Manhater

By GADGOT7

687 39 2

I hate him. Ayaw ko sa kanya. Ayaw ko siyang makita. Malandi siya. Walang isang salita. Magaling manakit ng f... More

Prologue
Parents
First Day
Annoyed
Suplada't Suplado
Close?
Her Story
Birthday Party - Jessie Forestine
Mine
Sapphire DeGuzman
Horan
Nagka-ayos
Confrontation
Break-up
Hurt
Court
Akin Siya, Walang Sa'yo
Sweetness Overload
Engaged
Epilogue
Special Chapter (1)

Confession

20 2 0
By GADGOT7

VIII








pagkatapos ng birthday ng pinsan ko, hindi na namin siya nakausap kaya nag-aalala na ako...






Ano kaya nangyari dun sa babaeng yun?! Gago rin kasi si Justin e, sinama ba naman si Lily sa birthday party... and take note! Ex niya pala yun... ang tagal na naming magkaibigan ni Justin, pero nung party ko lang talaga nakilala ang ex niya. Ampota, napag-iiwanan na talaga ako







Pumunta ako sa bahay nila Jessie para sabay na sana kaming pumasok kaso nakita kong may mga pinapasok na maleta sa loob ng sasakyan... sino aalis? Si Tita? Tito?






"Morning Tita, Tito! Si Jess po?" Tanong ko






Napansin kong seryoso ang mukha ni Tito at hindi man lang ngumiti, samantalang si Tita naman ay namumugto ang mga mata, uh oh! Ano bang nangyayari?





"Tell to that man-Justin na hinding hindi niya na makikita ang anak namin" seryosong sabi ni Tito





"Carl!" Saway ni Tita





"Why?! Sinaktan niya ang anak natin, sobraaaa! Sa birthday pa niya mismo, how can I relax to that Danielle? Wag na wag magpapakita sa akin ang lalaking yon at talagang mapapatay ko siya" sabi ni Tito




Sinaktan?





"hmm iho, nasa kwarto si Jess, puntahan mo muna siya" sabi ni tita at agad naman akong tumango at tumaas na sa kwarto ni Jess







Kumatok ako at binuksan ang pinto, tumambad sa aking harapan ang nakabihis na pinsan ko at hawak ang isa pang maleta





"Jess?" Sabi ko.






Nanlambot naman ang mukha niya nang makita ako at agad siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap, at doon na siya humagulgol ng sobra sobra.





Tangina, anong ginawa ni Justin sa kanya.





"Kuya... kuya..." sabi niya, hinagod ko naman ang likod niya at pinapatahan siya





"Shhhh. Wag kang umiyak... magalit sa akin ang bestfriend mo, you want that?"




Umiling naman siya at hinarap ko siya sa akin, hindi ako makapaniwalang umiiyak si Jess.. hindi ako sanay! Hindi iyakin ang pinsan ko.





"Anong ginawa ni Justin sayo?" Seryoso kong tanong





"Wala na kami kuya" naiiyak pa rin niyang sabi, gago yun! Humanda siya sa akin.





"...kuya, sana... sana wag kang magalit sa kanya, ayaw kong masira ang friendship niyo" sabi niya, hays! Jessie is good enough to Justin! Tatanga tanga na naman ang lalaking yun





Hindi pa rin ako nagsasalita kasi naiinis ako sa nangyayari, nag-iisip na ako nang paraan kung paano ko susuntukin ang lalaking yun.





"Kuya, aalis na kami. Papa already fixed my papers at school. Aalis na kami ng bansa, I won't tell you the place but I promise na icocontact ko kayo parati ni Zy" sabi niya





"Gad Jess. Aalis ka? Dahil sa lalaking yun?!" Inis kong sabi





"No Kuya... aalis ako kasi pumayag na ako sa desisyon nila papa at mama, ako lang naman ang inaantay nila e, kaso pabebe kasi ako masyado this past few days, pero ngayon... sasama na ako" sabi pa niya





"How can I explain this to Izzy?" Naaasar kong sabi, mamaya ako awayin ng babaeng yun! Ngayon ko pa sana balak magtapat na nagugustuhan ko na siya! Tama kayo, gusto ko na si Izzy...






"Mabait yun, just explain it to her... babalik pa rin naman ako e" sabi niya





"Kailan?"





Yumuko naman siya, tsssk. Wala pa ngang kasiguraduhan kung babalik pa siya e





"Basta kuya... wait for me nalang, dapat pagbalik ko, may baby na kayo ni Izzy" sabi pa niya





"Tsk, amazona yun e" sabi ko





"Haha. Basta kuya, pagbalik ko dapat kayo na okay? At sabi ko nga, dapat may baby na" napipilitan pa siyang ngumiti habang sinasabi yan. Hayss Jessie.




"Lika nga dito" at niyakap ko siya ng mahigpit... siya ang close cousin ko, kahit minsan hindi ko siya tipong kausapin, nandyan pa rin siya. Humanda ang Justin na yun sa akin










-






School







"Seph, saan si Jes?" Tanong ni Izzy, tangna, naoccupied na masyado ng utak ko ang mukha ni Justin, nasaan na ba kasi yun?!





Wala pa akong balak makita si Izzy, kaso nandito na siya, tapos... Seph pa tawag sa akin? Langya! Uso bang kiligin ang mga lalaki?






"Wala siya..." sabi ko nalang





"Himala... hindi papasok?" Tanong niya





Hindi ko na nasagot ang tanong niya kasi nakita ko agad si Justin, sinugod ko siya at wala akong pakialam kung nakasunod sa akin si Zy...






"Justin..." sabi ko






"Pre?" Sabi niya at tumingin ako sa kasama niya, si Lily. Tangna talaga! Dinala pa talaga dito!




"Gago ka!" Sabi ko at sinuntok siya






"Omygad!"





"Bakit niya sinuntok?!"





"Magkaibigan sila diba?"





"Seph!!!" Sabi ni Izzy at hinawakan ako






"Tangna! Gago ka! Bakit mo ginawa sa pinsan ko yun?!" Inis kong sabi sa kanya, tumayo naman si Justin at pinunasan ang dugo na namuo sa labi niya





"Please... tama na" sabi ni Lily, isa pa to! Bwisit talaga!





"Bro... alam mo na?" Sabi ni Justin





Hindi pa ako nakuntento at inalis ko ang kamay ni Izzy na nakahawak sa akin at sinuntok siyang muli






"Seph, please...tama na" sabi ni Izzy






Ang dami na ring nakapalibot sa amin na mga estudyante, langya! Wala akong pakialam, basta mapaghiganti ko lang ang pinsan ko





"Nang dahil sayo, umalis siya... tangna! Ikaw pa naman ang first boyfriend! Pinagkatiwala ko siya sayo gago ka!" Sabi ko






"First?" Nagtatakang tanong ni Justin





"Oo! Bakit hindi mo alam?! Kasi ano? Hindi mo naman talaga siya minahal?!" bulyaw ko sa kanya





"Mahal ko siya!" Sigaw din ni Justin






"Tangnang pagmamahal yan bro! Ibigay mo nalang sa babaeng yan! Dahil hindi mo na siya makikita pa" sabi ko, akmang susuntukin ko pa sana siya nung nahila na ako ni Zy palayo






Pinunta niya ako sa abandonadong room at doon ako nagwala






"Gago yun! Papatayin ko siya" inis kong sabi at pinagsusuntok ang pader





Lalabas sana ulit ako nung naramdaman kong niyakap ako ni Zy. May kasama pa pala ako!






"Seph... tama na... napaghiganti mo na siya... hindi ko man alam ang buong pangyayari, pero alam kong sapat na yung pagsuntok mo sa kanya... tama na. nasasaktan mo na ang sarili mo" sabi niya






Nanlambot ako sa sinabi niya, hinawakan ko ang likod niya at niyakap siya nang mahigpit, gumagaan talaga pakiramdam ko kung kasama ko ang babaeng to.






Hinarap niya ako at pinunasan ang namuong pawis sa aking noo..





"Tama na okay?" Sabi niya habang nakahawak sa aking pisngi, shit! Diko pa siya girlfriend sa lagay na to a.






Tumango naman ako sa kanya..





"I like you" sabi ko, nanlaki naman ang mga mata niya






"...I'm planning to confessed with you with a little surprise sana, kaso sinira nang gagong yun" sabi ko






Napangiti naman siya, at tumango tango lang.





"Okay lang... i like you din naman"





"T-talaga?" Sabi ko






"Yap" sabi niya





"shit" sabi ko





"Shhh, no cursing!" Sabi niya






"Diko mapigilan e, tangin-"






Tsup!





Mabilis lang yun pero nagulat talaga ako, langya! Hinalikan ako! At si Zy pa talaga!





"Tsssk, tara na at gagamutin pa natin yan" sabay hila na saakin.







#THEM

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...