part nineteen

13 1 0
                                    

Author's POV..

Patakbong nilisan ni Gabrielle ang kubo. Naiwan ang dalawang lalaki na parehong nakatayo at nakatingin sa papalayong dalaga.

"Foul naman ata 'yung mga sinabi mo Pare. Hindi niya deserve ang pagsabihan mo siya ng ganun." hinarap ni Emman si Santiago.

"I never find anything bad in it. Kilala mo ako Emman, straight to the point ako magsalita. At ano ba sa tingin mo ang iisipin ko sa nakita ko kanina? Knowing you..? "

"Pare kung ang basehan mo lang ay ang magkayakap kami ni Gabrielle then naging judgmental ka na. Unang una ako ang yumakap sa kanya at hindi siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero she is too nice. Its just my way of thanking her for this." itinaas nito ang kamay na nilagyan ng band-aide ni Gab.

"And why did you have that?" meaningful na tanong nito.

"Why do you care? Kung sasabihin ko sayo baka pagtawanan mo lang ako. Better for you not to know. But please lang pare sana naman huwag ganun ang trato mo kay Gab. She is a nice girl."

"Kaya nilapitan mo?"

"Oh c'mon Santi. anong masama kung nilapitan ko siya. Wala naman akong nakitang karatula na nagsasabing bawal siyang lapitan. You don't even told me."

"As if i don't know you Emman Santander. Kanina binalaan na kita, you are in my property right?" Naglakad ito papunta sa isang upuang kawayan at umupo doon.

"Ouch! Pero marunong akong pumili ng taong papatusin Santiago Mariano. And besides i don't think si Gab ay part ng property mo. She might be your employee but you don't own her."

Nakatingin lang si Santiago sa kaibigan.

"And she doesn't deserve to be treated that way... Shit! Don't tell me Mariano may gusto ka sa kanya?" bahagya itong nakangiti.. Mataman na nakatitig sa kaharap.

"Oh crap! What made you thought that way Santander?! " napatayo ito sa kina-uupuan

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Emman.

"Now i know, kaya pala parang halos ayaw mo siyang ipakilala sa amin kanina. Ngayon ko lang napagtanto."

"That's a lie Santander. I don't like her." seryoso ito habang tumatawa pa din ang kaibigan.

"Oh really Mariano? Iisa lang ang likaw ng bituka natin. Kilala kita at kahit kailan wala akong natatandaan na binalaan mo ako ng ganito. Kahit sa mga pinsan mo hindi mo nga kami sinisita... Tsk. Tsk." Iiling iling pa ito.

"Bahala ka sa iniisip mo Santander. Pero mali yang spekulasyon mo. Im just protecting her, inihabilin siya sa akin ng lolo niya."

"Talaga? Kung gayon walang problema kung lumapit ako sa kanya Mariano. I won't do anything bad on her. Besides nasa legal na age na siya right? Kung talagang wala kang gusto sa kanya then let me go near to her."

"Bahala ka Santander basta paalala lang unless nasa property kita matuto kang sumunod sa rules ko."

"Fine Mariano! I'll be good and true. Sana ikaw din." Ngumisi pa ito bago naglakad pabalik ng bahay.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Santiago. Kahit siya nagulat din kanina sa mga salitang binitawan niya para kay Gabrielle. Basta na lang uminit ang ulo niya pagkakita sa dalawang magkayakap.

He took a deep breathe, mula kasi ng may nangyari sa kanilang dalawa merun na siyang kakaibang naramdaman para sa dalaga. How eager he wants to go home sa resthouse niya para makita si Gabrielle sa araw-araw pero hindi niya ginawa. For sometimes he got confuse about his feelings towards her. At higit sa lahat nandiyan si Mia na kailangan niyang protektahan. Life was now quiet complicated for him.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon