part fourteen

7 1 0
                                    

Pagkatapos kung makaligo at magbihis ay bumaba na ako para maghapunan. Sobrang gutom ko na talaga, kaninang umaga kape at pandesal lang ang naging laman ng tiyan ko.

Madali lang makita ang dining area ng bahay, dahil pagbaba ko ng hagdan kita ko kaagad ito. Nasa dulo ng mesa si Santiago, pagkakita sa akin ay sumenyas siya na doon ako sa tabi niya maupo.

Pagkaupo ay nagpalinga-linga ako sa paligid. mukha kasing tahimik ang bahay, wala pati akong makitang katulong sa paligid.

"May hinahanap ka ba ms. Dela Paz?"

"Ano kasi, wala ka bang katulong dito? Wala kasi ako makitang ibang tao. Kahit yung driver kanina wala din."

"Uwian ang katulong ko dito. Mula alas singko ng umaga hanggang alas otso ng gabiang pasok nun. Bakit may kailangan ka pa ba?"

"W-wala naman, nagtatanong lang." Kami lang pala dito ngayon. Parang bigla akong kinabahan.

"Okay, lets eat now." At nagsimula na siyang nagsalin ng kanin sa pinggan niya. Napatingin ako sa kanya ng magsimula siyang kumaen ay nakakamay lang siya. I just didn't imagine before na marunong siyang magkamay habang kumakaen.

"Hindi ko ba kakaen ms. Dela Paz? Pang dessert mo na lang ako mamaya." Tatawa - tawa pa ito na parang nakakaloko.

Pinamulahan naman ako,.haist kainis.
Nagsalin na rin ako ng kanin sa plato ko. Ang daming ulam, alimango na ginataan, spicy shrimp in oyster sauce, Stuffed squid at grilled tilapia. Gush ang sarap ng hapunan ko nito. Tahimik kami habang kumakaen, mejo nakakapanibago lang kasi kagabi sila Lolo pa ang kasama ko sa hapunan then this time si Santiago at sa mga susunod pang mga araw at buwan.

Pagkatapos maghapunan ay niligpit ko na lahat ng pinagkainan namin at hinugasan ko na pati. Napatingin ako sa relo ko, pasado alas nuebe na pala. Ito ang oras ng tulog ko pero hindi pa ako inaantok, paano kasi sobrang tagal kung natulog.

Naglakad ako papuntang living room, hindi ko makita si Santiago. Buti naman,baka natulog na 'yon. Binuksan ko ang sliding door na nasa bandang kanan na bahagi ng living room. Terrace pala iyon, mula sa terrace tanaw ang karagatan. Parang ang sarap maglakad-lakad sa dalampasigan.. bumalik ako sa living room at dumiretso sa entrance ng bahay. Maglalakad lakad muna ako baka sakaling antukin ako.

Ng marating ko ang dalampasigan sinalubong ako ng malamig na samyo ng hangin. Huminga ako ng malalim, ngayon ko lang naramdaman ang kabigatan ng kalooban ko. This is the reality of life,sometimes we have to make tough decisions in life. We have to sacrifice to gain something. We need to endure all the pain that we may feel and be ready for it.
Alam kung kahangalan sa paningin ng ibang tao ang gagawin ko pero para sa akin this is the least thing that i can do for my family.

Tinanggal ko ang tsinelas ko at nakapaa na naglakad sa buhangin. Ng bahagyang mapagod ako sa kakalakad ay napaupo ako sa buhanginan. Nilingon ko ang bahay ni Santiago, malayo-layo na rin pala ang nilakad ko. Tumingin ako sa langit, ang daming bituin, at ang linis ng langit wala akong makitang ulap.

Malamang kung nasa city ako hindi ko makikita ang ganyan ka raming bituin sa langit. Polluted na kasi ang kapaligiran na parang itim na lang ang nakikita dahil sa usok.

And i do remember, noong bata pa ako. Yung time na buhay pa si mama, madalas kaming mamasyal noon nung nasa probinsiya pa kami. Tapos hihiga kami sa damuhan tapos titingala sa langit. Tapos sabi pa ni mama kapag may kabigatan akong nararamdaman sa puso ko tingin lang daw ako sa langit tapos tingnan ko ang mga bituin. Kapag nakikita kung kumikislap ang mga ito isipin ko raw na anuman kabigat ang nasa puso ko balang araw mawawala din iyon at kikislap muli ang puso ko kagaya nung mga bituin sa langit.

I really miss mama, kahit sobrang tagal na niyang nawala pero nangungulila pa rin ako sa kanya.

Habang nakatingin ako sa langit hindi ko namalayan napaiyak na pala ako. Napangiti na lang tuloy ako sa sarili ko, sinipat ko ang relo ko, pinindot ang light button, pasado alas dies na pala. Dali-dali akong tumayo at pinagpag ang mga buhangin sa damit ko. Nagmadali akong naglakad pabalik ng bahay.

Pagkarating ko sa loob ng bahay, nakita ko si Santiago na nakaupo sa maliit na bar katabi ng dining area habang hawak ang isang baso ng alak. Sa tabi niya ang bukas na bote nito.

"Saan ka galing?" He sounds a bit drunk. Mukhang naparami na yata siyang nainom, pati namumungay na ang mga mata ng bahagya.

"Naglakad-lakad lang doon sa buhanginan sa gilid ng dagat. Nagpahangin lang." sagot ko naman.

"I see, come join me here," at ini-usog niya ang isa pang stool na nasa tabi niya.

"Ay sorry, h-hindi ako umiinom eh." Never pa akong uminom ng alak, red wine oo pero kapag alcoholic drink never akong nag attempt uminom nun. Kasi nasira ang buhay namin dahil sa kakainom ng Papa ko.

"I won't take that. Have a sit here sa tabi ko."

"P-pasensiya na po talaga Mr. Mariano. Hindi po talaga ako umiinom." Naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng tubig sa ref.

"Ay!" Napahiyaw naman ako ng biglang hablutin niya ang braso ko. Muntik na akong ma out balance buti na lang napahawak ako sa gilid ng counter.

"Maupo ka dito Ms. Dela Paz. Im your boss at empleyado kita so follow my order." May galit akong nahimigan doon sa sinabi niya. At lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napakislot naman ako ng nakaramdam ako ng sakit.

Nais ko pang magsasalita sana pero mas pinili kong manahimik. Sabi nga the best way to stop the argument is to keep silent. Kaya tumalima ako, naupo ako sa stool sa kalapit niya.

"Good,now drink this," nagsalin siya ng alak sa isa pang baso at ini-abot sa akin.

Umiling ako. " promise po hindi po talaga ako umiinom." Nagtaas pa ako ng kanang kamay ko.

"Thats an order ms. Dela Paz from your boss. Drink it para wala tayong gulo." Mataman niya akong tinitigan.

"Mr. Mariano i really don't drink that." Nagmamatigas pa din ako.

"Iinom ka ba o hahalikan na lang kita ms. Dela Paz?" Nasa tono ng boses niya ang pagbabanta. At talagang seryoso ang kanyang mukha.

Kung ako papipiliin siyempre iinom na lang ako. Weh di nga? Kontra ng isang bahagi ng utak ko.

"Iinom na lang," at kinuha ko ang baso ng alak. Inamoy ko muna, tapos pinisil ko ang ilong ko sabay inom ng alak. Napangiwi ako, ramdam ko ang pagguhit ng init sa lalamunan ko papunta sa sikmura ko.

"Good," at nakita kong ngumiti ito. Nagsalin pa siya ng isa pa at inabot sa akin, umiling ako. He look at me intently. Parang natakot naman ako sa paraan ng pagkatitig niya sa akin kaya inabot ko ulit ang alak at ininom. This time, hindi na ganun ka sama ang lasa although ang tindi talaga ng guhit sa lalamunan ko.

"Masunurin ka rin naman pala ms. Dela Paz. Now last two glasses na lang."

"P-po?"

"Yup, two glasses na lang tapos okay na."

"A-akala ko...."

"Wag magreklamo ms. Dela Paz, remember im the boss. Sige ka kapag magrereklamo ka pa dadagdagn ko pa ng another two shots," at nagsalin pa ulit ito ng isa pa.

Gush, hindi naman siguro nakakalasing ang four shots lang. Sige na nga ng makaalis na ako. Tumahimik na lang ako habang ininom ang alak na inabot sa akin ni Santiago. Sa pangatlong shot parang nakaramdam ako init.

Pagkatapos ng pang apat na shot ay tumayo na ako. Ang init kasi lalo ng pakiramdam ko. Mataman lang na nakatingin si Santiago sa akin. Naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng tubig. Ang init talaga sa pakiramdam kaya iinom muna ako ng malamig na tubig.

Pagkatapos ay umakyat na ako sa hagdan, parang nanlalambot ako na iwan, nalasing ata ako. Pero sabi nila kapag nalasing daw nawawala sa katinuan pero mukhang hindu naman. Im still on myself kaso parang uneasy lang ang pakiramdam ko.

Ng marating ko ang pinto ng kwarto ko ay pinihit ko ang knob, para kasing bibigay ang tuhod ko. Gush lasing nga talaga ako.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto, biglang may humatak sa braso ko.. its Santiago......

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon