6

688 30 0
                                    

Our report ended well, really good if you ask me. Sobrang nakakagulat that me and Andrei could work well together. Akala ko talaga we won't be able to pull it off but hey, I must admit mali ako sa judgment ko sa kanya.

"Ang galing niyo ah." Says Julia while clapping her hands for us.

"Hanep kasi yung partner ko eh, nakakahiya naman kung di ko sasabayan." Nakangiting sagot ni Andrei. Boy, I still wonder kung di ba nangangawit ang panga niya kakangiti.

"Naks, pahumble pa almost everything nga idea mo eh." sabi ko naman while patting his back, he deserves it. Andrei chuckled at my gesture.

"Ay taray beshie. Hindi na kayo aso't pusa?" Gulat na gulat na tanong ni Julia, napatingin kami parehas ni Andrei sa kanya.

"Aso't pusa talaga? Di naman ah." I shrugged my shoulders.

Tapos na ang klase at naglalakad na kami papuntang next class. I don't know why pero sumabay samin si Andrei.

"Ikaw lang naman lagi umaaway sakin Ernestine eh." natigilan naman ako,

"Kailangan talaga Ernestine? Tin na lang, chums na tayo di ba?" Naramdaman ko na lang na binungo ni Andrei ang balikat ko gamit ang kanya, I let it go. Tanggap ko na ngayon na makulit talaga siya so there's no reason for me to be irritated.

"And excuse you ah! Ang kapal, sino kaya yung mak-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit si Julia. "Oh tama na yan baka mamaya mag-away nanaman kayo ah." saway niya samin, parehas lang kaming tumawa ni Andrei.

Our last meeting really changed how I treat him. Mas nakilala ko siya, nakakahiya nga eh almost all the inputs on our report galing sa kanya. I was too confident na hindi man lang niya binasa yung report but it turned out na mas alam niya pa yung topic kesa sakin. Don't ask me, I don't know how he did that.

Daming time, I remembered telling him.

Less than 30 minutes Andrei came back wearing slippers, basketball shorts and a big shirt. Sa tatay ba niya yan? Ang laki eh. I thought.

"Sobra ba ako sa 30 minutes?" Kabado niyang tanong bago maupo.

"No, only took you 23 minutes." Pinakita ko sa kanya ang timer sa cellphone ko na hininto ko nung pumasok siya ng coffee shop. Napabuga siya ng hininga bago umupo.

"Whew! That was close." Tuluyan na siyang umupo sa harapan ko.

May dala siyang backpack, nilapag niya yun sa table at naglabas din ng laptop at notebook.

"So, nabasa mo ba yung-" Tumigil siya sa pagsasalita nang makita niyang nakatingin lang ako sa kanya ng nakapalumbaba.

"Bakit? Nagwapuhan ka ba sakin lalo kasi bago akong ligo?" Halata namang naconscious siya sa tingin ko dahil napakapa siya sa mukha niya. Ngumisi lang ako saka umiling.

"You wish." sagot ko sa kanya.

"Eh, bakit natatawa ka?" Nagtatakang tanong niya ulit. Now that I have a closer look at his face, he looks younger than his age. Mukha namang magkasing edad lang kami pero mukhang bata yung mukha niya. Ang cute.

"Ernestine?" Nakaramdam ako ng pagkapahiya nung tawagin ni Andrei ang atensyon ko. Shit, Ernestine stop it.

Natigilan ako sa pagalala ng mga nangyari nung isang araw dahil huminto na si Julia sa tapat ng isang classroom. "Dito na ko. Kayo?" tanong niya samin.

"Punta pa akong the la sallian eh. See you tomorrow Juls!" Paalam ko at bumeso kay Julia bago siya tuluyang pumasok sa room niya. I have free time bago ang next class ko kaya I texted Angel na dadaan ako sa meeting ng publication.

"Okay, ingat Drei at Tin!" She waved us goodbye.

Then the two of us were left alone, bigla tuloy naging awkward. Tahimik lang kaming naglakad. What's new now is that I am no longer uncomfortable that he is around.

"Ikaw san ka ba pupunta?" Tanong ko sa kanya to break our silence.

"Same way tayo, may pupuntahan din ako near sa office ng la sallian." sagot niya, tumango lang ako because I can' think of anything to talk about. Sobrang sociable mo Ernestine.

"Anong gagawin mo sa lasallian?" tanong niya.

"May meeting kami, ngayon ko malalaman kung saan ako iaassign." paliwanag ko.

Kahapon na meet ko na yung ibang mga kasama ko, ayos nga eh kasi pare-parehas kami ng hilig kaya masaya pero napaliwanag sakin nila Kuya John na meron daw silang kanya kanyang assignment. Like for example si Angel, kaya pala siya nasa gym that day kasi naka-assign siya sa sports so siya ang nagcocover ng mga games. Si Kuya John kapag mayroong event sa school siya ang nagcocover alongside other student photographers.Minsan shuffle din kahit may assignments kasi minsan di free, so tulungan lang.

"Ay, nice. So lagi na pala kita makikita sa gym at games niyan?"

"May possibility." I answered casually. Ganyan Ernestine, wag kang feeler. Andrei's just making conversation with you, says my alter-ego.

Masaya kausap si Andrei, marami siyang kwento at mga tanong na surprisingly hindi ako naiilang sagutin. Sa kakalakad nga namin di ko namalayang nandito na pala ako sa room allocated for The Lasallian.

"This is me." I smiled at him then stopped walking.

"Ay, oo nga no.... I'll see you..around?" He stopped in front of me, I nodded at him as a response.

"That's good." Kung may nakakakita siguro samin matatawa sa itsura naming dalawa, bigla kasing nagkaroon ng awkwardness ngayong magpapaalam na kami. Umilang hakbang siya palayo sakin. Parehas kaming natawa and what's weird is the way we both laughed sounded so natural.

"Laters, Ernestine." There he goes again, there's really something with the way he says my name, di ko madescribe basta iba.

"Bye, Andrei." Paalam ko din ska ako kumatok sa pinto, naglakad na din palayo si Andrei.

"Hi Tin!" Angel greeted me but my gaze is still with Andrei who is walking backwards still smiling widely at me.

Andrei waved at me for the last time and I was about to raise my hand to wave back when he bumped into someone.

"Ay!' Mabuti na lang hindi natumba si Andrei, nagsorry siya sa lalaking nabangga niya at tumingin ulit sakin. He gave me an okay sign and I smiled at him. Sumenyas pa ako ng umalis na siya, I even mouthed "Ingat" this time.

"Tin?" Shit. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. When I faced Angel she's giving me that look but opted not say anything na ikinatuwa ko naman.

"Come in, you're just in time, di pa kami nagstart." she added. Pero bago tuluyan akong pumasok tumingin ako uli kay Andrei, malayo na siya.

"Hello Gel." Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto with a smile plastered on my face.  

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon