8

799 30 3
                                    

May is glaring at me and Andrei, naiilang na ko at ilang beses ko na siyang sinita pero as expected she won't go easy on me. Sobrang kinukilit niya ako to spill the beans on how I found out about Andrei's girl.

"Pwede mamaya?" I frown at her but she only rolled her eyes at me.

"Nag-aaway kayo?" Bulong ni Andrei sa tabi ko, di niya na napigilan siguro dahil kanina pa talaga si May. I shook my head to answer his question.

"May topak lang yan." dagdag ko pa, tumango lang si Andrei pero halatang di siya convinced.

Hanggang sa umalis kami ng tambayan hindi pa rin tumigil si Mayang sa tingin niya samin.

"Ernestine, sabay tayo ulit sa LRT. Uwi ka naman na di ba?" Tanong ni Andrei na hindi ko na nasagot dahil nauna na si Mayang.

"Hindi pa siya uuwi, may paguusapan pa kami kaya umalis ka na." napapikit na lang ako sa hiya. May, stop it please, hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Ahh.. Gusto mo antayin kita? Baka gabihin ka, delikado na palabas." Andrei's just cool about May's obvious bitch mode on him. Nakakahiya talaga dun sa tao.

"Tss. Mas delikado yung mga pa-fall." parinig pa ni May, di man lang nageffort na hinaan ang boses niya. Lalo akong namula sa kahihiyan, alam kong narinig ni Andrei yung sinabi ni May.

"Ha?" tanong niya samin, obviously lost.

"Wala, wag na baka malate kami eh marami atang gustong ikwento si May." pinilit ko na lang ngumiti kahit sa totoo lang napipikon na din ako sa inaasal ni Mayang.

"Baka ikaw ang maraming dapat ikwento, Ernestine Grace." mataray na pagtatama ng huli sa akin. I gave her a dagger look and she responded with a smug face.

Looks like Andrei felt the tension between me and May already. "Ahhh. Mukhang madami nga kayong icacatch up, sige. Itext mo ko Ernestine kapag pauwi ka na ah?" tumango na lang ulit ako bilang sagot. Hawak ko na ang braso ni May baka di mapigilan at masaktan pa si Andrei ng wala sa oras.

"Tsssss. Pa-fall!" Parinig nanaman niya. Mali pala, dapat ang hinawakan ko yung bunganga niya mas nakakasakit talaga yun eh.

"Ha?" takang taka na si Andrei. Sobrang nakakahiya na to, baka kung ano pa isipin niya.

"May nadulas daw dun, nakita niya. Talas ng dila niya no? Este ng mata niya. Sige na, I'll text you later." Palusot ko na lang saka hinatak si May palayo.

Akala ko dahil nakatalikod na kami ni May titigil na si Andrei pero he just won't let my life easy din eh. "Antayin ko ah, papunta ba kayo dorm hatid ko na kayo?" pahabol niya.

I bit my lower lip, closed my eyes to utter a short prayer na mapigilan sana ni May ang matabil niyang dila. But, hindi ako malakas kay Lord today. Hinarap ni Mayang si Andrei kahit anong hatak ko at bulong ko na wag na. "Andrei, okay na kami. Okay si Ernestine. Hindi malayo ang dorm, wag kang feeling boyfriend. Okay? Bye!" Mataray niyang sabi saka nagmartsa palayo habang hatak ako.

"I'm sorry Drei, text you later." sinubukan kong lingunin si Andrei at nakanganga lang siya sa pagkabigla.

"Text you later? Bakit may obligasyon ba kayo sa isa't isa para iupdate ang where and whatabouts niyo?!" reklamo pa ni May na talagang pinadinig kay Andrei. I opted not look at his reaction, nakakahiya talaga.

Hindi na kami pumasok sa loob ng dorm ni Ma dahil sa labas palang ng gate binomba niya na akong mga tanong.

"Hoy Ernestine Grace! Kelan mo pa nalaman na may girlfriend yung tao?"

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon