Rise of the Warriors

By rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(29) Letting Go

3.3K 114 6
By rhiiicamae

Mackie's P.O.V

Haaay Buhay. Kung alam ko laang na ganito ang magiging buhay namin sa training na ito, hindi na sana ako bumalik. pero dahil baliw ako, joke lang yun xD

"Raxelle?"

Sinubukan kong kalabitin si Raxelle pero mukhang tulog na siya. Hating gabi na rin kasi at mukhang ako na lang ang natitirang gising. Nga pala, hindi ko katabi si Raxelle matulog ha. magkatabi lang yung portable na tulugan namin pero may space naman sa pagitan. Nagulat na nga lang kami kasi bigla na lang tong sumulpot dito.

Tsssk. bakit kasi ayaw makisama nitong Insomia ko. Tsssk. Nung nasa Boundary naman kami hindi siya sumusumpong. Kung kelan naman nasa kung saang mapahamak at madilim na lugar saka dumali. Pang-asar ee. Nakakatakot kaya dito. -_____-

"Mackie?"

O________O ako yan. Pano ba naman si Casie biglang sumulpot sa harap ko. kanina pa kaya siya dun. Napaupo ako ng wala sa oras dahil sa kanya.

"aa..ee..C-Casie?"
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Di kasi ako makatulog ee. Ikaw?"
"Aa may masama kasi akong napanaginipan kaya napagising ako."

Inaya ko si Casie sa malaking bato na pinagdalhan niya kanina kay Raxelle, pero malapit lang ito sa pwesto ng tinutulugan ni Raxelle.

"Ahm. Mackie?"
"Bakit?"
"Thank You nga pala kanina. Dun sa pagprotekta sakin sa mga paniki."
"Yun ba? Wala yun. Ayoko lang nakakakita ng babaeng nasasaktan."

Pagkatapos kong sabihin yun, natahimik bigla ang paligid.

"Ano.. Mackie?"
"Ano yun?" Bakit parang ang daming sasabihin nitong si Casie.
"Ano... Sorry." Napatingin bigla ako sa kanya.
" Para san?"
"Dun sa.. Dun sa nangyari dati." Napayuko ako nun at tinitigan na lang ang lupa.
"Kalimutan mo na yun. Wala na sakin yun."
"Nahihiya kasi ako gawa ng hindi ko inexplain sayo kung bakit kita tinanggihan. Para kasing ang sama ko." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Nu ka ba? Wag mo ng isipin yun. kinalimutan ko na yun."
"Hindi ee. Dapat ipinaliwanag ko sayo ng maayos ang dahilan ko. Alam mo naman na yung tungkol kay Kiel di ba?" Tumango naman ako kahit na hindi nakatingin sa kanya. "Pinangako ko kasi sa kanya na hinding-hindi siya mawawala sa puso ko at hinding-hindi siya mapapalitan dito. Sorry Mackie ha. Kung naging unfair ako."
"Hindi naman ikaw ang unfair Casie ee."
"ha?" Tumingin ako sa kanya ng deretso.
"Love. Yan yung unfair. Yun bang may gusto ka pero di ka gusto o kaya naman may gusto sayo pero hindi mo gusto. Pero eto lang yan ee. Pag nangyari yan ibig sabihin hindi kayo nakatadhana. Hindi nakaplanong maging kayo. Kung pipilitin nyo, mas mahirap. Madaming problema, madaming pagdurusa. Pero yang mga ganyang bagay, hindi na dapat pinipilit pa. Once na nangyari yan, dapat ng sukuan at pakawalan."
"Mackie..."
"Kaya wag mo ng isipin yun. Sumuko na ako sayo. Pinakawalan ko na yung nararamdaman ko. Ayoko rin kasing maging dahilan ng pagkakaroon nyo ng problema ni Kiel kahit na wala siya dito. Ginulo ko na nuon ang buhay mo at ayoko ng maulit pa yon. Kaya Casie, I'm letting you go." Nakita kong biglang yumuko si Casie kasunod nun ang pagpatak ng luha niya.
"C-casie? U-uyy. B-bat ka umiiyak?" Ayoko talagang nakakakita ng umiiyak na babae. Natataranta ako.
"Mackie, wag kang mawawalan ng pag-asa. Makikita mo rin ang nakatadhana mong makasama. Kung sino man siya, napakaswerte niya. Napakabuti mong tao. Napakabuti ng puso mo. Ngayon hindi na ko nakokonsensiya. Salamat sayo at gumaan na ang pakiramdam ko."

Tumayo ako nun at humarap sa kanya.

"Kaya ang dapat mong gawin, ngumiti at mamuhay ng masaya. Hayaan mo, tutulungan kita na maibalik si Kiel sayo. Tutulungan ka namin."
"Thank You Mackie."
"At alam mo, wag mo ng iniisip yung nangyari dati. Maraming bagay ang dapat pagtuunan natin ngayon ng pansin. Nakakalimutan ko na nga yon ee. Atsaka... "
"Atsaka ano Mackie?"
"Atsaka... tinutulungan naman niya ako ee. " Sabay tingin ko sa natutulog na si Raxelle.

Tumayo na rin nun si Casie atsaka ako tinap sa balikat.

"Mabuti naman kung ganon. Alagaan mo siya ha. Kakaiba man si Raxelle, importante siya sa ating lahat."
"Hayaan mo. Matagal ko ng ginawa yan at habang buhay kong gagawin yan."
"Masaya ako para sayo Mackie." Sabay ngiti niya. Teka.. parang may mali.
"Okay ka lang ba Casie?"
"Ha? Aa. Oo. Okay lang ako. Sige Mackie. Tutulog na ulit ako ha. Goodmornight." At tuluyan na siyang umalis. Ano kayang problema niya. Oo ngumuti siya pero parang may mali ee. Haaay. Yae na nga. Makatabi na nga ulit kay Raxelle.

---

"Aaaaaaa." Hikab ko sabay unat ko.

Panibagong araw na naman. Ano kayang mangyayari ngayon? Baka nakakapagod na naman ang araw na ito. Tsssk.

Naupo na ako sa pagkakahiga ako at kinusot kusot ang mata.

"Teka.. ano to?" Tiningnan ko yung kamay ko na may kulay itim na hindi ko mawari kung ano.
"Mackie... pffft." Napapano tong si Raxelle. Bakit parang nagpipigil siya ng tawa?

Nilingon ko ang paligid at dun ko nakita na lahat sila nagpipigil ng tawa pwera na lang kay Ro na umiiling at Jed na nakapoker face lang. Suplado talaga ng isang to. Bigwasan kita ng isa jan ee.

"Anong meron?"

Biglang nag-lagot sign si Raxelle kina Renz at August tsaka humaglpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA" Silang lahat yan. Ano ba kasing tinatawanan nila?
"Ano bang problema nyo? Mukha ba kong clown?" Kasi naman, titingin sila sa akin tapos biglang tatawa.
"hahaha hindi Mackie. Mukha kang panda haha"- Lei
"Hahaha. Masyado ata napalaki ang eyebags mo Mackie. Haha"- Maddison
"Puyat kasi ng puyat hahahaha"- August

Seriously? Anong problema ng mga ito?

"Raxelle, may problema ba?" Inintay kong sagutin ni Raxelle yung tanong ko pero hindi niya ko pinansin at tumawa na lang ng tumawa.

Habang tinitingnan ko sila lahat na tumatawa bigla akong napuwing. Kinuskos ko yung mata ko at pagtingin ko sa kamay ko.

"SINONG MAY GAWA NITO?" Tumigil sila sa pagtawa at iniwas ang tingin sa akin. "BAKIT NYO KO NILAGYAN NITO?"
"Hala kayo nagalit si Mackie." Naglagot sign ulit si Raxelle kina August at Renz. At mukhang alam ko na kung sinong may kagagawan nito.

Tumayo ako at unti-unting nilapitan sila. Pero di pa man ako nakakalapit, kumaripas na ng takbo ang dalawang tukmol.

"HUMANDA KAYO SAKINNNNNNNNNNN."

Hinabol ko yung dalawang nag-uunahan sa pagtakbo. Mga siraulo tong mga to. Lagyan ba naman ng uling yung dalawang mata ko. Kaya pala sabi ni Lei mukha akong panda. Hindi porque pinakahuli akong nagising, pagtitripan nila ako. Humanda sila sa akin.

"AUGUSTTTTTT. RENZZZZZZZ. HUMANDA KAYO SAKING DALAWA."

Binilisan ko pa lalo ang takbo at iyown... naabutan ko din silang dalawa.

"At san nyo balak pumunta?"

Nagtitigan kaming tatlo atsaka ko si binatukang dalawa.

"Mga siraulo kayo. Kung ano-anong pinaggagawa nyo sa akin."
"Si Renz kaya ang pasimuno."- August
"Anong ako? Ikaw kaya ang nagsabi sakin nun."- Renz
"Kow, sinungaling ka. Si Renz talaga ang may gawa niyan Mackie."- August
"Hindi ako. Si August talaga Mackie." At yun, nagrambolan na silang dalawa dun. Parang mga baliw talaga tong dalawang to. Tsk tsk tsk.

Iniwan ko na silang dalawa at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Mackie nasan yung dalawa?"
"Ayun nagrarambolan. Nagsisisihan sila"
"Hala bat di mo inawat?"
"Hayaan mo na sila. Mga baliw lang ang mga yun. Titino din yun."

Sinubukan kong punusan nung telang binigay sakin ni Maddison pero hindi ko masyadong malaman kung sang parte merong uling dahil wala namang salamin dito.

"Mind to help you?"
"ha?" Sa halip na sagutin ako, kinuwa niya yung tela at siya na yung nagpunas ng uling sa mata ko.

Ang... ang...ang lapit ng mukha niya. Pakiramdam ko sobrang pula ko na dahil sa sobrang init ng mukha ko.

"Pasensiya na kung di ko napigilan sina Renz. Paggising ko kasi ganyan ka na."
"A-ayos l-lang." Anu ba yan? Umayos ka Mackie. Mahahalatang kinakabahan ka.
"Ayos ka lang ba?"
"ha? aa ee, oo. Ayos lang ako." Tssk. Ang lapit ng mukha mo sakin, sa tingin mo magiging maayos lang ako. Nahihiyang kinakabahan ako ee.

Nagulat ako nung bigla niyang inilapit lalo yung mukha niya sa akin.

>/////////< Pakiramdam ko ganyan na ang itsura ko ngayon.

"Wait lang, hihipan ko lang yung namuong uling."

Palapit na siya. Palapit na ng palapit.

5 inches.
4 inches.
3 inches.
2 inches.
1 inch.

"JED."

Napalayo bigla si Raxelle sabay tingin kay Jed. Grabe, masyado na siyang halata. Nakaclose fist siya tapos nakasimangot na nakatayo. Lahat kami nakatingin sa kanya ngayon.

"Magpapahangin lang ako." Sabay walk out niya.
"May problema ba si Jed?"- Lei
"Bat nagkaganun yun?"- Casie

Nagseselos ang mokong. Akalain mo yun, marunong palang magselos ang Top Learner. Tsssss.

"Dumali na naman siya sa pagkabipolar niya." Tapos umiling-iling siya. Hindi pa pala alam ni Raxelle. Mukhang na-eetorps si Top Learner. "Tuloy ko na nga yan Mackie."
"Ha?"
"Yang ginagawa ko sayo. Tutuloy ko na."
"Aa...ee..." Bago pa man ako makapagsalita, hinipan na niya yung mata ko.

Mukhang magkakaproblema ako nito. Pero para sa nararamdaman ko sayo, ipaglalaban ko ito. Top Learner man ang kalaban ko, kakayanin ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
4K 502 42
(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up...
14.6K 633 41
An innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same...
38.1K 1.7K 52
Ilang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hind...