part five

21 1 0
                                    

"Hey what's wrong!" Gulat na sabi ni Santi habang napa upo sa semento.
"You didn't like it?" Ngiting demonyo ang nakikita ko.

"Bakit mo ako hinalikan!" I hissed. Nagagalit talaga ako, hindi lang sa kanya kundi pati sa sarili ko. Hinayaan ko na lang kasi na halikan ako ng herodes na 'to.

"First kiss mo?" At tumawa ito ng malakas habang tumatayo.

Abnormal na ito, pinagtawanan ba ako.

"Huwag ka nang magalit, be happy dahil si Santi Mariano ang naging first kiss mo!" Tapos napahalakhak na siya.

"Hambog! Hindi ko pinangarap na maka first kiss ka. Never did i dream of that!"

"Ganun ba? Ouch naman yan. As what i know madaming babae ang nais makahalikan ako."

"Sila 'yon hindi ako." Feeling mo lahat ng babae patay na patay sa'yo. Pwes hindi ako! Wee di nga?

"Is that so? Pero bakit iba ang pakiramdam ko kanina?"ngumisi ang herodes.

Namula naman ako, dyahe eh wala nadala ako eh. Siyempre babae lang ako,marupok! Gush kainis at nakakaiyak na.

"O bakit ka umiiyak?" Nasa himig ng boses niya ang pag-alala. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. kapag kasi naiinis o nagagalit ako ay naiiyak ako. Basta na lang minsan tumutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

"Ewan!" gusto ko ng umuwi, asan na ba CP ko maitext na nga si Moira.

"Siya babawiin ko na lang 'yung first kiss mo." Nakangisi na naman ito habang papalapit sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon tumakbo na ako papuntang gate.

Habang sisinghot-singhot ako, sinubukan kong buksan ang gate. Nakakainis, bakit ba ayaw nitong bumukas kaagad.

"Hindi mo basta-basta yan mabubuksan hanggat hindi mo dinide-activate ang sensor."

Ang bilis naman niya, nasa likod ko na kaagad. Naiiyak lalo tuloy ako.

"Please wait me here, ihahatid na kita ng sasakyan ko."

"There's no need Mr. Mariano i can manage to go home alone. Just open this damn gate of yours!" Matigas kung sabi. Akalain mo hindi man lang nagsorry sa nagawa niya.

"No, ihahatid kita. Sumunod ka sa akin. Wag matigas ang ulo baka halikan kita ulit."

"Bastos! Subukan mo lang."

"Aws really? Sige nga subukan natin ulit."

Natakot naman ako ng naglakad ito palapit sa akin. Damuhong kapal ng face.
"Asan ba banda ang garahe nyo!" At naglakad ako pabalik ng entrance door.
Dinig ko ang malakas niyang pagtawa.

Bipolar nga. Kanina nagagalit, tapos biglang naging sweet tapos ngayon naging abnormal. Grabe ano pa ang personality nito, baka nagiging wolf din ito sa hating gabi.

"Hindi d'yan ang daan. Dito ang garahe!"

Napalingon ako sa abnormal na si Santiago, naglakad ito sa gawing kaliwa papunta sa parang bahay na fully covered. May dinukot siya sa bulsa niya at maya-maya ay nagbukas ang nakatakip sa bahay na iyon. Nakita ko ang ibat-ibang sasakyan. So garahe pala iyon, hindi mo kaagad mapapansin.

"Halika na iuuwi na kita." At sumenyas ito para sumunod ako sa kanya.

Nakita ko na umilaw ang isang pulang Lamborghini. Ang gara ng kotse, ang ganda kaso ang may-ari ay abnormal.

"Wag ka nang tumunganga d'yan. Pasok na para makaalis na tayo!" Utos nito sabay pasok sa may driver seat. Lumapit ako sa passenger side para buksan ang pinto kaso ayaw. Tapos biglang nag bukas iyung sa tabi ng driver. Ayoko nga tumabi sa kanya.

"Ms. dela Paz ayoko magmukhang driver mo, kaya dito ka sa unahan maupo."

Kita mo naiinis na naman siya. Bipolar talaga siya, sayang gwapo pa naman sana. Haist sige na nga para lang makauwi ako.
Pumasok na lang ako at umupo sa tabi niya. Pero bahagya akong nakatigilid ayoko ko siyang makausap o masilayan man lang dahil naiinis at nagagalit pa rin ako sa kanya.

Pinaandar na niya ang kotse, may pinindot pa siya at dahan-dahang bumukas yung wall sa harapan banda. Nakita ko agad ang sementadong daan.

Pinatakbo na niya ang kotse, pagkalabas namin, unti-unting nagsara ulit ang garahe. Sa daan tahimik lang kami, hindi nagsalita. Tapos ipinikit ko lang ang mga mata ko, si Santi naman ay naka focus lang sa daan ang mga mata.

"Prinsesa gising na, nandito na tayo sa bahay nyo." Narinig kong sabi ni Santi at naramdaman ko ang bahagyang pagtapik niya sa balikat ko.

Nakatulog pala ako sa biyahe, mga kulang-kulang isang oras din ang nilakbay namin. Nag-ayos ako ng upo at binuksan ang pinto ng kotse.

"Salamat." Tanging sinabi ko bago ako lumabas.

"You're welcome and see you next time." Yon lang at pinaharurot na niya ang kotse niya.
Dali-dali ko naman binuksan ang gate namin at pumasok na. Pagkabukas ko ng main door, naabutan ko si Lolo sa sala gising pa.

"Maganding gabi po Lo, mano po?" Sabay kinuha ko ang kanang kamay ni Lolo para magmano.

"Andito ka na pala Apo."

"Opo kararating ko lang po Lo. Kayo bakit gising pa kayo, alas diyes na ah."

"Inantay kitang makauwi, nag-alala naman kasi ako sa'yo."

"Malaki na ako Lo, tsaka alam nyo naman kung saan ako nagpunta di ba?" Naupo na din ako sa tabi ni Lolo.

"Yun na nga ang ibig kong sabihin. Kilala ko si Santiago, kung may iba pang paraan apo hindi ko papayagan ang ganitong pangyayari. Naipit ka sa sitwasyon na wala ka naman kinalaman."

"Ayos lang ako lo, malaki na ako tsaka pinag-isipan ko na din ito. Basta para sa pamilya gagawin ko ang lahat!"

"Wala ba naman ginawang kung ano ang Santiago na iyon sa sayo apo?"

Hala sasabihin ko ba? Naku wag na lang baka magkagulo.

"Ha? W-wala po Lolo. Naglibot lang kami sa mansion, nag-usap, kumain. Yon lang po."

"Ah mabuti naman, kahit kailangan natin siya pero hindi pwedeng lapastanganin ka niya!"

"Kaya ko sarili ko Lo kaya wag kayong mag-alala."

"Apo babae ka pa din, lalaki 'yon. Alam mo ibig kong sabihin."

"Opo Lo, alam ko. Kaya ipanatag nyo yang sarili nyo. I'll be fine, promise!"

"O siya sige, umakyat ka na at matulog."

"Parang kayo dapat sabihan ko niyan Lo, kasi dapat kanina pa nagpapahinga na kayo. Bawal sa inyo ang nagpupuyat, baka atakihin pa kayo ng sakit nyo."

"O sige matutulog na din ako." At tumayo na si Lolo at naglakad na papunta sa kwarto niya. Nang masiguro kong nakapasok na siya ay umakyat na ako sa taas para matulog na din.

----------***---------

Sorry kapag may mali sa mga tinatype ko, minsan nasakit na ulo ko, blurred na paningin ko haist..

#not20/20 vision.

Thanks guys for reading..

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon