part twenty seven

10 0 0
                                    

"Hi! " alanganin akong ngumiti. I don't know how to react actually.

"Pregnant?" walang ka emo-emosyong tanong niya.

"Probably kasi ang laki na ng tiyan ko?.. Hindi naman maaaring sabihing fats lang 'to kasi sobrang laki eh." Gush! Obvious ba? Kahit natetense ako pero parang gusto kong matawa.

"I mean, ilang buwan na yang tiyan mo? Kanina nakita kita nakaupo akala ko hindi ikaw 'yon kasi buntis eh. But nung tumayo ka na kahit may kalayuan i know ikaw 'yon."

"Ah-ahhmmm 8months. " toinks mali pala ako bakit ko sinabi ang totoo.

"Eight months? If i am not mistaken, nine months ago ay nasa resthouse ko ikaw?" there is something in his voice. Oh gush.. Lalo akong kinakabahan ngayon.

Feeling ko super putla na ng mukha ko as in. Baka mukha na akong papel sa putla ngayon.

"Ah eh, tama po kayo Mr. Mariano.. "

"Mam ito na po 'yung id ninyo." Naputol ang pagsasagot ko kay Santiago ng biglang tawagin ako ng guard para iabot ang id ko.

Haist buti na lang, hindi ko talaga alam paano sasagutin ang tanong niya.

"If you will excuse me Mr. Mariano i'll have to go na po. Bye! " maagap kung hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya sabay mabilis na naglakad palabas ng building.

"Gab wait!"

Hindi ko na siya nilingon basta naglakad na lang ako ng may kabilisan. Mabait naman sa akin ang sitwasyon dahil agad may taxi na nakaparada sa labas kaya madali akong nakasakay.

Nung nasa loob na ako ng taxi tsaka lang ako tumingin sa entrance ng building at nakita ko si Santiago na nakatingin lang sa sinasakyan kong taxi.

Sorry po talaga but i can't hardly tell you right now. Selfish na kung selfish pero im afraid na kung sakaling mamalaman niya na siya ang ama nung bata na nasa sinapupunan ako baka mangyari ang bagay na kinatatakutan ko. I am not ready and i will never be.

****

"Moi nagkaharap kami ni Santiago kanina." malungkot kong ibinalita kay Moira habang kumakaen kami ng hapunan.

"What?" Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig sa sinabi ko. "Where, what happened?"

"Kanina doon sa office building nila Zeny. Super iwas na nga ako pero ewan bakit nakita niya pa rin ako, " tumigil ako sa pagsubo. Ibinaba ko ang kutsara at nangalumbaba sa ibabaw ng mesa.

"How come?" Kunot noo niyang tanong. Itinigil din nito ang pagkain.

"Nasa lobby ako nung pumasok siya sa building. Nakita ko na siya kaya nung makakuha ako ng tiempo ay lumabas na kaagad ako. Pero naabutan niya ako sa entrance. Grabe ang kaba ko moi. Para akong papel na sobrang putla."

"O ano nagkausap kayo?"

"Slight, worst thing tinanong pa if buntis daw ako. Tapos ilang buwan na da."

"Eh ano naman ang sagot mo?" curious na rin siya.

"Sabi ko oo buntis ako, hindi na pwede ideny eh. Tapos sabi ko eight months"

"What?!!" Nagulat ako, malakas kasi itong bumulalas. Akala mo may emergency.

"Grabe ka naman kung makareact! "

"Oopps sorry,  kasi naman paano kung maghinala yon about sa pagbubuntis mo?" she's so worried, i can see it on her face.

"Oo nga eh, ewan ko ba. Hirap naman kung magsinungaling ako. Mas masama naman 'yon di ba?" siyempre ayokong lumaki si baby sa kasinungalingan.

"Eh hindi ka nga nagsinungaling? Sa lolo mo unang-una."

"Hindi pagsisinungaling yon. Hindi ko sinabi kung sino ang ama,  wala akong binanggit na pangalan ng kahit sino." defensive laang...

"Haist ewan ko sayong babae ka. Paano 'yan baka magkahinala na yon. Hindi naman siguro nagka-amnesiya yon para hindi maaalala na may nangyari sa inyo at take note two times." pinandilatan pa ako nitp ng kanyang mga mata. At madiin ang pagkakasabi sa last two words.

"Kailangan ba ipaalala pa ulit ang katangahang ginawa ko?"

"Oo para hindi na mauulit. Kung pwede nga ipaskil yan diyan sa noo mo para tuwing nagsasalamin ka kitang-kita mo kaagad."

"Ay grabe siya."

"So paano 'yan? Paano kung magtagpo kayo ulit tapos uusisain kang maigi. Sasabihin mo ba ang totoo?"

"Ewan ko Moi, natatakot kasi ako. Paano kung kunin niya sa akin ang bata? Hindi ko kaya 'yon promise" naikuyom ko ang mga palad. Maisip ko pa lang na mawawalay sa akin ang magiging anak ko i feel terrible. Hindi siguro kakayanin ng kalooban ko. Sobrang naghirap ako during my entire pregnancy, the first trimester was so tough. Muntikan pang makunan ako but i know God would never allow such thing to happen to me and to my baby.

"So ano ang balak mo niyan. Hindi ka habang buhay makakapagtago, masyadong maliit ang Pilipinas. Lalo na at possibleng maghihinala yon."

"Sa ngayon kailangan ko muna siyang iwasan Moi. I will figure it out kapag maipanganak ko na ang bata." I took a deep sigh.

Nakita kong pumikit muna ito bago nagsalita. "Whatever your decision I'll be here always. At pray always for guidance kasi for sure hindi ka pababayaan ni Lord."

"Salamat Moi, ewan kung wala ka papaano pa kaya kami ng magiging baby ko. So thankful talaga ako." Im so emotional right now. Napaka blessed ko pa din dahil hindi hinayaan ni Lord na mag-isa ako. I still have Moira whom i can lean on.

"Right now, stay at home. Para maiwasang magkrus ulit ang landas ninyo. Incase my mga orders ka ako na ang maghahatid."
Inabot nya ang mga kamay ko at pinisil-pisil ito assuring me things will be all fine.

"Papaano kapag super busy ka? Ayoko naman na makakaabala sa trabaho mo."

"Dont worry will find ways if that is the case. Pwede naman tayo makisuyo sa driver ni Mommy ka vibes ko 'yon. Meryenda lang ayos na 'yon dun" assurance was all over her face.

"Ganun ba, sige at maraming salamat talaga. Kung wala ka ewan ko kung saan kami ngayon ng soon to be baby ko."

"Ay emotera lang, siyempre bestfriend kita hahayaan lang ba kita. Kahit na noong una talagang nagtatampo ako sayo kasi hindi ka kaagad nagsabi," nakanguso siya.

"Nagsorry na ako ha, hindi na 'yon mauulit promise ko. Swear! " itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"Dapat lang noh. Siya kaen na tayo. Lets keep this thing easy bawal ka mastress, hangga't maiiwasan natin si Mariano we will do it sa ngayon."

Then we continue eating our dinner. I need to find some ways para hindi mangyayari ang kinatatakutan ko.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon