part twenty five

13 0 0
                                    

"Moi, pakibili naman ako pinya pagkauwi mo dito sa house. Tsaka pipino at daing na tuyo, 'yan na lang hapunan ko maya."

"Okay buntis, hay naku kung di lang kita love ayoko talaga. Daig ko ang ama ng ipinagbubuntis mo. Kaya dapat ninang talaga ako niyan pagkalabas ha?"

"Oo na nga po, yaan na bawi na lang ako pag nakalabas na 'to. Thank you ha."

"Welcome my dear. Maya may chika ako sayo."

"Ano na naman 'yan?"

"Maya na nga eh,  atat ka naman diyan. See you later buntit!"

"Okay fine, ingat ka sa pag-uwi mo maya. Hinay-hinay sa pagdadrive."

"Okay po nay. Kung makahabilin wagas."

"Siyempre kaskasero ka kasi eh. Sige na baba ko na 'tong phone ligo muna ako. Ang init na kasi eh."

"Hello, hapon na hindi ka pa naliligo?"

"Eh sa tamad ako eh, kakatamad talaga maligo promise."

"Hay naku ikaw talaga,  baka maging ala-kambing yang inaanak ko ha."

"Bakit naman? "

"Aba eh para ka kasing kambing tamad maligo."

"Ang kambing takot sa ligo ako tinatamad lang nuh.."

"Nangatwiran ka pa, parehos lang 'yon."

"Ah basta magkaiba 'yon. Bye-bye"

"Okay bye see you later."

Agad ko naman ibinaba ang phone. Napapangiti ako habang kinukuha ang tuwalya sa closet. Mabuti na lang may tunay akong kaibigan. Kahit sa hirap na sitwasyon mayroon akong nasasandalan.

Ilang buwan na din ang lumipas mula ng natanggap ko ang letter mula sa abogado ni Santiago. At ayun sa nakasaad doon na binabawi na ni Santiago ano man ang napagkasunduan namin noon. At yung perang ipinambayad ni Santiago sa bangko para sa utang ng kompanya ni Lolo ay maaari naming huhulug-hulogan hanggang sa mabayaran namin. Laking tuwa ko sa mga oras na iyon ngunit sana kung mas napaaga ay hindi ako nasa sitwasyon ng kagaya ngayon. I am going to be 8months pregnant. Isang buwan na lang manganganak na ako. Pansamantalang nakatira ako sa condo ni Moira. Galit ang Lolo sa akin ng malaman na buntis ako at walang naipakilalang ama ng ipinagbubuntis ko.

Gustuhin ko man sabihin ang lahat sa Lolo ngunit wala akong lakas ng loob. Mas okay ng iyon na lang ang iisipin ni Lolo kasya sisihin pa niya ang sarili kapag nalaman niya ang tunay na dahilan. Baka mas hindi niya kakayanin iyon.

Maliban kay Emman ay si Moira lang ang may alam kung sino ang ama ng bata na nasa sinapupunan ko. Lahat ay sinabi ko kay Moira kahit noong una ay sobrang nahihiya ako. But real friends will accept you no matter who you are and what you did in the past.

At im so blessed na si Moira ang naging kaibigan ko. Nakitira na nga ako sa kanya tapos binigyan pa niya ako ng maaari kung pagkakitaan. Right now ako ang nagsusupply ng pastries sa cafeteria ng kompanya nila. Kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng pinagkakitaan at nagkaroon ng ipon para sa panganganak ako.

Emman sometimes offer me some money but i refuse to accept. Nakakahiya kahit sabihin na natin na isa na siya sa mga malalapit kong kaibigan. Ayoko kasi magmukhang kawawa sa paningin niya. At isa pa mas masarap sa pakiramdam na pinagpaguran ko ang lahat para sa baby ko. Konting tiis na lang makikita ko na rin siya. Last time na check up ko napanatag ang kalooban ko ng malaman na healthy siya despite sa mga pinagdadaanan ko both physically and emotionally.

Kahit sabihin na nandiyan si Moira na nasasandalan ko pero i do feel that it is still so hard. Minsan nagigising ako sa gabi para lang umiyak. Maisip ko lang na iisilang ang anak ko ng hindi buo ang pamilya nasasaktan na ako. But ito na eh, what can i do pa ba. Lakasan na lang talaga ng loob, ako gumawa ng sarili kong destiny so i must bear with it. Pinangunahan ko kasi lahat ng bagay without even asking first kay God for the right thing to do.

Pagkatapos kong maligo ay nanood muna ako ng tv habang nagpapatuyo ng buhok. Then a news flash on tv screen.  Para akong napako sa upuan ng makita ang mukha ni Santiago habang maraming media ang nakapalibot sa kanya para mainterview siya. At base sa report nasa Pilipinas siya ngayon.

For six months that had passed na halos wala akong balita sa kanya. After i leave at his resthouse ay hindi ko binalak na alamin ang mga nangyayari sa kanya. Ang alam ko lang base na din sa info ni Emman sa akin ay nagpunta ng Italy si Santiago para sa extension ng hotel nito. That's it at wala na akong balita. Minsan nagtatangka si Emman na pag-usapan namin si Santiago pero hesitant ako. Better not know him anymore mas madali mag move on.

"Mr. Mariano ngayon na nasa Pilipinas na kayo ulit after six months na paninirahan ninyo sa Italy may kasalan na bang magaganap? As we all know maraming photograph ang naka post sa media about you ang Mia." One of the reporter ask Santiago.

"Right now no comment about that. I just go home to Phil its beacause i am done establishing my business in Italy. That's all." He made a gentle smile. Napatingin pa siya sa camera tuloy pakiwari ko nakatingin siya sa akin. Kahit kelan gwapo pa rin siya.

Marami pang questions ang ipinukol ng mga reporters pero hindi na siya sumagot. Dumiretso na ito ng lakad sabay pasok ng sasakyan niya.

Nakaramdam ako ng kaba, and i pray so hard na sana huwag magkrus ang landas namin. Hindi ako magaling sa pagsisinungaling, at ayoko mangyari ang araw na kinatatakutan ko.

Baka kapag malaman niya na siya ang ama ng bata ay kuhanin niya ito sa akin. Ano ba naman ang laban ko doon, kayang-kaya niyang mapasa kanya ang bata incase idaan niya sa legal na pamamaraan.

Napabuntung hininga na lang ako, bakit pa kasi bumalik kaagad ang lalaking 'yon. Bakit nga ba hindi eh dito siya sa pinas nakatira? Tungeks lang din ako minsan mag-isip. Haist bago pa mastress ay pinatay ko na lang ang tv at nagpahangin sa balcony ng condo ni Moira. Bawal ang mastress,  kawawa ang baby ko. For now i have to keep myself away from Santiago hanggat maaari.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon