5

712 38 2
                                    

The next day, ang ganda ng gising ko I prepared everything and brought my laptop para di naman ako mapahiya sa kapartner ko. And besides, mabait si Sir at cool pero ibang usapan kapag nagpapareport na. He wants all the information that we'll present are factual and relevant, dito din kasi natetest how accurate and efficient ang students when it comes to data gathering.

He compared how students do their research today and how we look for 'the one'. Sabi pa niya, "Most of you rely too much on wikipedia nowadays, kaya madalas nagsisisi sa huli kasi nagsesettle sa kung ano ang meron na. In the end you'll find out mali pala desisyon mong pagkatiwalaan siya, or for this matter yung information na nakuha mo. Try in depth research, ang data parang love. Maraming available, marami kang dadaanan pero you need to narrow down your options bago mo makuha ang the one, ang pinakaimportanteng mahalaga sabi niyo nga. So be patient kids." How cool di ba?

That's why I felt I need to step up for this baka wala pang-naresearch or baka di pa nababasa ni Andrei yung topic namin na sobrang haba. Feeling ko di lang dapat dalawa magreport nun eh. Naloka ako kanina nung sinumulan ko eh.

I checked the time, it's almost 2pm kaya tumayo na ko at nagpaalam kanila May. Sabay sabay kasi kaming naglunch kanina.Kaunting lakad lang naman from where we ate papuntang meeting place namin, buti na lang malapit kasi tirik na tirik ang init.

Pagdating ko sa loob ng cafe sigurado akong wala pa doon si Andrei, 2pm pa lang naman baka naliligo pa yun or something kaya naghanap na muna ako ng table na pwede naming pwestuhan. Later na ko oorder, tinext ko siya when I'm settled.

To: +63915*******

Dito na ko.

Ngumisi pa ako when I read my message, ang suplada lang. No emojis.

0230 PM, wala pa din siya. Tumayo na ko to order my drink. "Ang tagal naman niya." Naiirita kong sabi, ayaw na ayaw ko pa namang nag-iintay.

0245 PM, wala pa din siya.

To: +63915*******

Where are you?!

I told myself 3pm wala pa siya aalis na talaga ako at gagawin ko ang report ko mag-isa bahala siya sa buhay niya. Nakakairita, ang sabi niya 2pm tapos na ang training niya so what's taking him so long? At hello bakit di siya magtext kung malelate pala siya? Sobrang nakakaturn off talaga tong lalaking to. Irita!

0259 PM, wala pa din siya.

"That's it." Gigil kong sabi. Sinara ko ang laptop ko at ilalagay na sa bag nang narinig kong may tumawag ng pangalan ko

"Ernestine Grace!" I sensed it'll be him, hindi ako lumingon and for a moment I froze because of the way he called my name. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit when my mind stopped wandering.

"Ha-I'm..ha...soh.rry..." Habol hininga siya nung lumapit sakin bigla tuloy ako nakaramdam ng awa sa kanya. Tinignan ko siya at lalo akong nakonsensya.

"Sorry talaga late ako, ngayon lang kami natapos. Bawal kunin ang phone hangga't di sinasabi ni Coach.." Natigilan ako at hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi niya.

Nakahawak ang isang kamay Andrei sa sandalan ng inuupuan ko, siguro para kapitan. Pawis na pawis siya, obviously kakagaling lang niya sa training. By the looks of it he hasn't changed training clothes yet, kahit shoes. Dala niya din ang malaking gym bag niya.

"I'm so sorry talaga." He sounded really apologetic that I felt ashamed of myself. Sobrang bitch ko sa kanya to think that this guy is a student-athlete. While I was sitting impatiently in this cafe he's tiring himself out in practice.

"Just to be clear, this is not okay but I understand." When I said it dun lang siya parang nakahinga ng maluwag. Naupo na siya vacant seat sa harapan ko.

"Sobrang hassle. May nalate kasi kanina kaya mainit ulo ni Coach-" Natahimik siya ng tumayo ako. In an instant the relief on his face changed to worry..


"Uy, sorry na talaga-" "Chill, I'm gonna get water for you. Parang mamatay ka na jan sa hingal." I gave him a genuine smile to assure him.

"Akala ko.." Narinig ko habol niya bago ako nakalayo sa table namin, pumunta ako sa counter. Nakita ko how small the cups are kaya nagpaalam muna ako sa crew na hihiramin ko yung pitcher, buti na lang pumayag.

"Here, uminom ka muna. You know I can't help you kapag hinimatay ka di ba?" I tried to sound sarcastic pero nginitian lang niya ako.

"Thank you." He said after drinking water. I think I filled up his cup, 6 times until he's satisfied. Parched much?

At dahil mabait ako today, "I still have time. Pwede ka pang maligo/change clothes or whatever you want to do for 30 minutes. Baka sisihin mo ko kapag nagkasakit ka dahil natuyuan ka ng pawis."

I turned to his face after my statement only to see him staring intently at me.

"Anong problema mo?" Masungit ko siyang sinita, binaba niya lang ang tingin niya pero hindi nawala ang ngiti sa mukha niya. This time hindi nakakairita yung ngiti niya, I can't explain basta parang hindi ako mapakali nung tinitignan niya ako.

"Come on, time's running." Ulit ko, tumango siya ng paulit ulit habang nakakagat sa ibabang labi at nakangiti pa din.

"Ernestine." My heart went berserk when he called my name again. I know I'm flushed because my cheeks feels hot. Hinuli niya ang mata ko kaya wala akong nagawa kundi tignan siya. I don't know how long we stayed just staring at each other, siguro mukha kaming timang sa paningin ng iba, nung maisip ko yun I composed myself.

"Thank-" "You stink." My mind was blank so I just blurted out anything without thinking. Shit, Ernestine. Unconsciously, I bit my lower lip.

Buti na lang tumawa si Andrei kundi sobrang nakakahiya. "Promise, 30 minutes lang." Were his last words tapos tumakbo siya ulit palabas.

"What the eff!" Nakahinga ako ng maluwag nung umalis siya, tunaw na ang yelo ng kape ko at pangit na ang lasa nun pero ininom ko pa din ng straight. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo din ako.

"Ernestine Grace, kumalma ka nga." Pabulong kong sabi habang hawak ang parte ng dibdib ko kung nasa ang puso. 

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon