Lost Stars

By makabagongcinderella

17.1K 690 141

A love story about a cancer patient and suicidal girl who fell inlove with each other #78 in Chicklit (Septem... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Characters/Soundtracks/Questions etc.
The End in 2,017 words
Author's Note// Thank You Note

Chapter 24

285 12 6
By makabagongcinderella

-x-

Jayla

Nagising ako kinabukasan na nakaupo si Reid sa dulo ng kama ko. Masaya akong makita sya pero iba ang ekspresyon na nakikita ko sa mukha nya.

Sinubukan kong dedmahin ang mga hinala sa isip ko at ngumiti sakanya. Tumango naman sya at lumapit sa akin.

"I'm sorry.." Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita" bulong nya.

Bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na sya at naglakad papalayo sa akin.

Gusto ko syang habulin.. Gusto ko syang pigilan, pero naguguluhan parin ako. Ano bang nangyayari? Bakit ba sya nagkakaganyan? Ano bang problema?

Masyado akong nalunod sa sarili kong pag-iisip na hindi ko namalayan na wala na pala sya sa loob ng kwarto ko, nakaalis na pala sya.

Natapos ang araw na yun na hindi na ulit nagparamdam si Reid. Kahit anino man lang nya ay hindi ko nakita.

Hindi ko alam kung anong nangyayari.. Pati ako ay naguguluhan din.

Buti nalang at nandyan si Harry para aliwin ako kasi kung hindi baka nabaliw na ako sa kakaisip. Idagdag mo pa lahat ng binubulong sa akin ng sarili kong inner demons.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa walang humpay na pagring ng cellphone ko. Masigla akong tumayo galing sa pagkahiga. Nag cross-fingers pa ako bago tingnan ang cellphone pero nadissapoint naman ako kaagad ng makitang hindi si Reid ang nagtext o tumawag.. Kundi si Harry at ang Detective.

From Harry:

Good morning!

Napangiti naman ako ng makita ang text ni Harry. Parang narinig ko nanaman sa isip ko ang british accent nya. Sobrang sarap sa tenga.

Buti pa si Harry nag-gugood morning eh no? Eh yung boyfriend mo? Walang keber! Sinabunutan ko ang sarili ko. Nakakapagod. Ayokong mag-overthink pero paano ko naman maiiwasan yun eh laging naka buntot sakin tong inner demons ko.

Napabuntong hinga nalang ako at dinedma nalang ang mga sarili kong paghihinala.

From Detective:

Alam na namin kung sino ang may sala sa pagkamatay ng Daddy mo. Magkita tayo sa Presinto at 8pm sharp.

Pagtingin ko ay 7:45 na. Dali-dali akong naligo at nagbihis tsaka bumaba na.

Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na pabalik-balik na naglalakad galing kusina papuntang sala at galing sala papuntang kusina. Bakas sa mukha nya ang takot at pagkabahala. Nang makita nya ako ay bigla syang tumigil.

"Halika na" sabi nya. Tumango lang ako at sinundan sya papunta sa kotse.

————×

Medyo malayo ang byahe pero nakarating naman kami agad. Bukod sa walang traffic dahil may holiday ngayon ay mabilis ding magpatakbo ng sasakyan si Mommy.

Pagdating namin dun ay as katulad ng dati, pinapasok kami sa isang silid na walang kabuhay-buhay ang kulay ng dingding at isang mesa, ilaw at tatlong silya lang ang laman.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang Detective at nagsimula na syang magsalita pagkaupo na pagkaupo namin.

"May lumitaw na witness tungkol sa pagkamatay ni Sir George. Pinakiusap nya lang na wag na banggitin kung sino sya." He stated.

May inabot sya na tig-iisang folder sa amin..

"Ang taong yan ang bumangga kay Sir George. " sabi nya.

Di na ako nagdalawang-isip at binuksan ko kaagad ang folder.

..

..

..

Pakiramdam ko ay nasuntok ako. I felt winded. For a split second, i wished na sana isa nalang tong isang masamang panaginip.

But no..

Totoo to, totoo lahat ng nangyayari.

I never thought that the world could hurt so much.

I've been through hell, but hell is nothing compared to this.

Ang Mama ni Reid ang pumatay sa Papa ko?

————×

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko habang niyayakap ang tuhod ko at umiiyak.

Kanina pa katok ng katok si Harry sa pintuan pero hindi ko sya pinapansin. Gusto ko lang mapag-isa.

Life is so unfair. How could other people be so happy while I'm here living the worst life?

May galit ba sakin ang mundo para iparamdam nya ang ganitong sakit? Ano ba ang kasalanan ko para maging karapat-dapat sa paghihirap nato?

Of all people.. Bakit ang Mama ni Reid pa? Bakit sya pa?

Bakit kailangan pang mangyari toh?

The mother of the man i love so much is the one who killed my father.

The one who left my father alone in the middle of the road until he died.

Gusto kong magalit, gusto kong maghiganti.. Pero paano? Paano ko masasaktan ang ina ng mahal ko? Paano ko magagawang maghiganti kung alam kong masasaktan si Reid?

Pwede bang maging selfless? Pwede bang isipin ko naman ang sarili ko? Ang tanong.. Kaya ko ba?

Life is so cruel.. To me.

Maraming araw ang nagdaan na nakakulong lang ako sa kwarto at walang kinakausap na kahit na sino. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsisink in sakin ang lahat ng nangyayari.

Nabalitaan ko nalang na nakakulong pala ang Mama ni Ried pero agad ding nakapagpyansa dahil wala naman talagang ebidensya na sya talaga ang nakabangga. Hindi na rin nagpakita pa ulit ang sinasabing witness.

Pumunta ito sa bahay namin ng ilang beses pero pinapaalis ito ni Mommy. Gusto kong maawa sakanya pero agad itong napapalitan ng galit.

She is the one who killed my father. Iniwan nya lang si Papa dun. Pwede naman nyang dalhin sa Hospital diba? But she didn't.

Kung hindi dahil sakanya ay sana buhay pa si Papa.

————×

"Jaylaaaaaa! Halika na!" Pagpilit nya habang hinihila ang braso ko.

"Harry naman e, Ayoko nga! Wala akong gana maglakwatsa" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nya sa braso ko.

"Samahan mo lang ako sa Dairy Queen! I'm craving ice cream! Sige na!" Sabi nya sabay pout. Sobrang naaadik ako sa british accent nya. Paturo nga ako next time.

Wala akong nagawa kundi magdabog papunta sa cabinet, kumuha ng damit at magbihis. Masyadong mapilit si Harry at alam kong hindi sya titigil hangga't di ako pumapayag.

———×

"Faster!" He said which sounded like "Pasta" o "Fasta". Hawak- hawak parin ni Harry ang kamay ko nung pagpasok namin sa Mall. Medyo naiilang ako kasi hindi naman ako sanay na hinahawakan ang kamay ko sa mga mataong lugar.

"Hoy Harry!  San ba tayo pupunta? Nandun ang Dairy Queen eh!" Reklamo ko nang mapansin ko na hindi naman kami pumupunta sa direksyon ng Dairy Queen kundi sa isang maliit na souvenir shop.

"Wait lang may bibilhin lang ako!" Sabi nya saby ngiti sa akin ng sobrang laki. Inirapan ko lang sya.

Pumasok kami sa isang souvenir shop. Sobrang eye candy talaga ni Harry dahil kitang-kita ko na lumingon agad lahat ng babae sa shop pagpasok namin, kahit ang ibang babae ay kasama ang boyfriend nila. Kulang nalang siguro ay mag korteng puso ang mga mata nila.

Ang iba ay nag 'Hi' pa kay Harry at nagwave. Nginitian lang sila ni Harry at tinanguan.

Medyo na conscious naman ako sa mukha ko. Baka kasi nagmumukha na akong personal alalay ni Harry. Tiningnan ko ang sarili ko sa isang binebenta nilang salamin at pagkakita ko sa sarili ko ay medyo nagulat ako. Mukha nga akong alalay. Nakatshirt ako na sobrang oversize, nakashort, naka sneakers at naka bun lang ang buhok ko at sobrang makalat pa. Bukod dun ay sobrang oily pa ng mukha ko at maputla.

"Jayla! " Harry snapped his fingers infront of me. "Wear this" utos nya sabay abot sa akin ng isang grey T-shirt na may nakalagay na "His Queen"

"Ano to?" Tanong ko. Umirap lang sya at kinaladkad ako papunta sa fitting room. Wala akong ibang nagawa kundi suotin ang T-shirt.

Paglabas ko ay kakalabas nya lang din sa isang fitting room. Suot nya din ang isang T-shirt na kakulay nung sa akin at may nakalagay din na "Her King"

Tumakbo sya papunta sa akin habang sobrang laki ng ngiti. "Wow, it looks good on you.." Wow, it leeks ged on you. It sounded like that.

Hinila nya ako palabas at nagtinginan nanaman ulit ang mga babae sa amin.. I mean sakanya.

"Uy Ate, can you take uh--" sabay abot nya ng cellphon dun sa isang tindera. Hindi pa nga sya natapos magsalita ay lumapit na agaf ang bavae sakanya habang tango ng tango. Nagblush naman si Ate habang inaabot ang cellphone ni Harry.

"Wait.. " sambit nya sabay harap sa akin. Kinuha nya ang tali ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya.

He smiled at me and he mouthed 'Ayan'.

Kahit awkward dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon ay pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa camera.

Pagkatapos naming magpapicture ay nagpaalam na si Harry sa mga tao sa shop at hinila ako papunta sa isang Ice Cream Parlor.

"Hahaha, ikaw talaga!" Napalingon ako sa likod nang mkarinig ako ng isang pamilyar na boses. Boses iyun ni Reid.

Nasa likod pala namin sya. Nakaharap sya sa babae nyang kasama habang tawa sila ng tawa.

Napayuko ako at napansin naman siguro ni Harry na biglang nanlamig ang mga kamay ko.

"Are you okay?" He asked.

"Cr lang ako" paalam ko sabay takbo palabas.

Pero sa kasamaang palad ay nabangga ko ang babaeng kasama ni Reid. Nagsorry ako pero hinawakan nya ang kamay ko sabay sigaw ng "Aba bastos ka ah"

Tangina. Tangina talaga!

"Sorry nga sabi eh" Napasigaw na din ako. Kahit hindi ako sanay sa public attention e hindi ko naiwasang sumigaw.

"Ganyan ka ba magsorry ha!" Hindi ko alam kung anong ikinagagalit nya. Hindi naman sya natumba o namatay. Sana nga e namatay nalang sya para kahit konti ay naguilty ako.

"Aba--" sasampalin na sana nya ako nang biglang lumapit si Reid sa amin at hinawakan ang kamay nya.

"Ayish, tama na.. " sabi nya.

Fuck. Naiinis ako.

"What happened here?" Bigla namang dumating din si Harry. Kita kong kumunot ang noo ni Reid habang tinitingnan ang Couple T-shirt namin ni Harry.

Tiningnan nya ako habang nakasmirk.

Bigla syang nagwalk-out, sinundan sya nung haliparot nyang kasama pero parang may sinabi si Reid dito kaya tumigil sya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para habulin sya at iwan si Harry dun mag-isa.

"Reid!" Sigaw ko. Bigla naman syang tumigil.

Nasa pintuan kami ngayon ng fire exit ng mall. Walang ibang tao kundi kami lang.

"Ano?" Walang gana nyang tanong.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Pake mo? Ano ba kita?"

Ano ba kita?

Tama. Ano nya ba ako?

Ako lang ba ang nag-assume na may something sa aming dalawa? Ako lang ba ang umasa na mahal nya din ako tulad ng pagmamahal ko sakanya?

Walang ni isa sa amin ang nagsalita.

I tried to break the silence by asking him something na matagal ko nang gustong itanong sakanya.

"Alam mo ba na yung Mama mo ang pumatay sa Papa ko?" Tanong ko. Sinubukan kung pigilan ang sarili ko na umiyak pero hindi ko nagawa. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko.

Tumango sya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I felt numb for a second. Shoot me now and i will feel nothing. Wala nang mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon.

Sinampal ko sya. Lahat yata ng lakas ko ay binuhos ko sa sampal na yun.

Napapikit ako. Ayokong makita ang mukha nya. Baka makonsensya ako. At ayoko. Ayokong maawa sa lalaking toh.

Tumalikod ako at naglakad na papalayo sa kanya.

————×

Sorry guys!  Sorry dahil wala akong update for two days. Huhuhu sabi ko naman sainyo diba, may lagnat ako. Pero okay na ako :D Malakas na ulit hahaha!

Thank you sa reads, comments at votes guys! Mwa!  xo

Btw, here's my social media accounts !

Facebook: www.facebook.com/gale.anggoy
Twitter: aestheticgaleee
IG: makabagongcinderella
Tumblr: aestheticblurryface

Hahaha :))










Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...