Captured by Love

By markedblack

27K 1K 157

You probably read something like this somewhere, that's how much of a cliché the story is but if you still wo... More

1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
-
24
25
26
27
28

8

799 30 3
By markedblack

May is glaring at me and Andrei, naiilang na ko at ilang beses ko na siyang sinita pero as expected she won't go easy on me. Sobrang kinukilit niya ako to spill the beans on how I found out about Andrei's girl.

"Pwede mamaya?" I frown at her but she only rolled her eyes at me.

"Nag-aaway kayo?" Bulong ni Andrei sa tabi ko, di niya na napigilan siguro dahil kanina pa talaga si May. I shook my head to answer his question.

"May topak lang yan." dagdag ko pa, tumango lang si Andrei pero halatang di siya convinced.

Hanggang sa umalis kami ng tambayan hindi pa rin tumigil si Mayang sa tingin niya samin.

"Ernestine, sabay tayo ulit sa LRT. Uwi ka naman na di ba?" Tanong ni Andrei na hindi ko na nasagot dahil nauna na si Mayang.

"Hindi pa siya uuwi, may paguusapan pa kami kaya umalis ka na." napapikit na lang ako sa hiya. May, stop it please, hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Ahh.. Gusto mo antayin kita? Baka gabihin ka, delikado na palabas." Andrei's just cool about May's obvious bitch mode on him. Nakakahiya talaga dun sa tao.

"Tss. Mas delikado yung mga pa-fall." parinig pa ni May, di man lang nageffort na hinaan ang boses niya. Lalo akong namula sa kahihiyan, alam kong narinig ni Andrei yung sinabi ni May.

"Ha?" tanong niya samin, obviously lost.

"Wala, wag na baka malate kami eh marami atang gustong ikwento si May." pinilit ko na lang ngumiti kahit sa totoo lang napipikon na din ako sa inaasal ni Mayang.

"Baka ikaw ang maraming dapat ikwento, Ernestine Grace." mataray na pagtatama ng huli sa akin. I gave her a dagger look and she responded with a smug face.

Looks like Andrei felt the tension between me and May already. "Ahhh. Mukhang madami nga kayong icacatch up, sige. Itext mo ko Ernestine kapag pauwi ka na ah?" tumango na lang ulit ako bilang sagot. Hawak ko na ang braso ni May baka di mapigilan at masaktan pa si Andrei ng wala sa oras.

"Tsssss. Pa-fall!" Parinig nanaman niya. Mali pala, dapat ang hinawakan ko yung bunganga niya mas nakakasakit talaga yun eh.

"Ha?" takang taka na si Andrei. Sobrang nakakahiya na to, baka kung ano pa isipin niya.

"May nadulas daw dun, nakita niya. Talas ng dila niya no? Este ng mata niya. Sige na, I'll text you later." Palusot ko na lang saka hinatak si May palayo.

Akala ko dahil nakatalikod na kami ni May titigil na si Andrei pero he just won't let my life easy din eh. "Antayin ko ah, papunta ba kayo dorm hatid ko na kayo?" pahabol niya.

I bit my lower lip, closed my eyes to utter a short prayer na mapigilan sana ni May ang matabil niyang dila. But, hindi ako malakas kay Lord today. Hinarap ni Mayang si Andrei kahit anong hatak ko at bulong ko na wag na. "Andrei, okay na kami. Okay si Ernestine. Hindi malayo ang dorm, wag kang feeling boyfriend. Okay? Bye!" Mataray niyang sabi saka nagmartsa palayo habang hatak ako.

"I'm sorry Drei, text you later." sinubukan kong lingunin si Andrei at nakanganga lang siya sa pagkabigla.

"Text you later? Bakit may obligasyon ba kayo sa isa't isa para iupdate ang where and whatabouts niyo?!" reklamo pa ni May na talagang pinadinig kay Andrei. I opted not look at his reaction, nakakahiya talaga.

Hindi na kami pumasok sa loob ng dorm ni Ma dahil sa labas palang ng gate binomba niya na akong mga tanong.

"Hoy Ernestine Grace! Kelan mo pa nalaman na may girlfriend yung tao?"

"Last week."

"Paano mo nalaman? Sinabi ba niya? O nalaman mo lang? Alam ba niyang alam mo?" Sunod sunod na tanong niya.Umupo na lang ako sa gutter at inantay na tumigil siya.

"Ano?! Akala ko ba ikukwento mo?" frantic na tanong nanaman niya.

"Ha? Ano naman kung may girlfriend siya? Wala naman kaming relasyon. We're just friends. Sa tono mo para akong kept woman." I told her nonchalantly while rolling my eyes.

Huminga siya ng malalim, finally mukhang natatauhan na siya. Umupo siya sa tabi ko.

"Akala mo ba di ko napapansin kung paanong kumikinang ang non-existent mong mga mata kapag kasama mo siya?" I made a face when I heard what she said. Ang tindi ng imagination ni May.

"Ay shala! Issue ka, May."

"Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko, unlike some people na hindi man lang madifferentiate ang platonic love sa love." Parinig niya sa akin.

"Wala naman talaga, friends lang kami. In love yung tao, may pinagdadaanan pa nga eh. Alam mo ba the reason why sabay kami umuwi lagi?"

"Uhm? Bukod sa, malakas niyang pambabakod sayo ano pa?" she questioned me with her indifferent face.

"Tss. Hindi kasi. Pinupuntahan niya ang girlfriend niya." paliwanag ko.

It's true nung una akala ko gusto niya lang akong ihatid sa LRT, samahan sa biyahe kasi di ba ang weird na nakadorm naman silang athletes pero he keeps on insisting na sabay kami magLRT? I'm not gonna lie, my heart fluttered when I thought of that pero yun nga I found out last week na hindi pala. May pinupuntahan talaga siya doon.

"Ay leche siyang hinayupak siya! Kung may sabit naman pala siya bakit ang pa-fall? Nakakainis!" Reklamo ni Mayang.

I think nature talaga ni Andrei ang pagiging sweet. Honestly, hindi lang si May ang nagsabi o nagtanong kung may relasyon kami kasi close daw kami masyado pero wala talaga.

"Ang oa mo. Wala namang something samin. I'm just comfortable sa company niya and seems like siya din sakin." kaswal na sagot ko.

Akala ko tapos na ang usapan na to ng huminga ng malalim si May, akala ko sigh of defeat na yun but akala ko lang pala.

"Ernestine Grace..." she called me in a rather serious tone.

I tried looking around to ease my nervousness because though we only knew each other not too long ago, May knows me well. Feeling ko nga mas kilala niya ako kesa kilala ko sarili ko and I'm so afraid to admit that what she's thinking right now is true.

"Isang tanong walang pagsisinungaling na sagot." ramdam kong nakatingin na siya sa akin at lalo lang akong hindi titigilan ni Mayang kapag di ako tumingin sa kanya.

"Gusto mo na siya or gusto mo na siya?" I chuckled after her statement.

"Wow ah may choice?"

"Precisely. Sa love walang choice kasi bigla mo na lang mararamdaman so now, let's stop being in denial. Shall we?"

"Englisher ka now ah." I interrupted her again, trying hard to change where our conversation is going but she isn't May Luna for nothing, "I know right? Kaya don't me. Just answer my question."

I took a deep breath and stared at the graffiti wall in front of us. "I told you, no. I'm not falling for him."

"Sino ba talaga ang niloloko mo? Okay, you want to play this game. Bahala ka." she said dismissing me.

We both fell silent. I stood up, May still not moving.

"I found out when he gave me his phone during practice. Ugali niya yun di ba? Hindi ko din magets nung una pero I find it really, intimate. Nag-ring yung phone niya and a girl's name popped up. I was about to answer when it stopped. Hinayaan ko na tutal malapit na matapos yung practice nila, Andrei could get back to her din. Tapos biglang may nagtext, same person."

From: Rita

Hey babe, still at practice? Punta ka ulit dito mamaya ah? I baked you cupcakes. I love you!

I didn't know what and how to react. All along akala ko... I shook those thoughts away. "Ang tanga mo." I told myself.

I can't believe I almost fell for his charm. Ernestine, eto ka nanaman. Hindi mo kasi ginagamit ang utak mo, muntik ka nanaman.

"Ernestine!" tawag niya sakin. I composed myself first bago ko siya hinarap.

"Phone mo." agad kong inabot ang cellphone niya, inabot niya ang gamit niya sa gilid ko.

"Salamat ah." ngiti niya sakin, I felt like he's mocking me with that smile. Para bang sinasabing anyone will fall for me, kahit ikaw pa. "Tss."

"May problema?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis. Ni hindi niya chineck ang phone niya.

"May tumatawag sayo kanina, baka importante."

"Ah, talaga? Sino?" tanong niya ulit saka binuksan ang phone niya. Hindi niya na kailangan icheck ang logs niya dahil iphone ang gamit niya lalabas agad kung sino ang tumawag at nagtext kapag pinindot niya nagtop button.

"Si Rita." 

Continue Reading

You'll Also Like

131K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
19K 1.3K 30
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...