part three:

29 0 0
                                    

Sorry guys late na ako nag update... medyo hirap lang sa sched.. anyways thanks for reading..

------------------****-------------------

Narating din namin sa wakas ang bahay ng mga Mariano. Out of the city kasi ang ancestral house nila, papasok pa pati. Actually nasa isang hacienda ito nakatirik. Kung pagmamasdan sa labas pa lang ng bahay, para kang bumalik sa lumang panahon. Yung mga haligi kasi ay galing pa sa sinang unang panahon, greek corinthians at greek gothic.

"Girl, nandito na tayo. Kaya goodluck sayo, call me later kapag pauwi kana at susunduin kita."

"Salamat girl, pinahiram mo na nga ako ng damit tapos inihatid mo pa ako. You're the ever supportive bestfriend of all time."

"Aba siyempre love kita eh. Subukan lang ng Santiago na 'yan na saktan ka at makikita niya!"

"Saktan, agad-agad? Di ko pa nga nakikilala sa personal di ba? Wag judgemental girl ha," natatawa naman ako sa sinabi ni Moira daig pa ang ate kung umasta. Pero i appreciate it a lot.

"Kahit na, sa reputasyon niya bilang playboy ay naku. Sigurado ako hindi siya mabuting tao."

"Ikaw talaga di ba turo sa atin dati ni mama, wag basta-basta manghuhusga."

"Oo na hindi ko iyon nakakalimutan. Tanda ko pa 'yon ng sinabi ni tita satin bata pa lang tayo." she pouted her lips.

"Good. S'ya baba na ako, baka inaantay na ako ng soon to be hubby ko. Mahirap malate nakakahiya." Binuksan ko na ang pinto ng kotse.

"Oi wag makalimot itext ako ha. Fighting lang girl." Pahabol niya bago ako tuluyang makalabas ng kotse.

"Oo na po. Ingat sa biyahe, hinay-hinay sa pagmamaneho. At kaskasira ka pa man din."

"Ai, ai captain!" sabay pang nagsalute ito. Natatawa naman ako sa inasta nitong si Moira.

Isinara ko na ang pinto, kumaway pa ako kay Moira. Inantay kung mawala muna sa paningin ko ang kotse ni Moira bago ako naglakad sa harap ng gate na bakal ng mga Mariano.

I press the button para sa doorbell, infairness gumana. Mukhang kakakabit lang nito kasi bago pa. Maya-maya pa ay may nagbukas ng gate. Iniluwa noon si Mr. Marquez, nakangiti ito sa akin.

"Magandang hapon Ms. Gab," magalamg nitong bati sabay niluwagan ang pagkakabukas ng gate.

"Magandang hapon din po. Gabby na lang po Mr. Marquez drop the Ms."

"Ah ok, m-Gab. Pasok ka." Paanyaya nito sa akin.

Namangha ako pagkapasok ko ng gate, puro bulaklak ang sumalubong sa akin. Ang lapad ng garden, puno pa ito ng mga bulaklak na orchids at roses. Tapos sa bandang gitna ay may water fountain na malaki.

"Ang ganda!" inilibot ko pa ang paningin. Kung ganito ang kapaligiran ko araw-araw ang sarap siguro.

Nakangiti lang na nakamasid si Mr. Marquez sa akin.

Naglakad na ako papasok ng ancestral house or shall i say mansion ng mga Mariano. Parang ang sarap amuyin ng bawat bulaklak na nadadaanan ko. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng ilang na pawang bulaklak lang ang tanim. Tapos hihiga ka sa kalagitnaan at bubuhos sayo ang petals ng iba't ibang bulaklak.

Naamoy ko pa ang halimuyak ng mga bulaklak. Hmmm sarap sa pakiramdam, ito ang klase ng lugar na nais ko.

Pagkararing namin sa main entrance door ay nahinto ako. Hinintay kong makalapit ng husto si Mr. Marquez.

Binuksan na nito ang main entrance door, lalong lumuwa ang mata ko sa nakita. Ang lawak ng sala nila. Ang lalaki ng dalawang chandellier na nakasabit sa gitna.

Tapos sa bawat ding-ding ay may iba't ibang larawan na nakasabit na may mukha ng tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tapos sa bawat ding-ding ay may iba't ibang larawan na nakasabit na may mukha ng tao. Siguro mga ninuno nila ang mga nasa portrait. Tapos ang mga upuan na kulay gold ang concept, para kang nasa isang royal house. Nakadetailed design ultimo sandalan pero it gives an old time feelings. Tapos may grand staircase sa bandang kaliwa.

"Dito tayo Gabby," sabi ni Mr. Marquez at naglakad ito sa gawing kanan. Yung mga gamit old fashioned pa din pero ang gaganda. Parang mga antique na talaga lahat although mukhang preserve ang mga ito.

Ilang sandali pa ay natunton namin ang ang parang family room. Binuksan ni Mr. Marquez ang pintuan. "Pasok po kayo,"
Tumalima naman ako.

Wow! Ang siyang nasabi ko. Kay gara naman mula sa malalaking kurtina sa bintana, mga palamuti, sa sofa na kay ganda, tapos may carpet pa na ang kapal at sobrang lambot. Sa gawing kaliwa may mga nakahilerang bookshelves na puno ng iba't ibang libro. Nakakalula ang rangya pala ng mga Mariano hindi ko ini-expect although alam ko na mayaman sila.

"Gabby, maupo muna kayo. Antayin nyo na lang dito si boss Santiago." Iginiya niya ako papunta sa sofa.

"Ang ganda pala dito sa loob ng bahay ano? Hindi ko akalain talaga." Nakangiti kung sabi.

"Yes Gabby, at matutuwa si boss na na-appreciate mo ng husto ang bahay nila. Maiwan na muna kita ha. Feel at home."

"Ay sige po..salamat po," yumukod pa ito tsaka lumabas.

Inilinga ko pa ulit ang mga mata ko, nakakabusog ang tanawin sa loob ng kwartong ito. Dahan-dahan akong umupo sa sofa, at hmmm sarap ng feeling.

Kinuha ko mula sa bag ko ang CP ko. Nais kung kuhanan ng picture ito, remembrance.

Nagsimula ako sa mga kurtina, hanggang sa mga vases na malalaki. Merun din dito chandelier na super ganda din.

Naka-apat na picture na ako, 2more to go at okay na.

"Who did allow you to take pictures of my property?" Sabi ng boses na nasa likuran ko.

Nagulat naman ako at napalingon. Halos lumuwa ang mata ko at puso nung makilala ang nagsalita. Kinabahan ako bigla, matiim siyang nakatingin sa akin but he was emotionless.

"Ay sorry po, im just amaze of this property of yours. Ang gaganda kasi pang remembrance."
Hindi ito tumitinag nakatingin lang siya sa akin.
"Kung hindi po pupwede idedelete ko na lang, pasensiya na po."

Pumunta ako sa gallery ng phone ko. Buburahin ko na lang ang mga pictures.

"No you can keep it. But be sure its for your eyes only. No posting of those pictures in social media," ma-awtoridad niyang sabi.

"Ok po, noted po."

Ibinalik ko na ang phone ko sa bag.

"So you are Gabrielle Marie dela Paz." I dont know if he's asking or declaring. Wala kasi akong makitang emosyon mula sa kanya.

"Opo, and please to meet you Mr. Santiago Mariano." Inilahad ko ang isa kung kamay para makipag handshake at may kasamang ngiti siyempre.

Hindi siya gumagalaw, mataman lang siyang nakatingin sa akin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa, grabe naman kung makatingin parang tangos hanggang buto. Tsaka nangangawit na kamay ko, sana naman ay abutin niya anuh?

"Please to meet you too, Gabrielle." Pero naglakad lang siya papunta sa pang isahang upuan na hindi nakipag hand shake sa akin.

Napahiya naman akong ibinaba ang kamay. "Brute!" Mahina kung sabi pero hindi ako sigurado kung narinig niya. Sana hindi..

"What?!" Baling niya. Masama ang tingin sa akin.

Lagot mukhang narinig niya..







Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon