ba hindi ka mahilig sa matamis?" - Mico.

"There's always an exception."

"Mocha yan no? Hay naku, wag na tayong umasa guys. Hindi talaga mamimigay yan." - Dom

I chuckled.

"Nakakatampo kayong dalawa ha? Guys, nagbuffet ang mga yan kagabi at hindi man lang nag-aya." sumbong ni Erika.

"What? Ang daya!" - Mico

Si Dom naman ang pinaniningkitan ako ng mata.

Bahala sila dyan. Basta ako masaya kasi may pagkain ako.

YUM.

Sunny's

Masaya silang nagkukwentuhan habang papunta kami sa parking. Oo, sila lang dahil tinatamad ako ngayong magsalita.

Pinagmasdan ko si Sky. Mas maaliwalas ang mukha niya kesa nitong mga nakaraang araw.

Naaalala ko nung mga araw na para siyang binagsakan ng langit at lupa. Alam niyo yun? parang pati yung paligid nakikisabay sa mood niya.

Ang gloomy.

Black and white.

Walang buhay.

Atleast ngayon, hindi na ako makokonsensya kapag inasar ko siya.

Bwahahahahahaha.

Natigil ang kwentuhan ng may isang babae ang biglang sumulpot. Same girl na nakita namin noon at feeling ko dahilan sa kaabnormalan nitong si Sky.

"Can we talk?" she asked Sky.

Nakatalikod sakin si Sky kaya hindi ko kita ang reaksyon niya. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

"There's nothing to talk about."

Nilagpasan niya ang babae.

Napako kami sa aming kinatatayuan.

Chismosa na kung chismosa pero naiintriga ako sa kung ano bang meron sa kanila.

"Patay na si Papa." the girl said.

Sky stopped.

"Condolence then." she started to walk again and the girl ran after her.

She held her arm and plead "Please, we need to talk. I need to tell you everything." the girl was on the verge of crying.

"No need because what you said to me that day is enough."

May halong gigil ang bawat bigkas niya ng salita. Puno ng galit.

"No, please just listen to me."

Pilit niyang inalis ang kamay ng babae at muli siyang naglakad palayo.

Umiiyak na ang babae.

"I want you back. I still love you and I want you back!"

"W-what?! They're ex-lovers?!" - Erika

Same reaction with her.

Sumulyap ako kay Sky na huminto muli pero nakatalikod pa rin.

"Sorry but you're a year and a half late."

Muli ay naglakad siya at bubuksan na sana ang kotse ng magsalit ulit ang babae.

"I'll do everything to win you back!"

Walang emosyon siyang tinitigan ni Sky at walang imik na pumasok sa kotse at umalis.

Biglang bumagsak ang babae at lalong lumakas ang pag-iyak.

Lumapit naman si Dom sa kanya at inalo ito.

I sighed.

Why do I feel like something will happen? and everything will change from now on?

~~~~~~~~~~~~~

Sa mga sumagot sa tanong ko last time, thank you po! I really appreciates it 😊.

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 1.7K 71
Anathema Series #1: Sexuality Xiana Michelle Lim ay isang grade 10 student sa Notre Dame University-Junior High School kung saan lagi na lang siyan...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
171K 6.2K 83
When you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief i...
5.6K 234 21
I will love you til the end..