4

752 30 1
                                    

Right after class pumunta ako sa dorm ni May para kausapin siya, badtrip ako ayaw kong umuwi ng hindi nailalabas ang irita ko sa nangyari sa klase kanina. Sa dinami dami ng tao sa classroom talagang kami pa ang napili ni Sir. What kind of fate is this?

"He kept on talking to me kasi, akala tuloy ni Sir friends kami when we're not. I don't even like the guy. At nakakaloka pa kasi how will I reach him? Wala naman akong number niya and we're not friends sa facebook." Kalahating oras na ata ako nagvevent out kay May tungkol sa nakakairitang reporting na yan, kanina pa kami nakatambay dito sa tapat ng dorm niya. Binato ko ang stick na ginamit ko kanina nung kumain kami ng fishball sa basurahan buti na lang sumakto.

"Bakit kasi di mo kinuha ang number niya or follow mo sa ig, di ba finollow ka niya?" Sagot ni May na para bang ang dali dali lang ng sagot sa problema ko.

Magpapaliwanag pa lang sana ako ng i-cut ako ni May. "Eh kasi-" "Be honest with me, bakit irtang irita ka? Dahil ba yan sa partners kayo o dahil ba hindi niya kinuha number mo?" And that shut me up, I could feel my cheeks burning.

"Hindi no!" I exclaimed, very defensively. Napahawak ako sa noo ko after, sino niloko ko? I could see May's goofy smile right now as if telling me, "Crush mo siya no?" Kaya bago niya pa sabihin inunahan ko na siya.

"I told you, I don't like the guy. Di ko siya type, maliit siya for my preference. And besides kaya lang ako naiilang because of our weird encounters." There, I said it. Yun lang yun, di ko siya type. Naah.

"Okay, if you say so." Surprisingly, hindi na nagfollow up si May. Tumahimik na siya at iba na ang pinagkwentuhan namin pero hindi nawala sa isip ko bakit nga ba hindi ko kinuha ang number niya? Or bakit hindi ko siya imessage now sa ig. The guy is popular, I bet I could google him at makukuha ko ang facebook, twitter or whatever social media account niya pero ayaw kong gawin because like what May trying to tell me, gusto ko siya ang gumawa ng way to communicate with me.

"Anong problema niyan ni Tin bakit parang kanina ko pa naririnig sa loob ang boses niya?" Sabay kaming napatingin sa gilid namin kung saan nanggaling ang boses at nakita namin si Ate Cyd na palabas ng gate ng dorm nila.

"Hi Ate Cyd!" Bati ko na sinundan naman ni May ng hello. Ngumiti samin si Ate Cyd labas dimples syempre.

"Anong problema mo nga?" Tanong ulit ni Ate Cyd pagkalapit niya samin, umakbay siya sakin.

Bago pa ako makasagot nauna na si May, "Si Andrei, Ate Cyd ang problema ni Tin." I scowled at her she simply raised a hand with a peace sign at me. Not gonna work.

"Oh, anong meron kay Andrei? Mabait yun." Sabi ni Ate Cyd. No choice na ako, nakwento ko kay Ate Cyd ang tungkol kay Andrei at tahimik lang siyang nakinig. Paminsan minsan makikita mong ngumingiti siya ng malaki, bumabaon tuloy ang dimples niya. It got me thinking kung ano kayang naiisip ni Ate Cyd right at this moment.

"So ayun nga po.." Pagtapos kong magkwento, narinig kong tumawa si Ate Cyd. Lalo akong nahiya.

"Sorry Tin, natawa lang ako sa inyong dalawa." Si May naman tuwang tuwa din na pati si Ate Cyd mukhang na-aamuse sa sitwasyon ko.

"Ang cute nila di ba Ate Cyd?" I gave May an 'oh-really' face.

"Yeah, cute nga. Well, gusto mo ba kunin ko number ni Andrei? I could ask Mika, close sila nun." Ate Cyd said. Ate Mika is one of her teammates, nakikita ko din siya dito kapag nakatambay ako mabait din saka maganda, ang tangkad.

Tumango-tango si May, "Naku wag na ate! Nakakahihiya po. Ako na bahala dun." Tinanong ako ni Ate Cyd kung sure ako at umo-o lang ako sa kanya.

"Okay, sabi mo eh. Text me if you can't reach him alright?" "Yes po, salamat ate." Nagpaalam na din si Ate Cyd samin, apparently magkikita sila ni Ate Kim sa mall to watch a movie. Hashtag friendship goals! Sumabay na ako sa kanya maglakad, gusto ko na ding umuwi. Ipapahinga ko na lang ang frustrations ko.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan inopen ulit ni Ate Cyd ang topic tungkol kay Andrei, "So di mo type si Andrei?" Nabuga ako ng hininga, when will this stop. Di ko nga siya type.

"No Ate, no talaga. Ang liit niya, gusto ko matangkad saka ang yabang niya akala mo pogi di naman." Explain ko.

"Edi bakit ka affected kung di mo siya type or kung di ka interasado man lang sa kanya? If you truly don't care about him edi kiber. Don't let him get to you, sa nakikita ko kasi.. You like him."

Hanggang sa pag-uwi mainit ang ulo ko, "Darn it!" binagsak ko ang katawan sa kama at binaon ang mukha sa unan. Nagreplay nanaman yung sinabi ni Ate Cyd.

"Edi bakit ka affected kung di mo siya type or kung di ka interasado man lang sa kanya? If you truly don't care about him edi kiber. Don't let him get to you, sa nakikita ko kasi.. You like him."

"I'm not affected, badtrip lang ako kasi papansin siya. Yeah! Sino bang di maiirita kung ang kulit niya di ba? Tss. Yeah, nabadtrip lang ako but naaah di ko pa din siya type. Duh." I said to talking to myself.

"Yeah, I don't and will never like that Andrei Caracut." I looked at my ceiling with a triumphant smile.

Siguro dahil na rin sa pagod at kakaisip nakatulog ako, nagising na lang ako when I heard my Mama calling my name for dinner. "Ni hindi ako nakapagpalit ng damit." Kinapa ko ang cellphone ko I'm sure I tossed it somewhere on the bed. When I finally have the phone in my hand I checked the time but was dumbfounded by a message.

From: +63915*******

Hi classmate! This is Andrei Caracut. Free ka ba tomorrow? Around 2pm? After ng afternoon training namin kasi I'm vacant so baka pwede tayo gumawa ng report. Carps? :)

Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa text niya kung di pa ko katukin ni Mama. "Ernestine Grace, gising na! Kain na muna!" "O-opo. Sunod na po ako."

Tinext ko agad si May pagkatapos kumain.

To: May Luna

Maaaaaaay! Nagtext si Andrei.

And knowing May laging hawak ang phone mabilis siyang nagreply.

From: May Luna

Oh? Naks! Paano niya nakuha digits mo?

To: May Luna

Sakli. Nagulat ako. Anong sabihin ko?

From: May Luna

Bakit ano bang sabi?

To: May Luna

Wala, nagtatanong lang kung free ako tomorrow ng 2PM para makagawa kami ng report.

From: May Luna

Hala siya! Edi replayan mo kung free ka. Ernestine, di ka naman niyayang makipagdate para sa reporting yan.

Hindi ko nireplayan si May may point kasi siya. Ang oa ko na, masyado na akong naimpluwensyahan ni May. I redeemed my chill and replied to Andrei.

To: +63915*******

Okay. Meet you at CBTL 2PM.

An hour past, hindi pa siya nagrereply kaya nagready na ko para matulog and right when I'm about to close my eyes I heard my phone's ping. Hindi ko na dapat aabutin ang phone ko pero nangati pa din ang kamay ko at kinuha yon.

From: +63915*******

Nice. Tulog ka na para tomorrow di nakapikit mata mo. Jk! Hehe. Good night.

"Tsss. Sino ba naman di maiinis sa isang to? Feeling close ah." I opted not reply, hinayaan ko na siya. Ilalapag ko palang ang phone ko ulit sa side table nang may pumasok na new text.

From: +63915*******

See you tom classmate! Goodnight ulit.

I shook my head, "Di talaga siya makulit eh." Those were my last words before I yawned and fell asleep.   

Captured by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon