10

750 35 2
                                    

May's Oplan Iwas Andrei started the next day.

Kung saan ako naroon di niya ko iniiwan. "Wala ka bang klase May? Hindi mo naman ako kailangang samahan everywhere."

"Nope, free cut na kami. Wala si Sir." sagot niya sakin. I shrugged it off, masaya naman kasama si May eh, daming kwento.

"Oops, Mr. Pafall coming. Tara na!" hatak niya sakin. Tuwing nakikita niya si Andrei yayayain niya akong umalis kaya hindi nakakalapit yung isa.

"Ernestine kanina pa-" "Tin puntahan natin sila Aljan sa Mcdo. Manlilibre si Mich ng fries." May won't even let him talk to me, naawa ako kay Andrei kasi for sure he doesn't know why he's being treated like this pero hindi ko magawang magalit o mainis man lang kay May, she's actually doing a difficult job of acting rude in front of him.

"Tara na bessie! Gutom na me." hatak sakin ni May, nilagpasan lang namin si Andrei na parang wala lang siya. Yumuko ako dahil sa hiya.

Nilingon ko siya nung nakalayo na kami and I saw him frowning, halatang hindi niya alam kung anong nangyayari. I'm sorry Drei, I need to do this for myself. Kailangan ko pigilan ang feelings ko for you habang maaga pa. I told myself.

2 weeks after.

Ilang araw din akong hindi pumunta sa training ng basketball. Hindi naman talaga kami required dumaan dun para magshoot everyday eh, naging habit ko na lang ang pagpunta dun dahil napalapit na ko sa mga players lalo na sa kanya.

Sa class kung saan magclassmates kami hindi ko din siya pinapansin, nung una kinukulit niya pa ako pero eventually sumuko din siya. Nagtanong pa nga si Julia kung anong nangyari pero hindi ko siya sinagot. Lumipat ng upuan si Andrei, hindi na siya umuupo sa likod ko. Parati na siyang malayo sakin. Somehow I am thankful kasi that way mas maiiwasan ko siya pero you really can't force your heart to unlike someone, kasi sobrang nasasaktan ako na lumalayo na siya.

"Tin!" kahit nakatalikod ako alam ko kung kaninong boses yun, si Jollo and chances are kasama niya si Andrei. I froze.

2 weeks ko ng iniiwasan si Andrei at iba pang players ng basketball team, successful lang ako dahil anjan parati si May para isave ako but today is different. She's not here, may group meeting siya for a class project at sabi ko aantayin ko siya sa bago naming tambayan. Hindi na rin kasi ako kumakain sa food stall nila Andrei.

"Uy Tin, snob mo ah." says Jollo when they finally reached where I'm standing. Nilingon ko siya, dalawa lang silang magkasama ngayon. Siya at si Andrei. Bakit di na lang si Ricci o si Aljan ang kasama niya today?!

I smiled weakly, "Uy, hindi ah. Nagmamadali kasi ako, magkikita kami ni May." palusot ko. Hindi nagsasalita si Andrei.

"Ah, di ka na nanunuod ng practice. Di tuloy ganado yung kakilala ko." I know he's referring to Andrei. Dear Self, biruan lang nila yan. Don't take it seriously ikaw lang masasaktan. I told myself.

"Nye, busy lang ako nitong mga nakaraan."

"Ah, akala ko may iniiwasan ka eh." hindi ako makatingin sa kanilang dalawa, hindi ko tuloy makita kung nakatingin ba si Andrei sa kin o kung ano bang reaksyon niya.

"Hindi no. Busy lang talaga, uy una na ako ah. May nag-aantay kasi sakin." paalam ko. Hindi ko nainantay ang sagot ni Jollo tumakbo na ako palayo.

When I know I'm in safe distance tumigil na ko sa pagtakbo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. "Mababaw palang yan, kaya pang hugutin. Wag mong antayin na bumaon lalo bago ka magising. Kaya mo to Ernestine!" I told myself.

--------------------------------------

Hindi ko naman siya habang buhay maiiwasan.

Yesterday after my last class Angel texted me, sabi niya di daw siya makakacover sakin sa saturday game ng basketball team kaya no choice ako kundi pumunta sa game. Sinama ko si May, buti na lang may game din yung crush niya sa ibang school. Madali ko siyang napapayag.

3 days ago, May suddenly stopped nagging me about Andrei. Siguro dahil napansin niya ding no basis na di naman na ko pinapansin din ni Andrei.

"OMG Tin, dug out tayo please andun si Crush!" pilit ni May. Pakiramdam ko malapit na madetach ang braso ko sa katawan kakayugyog niya.

"Sigurado ka bang andun na siya?" sita ko sa kanya at binawi ang braso ko.

"Oo! Kakadaan lang nung coaster nila kaya tara na!" hinatak niya ako papasok sa area allocated for players, dahil may media pass ako hindi ako nasita at dahil kasama ko siya hindi din siya masita.

"Tin!" Pagkapasok palang namin narinig ko na ang pangalan ko, ako na talaga famous. Kidding!

I turned around and saw our players, nagrerelax pa sila dahil 2nd game pa naman sila today. Lumapit ako sa kanila to snap a photo, nasa tabi ko pa rin si May at parang giraffe sa kakahanap sa crush niya.

"Oh smile naman jan!" lahat sila ngumiti sakin, thank God wala dito si Andrei atleast hindi awkward.

"Buti naman manunuod ka today Tin. Siguradong magiging ganado yung kilala ko." biro ni Ricci.

"Ay yung kilala ko din." gatong pa ni Kuya Prince, nagtawanan tuloy yung iba.

"Oo nga eh, kasi si Tin eh di na umaattend ng training nagkasakit tuloy yung kilala natin." sabi naman ni Kuya Thomas.

Napakunot ang noo ko, "Ano namang connect nun?" tanong ko sa kanila.

"Wala na taga abot ng towel eh, natuyuan tuloy ng pawis." sagot ni Kuya Jeron mas lalo lang lumakas ang tawanan nila.

"Ewan ko sa inyo. Goodluck mamaya!" paalam ko sa kanila para mabalikan si May baka kung saan saan na nagsuot yun.

On my third step napahinto ako, "Drei!" tama ba yung narinig ko? Tinawag ni May si Andrei? Tinignan ko ang tinatayuan ni May na hindi naman kalayuan sakin at totoo nga. Kausap niya na si Andrei.

"Hoy di ba schoolmate mo dati si Ano.. Yung crush ko? Pakilala mo ko! Magpapapicture ako eh." narinig kong sabi ni May kay Andrei.

Napatingin sa direction ko ang huli kaya napatingin din si May, ngumiti siya.

"Hoy Ernestine, pilitin mo nga si Andrei para makapagselfie ako kay crush." after her statement napanga-nga ako.

Whatever happened to the oplan iwas?   

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon