Lost Stars

By makabagongcinderella

17.1K 690 141

A love story about a cancer patient and suicidal girl who fell inlove with each other #78 in Chicklit (Septem... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Characters/Soundtracks/Questions etc.
The End in 2,017 words
Author's Note// Thank You Note

Chapter 23

255 11 1
By makabagongcinderella

-x-

Reid

"Hindi ko alam.. Sasabihin ko ba kay Reid? Natatakot ako. Baka anong mangyari.. Paano kung makulong ako?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong umiiyak si Mama habang may kausap sa telepono.

"Nakokonsensya ako. Pero ayokong makulong Jhing. Paano na ang anak ko? Hindi ko sya kayang iwan mag-isa. Alam mo naman ang sitwasyon nya diba?" Mas lumakas ang paghahagulhol ni Mama. Si Tita Jhing pala ang kausap nya. Pero hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin? Bakit sya makukulong?

Nakasirado ang pintuan ni Mama pero rinig na rinig ko parin ang mga paghahagulhol nya at ang mga sinasabi nya.

At malinaw na malinaw sa akin ang huling narinig ko.


———×


Napangiwi ako ng marinig ang malakas na dagundong ng music sa bar. Pakiramdam ko na sa bawat beat ay parang may sumusuntok sa dibdib ko.

"Isang tequila pa nga!" Utos ko sa isang bartender sa harapan ko. Ramdam kong uminit ang sikmura ko nang lunukin ko ang tequila. I know this is not good for my health but who cares? I'm dying anyway.

Nilagyan ulit ng bartender ang maliit na baso sa harapan ko. Iinumin ko na sana nang biglang may humawak sa kamay ko.

"The hell? Let go of me." I demanded. Sobrang init at medyo blurry na ang paningin ko pero kitang kita ko parin ang mukha ng babae sa harapan ko.

"Hey. You look familiar" i told her. Obvious na obvious sa tono ng pananalita ko ang pagkalasing.

"I'm Ayish.." She smirked. "I'm your nurse" she told me. I raised an eyebrow at her. Muntik ko pang mabuga ang iniinom ko dahil sa sinabi nya.

"You're a nurse? Haha" i said in a sarcastic voice.

She just nodded. I laughed. Is she really a nurse? Hindi bagay.. Hindi halata.

She playfully hit my arms while biting her lip. She's wearing a mini skirt at sleveless. Fit na fit ang damit nya sakanya kaya klarong-klaro ang cleavage nya. Maganda naman sya. She got a body like a goddess. Any guy would do everything just to get a chance to touch this girl. But I'm not one of them.

She run her fingers from my elbows to my hands, like she's seducing me. Umiling lang ako.

Hinawi ko ang kamay nya sa kamay ko at ininom ang tequila sa baso.

Umiling sya. "That's bad for you Reid.." Bulong nya sabay halik sa tenga ko.


I felt my whole body tensed. Ramdam ko ang lakas ng pagnanais na halikan at gawin ang gusto kong gawin sakanya. After all, I'm just a guy. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Mahal ko si Jayla. Ayaw ko syang saktan. Ayokong madagdagan pa ang kasalanan ko sakanya.

Tumayo ako at naglakad paalis. I felt tipsy at pagewang-gewang na ako sa paglakad. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at sakit sa sikmura kaya nagsimula akong magsuka sa labas.

Bigla kong naramdaman ang kamay na humahaplos sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Ayish. Urgh ang kulit .

Inirapan ko lang sya. Wala akong lakas magsalita. Sobrang sakit pa ng ulo ko. Umupo ako sa isang hagdan malapit sa pintuan ng exit ng bar. Di naman na ako nagulat ng tumabi sa akin si Ayish.

Kahit mahirap ay sinubukan kong ibukas ang bibig ko at magsalita.

"Look.. If you want to have sex with me.. Then I'm telling you it's a no. Ayoko. Sa iba nalang" i know i sounded mean. Hindi naman talaga ako ganun makipagsalita sa kahit sinong babae. Epekto siguro ng alcohol at matinding sakit ng ulo.

I wanted to apologize to her but i didn't, baka isipin nyang nagbago ang isip ko. Mas mabuti ng naging mean ako sakanya para lubayan nya na ako.

Akala ko sasampalin nya ako ng humarap sya sakin.. Pero hindi. Umiling lang sya habang tumatawa.

"You're so full of yourself.." She said, loud enough para marinig ko.

"Bakit ka nga pala umiinom? Diba dapat nasa bahay ka lang at nagpapahinga?" She asked, sa tono ng boses nya ay para syang nanunukso o nang-iinsulto.

"Psh" i laughed.

Tumayo ako at nagpaalam na. Narinig ko pa syang sumigaw pero di ko sya pinansin. Patuloy lang ako paglalakad..

Biglang may kumalabog at paglingon ko ay nadapa pala si Ayish.

Umiling naman ako bago naglakad pabalik sa kanya.

"Tanga" i said sabay abot ng kamay ko sakanya.

"Wow thanks" she said sarcastically. Hindi nya pinansin ang kamay ko at tumayo sya mag-isa.

Nagtinginan lang kami ng ilang minuto bago ko napagpasyahan na kailangan ko na talagang umuwi. Nagpaalam ako at tumango naman sya.

Pero hindi pa nga ako nakakalayo ay hinabol na naman nya ako.

"Ihahatid nalang kita. Lasing ka na, baka mapano ka pa." She told me.

I refused pero mapilit sya kaya pumayag nalang ako.

Dinukot nya galing sa kamay ko ang susi. Tinanong nya sakin kung saan ang kotse ko.

"Follow me." Utos ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kotse ko.

Pagdating namin dun ay sumakay ako sa back seat, ayokong tumabi sakanya.

"Wow, magmumukha akong driver nito" reklamo nya. I just smirked.

Akala ko ay bababa sya pero hindi. She started the engine at nagsimula ng magdrive.

Ang layo pa ng byahe. Walang kahit na sino man sa amin ang nagsalita.

Kahit sobrang sakit na ng ulo ko ay hindi parin ako makaidlip dahil from time to time ay nagtatanong sya kung saan sya liliko o kung saan dadaan. Pero pagkatapos nun ay magiging tahimik nanaman kami ulit.

Finally, mukhang alam na naman ni Ayish ang daan papunta sa amin. Sabi ko kasi na sa parteng toh ay didiretso nalang sya kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon na makatulog.

————×

"Ma, ano yun?" Tanong ko. Nagising kasi ako ng marinig ang malakas na tunog ng pagbagsak galing sa labas ng sasakyan. Parang nabangga kami sa isang bagay. Akala ko nga ay nabangga kami sa kahoy dahil sa lakas ng impact pero pagtingin ko sa labas ng kotse ay wala naman. Nasa harap lang kami ng isang building.

"Ah.. Eh.. W-wala. Nabangga ko lang yung malaking drum ng basurahan" Sagot nya. Napakunot ako ng noo dahil nagtataka ako kung bakit sya nauutal. Nasa likod ako nakaupo habang si Mama naman ang nagmamaneho.

Hinawakan ko ang balikat nya. "Ma, kalma lang. Basurahan lang naman yun diba?" Sabi ko sabay tawa.

"Ah.. Haha..O-oo nga" sagot nya. Pinaandar nya na ulit ang kotse at inatras ito para iwasan ang drum daw ng basura. Pinikit ko naman ulit ang mata ko at natulog..

"Reid.. Reid!" Bigla kong naimulat ang mata ko ng gisingin ako ni Ayish.

"Ito na ba yun?" Sabay turo ng bahay namin.

Tumango lang ako. Lumabas sya sa kotse at pumunta sa likod. Binuksan nya ang pintuan ng back seat at inalalayan ako palabas ng kotse.

Hinawakan nya ang braso ko at isinabit ito sa balikat nya para hindi ako matumba.

Pagdating namin sa pintuan ng bahay namin ay nagdoor bell sya. Agad naman itong binuksan ni Mama.

"Reid? Nako!" Sabi ni Mama sabay inalalayan ako papaunta sa couch. Narinig ko namang nagpaalam na sakanya si Ayish at nagpasalamat naman si Mama.

"Bat ka naglasing?" Sigaw nya. Alam kong galit na galit sya.

"So what?" I answered with a smirk.

"Ano bang nangyayari sayo? Excited ka na ba talagang mamatay at nilulunod mo yang sarili mo sa alak? Hindi mo ba alam na bawal ka dyan? Mas lalala ang kundisyon mo! Kailan ka ba makikinig sakin?" Sigaw nya.

"Eh ikaw! Kailan mo ba aaminin ang kasalanan mo? Kailan ka ba susuko sa mga pulis?" Sigaw ko din.

Bigla naman syang natahimik. Kitang-kita sa mukha nya ang pagkagulat.

"A--anong ibig mong sabihin?" Tanong nya. Nanginginig ang kamay nya. Sunud-sunod din ang pagtulo ng mga luha nya sa sahig.

"Akala mo di ko alam? Narinig kita na kausap si Tita! Paano yun nakayanan ng konsensya mo Ma?"

"Hindi ko yun sinasadya. Iniisip lang kita. Paano kung makulong ako! Paano ka?" Mas lumakas naman ang paghagulhol ni Mama

"Natakot ako. Natakot ako na baka.. Na baka.. Makulong ako at di na kita.. Di na kita makasama.. Paano kung.. Mawala ka habang nasa kulungan ako?... Paano kung.. " she said in between her sobs.

"Kahit na. Mali parin ang ginawa mo Ma!" I shouted. Hindi ko alam kung maawa ako o magagalit sakanya.

"I-im sorry.. I'm sorry.. " she said. Nakayuko sya sa harapan ko habang umiiyak pa rin.

"Hindi mo naman ako isusumbong Anak diba?.. " She begged.

"I'm not sure.. " umiling ako. "Mahal kita Ma pero mahal ko din si Jayla.. "

—————

Hi :D may nakagets na ba? Ha? Hahaha. Sorry kung medyo shitty (if you find it shitty) ang chapter nato. May lagnat kasi ako. :( Tinry ko lang talagang mag-update kasi ayokong pinapahintay kayo.

Ang mga naka italicized ay ang mga nangyari bago naging cold si Reid kay Jayla.

Thank you sa reads, comment at votes guys. Mag tu-2k na ang Lost Stars. Angsaya hahaha.



















Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
3.5M 149K 17
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...