Loving The Beast

By Sam_kutcher

714 42 22

Lack of self-confidence that's she is, all the time she think she can't do things others can. Gabrielle is af... More

author's note:
part one:
part two
part three:
Part Four
part five
Part Six
part seven
part eight
part nine
part ten
part eleven
part twelve
part thirteen
part fourteen
part fifteen
part sixteen
part seventeen
part eighteen
part twenty
part twenty one
part twenty two
part twenty three..
part twenty four
part twenty five
part twenty six
part twenty seven
part twenty eight
part twenty nine
part thirty
part thirty one
part thirty two
part thirty three
part thirty four
part thirty five
part thirty six
part thirty seven
part thirty eight
part thirty nine
part forty
part forty one

part nineteen

13 1 0
By Sam_kutcher

Author's POV..

Patakbong nilisan ni Gabrielle ang kubo. Naiwan ang dalawang lalaki na parehong nakatayo at nakatingin sa papalayong dalaga.

"Foul naman ata 'yung mga sinabi mo Pare. Hindi niya deserve ang pagsabihan mo siya ng ganun." hinarap ni Emman si Santiago.

"I never find anything bad in it. Kilala mo ako Emman, straight to the point ako magsalita. At ano ba sa tingin mo ang iisipin ko sa nakita ko kanina? Knowing you..? "

"Pare kung ang basehan mo lang ay ang magkayakap kami ni Gabrielle then naging judgmental ka na. Unang una ako ang yumakap sa kanya at hindi siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero she is too nice. Its just my way of thanking her for this." itinaas nito ang kamay na nilagyan ng band-aide ni Gab.

"And why did you have that?" meaningful na tanong nito.

"Why do you care? Kung sasabihin ko sayo baka pagtawanan mo lang ako. Better for you not to know. But please lang pare sana naman huwag ganun ang trato mo kay Gab. She is a nice girl."

"Kaya nilapitan mo?"

"Oh c'mon Santi. anong masama kung nilapitan ko siya. Wala naman akong nakitang karatula na nagsasabing bawal siyang lapitan. You don't even told me."

"As if i don't know you Emman Santander. Kanina binalaan na kita, you are in my property right?" Naglakad ito papunta sa isang upuang kawayan at umupo doon.

"Ouch! Pero marunong akong pumili ng taong papatusin Santiago Mariano. And besides i don't think si Gab ay part ng property mo. She might be your employee but you don't own her."

Nakatingin lang si Santiago sa kaibigan.

"And she doesn't deserve to be treated that way... Shit! Don't tell me Mariano may gusto ka sa kanya?" bahagya itong nakangiti.. Mataman na nakatitig sa kaharap.

"Oh crap! What made you thought that way Santander?! " napatayo ito sa kina-uupuan

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Emman.

"Now i know, kaya pala parang halos ayaw mo siyang ipakilala sa amin kanina. Ngayon ko lang napagtanto."

"That's a lie Santander. I don't like her." seryoso ito habang tumatawa pa din ang kaibigan.

"Oh really Mariano? Iisa lang ang likaw ng bituka natin. Kilala kita at kahit kailan wala akong natatandaan na binalaan mo ako ng ganito. Kahit sa mga pinsan mo hindi mo nga kami sinisita... Tsk. Tsk." Iiling iling pa ito.

"Bahala ka sa iniisip mo Santander. Pero mali yang spekulasyon mo. Im just protecting her, inihabilin siya sa akin ng lolo niya."

"Talaga? Kung gayon walang problema kung lumapit ako sa kanya Mariano. I won't do anything bad on her. Besides nasa legal na age na siya right? Kung talagang wala kang gusto sa kanya then let me go near to her."

"Bahala ka Santander basta paalala lang unless nasa property kita matuto kang sumunod sa rules ko."

"Fine Mariano! I'll be good and true. Sana ikaw din." Ngumisi pa ito bago naglakad pabalik ng bahay.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Santiago. Kahit siya nagulat din kanina sa mga salitang binitawan niya para kay Gabrielle. Basta na lang uminit ang ulo niya pagkakita sa dalawang magkayakap.

He took a deep breathe, mula kasi ng may nangyari sa kanilang dalawa merun na siyang kakaibang naramdaman para sa dalaga. How eager he wants to go home sa resthouse niya para makita si Gabrielle sa araw-araw pero hindi niya ginawa. For sometimes he got confuse about his feelings towards her. At higit sa lahat nandiyan si Mia na kailangan niyang protektahan. Life was now quiet complicated for him.

----**-------***-------**-----

Pagkapasok ko ng bahay imbes na tulungan si manang Adela sa kusina ay dumiretso ako sa kwarto.

Napaupo ako sa kama, nasasaktan ako habang paulit-ulit na narerecall ko ang sinabi ni Santiago. Never pang may nagsabi sa akin ng ganun dahil kahit kelan ay hindi ako lumandi. Dahil ba sa basta ko na lang ibinigay ang sarili ko noong isang beses sa kanya kaya ganun na lang ang tingin niya sa akin? What a stupid mind he has.

Dinampot ko ang CP ko, nais ko sanang tawagan si Moira para man lang may makausap pero hindi pwede. Baka madulas lang din ako. Mas minabuti ko na lang ang mahiga, itutulog ko na lang kaya baka pagkagising ko maging okay rin ako.

---***-----**------**-------

Napabalikwas ako ng makarinig ng mahinang katok sa pintuan ng kwarto.

"Gabby hapunan na, bumaba ka na." Narinig ko ang pagtawag ni manang Adela.

Bumangon ako at binuksan ko ang pinto.

"Sorry manang nakatulog ako. Maya na po ako kakain kapag wala na sa baba ang mga bisita."

"Naku bumaba ka na at pinapatawag ka ni Sir Santiago."

"Sabihin mo tulog pa kamo ako. Ayoko makisali sa hapunan nila. Tsaka maliligo pa po ako."

"Ay bata ka, siya sige." At umalis na si Manang. Isinara ko naman ang pinto. Napahikab pa ako, parang nais ko pang matulog pero pagtingin ko sa alarm clock sa ibabaw ng bedside table ko pasado alas siete na pala.

Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso na sa banyo. Ligo muna ako, ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.

After thirty minutes bumaba na ako. Im just wearing a plain black v-neck blouse at maong shorts. Yung buhok na medyo basa pa ay basta ko na lang ipinuyod. Looks like a messy bun. Pagkababa ko nang hagdan naririnig ko ang tawanan nila sa sala. I dont want to get any attention from them kaya maingat akong bumaba ng hagdan.

Malapit na ako sa dining ng bigla kong narinig ang pagtawag ni Emman sa akin.

"Hey Gab, gising ka na pala. Come on here, join us!"

Napatingin ako sa kinaroroonan nila. Ngumiti lang ako, bago umiling.

"Thanks pero maghahapunan pa ako."

"Eh di pagkatapos mo maghapunan." Emman insist..

"Huwag na, may gagawin din ako after kung maghapunan. Don't mind me please enjoy the night." Yon lang at tumuloy na ako sa dining. Narinig ko pang kinantiyawan ng mga lalaki si Emman.
"Sorry Emman, andiyan ang beast na kaibigan mo. Ayoko siya makasama" mahinang bulong ko.

Dumiretso muna ako sa kusina, wala na kasing nakahain na pagkain sa mesa. Naabutan ko pa doon si manang Adela na naglilinis ng lababo.

"Manang bakit nandito pa kayo? Di ba dapat pauwi na kayo?"

"Ay tinatapos ko lang ito para mamaya wala ka ng gagawin pa. Kakain ka na ba?"

"Opo," nagbukas ako ng kaldero.

"Naku maupo ka na lang doon sa mesa, ipaghahain kita." Itinigil nito ang ginagawa.

"Naku manang ako na po, tapusin nyo na lang yang ginagawa nyo po."

"Ay s'ya ikaw ang bahala." at bumalik ito sa ginagawa. Imbes na sa dining ako kakain ay minabuti ko na lang sa kusina. Para naman may kausap ako.

"Susunduin po ba kayo ng asawa ninyo Manang?"

"Ay hindi nga eh, inaatake ng arthritis niya. Masakit daw ang mga paa."

"Ay pano po kaya iyon. Hmmm.. Alam ko na ako na lang maghahatid sa inyo. Madilim na ng bahagya sa daanan ninyo. Malabo pa man din 'yang mga mata ninyo sa gabi."

"Hay salamat kung ganun, hindi ba ako abala sa iyo?"

"Si manang naman, siyempre hindi. Kayo pa ang lakas mo kaya sa akin. Isa pa balak ko din maglakad lakad sa dalampasigan kaya ayos lang talaga."

"Ay ganun ba, sige at maraming salamat."

Pagkatapos kung kumain ay tinulungan ko na rin si manang Adela sa pagliligpit. At nang matapos kami ay nagpaalam na ito kay Santiago para makauwi na. Sa kusina kami dumaan.

"O hayan na ang bahay namin Gabby, salamat sa paghatid."

"Walang anuman po manang. Sige po babalik na ako."

"Sige anak mag-iingat ka. Huwag kang magpagabi sa dalampasigan ha." may himig pag-alalang wika ni manang Adela.

"Opo, salamat po." Inantay ko munang makalapit sa pintuan ng bahay nila si manang Adela bago ako naglakad pabalik.

Mga limampung minuto din bago ko narating ang dalampasigan. Kabilugan ng buwan kaya bahagyang maliwanag. Walang ulan na nagbabadya dahil malinaw ang kalangitan. Pawang nangingislap na bituin at bilog na bilog na buwan ang nakikita ko.

Tinanggal ko ang tsinelas mula sa paa ko, inilatag ko ito sa buhangin bago ginawang upuan. Malamig ang simoy ng hanging dagat, ang sarap sa pakiramdam. Naipikit ko ang mga mata ko upang damhin ang simoy ng hangin. Nakakarelax, bawat dampi ng hangin sa mukha ko dala nito ang kapayapaan sa isipan at ginhawa.

Habang nakapikit sumagi sa isipan ko ang mama ko. Siguro kung nabubuhay lang siya kasama ko siya ngayon. Its been ten long years na siyang wala pero hindi nangyaring nakalimutan ko siya.

"Mama, saan ka man ngayon alam ko masaya ka na. At for sure kasama mo na si Papa. Ang daya ninyong dalawa kasi kayo magkasama na samantalang ako iniwan ninyo. Pero ganun man, alam ko andyan lang kayo para sa akin. Lagi ninyong tandaan Mama, mahal na mahal ko kayo."
Ramdam kong basta na lang nagsilandasan ang mga luha ko. I can't help it but cry once i remember my parents. Mahirap lumaki ng walang magulang, kahit kasama ko pa ang Lolo pero iba pa din ang magulang.

Continue Reading

You'll Also Like

773K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...