part thirty nine

16 1 0
                                    

Muntik na akong masamid pagkarinig sa sinabi niya. Ibinaba ko na lang yung hawak kong baso ng milk.

"Huh?"

"Im sorry for everything. For not being there beside you sa time na dapat kasama mo ako. Im sorry for being selfish all this time. For being coward."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at humarap sa akin. Nalilito naman ako sa mga pinagsasabi niya.

"Why you should be sorry? Hindi ba dapat ako ang magsasabi nun sayo?"

"Nope, kaya mo lang nagawang ilihim sa akin it's because you are afraid of me. Na baka totohanin ko ang kasunduan natin noon. Nakakapang hinayang na wala ako nung nagsisimula kang maglihi, nakakainggit nga si Emman dahil bahagi pa siya nun na dapat ako."

"But still may kasalanan pa din ako kasi you all have the right to know. Pero natatakot lang talaga ako, sa tuwing nararamdaman ko ang presensiya mo sobrang kinakabahan ako." This is it Lord, confession time na talaga.

"Am i that scary?" He look quietly sad upon asking me.

"Yes.."

"Even until now you are still afraid of me?"

"Yup,"

"Why? Do i look so scary?"

"You look incredibly fine but your presence makes me scared." Napayuko ako. Kahit kelan hindi pa ako nakikipag usap sa isang lalaki ng ganito.

"Even when I do this?" Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko.

I didn't even have a chance na umiwas ng bigla niya na lang akong hinalikan.

The kiss is full of passion, so gentle and taste so sweet. Parang biglang nanlambot ang buong sistema ko. And i can't help myself kundi tugunin din ang halik niya. Gush why I have this longingness to this man. Feeling ko sobrang tagal ko ng inantay na mahalikan niya ako ulit. Damn!

Huminto lang ang paghalik niya when we both grasping for air.
"Are you still scared of me?" Puno ng paglalambing ang boses niya. Haist jusko po, ano na naman ang nagawa ko. Talanding buntis..

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Im not afraid at all but i feel ashame. Umiling ako pero hindi ko makuhang tumingin sa kanya.

"Kung ganun look at me Gab." Utos niya sabay angat ulit ng mukha ko.

Hindi ko talaga kayang salubungin siya ng tingin kaya ipinikit ko ang nga mata.

"Open your eyes Gab, please?" Naku naman bakit ba kapag nagsusumamo ang boses nito napapasunod niya ako.

"There, you a have nice pair of eyes Gab kaya hindi mo dapat itago yan."

Grabe na to, ano ba ginagawa ng taong 'to sa akin. Tinutorture na niya ako promise.

"From now on, please don't be afraid of me. I won't do anything to hurt you and the baby." He smile, good Lord parang gusto ko na lang siyang yakapin.

Tumango lang ako, ayoko magsalita baka maipahamak lang ako ng bibig ko.

"And there is one thing i want to tell you." Inayos niya ang pagkaipit ng buhok ko sa tainga. Hinawakan niyang muli ang mga kamay ko.

"Will you marry me Gabrielle dela Paz?"

I was stunned upon hearing it. Totoo ba talaga yung narinig ko Lord. Am i not dreaming lang?  Walang lumalabas na anumang salita mula sa bibig ko. I can't explain how i feel right now.

"Mr. Mariano i think this is not the best time for this. Alam ko nakainom ka lang kaya mo ito nasabi." Kumawala ako sa pagkakahawak niya at marahan akong tumayo.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon