15

856 29 2
                                    

Tamad na tamad ako pababa ng hagdan ng LRT, ilang araw walang pasok kaya naspoiled na ko sa buhay baboy tapos kaninang umaga pa medyo umuulan kaya malamig. Para akong hinahatak ng higaan kung hindi pa ko kakatukin ng paulit-ulit ni Papa hindi pa ako babangon.

Para akong zombie, I didn't even bother brushing my hair nung umalis ng bahay. Basa basa pa kaya okay lang yan. Maghihikab pa lang ako nang makita ko ang isang pamilyar na tao sa ibaba ng station.

Andrei was smiling at me with his umbrella, lumapit siya sakin at pinasukob ako sa payong niya.

"I knew you won't use your umbrella. Kahit ambon lang yan masama pa din yan. Baka magkasakit ka." wala nga akong dalang payong eh, sagot ko sa isip ko. Hehe.

I checked the time it's only 06:45 am. My first class starts 07:30, siya mamaya pang 10am. "Di ba may morning jog kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Maulan kaya nacancel, nagsho-shooting kami sa gym tumakas lang ako wala naman si Coach eh." agad kong sinamaan siya ng tingin pero nakangisi lang siya.

"Sira ka talaga, bilisan natin baka mahuli ka. Yari ka nanaman!" nagmadali ako sa paglakad.

Agad niya akong nahabol nang iharang niya ang payong, "Nagpaalam ako kay Jeron, relax ka lang." hinampas ko naman siya dahil sa ginawa niya.

"Hehe sorry na, baka makawala ka eh." ngisi niya sakin, "Siraulo!" bulyaw ko sa kanya. Inayos niya na ulit ang payong at sumukob na kami parehas.

"So naging masaya ka ba sa sleeping vacation mo?" tanong niya sakin and with pride I answered yes.

Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad na para bang hindi kami magkausap nung walang pasok. Di ko namapayan na nasa campus na kami at hindi nagpapigil si Andrei hanggang sa labas ng room hinatid niya ako, hindi na talaga siya nahiya na nakabasketball attire siya at tsinelas.

"Thanks, balik ka na dun. You're abusing your Rookie of the Year status." I said smirking.

"Antayin mo ko ah. Sabay tayo maglunch." tumango lang ako at pumasok sa room, hindi daw kasi siya papasok sa class na magkasama kami dahil extended training sila. Basketball season na kasi in a few weeks.

"Yassss, namiss nga siya!" pang-aasar ni May pagpasok ko sa loob ng room, paano ko nakalimutang magclassmate kami sa subject na to. Nakisali ang iba pa naming kaklase sa panunukso sakin.

"Shut up!" I dismissed them and took my seat beside May.

"Haba ng hair mo Tin. Natatapakan ko ata." bulong pa niya sakin pagkaupo ko.

"Ewan ko sayo Mayang!" I said dismissing her.

---------------------------

My class before lunch break was cut short. Nagpaquiz lang tapos nagdismiss na kaya imbes na antayin si Andrei sa Agno, kung saan kami kakain, dumiretso na lang ako sa gym. For sure andun lang yun.

Tinext ko pa si May na doon dumiretso para sabay sabay kaming maglunch. Dahil lagi naman ako dun pinapasok na ako ni Kuya Guard di ko na nilabas ang org id ko.

Seryosong seryoso si Andrei sa ginagawa nung dumating ako. Umupo lang ako sa gilid habang pinapanood sila. Tingin ko naman malapit na silang matapos.

Water break, tumayo ako para lumapit sa kanila pero natigilan ako when I saw where Andrei's heading.

"Thanks!" rinig kong sabi niya sa babaeng nag-abot ng towel sa kanya. Agad nag-init ang mata ko. From where I am standing I could see them, Andrei was laughing at the woman in front of him.

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon