part nine

11 0 5
                                    

"Sorry," i heard him say it. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Pardon?" narinig ko naman ng malinaw pero gusto ko lang makasiguro if tama ang narinig ko. Hearing him saying this sorry word was quiet peculiar.

"I said sorry," walang ka emo-emosyong pag-uulit niya. Kakaiba naman ang lalaking ito, ang alam ko kapag ang tao nagsosorry kita rin yon sa mukha niya pero sa kanya hindi.

"Sorry for what?" para saan naman kaya ang sorry niya. Wala akong maalala na may ginawa siyang hindi maganda maliban sa binabaan niya ako ng phone kanina.

"Of what i did a while ago in front of Carla Montiel,"

Oh i see, yung pag-akbay at paghila niya sa akin palapit sa kanya? Ayos lang yon.
"Its no big deal, its fine." Nagkibit balikat lang ako at ibinalik ang atensiyon sa pagkaen.

"Really?" may himig sarkasmo sa boses niya. Napatingin ulit ako sa kanya. Problema nitong lalaking 'to.

"Yup, its fine. Hindi naman ako naharass. Parang akbay lang, when im with my guy friends gawain na nila 'yon saken. Kaya sanay na ako sa ganun," ngumiti pa ako para siguraduhin sa kanya na ok lang.

Nakita kung bahagyang dumilim ang aura ng mukha niya. Para saan naman kaya 'yon?

"Starting today, i don't want any of your guy friends to do that to you?"

Napataas ako ng kilay, " bakit naman? Wala naman po 'yung malisya ah." Pagpoprotesta ko, aba di ko pa siya kilala nandiyan na mga friends ko noh.

"Basta! Hindi kasi 'yon magandang tignan."

"Wala akong nakitang panget doon--"

"Basta ayoko, hope malinaw sayo. I wont elaborate things Ms. Dela Paz, alam ko matalino ka," then he keep quiet.

Gusto ko pang magprotesta pero inuhan na naman ako ng takot sa kanya. Matiim niya kasi akong tinignan ng akmang magsasalita pa sana ako. Gush, kung ito ang magiging asawa ko mukhang de remote ang bawat kilos ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain, ng pawang tunog lang ng kubyertos ang naririnig. Pagkatapos kung kumaen, i excuse myself para pumunta ng comfort room. Hingang malalim ang ginawa ko sa loob ng cubicle. Kapag ramdam kung nai-istress na ako, hingang malalim lang ang ginagawa ko. Pagkalabas ko ng cubicle ay humarap ako sa salamin at nagretouch ng konti.

Malapit na ako sa pwesto namin ni Santiago  ng makita kong may kausap siya sa phone. Mukhang balisa siya habang nakikipag-usap. Minabuti kong huwag munang lumapit, nakatayo lang ako.

"What happened Alex? Bakit hindi nyo siya pinigilan ha?"

"Anong walang magawa, kalalaki mong tao daig ka pa ng babae? Where is she now?"

"Okay text me the place, hindi ko kabisado ang papunta diyan. Okay wait me there!" Nakita kung ibinaba na niya ang phone at isinilid sa bulsa ng pantalon niya. Tinawag niya ang waiter at kumuha ng card mula sa wallet niya at iniabot niya dito.

Nais kung lumapit pero nag-alangan kasi ako, iba ang hilatsa ng mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o kabado. Ilang saglit lang at bumalik ang waiter, may pinapirmahan sa kanya. Pagkatapos ay tumayo na siya at akmang aalis kaya kaagad akong lumapit.

"Aalis na ba tayo?"

"You can stay if you want, i have an emergency. Ipapasundo na lang kita kay Mr. Marquez."

"Ah ganun ba? No need kaya ko umuwi mag-isa," sinabi ko 'yon in a nice way kahit it doesn't feel good. Kasi ba naman sinong matutuwa in the middle of your date bigla ka na lang iiwanan ng kadate mo di ba?

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon