12

895 38 5
                                    

Almost everything went back to where it was with me and Andrei, only this time there's something different.

Siguro dahil I am well aware of my growing feelings for him kaya parang may nag-iba? I once asked May kung may napapansin ba siya but she shrugged me off. Up until now what happened between her and Andrei remains a mystery to me. Hindi ko rin inexpect na kakayanin ni May ang tumahimik tungkol dun but she is keeping her mum about it.

Honestly? I couldn't care less. Aantayin ko na lang sigurong mamatay tong feelings ko kay Andrei. Sabi naman nila kusang sumusuko ang puso kapag sobra ng natetest ang endurance niya. Sana nga.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo Ate." sandali lang akong nagulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko at umupo, kilala ko naman kung sino siya and the thought of him makes me smile.

"Ang aga atang matapos ng class mo?" puna ko when I checked kung anong oras palang.

Walang pakundangan niyang kinuha ang potato corner ko pagkalapag niya ng isang pirasong notebook niya. Automatic na napairap ako, I really can't believe yan lang lagi dala niya sa class. Notebook at ballpen.

"Maaga kaming dinismiss eh." sagot niya sakin tuloy tuloy lang sa pag-nguya.

I'm playing with my pen, may tinatapos kasi akong reviewer dahil malapit na magexam week. "Di mo ba titigil-" "Sarap, thanks Ernestine!" napanganga ako nung nilapag niya sa mesa ang lagayan ng fries. Kakabili ko lang nun eh!

Naihagis ko ang ballpen na kanina lang nilalaro ko, "Inubos mo?!" frantic na sigaw ko sa kanya. At mukhang di pa siya satisfied, inabot niya naman ang juice ko at uminom doon.

"Sorry na gutom na ko eh." ngisi niya sakin.

He left me with no choice, "Joshua." I called him with my stern voice and immediately he stared at me.

"Josh-" "Oo na! Oo na, papalitan ko naman. Wag mo nga akong tinatawag ng ganun nakakainis." reklamo niya sakin at padabog na tumayo sa upuan mukhang para bumili ng fries. Pinilit kong wag tumawa pero nung nakalayo na siya talagang humagalpak ako.

Don't ask me, hindi ko din alam kung bakit ayaw niyang tinatawag ko siyang Joshua eh pangalan niya din naman yun. Basta ang alam ko the first time na tinawag ko siyang Joshua namutla siya, nakatitig lang siya sakin nun tapos bigla na lang katulad kanina ewan parang biglang nahihiya. Ah ewan ko sa kanya!

Since then alas ko na sa kanya yun, kapag iniinis niya ako ng todo tinatawag ko siya sa pangalan na yun tapos tatahimik na siya. Parang tanga lang di ba? Pero cute. Hehe.

Pagbalik niya nagsisimula na kong magligpit ng gamit ko. Tinago ko din muna sa bag ko ang notebook niya.

Tumayo na ako, hindi na din siya bumalik sa pagkakaupo. Inabot niya ang bucket of fries sakin at kinuha ang laptop bag ko saka sumabay sa paglakad.

"Uwi ka na?" tanong niya.

"Hmm." I nodded.

"Laro ako mamaya ah." paalam niya. Computer games nanaman yan kasama ibang teammates niya. Kapag wala silang training at school works dun sila naguubos ng pera at oras. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Ayaw mo bang tumambay muna?" tanong niya ulit.

"Di na, tatapusin ko pa yung reviewers ko."

Okay lang ang sinagot niya sakin, patawid na kami ng kalsada nang may tumawag sa kanya sabay kaming napalingon.

"Hi Tin!" the guys greeted me, I timidly said hello to them at kinausap na nila si Andrei.

"Uy! Techtite?" says Lorenzo.

"Ge pre, hatid ko lang." tumingin sakin ang mga teammates niya at ngumiti nang nakakaloko, ramdam kong namula ako sa hiya.

"Hanep talaga idol ko!" hiyaw ni Jollo.

"Hayaan niyo na hashtag pumapagibig yan eh. Tara na!" sali pa ni Kib.

"Mga ugok! Pasave ng pc ah!" bilin ni Andrei.

"Sige sabi mo eh."

"Bye Tin!" sabay sabay nanaman silang nagpaalam sakin. Narinig ko pang kumanta sila "Hashtag inlove pumapag-ibig si Drei!" Mga loko-loko talaga.

Pagka-alis nila gumilid na si Andrei dahil tatawid. Hinampas ko siya, "Aray, bakit?" reklamo niya sakin. Nagkukunwari pa eh ngiting - ngiti naman siya.

"Ang landi mo!"

"Ang selosa mo naman Ernestine, teammates ko yun eh." ha? Ano daw? Napanganga ako sa sinabi niya dahil di ko nagets, tinawanan niya lang ako hanggang sa nakatawid na kami sa kabilang side. Late na nung magets ko yung joke niya kaya hinampas ko ulit siya.

"Aray ah, ang bayolente nito." reklamo niya ulit, nakita niyang hahampasin ko ulit siya kaya pinigilan niya ang parehas kong kamay at binaba yun.

"Ang landi mo kasi." angil ko pero tinawanan niya lang ako.

"Wag ka kasi magselos dun, di ko sila tupe." paliwanag pa niya, abnormal talaga. Sa inis ko hinampas ko ulit siya.

"Aray! K-" "I wasn't referring to that and you know it. Don't play dumb with me." I said rolling my eyes at him which made him laugh harder. Niloko niya pa akong lalong nawawala ang mata ko kapag umiirap, tsk.

Hanggang LRT station lang niya ako hinatid, ang dami pa ngang pabilin daig pa Papa ko.

"Ernestine, sa first train ka naman kasi sumakay at utang na loob pumasok ka muna sa loob wag kang pumwesto malapit sa pinto matutulak ka dun. Malaking bara ka pa." pinigil ko ang sarili ko dahil nararamdaman kong ngumingiti ako mag-isa pagsakay ko ng train. Sinunod ko naman siya, sa first train ako sumakay para mas maluwag ng kaunti at halos babae, hindi din ako pumwesto sa tapat ng pinto. Ang bait ko di ba? Pero I still prefer the second train, kasi there's a chance na makaupo ka kapag may gentleman. Dito sa mga babae, nganga. Nakakapagod pa naman tumayo.

Pasara na ang pinto ng train nang naramdaman kong magvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko.

From: Andrei Caracute

Text mo ko kapag nakauwi ka na, ingat ah. Wag kang matulog sa biyahe. UTANG NA LOOB ERNESTINE! 😒😒

"Ang kapal ng mukha." mahina kong sabi nung mabasa ko ang pangalan niya sa phone ko. Pero sige na nga cute ka naman, isip ko. Pinagtitinginan na ako nung marealize kong napatawa pala ako ng malakas. "Sorry po." yuko ko dahil sa hiya.

To: Andrei Caracute

Pinalitan mo nanaman pala ang pangalan mo dito. Opo KOYA, alive na alive po. 😁

Wala pang ilang segundo nagreply na siya agad. "Hindi ba naglalakad to pabalik? Sira talaga." I said to myself.

From: Andrei Caracute

Wow naman ATE! 😣

From: Andrei Caracute

Cute kasi ako. 😍 Hehehe.

Hindi ko na muna siya nireplyan, baka nga kasi naglalakad papunta ng computer shop to ang kulit lang. Hindi na rin naman siya nagtext sakin hanggang sa nakauwi ako.

From: Andrei Caracute

San ka na?

I chuckled before typing my response.

To: Andrei Caracute

Eto papasok ng gate Koya. 😝

From: Andrei Caracute

Goods. Geh, laro na ko. Review ka na. Laters! 😘

Bumati ako sa Mama at Papa ko pagdating ng bahay saka umakyat sa kwarto ko para ilapag ang gamit. Hindi ko tuloy maiwasang isipin.

May nagbago nga samin, lalo na sa kanya. Kung noon maharot lang siya, ngayon lumevel up ang landi niya. Joshua Andrei "Mr. Pa-Fall version 2.0" Caracut.

Dear Heart, kalma lang tayo ah, kapa ko sa puso ko.   

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon