part seven

17 0 1
                                    

Nasa lobby kami nakaupo sa couch, mga kulang-kulang kinse minutos din kaming nag-antay bago makarecieve ng tawag kay Santiago na nasa labas na siya.

"Moi nasa labas na daw siya. Kinakabahan ako lalo."

"Ano ka ba? Wag magpapakaba dinner lang to noh! Tsaka you look very good tonight. Kita mo ba 'yung foreigner kanina na dumaan, lagkit kaya ng tingin sayo."

"Oi hindi huh! Ikaw kaya 'yung tinitignan nun at hindi ako."

"Anong ako, ikaw 'yon." Tumayo na ito at inabot ang kamay ko para makatayo na rin." Don't let your prince charming wait you so long. Badtrip na iyon kanina, remember?"

Tumango ako at napangiti pero im super tense talaga. I hope everything will be fine. Feeling ko napaka OA ko today kasi dinner lang tapos parang ang arte ko na.

"Ihahatid na kita sa labas, i want to see how i win on our bet!" At tumawa pa ito.

"Okay, and i assure you laglag balikat ka mamaya." Nagpatiuna na akong naglakad. Ayokong marinig ang sasabihin pa ng bruhilda kong kaibigan.

Ngumingiting pinagbuksan kami ng pinto ng guard on duty. Gumanti din ako ng ngiti sa guard.

Sa mismong harapan ng building pala nakaparada ang sasakyan ni Santiago. Yung red Lamborghini ang gamit niya, nakasandal siya doon habang may katawagan sa phone niya. But he stop nang makita kami na papalabas ng entrance.
Nagsalita muna siya ulit sa kausap sa phone bago ini-off ito at isinilid sa bulsa ng suit niya. He is wearing a black tuxedo at hindi maipagkaila ang kakisigan niya.

"See, nakatingin siya ngayon sayo. Kanina busy sa phone pero nang makita ka, natigilan siya di ba?" Bulong ni Moira, kakagulat kanina nasa likod ko lang siya pero ngayon nasa tabi ko na kaagad.

" pssst wag maingay."

"Ayeee,kinikilig ang bata!" Nakangisi pa ito, bully talagang itong si Moira.

Palihim ko namang kinurot siya sa tagiliran. Napaigtad naman ito, nasaktan ata.

"Ikaw ha! sadista ka. Kapag nagkakaganyan ka alam ko kinikilig ka!" Nakanguso ito habang hinihimas ang parte na kinurot ko.

"Sorry, ikaw kasi eh." Naguilty naman ako. Masakit pa naman ako mangurot.

"Sige na, ayan na si future hubby mo." May himig tampo sa boses niya.

"Oi sorry na. Hindi na mauulit promise!" Nagtaas pa ako ng kamay para patunay na nangangako ako.

"Okay fine, basta kapag kinilig ka pa next time hwag kang nangungurot kasi masakit."

"Opo,promise i won't na,"

"Ok apology accepted!" Nakangiti na ulit ito habang nakatingin sa kinaroroonan ni Santiago.

Napatingin din ako, at kinabahan ako lalo ng makita kung naglalakad si Santiago papunta sa kinatatayuan namin. Haist so gwapo ng loko, he is not smiling pero he look so hot and yummy.

Naipilig ko ang ulo ko, pilit iwinawaksi ang hindi magandang kaisipan na tumatakbo sa isipan ko. Dyahe naman wholesome ako pero kalaswaan ang nasa isipan ko.

"There you go, andiyan na ang prince charming mo. Swerte mo talaga kay gwapo eh, nakaka lock jaw," bulong ni Moira habang nakatingin kay Santiago.

"Aray," mahinang reklamo ni Moira. Sabay himas ng tagiliran, siniko ko kasi ng palihim. "Sadista ka talaga, kanina kinurot mo ako ngayon siniko mo na."

"Abnormal ka kasi, anong lock jaw yang sinasabi mo," mahinang reklamo ko.

"Eh kasi naman habang nakatingin ka sa kanya nakanganga ka kaya." Sabay mahina itong tumawa.

"Hindi ah,..." mangangatwiran pa sana ako kaso nasa harapan ko na si Santiago.
"H-hi," alangan akong ngumiti. Biglang nanlamig ang kamay ko. Paano ba naman kasi he is staring to me intently.

"Hi," ganting bati niya in a serious manner. Hindi man lang ngumiti pero nakatitig pa din sa akin. Nati-tense tuloy ako.

"Ahem!" Its moira..napalingon ako sa kanya at nakiya kung nakangiti ito sa akin.

"Ah siyanga pala, Mr. Mariano this is Moira Yap my bestfriend," pagpapakilala ko sa kaibigan ko. knowing the meaning of Moira's smile may nais itong sabihin.

"Hi Mr. Mariano. A pleasure to meet you indeed." Sabay lahad ng kamay nito.

"Hello ms. Yap, please to meet you too." At nakipag kamay naman ito sa friend ko. Masyado talaga siyang pormal kasi bahagyang ngiti lang ang ipinukol niya kay Moira. "I'll be borrowing your friend for a while. Hope you don't mind?"

"Oh sure, tonight she is all yours!" Ang lapad ng ngiti ng bruhilda kong bestfriend. Parang nahuhulaan ko na ang tumatakbo sa isipan niya. Pinandilatan ko, pero iling lang habang ngumingiti ang tugon niya.

"Thanks," maikling sabi ni Santiago at nakatitig na ulit sa akin. "Shall we Gab?"

"O-okay," dagli kong tugon. Parang mas tumintindi ang kabang naramdaman ko. I need to take a deep breathe. Kairita lang feeling teenager lang Gab?

"Please take good care of her Mr. Mariano." Nakangiting habilin ni Moira. Nilingon ko ito, so meaningful talaga ang mga ngiti niya. "And Gab, dont forget our dinner huh?"

Napataas ang kilay ko, "oh okay," alangan akong ngumiti. Anong dinner di pa kaya sigurado na panalo siya sa bet namin.

"Text you later girl,enjoy the night have fun." At tumalikod na ito habang nakangiti pa ding naglakad papasok ng building.
Napakibit balikat na lang ako.

"Can we go now Gab?" Untag ni Santiago sa akin.

"Oh sure, sorry."

"It's fine," at nagsimula na itong maglakad. Sumunod lang ako sa likuran niya. I want to imagine na nakahawak sana ako sa mga braso niya habang naglalakad kami. Naipilig ko ang ulo ko, kahit kailan ang hilig ko pa din mag-imagine ng mga bagay na walang kasiguraduhan kung mangyayari.

Nang makarating kami ng kotse ni Santiago ipinagbukas niya ako ng pintuan. In fairness nagpaka gentleman ang mama. I utter a simple thanks on him, though tango lang ang natanggap ko. Pero okay lang, tingin ko naappreciate niya naman ang pagpapasalamat ko. Pagkapasok niya ng kotse ay pinaandar na niya ito at pinatakbo. I actually didn't know if where will going, gusto ko magtanong pero nag-alangan naman ako. Kaya hayun sobrang tahimik sa loob ng kotse. Ni walang music, feeling ko nga dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko at paghinga.

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon