Captured by Love

By markedblack

27K 1K 157

You probably read something like this somewhere, that's how much of a cliché the story is but if you still wo... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
-
24
25
26
27
28

15

856 29 2
By markedblack

Tamad na tamad ako pababa ng hagdan ng LRT, ilang araw walang pasok kaya naspoiled na ko sa buhay baboy tapos kaninang umaga pa medyo umuulan kaya malamig. Para akong hinahatak ng higaan kung hindi pa ko kakatukin ng paulit-ulit ni Papa hindi pa ako babangon.

Para akong zombie, I didn't even bother brushing my hair nung umalis ng bahay. Basa basa pa kaya okay lang yan. Maghihikab pa lang ako nang makita ko ang isang pamilyar na tao sa ibaba ng station.

Andrei was smiling at me with his umbrella, lumapit siya sakin at pinasukob ako sa payong niya.

"I knew you won't use your umbrella. Kahit ambon lang yan masama pa din yan. Baka magkasakit ka." wala nga akong dalang payong eh, sagot ko sa isip ko. Hehe.

I checked the time it's only 06:45 am. My first class starts 07:30, siya mamaya pang 10am. "Di ba may morning jog kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Maulan kaya nacancel, nagsho-shooting kami sa gym tumakas lang ako wala naman si Coach eh." agad kong sinamaan siya ng tingin pero nakangisi lang siya.

"Sira ka talaga, bilisan natin baka mahuli ka. Yari ka nanaman!" nagmadali ako sa paglakad.

Agad niya akong nahabol nang iharang niya ang payong, "Nagpaalam ako kay Jeron, relax ka lang." hinampas ko naman siya dahil sa ginawa niya.

"Hehe sorry na, baka makawala ka eh." ngisi niya sakin, "Siraulo!" bulyaw ko sa kanya. Inayos niya na ulit ang payong at sumukob na kami parehas.

"So naging masaya ka ba sa sleeping vacation mo?" tanong niya sakin and with pride I answered yes.

Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad na para bang hindi kami magkausap nung walang pasok. Di ko namapayan na nasa campus na kami at hindi nagpapigil si Andrei hanggang sa labas ng room hinatid niya ako, hindi na talaga siya nahiya na nakabasketball attire siya at tsinelas.

"Thanks, balik ka na dun. You're abusing your Rookie of the Year status." I said smirking.

"Antayin mo ko ah. Sabay tayo maglunch." tumango lang ako at pumasok sa room, hindi daw kasi siya papasok sa class na magkasama kami dahil extended training sila. Basketball season na kasi in a few weeks.

"Yassss, namiss nga siya!" pang-aasar ni May pagpasok ko sa loob ng room, paano ko nakalimutang magclassmate kami sa subject na to. Nakisali ang iba pa naming kaklase sa panunukso sakin.

"Shut up!" I dismissed them and took my seat beside May.

"Haba ng hair mo Tin. Natatapakan ko ata." bulong pa niya sakin pagkaupo ko.

"Ewan ko sayo Mayang!" I said dismissing her.

---------------------------

My class before lunch break was cut short. Nagpaquiz lang tapos nagdismiss na kaya imbes na antayin si Andrei sa Agno, kung saan kami kakain, dumiretso na lang ako sa gym. For sure andun lang yun.

Tinext ko pa si May na doon dumiretso para sabay sabay kaming maglunch. Dahil lagi naman ako dun pinapasok na ako ni Kuya Guard di ko na nilabas ang org id ko.

Seryosong seryoso si Andrei sa ginagawa nung dumating ako. Umupo lang ako sa gilid habang pinapanood sila. Tingin ko naman malapit na silang matapos.

Water break, tumayo ako para lumapit sa kanila pero natigilan ako when I saw where Andrei's heading.

"Thanks!" rinig kong sabi niya sa babaeng nag-abot ng towel sa kanya. Agad nag-init ang mata ko. From where I am standing I could see them, Andrei was laughing at the woman in front of him.

Hindi ako nagkakamali siya si Rita. I remember the photo May showed me, kahit nakaside view alam kong siya yun. Pakiramdam ko nag-ALS ice bucket challenge ako, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.

He didn't even noticed my presence, with urgency I turned my back at them. I just want to get out of this place. Pigil na pigil ko ang luha ko sa pagtulo, I don't want anyone to see that this breaks me.

These past few days nakalimutan ko kung saan ako lulugar sa buhay ni Andrei, life reminded me na kung saan ang pwesto ko.

"Tin!" my clean escape wasn't a success, mukhang nakita ako ni Jollo.

"Ernestine?" I heard Andrei call me, unsure if it was me.

I closed my eyes and swallow in all of the pain. Humarap ako at pinilit ngumiti., "May nakalimutan pala ako sa room. Babalikan ko lang." I said without looking at anyone and without waiting for any response tumakbo ako palabas.

Narinig kong hinabol pa ako ng tawag ni Andrei pero tumuloy lang ako. Paulit ulit ko lang sinabi sa sarili ko na ginusto ko to and there's no one to blame.

Ginusto mong masaktan, Ernestine. Now, feel it.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, next thing I knew andito na ko sa loob ng compound ng dorm nila May. A tear escaped my eyes na agad kong pinunasan.

"Tin?!" agad akong nag-angat ng tingin when I heard someone call my name. Nakita ko si Ate Cyd at madali siyang lumapit sakin.

"Anong problema?" worry is written all over her face. And I knew I no longer can hold it in. Yumakap ako kay Ate Cyd at naramdaman kong kusa at tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.

Hindi ako nagsalita for a few minutes at hinayaan lang ako ni Ate Cyd. Dahan dahan niya lang hinahagod ang likod ko para kumalma.

"Sorry Ate Cyd." ngayon lang ako nakaramdam ng hiya pagtapos kong umiyak sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.

"No problem, gusto mo sama ka na lang samin?" yaya ni Ate Cyd. Hindi na ako nagdalawang isip pa, I said yes agad. Gusto kong makawala sa mga iniisip ko ngayon.

Huli na ng marealize ko na baka may kasama si Ate Cyd at nakakahiya na sumama ako.

"Ah... Ate Cyd, sino po kasama niyo? Nakakahiya po sumingit pa ako." naglalakad kami ni Ate Cyd palabas ng compound.

"Sus, si Kimmy lang kasama natin. May pupuntahan kami kasi dahil nagpapatay gutom nanaman si Kimmy." sagot ni Ate Cyd sakin, saktong paglabas namin may sasakyan na nagaantay.

"Sakay ka na." sabi ni Ate Cyd at binuksan ang pinto sa shotgun seat para doon siya sumakay, binuksan ko din ang pinto ng passenger seat.

"Ang tagal mo Dora! Kanina pa ko sinisita dito ang tagal ko daw nakahazard." reklamo ni Ate Kim pagkapasok pero nung nakita niya ako ay agad siyang ngumiti sakin.

"Hi Tin!" bati niya. Agad ko ding binalik ang bati kay Ate Kim.

Tinamaan nanaman ulit ako ng hiya, "Sorry Ate Kim, ako po magkasalanan bakit ang tagal ni Ate Cyd." paliwanag ko.

"Wag mo pansinin si Kimmy nagiinarte lang yan. Sasama si Tin ah. Wala ka namang magagawa." sabay pa kaming napakamot ulo ni Ate Kim.

"Naku, ayos lang no. Wala ka ng klase Tin?" Ate Kim asked while maneuvering the car. Inantay niya ang sagot ko at nakatingin sakin sa rear-view mirror sa harap, hindi ako makasagot dahil may klase pa ako mamaya pero ayaw ko pumasok.

Mukhang naintindihan ni Ate Kim ang pagtahimik ko, "Hala siya! Magcucut-" "Ang ingay mo Kimmy! Magdrive ka nga jan!" hindi na naituloy ni Ate Kim ang sasabihin dahil pinasakan siya ni Ate Cyd ng kinakain nitong marshmallow sa bunganga.

I can't help but giggle at their antics. "Tin oh, mershmellews na meserep!" malanding alok ni Ate Cyd sakin, exposing her very deep dimples.

"Thank you Ate Cyd." I extended my arm to get marshmallows, Ate Cyd winked at me after.

Ang kulit ni Ate Cyd at Ate Kim, sobrang close nila. Dora ang tawag ni Ate Kim kay Ate Cyd dahil daw siya si Kimmy, huli na nang marealize ko na may funny movie pala na sikat dito sa Pinas yung KimmyDora. Pinagtawanan nila ako parehas because it took me few seconds to get it.

"Dora pakitanong na nga kay waze kung saan magandang dumaan para may silbi ka naman jan." utos ni Ate Kim, hindi nagsalita si Ate Cyd mukhang sinunod ang sinabi ni Ate Kim.

Doon ko palang naisip na itanong kung saan kami pupunta, "San po tayo pupunta?" nilingon ako ni Ate Cyd.

"Sa The Yard!" excited na sagot niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
47K 4.7K 32
A MayWard Fanfic story
36.4K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
35K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine