UNBEARABLE Desire

By Ijreid

474K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 45

4.4K 70 3
By Ijreid

NAVI POV

Akala ko naman kung saan ako dadalhin ni Mie pero dito lang pala sa isang park sa loob ng subdivision nila.

The place is nice. malapit na rin kasi ang pasko kaya naman napupuno ng christmas lights ang paligid. May mga tao rin sa lugar pero hindi ganun karame. siguro mga nakatira lang din sa lugar nila ang nandirito.

may mga kabataan din akong nakikita na umiinom. kaya pala gusto ni Mie na bumili ng alak ay dahil pwede rito.

this is not what i expected to happened. Ang plano ko ay magdinner kami sa isang magandang restaurant at hindi dito sa isang park.

but actually it doesn't matter as long as kasama ko si Mie. if a date in the park would make her happy who am i to deny it?

inilabas ko ang blanket na nasa sasakyan ko. i put that one for Paige to use when we're travelling. may unan nga rin siya roon. hindi ko na yun tinatanggal para in case na kailangan niya ay available lang.

"Nav tara!" sigaw sakin ni Mie.

kita ko siyang naayos na ang lahat. mula sa pagkain at sa hihigaan para sa star gazing na gusto niya ay ayos na. buti na lang at umaayon ang panahon at hindi makulimlim.

sinenyasan ko siya ng sandali lang dahil kausap ko pa yung restaurant kung saan pinacancel ko na ang reservation ko dahil nga sa sobrang traffic.

"ito ang dinner na gusto mo?" tanong ko sa kanya ng makita ang mga pagkain na nakalagay pa sa plastic.

"this is fine Nav. wag ka ng maarte" nakangiting sabi niya.

"hindi ako maarte. this is not a healthy dinner" katwiran ko.

"alam mo hindi naman masama to kung once in a while lang naman." sagot naman niya. 

"this is all junk foods Mie"

"ui my vegetable flavor dyan na chips" sagot niya

"tsss"

"namiss ko yung ganito" biglang sabi niya. nagbukas na rin siya ang isang chichirya. "highschool pa nung huli kong naranasan to"pagpapatuloty niya.

ako ba kelan? matagal na rin pero hindi gaya niya. 

nung college ginagawa pa namin ang picnics nila mommy tuwing weekend  o basta maisipan namin.

"nung highschool nakakapagpicnic ka ng gabi?" tanong ko.

ngumisi siya tapos tumango "kami ng mga pinsan ko. minsan na lang kaming magsama-sama kaya naiisipan namin ang ganito. nung highschool kami kapag may mga ocassions at nagkikita kita ay kung anu-anong kalokohan ang naiisip at nagagawa namin, pero nung college nalimit na eh. may mga outing pa rin minsan pero yung tulad nito ay wala na." 

"alam mo bang mahilig sa picnics yang si Paige. sa Texas kapag off ko lagi kaming nagpipicnic kasama si Love or minsan sila tita" kwento pa niya.

Love? who the hell is he/she?

"bibo na talaga yang si Paige noon pa. makulit, marameng tanong at mahilig magkwento."

"lahat naman ng mga bata ganun eh" sabi ko naman

"sabagay." sagot niya. gusto ko sanang tanungin kung sino si Love kaso baka masira lang ang date namin.

nakita ko siyang nagbukas na rin ng isang softdrinks.

"mahal na mahal mo ang kapatid mong yun no?" tanong ko sa kanya at tinutukoy ko ay si Paige.

"sobra. she is my pride and joy" nakangiti niyang sagot. I can feel her love radiating to me.  

"ganun ba kapag bunso? sabi nila magkasundo daw ang panganay at bunso eh" i said.

tumingin siya sakin sandali tapos ngumiti. "yeah i guess so"

"sabagay si Kuya at Carlo ay magkasundo talaga" tukoy ko sa mga kapatid ko. 

tatlo kasi kaming magkakapatid na lalaki. Si mommy lang ang babae sa pamilya. Si Kuya walang girlfriend. Si Carlo naman ay may nililigawan. kaya naman si mommy ang minsan napagkakaisahan namin. Nung kami pa ni Mareen ay nakakahanap siya ng kakampi.

"awww kawawa naman ang middle child. napagkakaisahan ka ba lagi? nalihis ka kasi ng landas" sabi naman niya.

hindi ko alam kung nag-aasar ba siya o ano. pero may tama rin naman siya. nalihis ako ng landas at minsan pinagkakaisahan ng mga kapatid kong yun.

"yeah outcast ako sa family." sagot ko.

all of them are into business. ako lang naman ang nasa medical field eh.

"nag-eemote ka niyan? pareho lang naman tayo eh. Sila Papa, Mama at Bry ay sa business namin nakafocus. Si Cands naman nagpaplano magtayo ng Architectural firm, so business din. si Danny wala pa eh. pero malay mo maisip din niya magtayo ng clinic niya diba? ako lang naman ang wala eh. forever employee ata ako" sabi naman niya.

kung tutuusin naman ay nasa business din ako dahil isa ako sa may ari ng EWGH. yun nga lang hindi ko forte ang pamamalakad ng isang kumpanya, hindi tulad ng pamilya ko.

"malay mo pakapangasawa ka ng businessman edi magiging businesswoman ka na rin" sabi ko naman.

natawa naman siya sa sinabi ko.

"maybe, hindi natin alam" sagot niya.

Sinabayan ko siya sa pagkain. nagkwentuhan din kami ng kung anu-ano. mostly ng kwento niya ay ang paglaki ni Paige. Pinakita rin niya sakin ng isang album sa gallery ng phone niya na puro si Paige or sila ni Paige ang laman.

kung titignan silang dalawa ay mas mukha silang mag-ina kesa magkapatid. ang laki naman kasi ng agwat nilang dalawa. mahigit dalawampu't limang taon. tapos ay magkahawig na magkahawig pa.

"ubusin mo na to" biglang bigay niya sakin ng kinakain niyang fish crackers.

"busog na ako" sagot ko naman

"sayang naman to."

"bakit kasi ang dami mong binili?" tanong ko.

kung anu-ano kasing binili niya. may chichirya, siopao, softdrinks at may chocolates din.

halos paubos na namin pero may natitira pa rin.

"itong chocolate ibibigay ko na lang kay Paige" sabi niya. 

sumang-ayon naman ako. hindi ko naman hilig yun. si Mie ang mahilig sa chocolates na mukhang namana ni Paige sa kanya.

"ubusin na natin to" alok na naman niya sa nangangalahati ng crackers.

alam ko na namang ipipilit pa rin niya ang pag-ubos kaya naman kumain na rin ako.

"kumusta ang interview niyo?" tanong niya.

"ayos naman."

"sikat ka palang doctor ah. tamo mafefeature kana sa isang sikat na magazine. natupad na rin ang pangarap mo" masayang sabi niya.

napatingin ako sa kanya. ngumiti siya sakin kaya naman nahawa rin ako. tama siya pangarap ko ang maging doctor at ngayong naabot ko na ibang pangarap naman ang gusto kong matupad. ang makuha siya.

pagkatapos nun ibang pangarap naman. ang bumuo kami ng pamilya.  

tapos, magkaroon ng mga anak.

tapos, tumandang magkasama at marame pang iba.

"hoy natatameme ka dyan" napatingn ako sa kanya na ngayon ay nakahiga na. gamit niya ang unan ni Paige at nakatingin siya sakin.

"wala naman may naisip lang ako" sagot ko at humiga na rin sa tabi niya. ginawa kong unan ang isang braso ko.

"ano naman?" tanong niya.

"ang pangarap kong di pa natutupad"

"ano naman yun?"

"saka ko na sasabihin kapag natupad na baka hindi magkatotoo" pangbibitin ko sa kanya.

"tsss! damot mo. siguro sensored yang pangarap mo no?" tanong niya na nanghuhusga pa. di ko tuloy mapigilang matawa.

"pwede rin" sagot ko kaya napasinghal siya.

napapailing na tumingin na lang ako sa langit.

maliwanag ang bwan at kitang kita ang mga bituin. 

ang sarap nilang tignan sa mata. meron kayang shooting star?

"bukas pala ang check up ni Paige" rinig kong sabi niya makalipas ng ilang minutong katahimikan.

tumingin ako sa kanya pero ang tingin niya ay nasa kalangitan na.

"Paige looks great. maybe the cast will be off tomorrow" sagot ko.

"sana nga"

"susunduin ko kayo bukas. anong oras ba ang appointment niyo?" tanong ko.

lumingon siya sakin dahil sa tanong ko. "are you sure? araw-araw ka na lang nasa bahay. hindi ka pa ba nagsasawa samin?" tanong niya. 

how could she think that way? yun nga ang nilolook forward ko everyday.

"no.bakit naman ako magsasawa? sabi ko naman sayo masaya ako na kasama kayo" lalo ka na.

"okay" ngiting sagot niya at tsaka tumingin na naman sa maliwanag na kalangitan. "9am ang appointment namin" sagot niya rin sa tanong ko kanina.

i watched her as she draw lines with her fingers. parang siyang nagcoconncet the dots sa ginagawa niya. may pagkabata pa rin talaga ang babaeng to.

"Mie" tawag ko sa kanya.

"hmmmp" sagot niya pero hindi pa rin sakin nakatingin. nakangiti siya habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"may pag-asa pa ba tayo?" tanong ko sa kanya.

nabitin sa ere ang daliri niya. bigla naman akong kinabahan sa isasagot niya. gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bigla ko nalang nasabi yun. 

who would blurt out their feelings on first date?

I am happy on what's happening tonight kaya naman hindi ko napigilan itanong yun. kinakabahan ako pero gusto ko pa rin marinig ang isasagot niya.

nakita kong ibinaba niya ang kamay niya at tsaka lumingon sakin.

kunot noo niya akong tinignan. "anong sabi mo?" tanong niya.

narinig ba niya ang sinabi ko or kinukumpirma lang niya ang tinanong ko.

"i still love you Mie. can i court you?" i said the words without stuttering.

nanlaki ang bilugan niyang mata at kita ko ang bilis ng paghinga niya.

shit! did i say the wrong words again? kinakabahan ako sa oras na to pero ayokong mapansin niya yun. 

"Nav" mahinang tawag niya ng pangalan ko na parang naguguluhan pa.

napapikit naman ako ng maalala ko na may boyfriend nga pala siya.

"Mie I know you're in a relationship. but i want you to know my feelings before it's too late. damn i know i'm too late but still i want you know" i sincerely said.


ARMIE POV

Paige is excited about going to the hospital today. sana talaga ay pwede ng tanggalin ang cast niya. i know it bothers her a lot pero syempre dahil lang naman yun sa hindi siya makalaro at makapasok sa school.

kagaya nga ng sabi ni Nav kagabi siya, ang naghatid samin sa hospital. dumating siya sa bahay na may dalang isang bouquet of red roses.

kilig na kilig nga si Cands eh. naikwento ko kasi sa kanya ang nangyare sa date namin ni Nav. ayaw kasi niya akong tigilan. pag gising na pag gising ko nakaabang na siya sa kwento ko. 

Alam na niya, i mean ng buong bahay, na nililigawan ako ni Nav kaya kung makareact siya parang teenager lang.

Si Paige nga sabi niya ligawan din daw siya ni Nav kasi gusto daw niya ng pink na rose. Sumang-ayon naman si Nav. dapat naman daw na buong pamilya ko ang liligawan niya. abnormal talaga! pero kinikilig ako.

Hindi ako pinatulog ni Nav dahil sa sinabi niya sakin kagabi. nagulat ako sa mga nangyare. hindi ko akalain na sasabihin niya iyon sakin.

Flash Back...

"Mie I know you're in a relationship. but i want you to know my feelings before it's too late. damn i know i'm too late but still i want you know"

nakatulala lang ako dahil sa narinig ko. hindi ko alam kung panaginip ba iyon o ano. ilang beses rin akong kumurap pero nasa harap ko talaga siya at sensero ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.

"liligawan?" yun na lang ang nasabi.

nahigit ko ang paghinga ko ang bigla na lang siyang nasa harap ko. nakahiga ako at nakatukod ang palad niya sa magkabilang ulunan ko. nakaluhod din siya at napapagitnaan ako.

pantay na pantay ang mukha niya sa mukha ko. ilang dipa na lang ang layo nito sakin. titig na titig ako sa mata niya at ganun din siya sakin. ito na naman kaming dalawa na parang nag-uusap sa pamamagitan ng mata.

nararamdaman ko ang intensidad ng mga titig niya. ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. 

gosh! siya lang talaga ang nagpapadama sakin ng ganito.

" i'm stupid for letting you go twice. but now i can't Mie, di ko na alam ang mangyayare sakin kapag pinakawalan pa kita" sabi niya at idinikit ang noo sakin.

pumukit ako at dinama siya na malapit sakin. hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. masaya ako sa narinig ko. ibang klase din naman itong si Navi. akala ko naman nagsisimula ng gumanda ang relasyon namin dahil inaya niya akong makipagdate tapos ngayon biglang nagconfess na siya sakin ng feelings niya? 

who would do that on first date?agad-agad lang? may lakad? nagmamadali?

I hope mapanindigan ko ang paalala ni Cands na walang iba pang mang-yayare sa first date. ang hirap kasing mag-isip ng tama kapag ganito ang ginagawa sakin ni Nav.

"Nav" i whispered his name.

takte naman oh hindi ko alam ang sasabihin. i'm overwhelm by the joy i'm feeling right now.

naramdaman ko ang pag-angat niya sa harap ko. iminulat ko ang mata ko at kita kong nakatayo na siya at nakangiting nakatingin sakin.

"let's go" aya niya sakin at iniabot ang kamay.

bigla naman akong naguluhan sa kilos niya. akala ko pa naman may kaechosan kaming gagawin. akala ko matitikman ko na ang labi niya after ng confession niya pero ito siya inaaya na akong tumayo.

tssss! sayang naman.

"uwe na tayo?" maang na tanong ko.

"ayaw mo pa ba?" tanong niya

"ha? ano-" gusto ko munang pag-usapan yung pag-amin mo.

"it's getting late. maaga pa tayo bukas sa appointment niyo diba?"

kahit may pag-aalinlangan ay kinuha ko na nag kamay niyang nakalahad. itinayo naman niya ako tapos ay kinuha ang plastic kung saan nakalagay ang mga pagkain.

inayos na rin niya ang blanket at itinapon ang mga kalat namin. nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siya. yakap yakap ko lang ang unan ni Paige. 

anong nangyayare? parang panaginip lang ang naganap kanina. yung tipong commercial break lang tapos ito ang totoong palabas.

pilit ko pa ring inaabsorb ang mga nangyare kani-kanina lang. he said he still loves me and he will court me. 

mahal pa rin niya ako? like the way i'm feeling?

di ako makapaniwala. ako may manliligaw na? di ko mapigilang mapangiti sa naiisip. in my 30 years of life hindi ko naman naranasan ang properly na naligawan. yeah i went out for a date and that's all. kapag naguungkat na  ang love and courtship umiiwas na ako.

when i fell in love, ako naman ang nanligaw. kaya naman bago ang lahat ng ito sakin. 

seryoso kaya siya dun? sabagay matanda na kami para maglaro pa.

"hey" tawag sakin ni Nav. 

nakalapit na pala siya sakin at nakapatong ang dalawang kamay niya sa balikat ko. nag-angat ako ng tingin sa kanya.

bakas na mata niya ang pag-aalinlangan. 

oh oh! don't tell me babawiin na niya ang sinabi niya. sabi na eh joke time na naman tong lalaking to eh.

"kung naguguluhan ka. wag mo ng isipin yun" sabi niya

the hell! ito na nga ba ang sinasabi ko eh. babawiin nga niya.

"nagbibiro ka na naman ba Nav? matanda na tayo para paglaruan mo pa ang feelings ko" sabi ko sa kanya.

"what? NO. ano bang iniisip mo? hindi kita pinaglalaruan. i meant what i said. mahal kita. for years ikaw lang kahit na iniwan at pinagpalit mo ako. ikaw lang." natawa siya saglit pagkasabi nun at nag-iba ng tingin.

tinitigan ko lang siya at bakas sa mukha niya ang sakit. nakakunot ang noo at mukang may malalim na iniiisip. 

oo na narealized ko naman na mahal niya talaga ako pero huli na. ilang taon na ang nasayang namin at sana hindi na madagdagan pa.

huminga siya ng malalim at nakangiti na naman humarap sakin. pero hindi na ito abot sa kanyang mga mata. in short pilit lang ang ngiti niya.

"i'm sorry Mie. sana wag kang mailang sakin after nito." sabi niya.

ako? maiilang? eh halos atakihin na nga ako sa puso dahil sa revelation niya. baka konting rebelasyon pa ay mamatay na ko sa kilig dito.

Gosh! ikaw ba naman ang sabihan  ng taong mahal mo na matagal ka na niyang mahal at ngayon ay liligawan ka na niya. dream come true ito.

"Nav. I-" don't know what to say.

"just give me a chance please" pagmamakaawa niya. "i'll do it right this time"

"parang ang bilis. first date pa lang to diba?" wala sa sariling sabi ko.

ngumiti siya sakin bago sumagot "first date? ang dame na ngang nangyare satin first date pa rin ba to sayo?" tanong niya.

napakagat labi ako sa pagkapahiya. yeah right. first date namin ako ang nag-aya. nalate pa nga ako nun at galit na galit siya sakin. sabi pa niya hindi siya nag-enjoy sa date na yun noon. tapos nasundan pa yun ng marame pang date na ako ang nag-aya. Yun nga ang sabi ni Cands, kahit hindi naman date ay kinosider ko ng date para kiligin ako ng mga panahong yun.

"oo first date ito na ikaw ang nag-aya" katwiran ko.

ngumiti na naman siya na parang may gustong sabihin pero pinili niyang ngumiti na lang.

"bakit?" tanong ko

umiling lang siya.

"tssss"

"tara na" aya niya at hinawakan ang isang kamay ko at hinila pabalik sa sasakyan niya.

"Nav" pigil ko sakanya.

"hmmmp"

"seryoso ka ba talaga sa sinabi mo?" tanong ko. mahirap na baka isang malaking joke lang to.

"yes" direstsong sagot niya. "would you give me a chance?" tanong naman niya.

duh? tinatanong pa ba yun siyempre go na. magpapakipot pa ba ako eh may anak na kami.

nahihiyang tumango naman ako. binigyan na naman niya ako ng isang malawak na ngiti bago niyakap.

ay grabe ang sarap sa pakiramdam nito. kinikilig ako na parang teenager.

"thank you Mie." sabi niya.

ginantihan ko rin ang yakap niya. napapakagat labi ako sa kakiligan. hanep naman oh!

lumayo siya sakin at hinarap ako.

OMG! is he going to kiss me?

seryoso siyang nakatingin sakin bago sinabing " you need to break up with your boyfriend first. cause i don't share what's mine" he said.

"ha?" naguguluhan akong tumingin sa kanya. 

teka nasaan ang halik ko? at ano daw? kanya daw ako? takte pasampal nga ako baka panaginip lang to.

"ayoko na ng secret affair like before. i want all of you Mie. so break up with him." madiin niyang sabi.

"break up with who?" lutang pa rin na tanong ko.

natawa naman siya sa reaksyon ko. "are you on high baby?"

"ha?"

natawa na siya at hinalikan ako sa noo. bigla naman ako natauhan at naalala na may boyfriend nga pala ako sa pagkakaalam niya.

kasalanan niya eh pinapakilig niya ako kaya nawawala ako sa wisyo.

inihatid niya ako sa bahay. wala pa nga atang limang minuto ay nasa bahay na kami. pinaalala na naman niya yung about sa imaginary boyfriend ko.

"i'll talk to him" sabi ko at tinaggal na ang seatbelt ko.

hindi naman problema yun eh. pwede ko naman sabihing break na kami at okay na lahat dahil in the first place ay wala naman talaga.

siya nga tong may girlfriend. OMG! i almost forgot na may fiancee pala siya.

bago ako tuluyang bumaba ay tinanong ko na ang nasa isip ko.

"paano si Mareen?" tanong ko.

nagulat ata siya sa tanong ko pero ngumiti rin pagkatapos. "i'll talk to her too. she'll understand"

tumango na ako at lumabas ng sasakyan. lalabas din sana siya pero pinigilan ko na.

"umuwe kana. good night"

"goodnight baby" paalam niya at kumaway pa.

kinikilig na naman ako. 

pagkaalis niya ay di ko mapigilang mapasigaw sa kilig. 

OMG! hindi ba talaga panaginip to?

"awww" sabi ko sa isip ko ng maramdaman ko ang sakit ng pagkakakurot ko sa sarili.

totoo nga talaga to. sana nga talaga maintindihan ni Mareen para happy na kami.

di ko maalis ang ngiti habang papasok ng bahay. masaya ako dahil this time ako naman ang pinili niya.

"ang lapad ng ngiti natin ah" napatingin ako sa nagsalita. Si Cands

kahit na iba na ang tingin niya sakin ay di ko pa rin magawang alisin ang ngiti ko. masaya ako eh.

"anong nangyare?" tanong niya

"bakit andito ka pa?" tanong ko naman

"dito kami matutulog ni JB ngayon" deklara niya "anong nangyare sa date niyo?"

"Wag mong sabihin inabangan mo talaga ang pag-uwe ko?" tanong ko sa kanya.

"yes! kaya nga dito kami nagstay ni JB eh. ano? kwento na? sa lapad ng ngiti mo naka home run kayo no?" pang-uusisa niya

"tse tigilan mo ko. matutulog na ko"

"hoy ate teka lang" habol niya sakin ng umakyat na ako.

"ano ngang nangyare at masaya ka? kayo na ba?"

"Cands saka na tayo mag-usap. pagod ako"

"wag kang madaya. ayaw mo lang mag share eh! di ka naman matutulog eh. sa saya mong yan? baka madaling araw ka ng makatulog kaya ikwento mo na sakin. ano ba nangyare?"

"good night" sabi ko at sinarhan siya ng pinto sa kwarto ko. nilock ko na rin yun para hindi siya makapasok.

"hoy ate" tawag niya sakin sa kabilang pinto at kumakatok pa.

"Cands tulog si Paige" saway ko sa kanya.

"tsss!" bumubulong bulong pa siya pero di ko na pinansin. hindi na rin naman siya kumatok ulit.

ayoko munang magkwento. ang sarap kasing sarilinin ang kilig ko ngayon gabi.

nakangiting tinignan ko si Paige na masarap ang tulog sa kama namin. 

"konti na lang bebe girl. maiiuwe ko na ang daddy mo" bulong ko sa kanya matapos kong bigyan ng halik sa noo.

--------

"Mee tatanggalin na po ba ang cast ko?" tanong ni Paige habang itinutulak siya ni Nav sa wheelchair.  kakapasok na namin ng hospital.

"titignan natin" ngiting sagot ko.

marameng bumabati kay Nav at panay tango lang ang sagot niya. ang sungit talaga. pag napapatingin ako sa mga staff ng hospital ay ngumingiti din sila sakin. nakakahiya tuloy.

if i know pinagtsisismisan na kami ng mga ito. 

nakapag-usap na kaya sila Mareen at Navi? hindi pa rin naman ako tinatanong ni Nav about sa boyfriend ko.

ano ba yan bakit yun ang iniisip ko ngayon? wala pa ngang 24 hours nung nagkaaminan kami tapos ngayon gusto ko matapos na ang relasyon nila ni Mareen?

alam ko may masasaktan na naman ako pero part talaga yun pag nagmahal ka. maswerte ako at ako ang mahal ni Nav at mahal ko din siya.

di ko na naman mapigilang ngumti dahil sa katotohanang iyon.



Continue Reading

You'll Also Like

852K 20.4K 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her li...
6.5K 196 32
Why can't she just accept the fact that she's in love with the man who stole everything from her?
26.5K 1.1K 35
They met in a very conventional way like most couples do, but theirs is an unconventional story. Philippine Military Academy Cadet Marcus Franco, 22...
300K 5.8K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...