Scent of Heaven (Jax and Mara...

By littlemissann

477K 12.8K 1.1K

A story of true love. More

Scent of Heaven
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Read First!
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue - Jax's POV

Chapter 4

9.8K 279 11
By littlemissann




***


Lahat ay abala para sa nalalapit na JS prom.

Hindi magkandaugaga ang mga kaklase kong babae sa nga susuotin nila at kung saang hairstylist sila pupunta, sobrang excited nila sa kani kanilang mga escort.

"Bakit ka nakatitig dyan?" tanong ni Anne, isa sa mga malapit kong kaibigan.

"Hindi ah, nakakatuwa kasi kayong tingnan, masyado kayong aligaga" ngiti ko.

"Hmp! syempre prom kaya yun girl, natural lahat excited, yung iba excited na makasayaw nila ang mga crush nila" ngiti niya.

"Sino nga palang escort mo?" tanong nito.

"Si Jake" simpleng sagot ko.

"Oo nga pala, tinanong ko pa e expected namang siya ang partner mo" ngiti niya.

"Walang nag yaya sa aking iba" tipid kong sagot.

"Paanong may magyaya sayo, eh kung bakuran e sobra, tapos lahat magtatangkang ligawan ka binabantaan ni Jake" natatawang sabi nito.

"Huh? di naman na yun nakakapagtaka Anne, masyadong protective yan si Jake, kahit noon pa man, sabay kaming lumaki eh, di na niya ako maalis sa sistema niya" natatawa kong sagot.

"Manhid ka siguro, ikaw na lang yata ang hindi nakakaramdam na may gusto siya sayo" aniyang nakuha ang atensyon ko.

"Anne, walang ipinagbago ang trato ni Jake sa akin magmula noong una kaming nagkita, magkaibigan na kami nasa NKP pa lang ako, highschool na tayo oh" pilit kong paliwanag.

"Ewan ko sayo, pero ang swerte mo kasi senior na ang partner mo tapos andaming naglalaway diyan ke Jake, bukod sa pogi na, varsity player tapos matalino pa" aniyang binalewala ang sagot ko.

" Takot lang niya sa akin kung iiwan niya ako" ngisi ko, pero sa isang bahagi ng utak ko ay bumabalik ang mga sinambit ni Anne.


Wala naman talagang ipinagbago ang pakikitungo ni Jake. Sanay na sanay na ako sa pagiging maalaga at malambing niya, kung di mo kami kilala mapagkakamalan talaga kaming magboyfriend, siguro nga yun ang dahilang walang ibang nanliligaw sa akin. Wala din kasi ni isa sa mga pumoporma ang tipo ko  liban lang kay Kuya Jax na kapag nakikita ko ay para akong maiihi sa kaba, magmula iyon ng kinuha niya ang unang halik ko. Ngunit alam ko namang hanggang doon na lang yon, alam kong di niya ako magugustuhan, di naman ako umaasang may espesyal itong nararamdaman sa akin, kung bakit niya ginawa yung paghalik sa akin noon ay di ko rin alam, marahil ay sa sobrang taranta niya sa akmang pagsigaw ko o ganti na nito sa panlalait ko sa girlfriend niya noon. Hindi ito pares ni Jake na malambing sa akin bagkus lagi itong galit at iritable.

At kay Jake nama'y kung talagang may gusto siya sa akin ay bakit kahit isang beses sa buong buhay naming magkasama ay hindi siya nagtapat sa akin? Masyado ba talaga akong manhid at di ko nararamdaman yun? Sa itinagal ng pagkakaibigan namin ay ni minsan di siya nagtangkang sabihin kung may nararamdaman siya sa akin.

"Speaking of the angel, naandyan na yung nagmamahal sayo, sinusundo ka na, ang swerte mo girl. Ikaw  na si Rapunzel na may mahabang buhok ang gwapo teh! Sige na uuna na ako" hagigik ni Anne sa gilid ko papalayo.

Nakangiti na ng malapad si Jake papalapit sa amin, tinitigan ko siya at iniisip kung totoo ang hinala ni Anne. Napakaimposible!

Mahalaga sa akin si Jake, ayaw ko mang aminin ay para akong ligaw pag di ko siya kasama, masyado na rin yata akong dependent sa kaniya. Kahit mawalan ako ng mga kaibigan wag lang si Jake. Siya ang comfort zone ko.

" Psst! Bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong niyang  tumabi sa akin.

Umiling ako.

"Wala naman, u-uhm Jake sigurado ka bang ako ang partner mo sa Prom? A-Alam mo na, 4th year ka na tapos 3rd year ako"

"Oo naman, hindi naman bawal yun ah" sagot niyang kunot ang noo.

"Sigurado ka? wala ka bang niyayang ibang ka year mo? like si Sofia? sino nga yun Kristine, or si Myles yung cheerleader ninyo sa basketball?"

"Wala, ikaw ang gusto ko? bakit ayaw mo? may nagyaya bang iba sayo?" sunod sunod na tanong niya.

"Naku wala nga, baka napipilitan ka lang kasi alam mong walang nagyaya sa akin" buntong hininga ko.

Tumawa ito.

"Hindi, ang tagal ko na kayang hinintay ito, halika ka na nga ihahatid na kita" sabi nitong kinuha ang bag at libro ko.


Tumayo na rin akong sumunod.

Para akong naguluhan sa isang bagay na di ko alam.

"U-uhm Jake, may itatanong sana ako sayo kaso nakakahiya e" sabi kong sumusunod sa kanya papuntang parking.

"What is it?"

Nagdadalawang isip ako kung tatanungin kong posible ba siyang magkagusto sa akin.

"Uh ah, M-may-"

" Hi Jake!" sabat nang babaeng nakasalubong namin, 4th year na rin yun.

Tumango naman si Jake dito. Alam kong isa yun sa mga niligawan ni Jake dati, di lang ako sigurado kung umabot sila ng isang linggo.

Parang umurong ang dila ko sa tatanungin ko sana, naalala ko pa ang mga ibang babaeng niligawan nito, malayo sa personalidad at hitsura ko. Magaganda sila, yung pang trophy girlfriend ang hitsura, yung mga iba mga sumasali ng beauty pageants sa school, yung iba naman mga cheerleaders sa ganda ng katawan at legs. Kaya imposible!

"Wait there sandali" aniya.

Pumasok muna ito ng sasakyan niya, saka binuhay ang makina, at binuksan ang mga bintana at aircon. Nakatayo lamang ako sa labas dahil alam kong di rin naman ako papasukin nito sa loob, nabasa daw niya na masama sa hika ko ang bagong bukas na AC ng sasakyan , saka ito lumabas muli.

"Get in, ano nga pala yung itatanong mo?" muwestra niya ng pinagbubuksan ako ng pinto sa kotse niya.

Pumasok ako sa loob.

"Ha? a eh wala, itatanong ko lang sana kung anong magandang kulay ng gown para sa prom" dyahe kong tanong.

Tumawa ito.

"Yun lang? You look so serious while ago, akala ko na kung anong itatanong mo" natatawa nitong sabi.

"Mara, kahit anong color okay lang, you'll still look beautiful to me, e di ba baby blue ang favorite mo? e di yun nalang or kahit anong color ang gusto mo sabihin mo lang sa akin para mapaghandaan ko ang kulay ng tie ko." Sagot nito.

"Wag kang kabahan, naandon ako, tsaka sa susunod pang buwan yun, marami ka pang time magprepare" aniyang nakangiti.


Malapit lang ang bahay namin sa school, kaya sandali lang din ay nakarating na kami sa subdivision.

"Call your Mom, dun ka muna sa bahay, nagbake si Mommy" aya nito sa akin.

Tumango ako at tumawag pero wala daw si mommy sabi ni Yaya Lusing kaya sakanya na lang ako nagsabi na nasa bahay ako nina Jake.

Amoy na namin ang binebake ni Tita Maricar sa labas pa lang ng bahay. Ramdam ko na ang gutom ko.

" Oh naandito na pala kayo, buti na lang naandito ka Mara eksakto kasi gumawa ako ng cassava cake, paborito mo" ngiti ni Tita.

"Paborito ko rin yun 'my" singit ni Jake

"Sus, eh lahat naman ng paborito ni Mara e pinapaborito mo, o sige na wag ka ng magselos, para sainyo naman talaga ito" Sagot ni Tita Maricar habang nag aalis ng cake sa oven.

Paglingon ko kay Jake e, medyo namula ito at di mapakali.

Niyugyog ko ito.

"Gusto ko ng ice tea yung may lemon, gawa mo ako" lambing ko.

Ngumiti naman siya at tumayo.

Tinulungan ko si Tita Maricar na maglabas ng kutsara at platito.

"Mara anak, kamusta naman mommy mo? Napuntahan na ba niya yung sinabi ko?" tanong niya habang nag i isslice ng gawa niya.

"Huh? okay naman po si mommy tita, wala po siya sa bahay ngayon e, kalalabas lang daw sabi ni yaya, hindi ko po kasi alam yung pinagusapan ninyo" sagot ko.

Bahagya siyang lumingon sa akin.

"Ano po ba yun? para matanong ko si Mommy mamaya" tanong kong nakapangalumbaba habang pinapanood ito.

"Ha? a wala, never mind, tatawagan ko sya mamya, sige na kumuha ka na" aniya.

"Ano yun 'my? ano yung itatanong ni Mara?" sabat ni Jake na umupo sa gilid ko na may dalang juice.

"Nothing Jake" tipid na sagot ni Tita Maricar na nagpunas ng kamay saka lumabas ng kusina.

Kumuha na ako para sa akin at para kay Jake. Nauna itong kumain kaysa sa akin.

"Akin na yang plato mo, nakalimutan yata ni Mommy na may allergies ka sa almonds" aniya na tinatanggal at hinahanap ang nga nuts sa pagkain ko.

"Hayaan mo na, iinom na lang ako ng gamot mamya" sagot ko pero matigas itong nagtatanggal ng mani sa pagkain ko. Napatitig ako at pinagtanto ang mga aksyon niya.

Do you have feelings for me Jake ? pero,imposible pa rin.

Itinuloy namin ang pagkain sa sala nila at nanood ng NBA. Laban ng paborito namin parehong team Cleveland vs. Golden State, napagpustahan na namin ito na kung sinong matatalo ay siyang manlilibre ng isang buong araw na galaan. Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng dumating si Kuya Jax na may kasamang babae.

"Hi!" mahinhing bati nito sa amin kaya napangiti naman kami pareho ni Jake. Umisod ako ng kaunti at tumabi kay Jake sa inuupuan niya para mabigyan ng mas malaking espasyo ang bisita ni Kuya Jax. Samantalang si Kuya Jax naman ay natitig lang din sa amin ni Jake at saka umirap. Ano na naman problema nito?

Maganda nga ang babaeng kasama niya. Tama si Jake nagimprove ang taste ni Kuya Jax malayo sa babaeng nilalait ko noon. Mukhang mahinhin din ito, malamang kaedaran o classmate nito sa college.

"Mitch, si Mara kinakapatid ni Jake, anak ng bestfriend ni Mommy" pakilala ni Kuya Jax. Sabay pa kaming napalingon ni Jake na kahit si Jake ay kumunot ang noo.

Kinakapatid ni Jake? what the effin fudge? Kinakapatid ko kaya silang dalawa! Langya talaga ito! at ayaw pa akong iacknowledge na close ako sa family nila.

"Oh, I see siya pala yun" mahinhing sagot ng babae.

Kumunot ang noo ko. Ano daw?

"Nakita na kasi kita sa picture" ngiti nito.

"Huh? ano po yun? saan po?" tanong ko.

"Mitch! Halika ka na, meryenda na tayo dun na lang tayo" sabat ni Kuya Jax.

Ngumiti ito " dun sa mga frames diyan sa hallway" aniya.

Tumango akong kumibit balikat.

"Sige doon lang kami" paalam niyang tumayo.

"Pwede ka nang lumipat dito sa sofa Mara, baka mabuwal kayo diyan, ang laki at ang bigat mo kaya, di ka kaya ng sofa" tukso niyang nakangisi.

Bwisit talaga ito, papahiyain talaga ako! Rinig ko ang mahinang tawa ng kasama niya.

"Kuya!" saway ni Jake dahil alam nitong namumula na ako.

"Wag mong pansinin yun, it's not true." alo ni Jake.

Tatawa tawa lang itong pumunta ng kusina, sabay akbay sa kasama nitong babae.

Sinundan ko sila ng tingin, bagay nga sila ni Kuya jax, pareho na silang nasa college, maganda nga siya na mukhang sosyalin, di ko nga lang alam kung matalino. Kung sa katalinuhan e di naman ako nahuhuli, lagi pa rin naman akong nagunguna sa klase, pero kung matalino ako e, matalino rin itong nasa tabi ko na siyang nangunguna rin sa kanyang klase.

Ika nga, complete package si Jake, matalino, gwapo ,highschool varsity player, presidente ng school body. Hindi ko alam kung anong maipupuna ko dito dahil mukhang wala bukod lang sa minsan minsang iritable at mahirap suyuin, alam ko namang hindi niya ako matitiis at ang isang nirereklamo ko ay hindi niya pagseryoso sa kanyang mag anging karelasyon samantalang si Kuya Jax naman ay mas matangkad ng kaunti kay Jake at mas matipuno ng kaunti, dahil apat na taon ang agwat nila, kilala rin itong matalino noong highschool ngunit kung anong ikinalambing ni Jake sa akin ay siya namang kabaligtaran ng kuya niya na laging seryoso at nakasimangot. Mukhang laging may dalaw sa pagiging iritable.


***

thanks for the votes and comments!

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 266 45
a phase of; series #1 Yukari Fleur. -- Date started: March 16, 2021. Date Ended: June 14, 2021. (UNDER REVISION!!!)
578K 24.1K 32
Status: Completed Posted: August 2, 2020 - October 5, 2020 19-year-old Giselle got pregnant as an aftermath of that one night she went out and partie...
93.9K 2.7K 42
Dahil sa pinagbigyan ang sarili, ginawa ni Emsi ang lahat sa loob ng dalawang araw noong nagbakasyon sila sa SoKor. May nakilala syang lalaki na naka...
131K 3.3K 43
(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️ Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why s...