25

1K 37 8
                                    

"I will just remind you, Ate Eight's jokes are weird. Whenever you feel she's being sarcastic or offending take it as a joke, don't think about it too much. Ganun lang talaga siya. Tapos si Ate-" I stopped my reminders when I noticed Andrei smiling widely at me.

"Okay, I'm slowly becoming like May." I admitted, tumango naman si Andrei sakin. Loko to, so sumang-ayon naman siya na oa na ako?

"You sure you're not even tiny little bit nervous about talking to my sisters?" I asked him again, Andrei simply shook his head.

"I got this, love. Chill ka po." kalmadong sabi niya. Inakbayan pa niya ako, huminga ako ng malalim at inopen ang laptop ko.

Siguraduhin mo lang hindi ka lalamunin ng mga Ate ko. Tsk! I thought to myself.

"I warn you, if it went well with the parentals iba ang Ates of Canada." ulit ko sa kanya. Ako lang ba talaga ang uneasy saming dalawa? Palibhasa di niya kilala ang mga ate ko, lalo na si Ate Ella.

"Ang cute mo kapag kabado ka, babylove. Lumalaki mata mo." ang nakakawit na braso ni Andrei sa balikat ko ay ginamit niya para kurutin ang pisngi ko, in-elbow ko siya not to hard though but enough to stop him.

"Aray." reklamo niya, my turn to give him a smug face.

I stood up when I heard the ding! of the oven, tapos na yung binibake ni Mama na brownies. "Wait." paalam ko kay Andrei saka dumiretso sa kitchen. I left Andrei in the dining table, nakita kong ninavigate niya na ito to open skype. Lakas talaga ng loob oh.

Naabutan ko si Mama nilalagay sa plate ang mga finished brownies niya, "Smells so good, Mama." bati ko sabay kurot sa freshly baked brownies, I gave Mama my two thumbs up.

"Thanks Ting. Okay na yan, ilabas mo na at kumuha ka ng juice sa ref para merienda niyo ni Andrei." I did what Mama told me, pumunta ako sa ref at binuksan ito. Kumuha ako ng isang karton ng orange juice.

"Have you reached Eight?" Mama asked. I turned to her and saw a tray with 2 glasses and the plate of brownies, dun ko nilagay ang orange juice.

"Not yet Ma, I'll call her after this po." sagot ko.

"Okay. Dun na muna ako sa Papa mo." naunang lumabas si Mama para puntahan si Papa sa sala, ako naman kinuha ko ang tray ng pagkain at lumabas na din ng kusina.

Agad akong sinalubong ni Andrei at kinuha niya ang dala ko, nilapag niya sa table ang tray.

"Ready?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin parehas.

"Onaman!" mayabang na sagot niya. Edi siya na, I clicked my Ate's profile and now it's ringing.

Please let this be a good time. Please let this be a good time. Paulit ulit kong chant habang hindi pa sumasagot si Ate, tinignan ko ang oras 10pm na dun ngayon sana maganda ang araw ni Ate para good mood.

Huminga muna ako ng malalim, saktong lumabas si Ate Ella sa screen inabangan ko ang magiging reaksyon niya, katabi ko si Andrei.

"Hi Drei!"

"Hello Ate, kamusta po?"

Sobrang gulat ko na literal napanganga ako when I saw my Ate gave a genuine smile to Andrei at nagkamustahan sila na para bang matagal na silang magkakilala. What? What did I miss?!

It turned out Andrei already has communication with my Ates, today si Ate Ella lang ang kachat namin but I found out na nakakausap niya din yung iba ko pang Ate.

"Buti pa nga si Andrei masipag kaming i-chat, unlike other people." parinig ni Ate, kitang kita ko ang pagroll ng eyes niya. Natawa naman ako, I miss her.

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon