part thirty eight

12 1 0
                                    

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako habang sakay sa kotse ni Santiago. Habang lulan kami wala kaming imikan kaya nagdecide na lang akong ipikit ang mga mata ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko, its nine o clock.. Napatingin ako sa paligid, supposedly nakarating na dapat kami sa condo ni Moira pero bakit nasa biyahe pa din kami.

"Where are we?" Tanong ko kay Santiago na tahimik pa din na nagmamaneho.

"On our way home." Simpleng sagot niya.

"Kanina pa tayo nagbibyahe bakit parang ang tagal naman ata natin makarating. Traffic ba kanina habang tulog ako?"

"Nope. Just take a nap malapit na tayo."

Tumingin ulit ako sa dinadaanan namin, parang iba naman ata. Tapos umuulan pa pala, kaya i just ignored na lang. Merun kasi akong sakit sa kalimot sa lugar na dinadaanan tuwing umuulan. Kahit araw-araw ko ng dinadaanan ang isang lugar pero kapag umuulan hindi ko ma aknowledge kaagad. Minsan feeling ko naliligaw na ako yon pala same place lang.
Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Sa totoo lang inaantok pa kasi ako.

"We're here." Narinig kong sabi ni Santiago kaya nagdilat ako ng mga mata.

But i was stuck nang makita ko ang malaking bahay. This is not my home, it is his home.

"Halika na, alam ko inaantok ka pa." Mabilis niyang binuksan ang pinto sa gawi niya at lumabas na. Umikot siya sa side ko at siya na din ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"I - I thought sa Condo tayo but why here?"

"Lets discuss later, baba ka muna."

"Ayoko, iuwi mo na ako sa condo. Mag-aalala sa akin si Moira kapag pag-uwi niya mamaya ay wala pa ako."

"Kapag umuwi pa tayo, anong oras na tayo makakarating pa. Kaya baba ka na diyan. Ako na bahala kay Moira, i assure you hindi siya mag-aalala." Kung kanina sa restaurant ay hindi maipinta ang mukha niya ngayon he looks so pleasant.

"Eh bakit kasi dito mo ako dinala, wala tayong usapan huh." Para akong bata kung makareklamo.

"Hey, im tired really. Please?" How can I resist with that pleading looks of him.

Para tuloy akong namagnet na bumaba na lang mula sa kotse. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa entrance ng bahay. The same old place where we first meet. Napatingin ako sa Gazebo na nasa dulo. Nakabukas pa din ang ilaw doon, then i remember my first kiss.

"Did you remember something while looking on that Gazebo?" I heard him say. Nakakabasa ba ang lalaking ito ng isipan? Buti nalang dim ang ilaw sa bahagi namin kung hindi kitang-kita niya malamang ang pamumula ng pisngi ko.

Iling lang ang sagot ko.. 
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Ng makapasok na kami sa loob ng bahay ay sinalubong kami ng isang katulong.

"Manang Fe, hatid mo muna si Gab sa pink room." Tumango naman ang kausap niya bago lumapit sa akin.

"Mam sama po kayo sa akin." Magalang na anyaya ni Manang Fe sa akin.

Nginitian ko naman ito. Bumaling ako ng tingin kay Santiago. "Thanks."

"Welcome. Sige na magpahinga ka na. Medyo late na din. May gagawin lang ako."

"Sige thanks ulit." Sumunod na ako kay Manang Fe.

Kay hirap naman umakyat ng hagdan, kahit sabihin pa natin na malalapad naman ang steps pero sa sitwasyon ko hindi kainaman. Nahihiya tuloy ako sa katulong kasi ang tagal ko bago makarating sa taas.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon