part thirteen

10 0 1
                                    

Author's POV..

Makalipas ang mahigit tatlong oras ay narating nila ang bahay bakasyunan ng mga Mariano. Malapit ito sa dagat at nakaharap ang bahay sa mismong dagat. Simple lang ang two storey house, modern design at tama lang ang laki. Hindi kagaya ng ancestral house ng Mariano. Meron itong carport na pandalawang sasakyan lamang. Nasa bandang likuran ng bahay ay pawang mga kahoy at iba't ibang halaman.

Pagkapasok ng sasakyan sa carport ay bumaba muna ang driver para kuhanin ang mga gamit ni Gab. Masarap kasi ang tulog ng dalaga kaya nag atubili ang driver na gisingin ito. Pagkapasok ng bahay ay nakita ng driver ang amo nito na nandoon na.

"Asan si Gab?" agad nitong tanong sa driver ng makitang hindi kasunod si Gab.

"Nasa sasakyan pa Sir, sarap ng tulog kaya ini una ko na muna itong mga gamit niya." Maagap na sagot ng driver.

"I see, sige iakyat mo na yang gamit niya sa kwarto." utos nito sa driver niya.

Napakamot naman ito ng ulo.

"O bakit kakamut-kamot ka ng ulo Mang Dindo?"

"Saang kwarto po doon sir?"

"Saan pa eh doon sa master's bedroom."

"Po?" natigilan ang driver, parang may nais pang sabihin.

"O may sasabihin ka pa ba mang Dindo? Bakit hindi ka pa kumikilos?" nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa driver.

"Eh kasi sir sa inyo yung master's bedroom, tapos doon din si mam Gab. Saan kayo matutulog nun?"

"Problema ko na iyon, basta dalhin mo na yang gamit niya doon. Wag nang magtanong."

"Ay sige po sir." At mabilis itong tumalima ayun sa utos ng amo.

Si Santiago naman ay lumabas ng bahay at nilapitan ang sasakyan kung saan natutulog pa din si Gab. Marahan niyang binuksan ang pinto sa gawi ng dalaga.

Mahimbing ang pagkakatulog nito, bakas sa mukha ng dalaga ang matinding pagod.
Maingat niyang hinaplos ang pisngi nito.
"Such an innocent face, you have Gabrielle." Mahinang bulong niya.

Natigilan siya ng bahagyang kumilos ang dalaga. Her lips slightly parted, at natuon ang tingin ni Santiago sa mga labi nito. Sobrang pagpigil ang ginawa ng lalaki not to be tempted to kiss Gab. Sa tanang buhay niya hindi pa siya nag attempt na magnakaw ng halik sa isang babae dahil hindi na kailangan. Plenty of girls are dying just to have a kiss from him.

Para makaiwas, tinapik niya sa balikat ang dalaga.
"Ms. Dela Paz, wake up." Bahagya pa niyang niyugyog ang balikat ng dalaga, but its no use ungol lang ang sagot nito. Nakailang tapik na siya sa dalaga pero hindi pa din ito nagigising. Dahil no choice kaysa naman ipabuhat niya kay mang Dindo ang dalaga, mas minabuti niyang siya na ang gumawa. Maingat niyang pinangko ito at dinala sa master's bedroom. Naabutan niya pa na pababa na ng hagdan si mang Dindo. Nakangising nakatingin ito sa kanya. Napailing na lang siya, he can't blame that man. Kasi alam nito ang mga kalokohan niya simula la ng nagbibinata pa lang siya.

Pagkapasok ng master's bedroom ay maingat niyang inilapag sa kama si Gab. Bahagya lang itong kumilos patagilid dahilan para lumilis pataas ang suot nitong maong skirt. Nahantad tuloy ang hita nito sa harapan niya. Gab is wearing maong skirt just above the knee, stripped cotton fitted blouse with matching white sneakers.

Napalunok tuloy siya ng husto, kung sa ibang pagkakataon lang baka hindi na niya palalampasin ang isang ito pero not now. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya. Tinanggal niya ang suot na sapatos ng dalaga, at kinuha ang kumot at ipinatong sa nakalantad na hita ng dalaga. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Ramdam niya kasi parang nanuyo ng husto ang lalamunan niya.

------**-------**------**------

Dahan-dahan kung iminulat ang mga mata ko. Ang sarap ng tulog ko. Mga ilang linggo din na hindi ako nakatulog ng ayos. Nag-inat pa ako para kasing nais pang pumikit ng mga mata ko.

Napatitig ako sa kisame ng kwarto, nagtaka ako bakit kulay light blue ang kisame eh ang alam ko kulay puti ito. Bumangon ako at napa upo sa gilid ng kama. Para kasing kakaiba ang ambiance ng paligid, pakiramdam ko nasa ibang kwarto ako.

Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto, tama nga ako wala ako sa sarili kong kwarto. Saan naman kaya ako?

Mataman akong nag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Santiago. Hindi ako kaagad nakakilos,im trying to remember bakit ako wala sa amin.

"Gising ka na pala Ms. Dela Paz. Grabe ka pala kung matulog, para kang mantika." Wika nito at diretsong pumasok sa loob ng kwarto. Napaantras ako ng maupo ito sa dulo ng kama.

"Anong ginagawa mo dito?" siyang nasabi ko. Nalilito kasi ako,una wala ako sa kwarto ko tapos pangalawa nasa harapan ko si Santiago.

Kunot noo siyang tumitig sa akin.
"What did you say? Nagka amnesia ka ba ms. Dela Paz, kanina tulog matika ka lang na kay hirap gisingin ngayon tinatanong mo ako kung ano ginagawa ko. Bahay ko to, so i have the right to be here."

"H-ha bahay mo?"

"Yes bahay bakasyunan ko ito, at kung hindi mo naalala, kaninang umaga ipinasundo kita sa driver ko para maihatid ka dito pero nakatulog ka sa byahe." And he has that devilish smile again.

Nakatitig lang ako sa kanya habang inaalala ang mga sinabi niya. And then it strucks me, oo nga pala. Haist ganito ako minsan kapag nakatulog mg sobra, pansamantala akong nakakalimot.
"Owwss s-sorry Mr. Mariano. I do remember now. Im really sorry."

Inayos ko ang sarili ko lalo na yung nagulo kung buhok. Nakakahiya ang hitsura ko sa harapan niya. "Pasensiya na talaga, minsan ganito ako."

"Okay, now freshen yourself,at bumaba ka na para sa hapunan."

"Hapunan? Ibig sabihin gabi na? Nakatulog ako ng ganun ka haba?"

"Yup ms. Dela Paz. Ikaw pa lang ang unang babaeng nakilala ko na ganun kahaba kung matulog."

"Haist it happens again." Ilang beses na nangyayari sa akin na mahigit 12hrs akong nakakatulog.

"So meaning talagang ganun ka kahaba kung matulog ms. Dela Paz.?" Nakatitig siya ngayon sa akin, nagbaba naman ako ng tingin.

"H-hindi naman sa ganun. May mga pagkakataon lang, kapag ilang araw lang ako na hindi nakakatulog ng ayos,nangyayari sa akin ganyan ka habang tulog." It just make it clear.. baka isipin niya may pagkatamad ako.

"Bakit ka naman hindi nakakatulog ng ayos this past few days ms. Dela Paz?" Mas lalong titig na titig siya sa akin.

"Ha ah eh,marami lang akong iniisip?" Bakit naman biglang naging interasado siyang malaman ang hindi ko pagtulog ng tama nitong nakaraan.

"Isa ba ako doon?" And he is smiling..

"Huh? Hindi ah!" Bakit niya naman naisip 'yon? Bakit ko naman siya iisipin. Hindi ako nakatulog ng ayos its because i am thinking of ways para matulungan ang Lolo.

Natigilan ako, kasama nga pala siya doon. Thinking on how he will accept my proposal. Gush!

"Tama ba ako ms. Dela Paz?"

Iling ang isinagot ko. Mainam nang itikom muna ang bibig baka mapahamak pa ako.

"I don't believe you."

O eh di hwag! Haist nagugutom na ako, nag-aalburuto na ang tiyan ko.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon