part eighteen

18 1 1
                                    

Sumilip muna ako mula sa kusina bago pumasok sa sala ng bahay. At ng makita kong walang tao, ay naglakad ako diretso sa kinalalagyan ng first aide kit. Kinuha ko mula sa built in cabinet ang betadine, cotton at band-aide. Inilagay ko sa black pouch para isang bitbitan lang. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik ng kusina.

"Saan ka pupunta? At anong kinuha mo sa first aide cabinet."

"Ay kalabaw!" nagulat ako ng biglang nagsalita sa likuran ko si Santiago. Nilingon ko siya at nakita kong nakatayo siya sa puno ng hagdan.

"Ah eh, sa kubo. May sugat sa kamay ang kaibigan mo, si Emman. Gagamutin ko lang."

Mataman siyang nakatitig sa akin habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

"Bakit siya nagkasugat?" tanong niya habang titig na titig pa din sa akin.

Problema kaya ng lalaking 'to. Kung makatitig wagas!

"Ah-ano kasi,"sasabihin ko ba? Parang ang panget naman. "Nadali lang sa upuan ang kamay niya."

Biglang taas ng kilay niya pakarinig sa sinabi ko.

"Really?"

Napakunot naman ang noo ko pagkarinig doon kanya. Para bang duda siya sa sagot ko.
"Yes po. Sige po Mr. Mariano i'll go ahead nag-aantay pa kasi doon sa kubo ang kaibigan ninyo. I need to attend the wound in his hand." tumalikod na ako at naglakad. May sinasabi pa siya pero mahina lang kaya hindi ko naintindihan.

-----**----------**-------

Pagkarating ko sa kubo, nakita kong nakasandal ulit sa upuan si Emman. Pikit ang mata.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Maingat akong lumuhod sa gilid ng upuan, sinipat ko ang kamay niya na nakalaylay sa arm rest. It still bleeding pero hindi na gaano ka malakas.

Binuksan ko ang pouch, kinuha doon ang betadine at cotton. Naglagay ako ng betadine sa cotton at maingat kong nilinis ang sugat niya. Pagkatapos nilagyan ko ito ng waterproof na band-aide para sakali mang malagyan ng tubig ay hindi mababasa.

"Salamat Gab," mahinang sabi ni Emman. Akala ko nakatulog siya, gising pala.

"You're welcome. Akala ko nakatulog ka."

"Nope. I just close my eyes but im awake."
Dumilat ito at umayos ng upo. Ako naman ay tumayo na mula sa pagkakaluhod sa gilid ng upuan niya. Bitbit ang pouch ay naglakad ako sa pwesto ko kanina.

"Ayan nalinis ko na 'yang sugat mo. I hope next time hindi mo na gagawin 'yon ulit."
Inisa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Mukhang hindi ko magagawang tapusin ang pagpipinta ngayon. Pwede naman sa ibang araw na lang.

"I hope so.. "

Nilingon ko siya, nakita kong ngumiti siya sa akin.

"Pwede ka naman magshare sa mga kaibigan mo para malessen yung nararamdaman mo. No need to be violent on yourself."

"Kantiyaw lang aabutin ko sa kanila. They never saw me like this. Iba ang pagkakilala nila sa akin."

Mukhang may kahabaan itong usapan namin, kaya umupo ako sa isa pang upuang kawayan paharap sa kanya.

"Kapag sa mga kaibigan mong lalaki, i think siguro kakantiyawan ka. Pero sa mga babae maiintindihan ka nila."

"Ang kaso wala akong close friend na babae. Common friends merun, madami nga. Pero not that close."

"Ay ganun ba," ngumiti ako. "Ang swerte ko naman pala kahit di mo naman ako friend pero nai-share mo sa akin yung nararamdaman mo."

"Unang kita ko pa lang sayo kanina, ang gaan ng kalooban ko sayo. Kaya siguro hindi ako nahiyang maging transparent sa harapan mo. Sorry! Nakakahiya ako nuh?"

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon