part twelve

13 1 1
                                    

"Need mo ba talaga magtrabaho sa kanya Gab?" Nakunot ang noo ni Moira habang kausap ako. Nasa isang coffee shop kami. Nagpaalam na kasi ako na magkakalayo muna kami. Sa totoo lang parang gusto ko ng sabihin kay Moira ang lahat pero hindi maaari. Alam ko hindi siya papayag sa naging desisyon ko. Unang pagkakataong magsisinungaling ako sa kanya, sana nga lang balang araw maiintindihan niya ako.

"Yes Moi, i want to help Lolo in my own way. Kung ako lang may pagpipilian Moi, i won't do this."

"Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang tulong ko. I could lend you some money."

"Moira, friend bakit ba hindi. Ang kaso sobrang laki ng utang ng company ni Lolo. Its not what i thought at first. Noon akala ko talaga hindi ganun ka laki, pero nung makita ko ang tunay na amount sa files ni Lolo sobrang nagulat ako. Kaya di ba pumayag na ako pakasal kay Santiago. Ang kaso may nagbago. Hirap Moi kung alam mo lang." Nais ko ng maiyak, kung alam lang nila lahat ang gagawin ko. Ngayon pa lang im so down na.

"Haaayy! Paano ba yan? Kahit ba dalaw ay hindi talaga pwede? Saan ka ba maaassign pwede naman ako pumunta eh."

"Sa ngayon hindi pa ako sure, pero once maging okay na ako, sasabihan kita kapag pwede tayong magkita. But please text me or call me kapag hindi ka busy ha?" Marinig ko lang ang boses ng mga mahahalagang tao sa buhay ko, kakayanin ko lahat.

"Siyempre nuh, baka ikaw yung hindi magtetext at tatawag sa akin huh?"

"Promise i will keep in touch. Habang wala ako bisitahin mo si Lolo ha? Wala akong tiwala doon sa mga pinsan ko. Naaalala lang ng mga iyon si Lolo pag may kailangan sila." Dadalaw lang talaga ang mga pinsan ko at ibang kamag-anak sa bahay kapag hihiram o hihingi ng pera sa Lolo. Ngayon pa lang nag-aalala ako sa Lolo. Haist hirap naman.

"Sure, ako muna bahala kay Lolo. Masaya pa nga kausap ang Lolo mo kaysa sa mga tao sa bahay. Don't worry lagi akong dadalaw doon."

"Salamat talaga, someday somehow makakabawi din ako sayo. Promise yan!"

"Sabi mo yan ha? Oh ano kelan ka na magsisimula ng trabaho mo sa Santiago na iyon? Ingat ka baka iba ang gagawin nun sayo ha?" May himig pag-aalala sa boses ni Moira. Haist kung alam mo lang Moi, baka hindi ka lang mag-aalala baka magwawala ka pa.

"Bukas na, kaya for now ito yung last coffee bonding natin. Matagal pa bago mauulit ito. Wag kang mag-alala keri ko self ko, ikaw don't be so workaholic. I know you!" Kapag kasi nagsisimula na siyang magtrabaho halos hindi siya kumakain hanggat hindi napi-perfect ang design na gusto niya. Kaya ang payat niya..

"Oo na, nakita mo na naman ang katawan ko. Sadya lang akong payat,nakaen naman kaya ako. Ikaw ingat sa Boss mo ha, mukhang manyak iyon eh."

Haist, kung alam lang talaga nito ang gagawin ko.. tango na lang ang isinagot ko.

Pagkatapos namin mag kape, dumiretso kami sa department store. Hindi magkamayaw si Moira sa pamimili ng mga maaari ko raw isuot, pero hindi lahat tinanggap ko. Nakakahiya na at lalong nagiguilty na ako. Pasado alas siete na kami ng gabi naghiwalay. May dinner pa kasi siyang dadaluhan at ako naman need kung iprepare ang mga gamit ko. Feeling ko mag-aabroad ako.

------****------**-------

Maaga pa lang ay naka receive ako ng text mula kay Santiago. Ipapasundo daw ako sa driver niya. Nagpasalamat naman ako dahil, sa bigat ng bagahe ko for sure mahihirapan ako da byahe.

Bago mag alas sais ng umaga dumating ang sasakyan at driver ni Santiago. Isang ford ecosport na kulay puti, ganyan talaga pag mayaman ang daming sasakyan. Kung ako lang ang masusunod one to two cars enough na sa akin. Kaysa bili ako ng bili ng sasakyan idodonate ko na lang sa mga charity ang pera ko, for sure marami akong matutulungan. Aywan ko nga ba sa ilang mayayaman, bili ng bili ng mga bagay na pansarili lang why not tumulong na lang sa kapwa?

Nagpaalam na ako sa Lolo, mahigpit na niyakap ko si Lolo at binilinan ng mga bawal sa kanya. Hirap din kasi ang mga matatanda matitigas din ang ulo minsan. Ibinilin ko na din sa katulong sa bahay ang mga bawal kay Lolo. Ang kagandahan lang talaga dahil kamag-anak din naman ang katulong namin sa bahay kaya maluwag sa loob ko na iwan ang Lolo.

Marami talaga akong choices para ifree ang sarili ko sa sitwasyon na ito. Pero knowing na hindi nalalayo ang panahon na kukunin na din ng Diyos si Lolo ayoko na mawala siya sa mundo na dismayado. I want him to leave his life on earth comfortable. At kung hindi din kasi sa kagagawan ng Papa ko ay hindi talaga nalugmok sa utang ang kompanya nito.

Tinulungan ako ng driver ni Santiago na maipasok ang mga gamit ko sa sasakyan, pagkatapos lumulan na ako. Habang papaliit ang bahay namin mula sa side mirror ng sasakyan, ay siyang lungkot na nararamdaman ko. Matatagalan bago ko makikita ang bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip. Napabuntung hininga na lang ako.

"May problema po ba mam?" Tanong ng driver, nararamdaman siguro ni Manong ang kalungkutan ko.

"Wala po Manong, nalulungkot lang ako na matatagalan bago ko makikita ulit ang bahay namin." Sagot ko sa driver habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan.

"Ah homesick agad mam, ganun po talaga."

"Siguro, unang pagkakataon kasi na matatagalan bago ako makakauwi sa amin eh."

"Sabagay po mam,pero si Sir Santiago naman po ang makakasama ninyo kaya panigurado hindi kayo malulungkot." At tumawa pa ito.

Natigilan naman ako, posible kayang may alam ang driver na ito sa gagawin ko?

"Mam, masayang kasama si Sir Santiago. Kaso iyon nga lang minsan moody din. Pero mabait po 'yon, at hindi mahirap lapitan." May himig pagmamalaki sa boses ni manong driver. Naku manong kung alam nyo lang ang totoong pagkatao ng boss nyo i doubt kung maipagmamalaki nyo pa siya.

Napangiti na lang ako, talagang nakaka decieve ang looks ng isang tao, lalo na kung mahilig magkunwari.

"Mam, idlip na lang po muna kayo,mahaba haba ang byahe natin. Gigisingin ko na lang po kayo kapag nakarating na tayo."

Napakunot noo naman ako, "saan ba tayo pupunta manong? Di ba sa bahay lang nga mga Mariano?"

"Po? Ay hindi po mam, sabi ni Sir doon ko daw po kayo dadalhin sa bahay bakasyunan nila. Mga tatlong oras pa po ang byahe natin kaya mainam po maidlip na lang muna kayo."

"Ganun po ba manong iba kasi ang sabi niya sa akin eh." Nagulumihanan naman ako.

"Aywan ko po mam,basta iyon kanina ang instruction niya. Kung gusto nyo pa tawagan nyo na lang."

"Hwag na manong kung iyon ang instruction sa inyo so be it." Mas ok nga kung ganun,mas malayo.

"Okey po mam." At hindi na ito nagsalita habang natutok ang atensiyon sa daan.

At dahil ayon sa driver mahaba ang biyahe, ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko. Tamang tulog sa biyahe muna ako, puyat din naman ako dahil late na ako nagkatulog kagabi.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon