21

1K 39 2
                                    

"Bakit mo ba iniinsist na sunduin pa ako? Wag nga makulit." saway ko kay Andrei. Nahihirapan na nga akong magpatuyo ng buhok ko sa fan tawag pa ng tawag.

Kagabi pa siya nangungulit na susunduin daw niya ako today, sabi ko naman wag na kasi hassle lang sa part niya. Sa Taft din naman ako pupunta, andun na siya aalis pa? Di ba? Labo. Masyado na niyang nagiging habit ang paghatid sakin sa bahay, not complaining though super kilig kaya but it's inconvenient.

"Gusto ko nga kasi." ulit nanaman niya. Naguusap kami thru facetime right now my phone on the side table, huhulaan ko nakabusangot nanaman yan, nailing na lang ako.

I picked up my phone and stared at his sobrang paaawa face, "Sige na please?" he pleads.

"Sa LRT mo na lang ako sunduin kung gusto mo." I said firmly.

"Ano ba yan eh. Sige na please?" paawa nanaman niya.

Andrei is so persistent, minsan cute kadalasan nakakainis. I glared at the camera and he surrendered, "Sige na nga. LRT na lang."

Sumuko nga siya pero panay naman ang haaaaay niya at lukot na lukot ang mukha. I rolled my eyes at him.

"Makikibreakfast ka ba dito kaya gusto mo ko sunduin?" I asked him sarcastically.


"Ay pwede ba?" Andrei's giving me a triumphant smile, alam niya kasing papayagan ko na siya.

"Hindi."

"Grabe ka sakin." back with his paawa face.

"Joke lang."

Hinayaan niya na akong iend ang facetime namin dahil di ako matapos tapos mag-ayos. May isang class lang ako today at wala siyang training kaya he asked me if I want to watch a movie and eat out para daw may iba naman kaming date lagi daw kasi sa loob ng court o kaya sa Taft.

Syempre, I said yes. Way na rin to para makapagrelax kami.

Wala pang 30 minutes nung binaba ang facetime eto nanaman siya at tumatawag. I accepted the request but I left the phone laying on the table kaya kisame nanaman ang nakikita niya.

"Ernestine..." I heard him call my name.

"Hm?"

"Ahh..... wala."

"Labo mo. End ko na to ah? Para matapos na ko."

"Okay, ay...."

"May sasabihin ka ba?" kinuha ko ulit ang phone at tinapat sakin para makita siya. Nabigla pa siya nung mukha ko na ang nakikita niya.

"Anjan sila Tita?"

"Oo, bakit?" something's up. I can sense it.

"Wala, sige alis na ko dito. I'll call you kapag anjan na ko."

"Sure?" I asked him one last time but he dismissed me again. Ano kayang problema nun?

I got a bored waiting for Andrei kaya I started browsing random stuff on youtube hanggang sa mapunta na ko sa make up tutorials. But what really caught me was this eyebrow tutorial. Parang madali lang naman siya kaya I tried it out.

"Di ba parang weird?" tanong ko kay May habang nakafacetime kami. Clinose up ko sa kilay ko para makita niya ng maayos.

"Shala! Okay nga lang, parang normal lang."

"Eh parang ang pangit, di pa pantay gawa ko. Ang hirap pala magkilay!"

"Ganern talaga tembang, keri na yan. Ang effort ah, san ba date niyo?"

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon