28

1.4K 53 21
                                    

Isang linggo na din pala nung umalis si Ernestine pabalik ng Canada. So many things happened na kinatuwa ko din dahil atleast hindi ko siya masyadong namimiss, ako na talaga ang clingy parang naririnig ko sila Aljun na pinagtatawanan ako kung makita nanaman nila akong nakabusangot.

"Good morning, my love may muta ka pa sa labi." bati ko sa kanya, automatic na napangiti ako pagkakita ko sa kanya sa harap ng screen ng laptop. Pupungas-pungas pa siya, ang gulo ng buhok. Madaling araw na dito sa Pinas pero umaga palang sa kanila.

"Good morning."

"Nice naman bedroom voice. Lalo akong naiinlove." biro ko.

"Baliw ka. So how are you? Behave ba Joshua?." pinandilatan pa ko ni Mahal.

The first time she glared at me, amaze na amaze ako. I thought, sino ba tong chinita na to? Ang sungit sungit. Tuwing naasar siya lumalaki ang mata niya tapos kumukunot yung noo niya.

"Drei yung crush mo oh!" Binatukan ko si Jollo nung sumigaw siya, pero mukhang oblivious naman si Classmate at hindi niya narinig ang sinabi ni Jollo. Buti na lang.

Ang cute talaga niya kapag nagfofocus siya. Paano ba niya nakikita ang mga kinukunan niya kung nakapikit siya? Hindi ko napigilang tumawa nung makita kong nakanganga nanaman siya.

"Hoy Drei, kinikilig ka nanaman jan." Sita ni Jollo sakin, I shrugged him off at nagpakabusy kunyari sa phone ko.

I tried pero nung makita kong nagtatali siya ng buhok I found myself just staring at her. Puta dre, akala ko sa movie lang nangyayari to pero seryosong pakiramdam ko nagslow motion siya. Seryoso ba? Inalog ko pa ang ulo ko baka inaantok pa ko.

"Problema mo Drei?" Tanong ni Prince.

"Wala. Inaantok lang ako." Sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kung saan siya nakaupo.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kanya at bigla siyang sumulyap kung nasaan ako. Without thinking, I smiled widely at her and looks like she got weirded out again so I chuckled.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito..." I could hear my teammates singing in the background, mga siraulo to, pero hindi ko sila pinansin tinaas ko ang mga kamay ko at sumenyas ng picture.

"Idol!" Buyo pa ng iba.

Ngiting ngiti pa ako lalo na nung lumaki nanaman ang mata niya, nairita nanaman ata. Agad siyang nagiwas ng tingin.

"Boom waley!" Sabay sabay na sabi ng mga baliw.

"Tablado!" narinig ko pang sigaw ng iba.

"Mga siraulo kayo!" reklamo ko nang binato nila ako ng towels.

"Yari tayo kay Coach Ramil, ang ingay natin." Dagdag ko pa at lahat sila umayos ng upo. Gumana namang panahok yung head coach ng women's volleyball medyo strict kasi yun eh.

"Aba, kaunti na lang love anghel na ko eh." ngisi ko sa kanya, sabay ko pang tinaas ang kilay ko.

"And kaunti na lang din maniniwala na sana ako."

"So kamusta training?"

"Ayos lang, same same. Let's talk about you. Kamusta sila Ate?"

"Okay naman mga Ate ko." natawa ako ng idiin niya ang 'ko', di ko naman inaagaw nakikihati lang.

Nakinig lang ako sa kanya, seeing her so happy with her family. Namiss ko siya, dati kapag namimiss niya ang mga Ate niya parang kuting yan na maglalambing sakin. Napapangiti ako lalo kapag naiisip ko.

Hinding hindi ko din makakalimutan yung araw na talagang nasabi ko sa sarili ko na I like her.

I was running late, what's worst is hindi ko na-advise na malelate ako. Tumakbo ako from the gym to our meeting place sobrang thankful ako na malapit lang ang gym sa coffee shop na napagusapan namin. Narinig kong may mga tumawag ng pangalan ko pero wala muna akong paki-alam sa iba, tumakbo lang ako.

Paalis na siya nung dumating ako, sobrang taranta ko nun. Hindi ko din maintindihan kung bakit ako natataranta basta ang alam ko ayaw kong magalit siya sakin, gusto ko kapag naiirita siya pero hindi magalit.

Habol hininga pa ako nung lumapit ako sa kanya. Hindi ako nakaligo, ni hindi ako nakapagpalit ng damit at pakiramdam ko pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa paligid.

Ang buong akala ko iiwan niya ko, pero hindi. What she said next shocked me, "I still have time. Pwede ka pang maligo/change clothes or whatever you want to do for 30 minutes. Baka sisihin mo ko kapag nagkasakit ka dahil natuyuan ka ng pawis."

Siguro kung ibang babae to nagwalk out na pero siya iba talaga. Tapos kumuha pa siya ng tubig para sa akin and you know what's funny? May gatorade sa gilid ng bag ko but I'll always choose that water.

After that meeting for a report things between us changed, mas bumait na siya sakin. Tapos naging magmalapit pa kami nung ma-assign siya as photographer ng basketball and volleyball.

Ilang beses sa isang linggo kung bumisita siya sa training, madalas din siyang manuod ng games namin.

"Tulog ka na." sabi niya, masyado akong natuwa kakathrowback. Tumingin ako sa oras sa screen. Patay madaling araw na pala.

"Oo nga mahal, buti na lang free day kami bukas."

"Pahinga ka bukas ah, wag maglakwatsa please."

"Yes po pinakamamahal." ngiti ko sa kanya.

"Ugh. Ang kulit mo, Joshua!" Bakit ba kasi ako natutulala kapag tinatawag niya akong Joshua? Ayaw ko ng pangalan kong yun eh pero kapag si Ernestine ang lambing pakinggan kahit medyo may gigil kapag tinatawag niya ko.

"You should sleep after this, okay?"

"Yes boss. Kumain ka ng madami jan ah, baka pumapayat ka."

"Food's great here, baka nga paguwi ko jan na mataba na ko pagpalit mo na ako." Ay oh. Rare pa-sweet moment ng mahal ko.

"Pero di kita iiwan, hanap lang din ako ng sexy." sobrang priceless nung pagdilat ng mata niya, parang luluwa na eh.

"Matulog ka na nga Joshua Andrei! Nakakainis." lalo akong natawa sa itsura ni Ernestine, nabwisit talaga sakin.

"I was just joking. Update me ah?" tumango lang siya sakin, pikon talaga.

"I love you." isa pang tamad na tango ang sagot niya.

"Walang sagot?" tanong ko, umirap siya sakin.

"Love you too." she responded almost whispering. Ang cute talaga.

Right after saying our goodbyes, sabay kaming nagoffline. 


Almost back from holiday mode. Another cheesy-lang update, pagtiisan niyo na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon