Will You Change for Me? (Kath...

Bởi LunarMaris

600K 9.7K 679

DANIEL adores women and loves money more than anything else in the world. That pretty sums up everything abou... Xem Thêm

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Epilogue
Special Chapter 1/XX
Book Two
Book Two (Announcement)

Chapter One

36.6K 544 33
Bởi LunarMaris

Chapter One

 

One year later...

 

NAKAUPO ako sa ilalim ng puno ng Acacia, nagpapahangin. Pinuprotektahan ako ng mayabong na sanga at mga dahon nito mula sa araw. Paborito ko itong tambayan kapag hindi ko kasama si Julia. Makikita mo kasi ang school field dito kung saan nakatambay rin ang iba’t ibang klase ng mga estudyante na minsan ginagamit kong subject sa pagguhit.

Sa ngayon, busy ako sa pagdrawing sa dalawang magkasintahan sa isang bench sa di kalayuan. Ang cute kasi nila. Naka-holding hands lang sila at yung babae nakatulog sa balikat ng lalaki tapos yung ulo naman ng lalaki nakapatong doon sa ulo ng babae. Ang sweet lang.

Malapit na akong matapos sa ginuguhit ko nang biglang may nagsalita galing sa harapan ko.

“Patay na ba ako?”

Parang lumundag ang puso ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari nito.

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko. Ang nakatayo ngayon sa harapan ko ay walang iba kundi si Daniel Padilla, a.k.a. ang dakilang playboy na nagpapabayad sa kanyang mga babae.

“Bakit may anghel sa harapan ko?” pagtatapos niya sa sinabi niya kanina.

Ano daw? Anghel? Isa ba ito sa mga pick-up lines niya?

Umupo siya sa tabi ko at ako naman umurong papalayo sa kanya.

“Hi Kath,” bati niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!

Para bang nabasa niya ang isip ko dahil tumingin siya sa baba. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang I.D. ko na nakalagay lamang sa tabi ko na parang sinisigaw sa buong mundo ang pangalan ko! Grabe! Bakit ngayon ko pa naisipan hubarin yung I.D. ko?

Agad ko iyong kinuha at inilagay sa loob ng bag ko.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko sa naaasar ng boses. “Sino ka ba hah?”

Nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko siya kilala. “Hindi mo ko kilala?”

Malamang kilala kita. Ayoko lang ipaalam sa’yo na kilala kita. Masyado ng malaki ang ulo mo at dapat ng putulin ang kayabangan mo.

“Itatanong ko ba kung alam ko?” sagot ko naman sa kanya.

Imbes naman na mainis siya eh ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis.

“Wow!! Lumalaban ang anghel ko ah,” saad niya.

Anghel, anghel mo mukha mo. Lumayas ka sa harapan ko, playboy!!

“Hindi mo ko anghel. Can you please just go?” wika ko sa kanya. Kinumpay-kumpay ko pa ang kamay ko para iparating sa kanya na pinapalayas ko na siya sa tabi ko.

“Ayoko nga. Hindi mo naman pag-aari ang lugar kung saan ako nakaupo kaya hindi ako aalis dito,” aniya.

“Kung ayaw mo, umalis eh di ako ang aalis. Problema ba yun?” sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang mga gamit ko at agad na tumayo.

“Teka, hindi pa ko nagpapakilala sa’yo. Ako nga pala si –”

 “Hindi ako interesado.” Pinutol ko na siya agad.

Umalis na ko bago pa siya magsalita ulit.

 NAGLALAKAD ako papunta sa sunod kong klase. Tapos na ang vacant period ko. Next ko na ang Math 28 at may exam pala kami ngayon. Kailangan ko ng magmadali.

Pero hindi maiwasang lumipad ang utak ko kay Daniel. Ano bang problema niya? Sa loob ng isang taon kong pamamalagi dito sa university, ngayon lang niya ako napansin.

Lagi ko siyang iniiwasan. Kung makakasalubong ko na siya, tumatakbo ako palayo at sa iba dadaan. Kapag nakikita ko siya, sinisigurado kong hindi magkakatagpo ang mga mata namin. Ang dami kong ginawa para maiwasan siya pero walang kwenta rin pala yun dahil nagkita pa rin kami.

Bumuntong-hininga na ako at pumasok sa classroom.

Buti na lang wala pa yung student assistant ni Sir Cuaresma. Kapag kasi exam, yung student assistant niyang si Marissa ang nagbabantay at nagpapa-exam sa amin.

“Kath!!” agaw ni Julia sa atensyon ko.

Ngumiti ako nang makita siya at agad na pinuntahan. Inilagay ko ang bag ko sa upuan na katabi niya.

“Nagkapag-aral ka ba ng maayos?” ang pambungad niya sa akin.

“Oo naman. Ako pa,” pagmamayabang ko pa.

Ngumisi kaming parehas at nagsimulang mag-usap habang inaantay ang assistant ni Sir na magbibigay sa amin ng mga test papers.

Ilang minuto ang lumipas ng may marinig kaming hiyawan galing sa labas. Nagkumpulan ang mga kaklase kong babae sa pinto at nagtitilihan.

 Ano bang problema ng mga ito?

“OMG!! Why is he here?” bulong ng isang babae sa katabi niya. Bulong nga ba? Eh abot hanggang dito sa inuupuan ko ang boses nila.

“Hindi ko rin alam. Pero super gwapo niya talaga!!”

Nagkanda-haba haba naman ang leeg nitong kasama ko.

“Sino kaya yung gwapo?” tanong niya habang inuusisa yung pinto at inaantay kung sino ang iluluwa nito.

Pero hindi nagtagal, humupa na rin ang tilian at biglang gumilid yung mga babae. Nahati ang mga tao na parang sa Red Sea tapos ang naglakad mula doon ay walang iba kundi si Daniel.

Nakangiti ng pagkalaki-laki ang loko habang papunta sa teacher’s table. Hindi pa nakuntento sa grand entrance niya at sa table pa talaga niya nagawang umupo. Doon ko lang napansin ang bag na dala-dala niya. Iyon ang bag na laging dala ng student assistant kapag may exam.

Hindi kaya...

“Dala ko na ang exam papers niyo. Ako magpapa-exam sa inyo kaya umupo na kayo. Ah...May sakit kasi si Maricar kaya ako ang pinakiusapan niyang magpa-exam sa inyo,” paliwanag niya.

“Marissa ang pangalan ng student assistant namin,” sabat ni Julia.

Tumingin siya sa direksyon namin. Nang magkita ang mga mata namin, kinindatan niya ako bago tumingin ulit kay Julia. Dahil nga schoolmates sila dati, kilala niya ata si Julia.

“Ikaw pala yan, Julie...” wika niya.

“Julia,” giit nitong katabi. Sumimangot siya at humalukipkip.

"Sa mga hindi pala nakakakilala sa akin tulad ng iba diyan..." tumingin siya sa akin. "Ako nga pala si DANIEL PADILLA."

“Bastard...Gwapong-gwapo pa naman ako sa iyo dati,” bulong ni Julia na ikinatawa ko naman. Tumingin siya sa akin. “Feeling ko, sineduce lang niya si Marissa para siya yung magbigay ng exam sa atin eh. Bakit kaya noh?”

Balisa akong gumalaw sa inuupuan ko. Hindi naman sa malaki ang ulo ko pero dahil kaya sa akin? Kita rin kasi sa I.D. ang course ko at ang batch ko. Baka naman sinuyod niya lahat ng posibleng klase ko para sa akin.

Umiling-iling ako sa iniisip ko. Ilang minuto lang kasama siya, lumalaki na agad ang ulo ko. Dapat talaga gawin ko ng career ang pag-iwas sa kanya. Tama, yun ang gagawin ko.

Bumalik na lang ako sa realidad ng may winagaway na sa harapan ko. Pinapasa na pala yung test papers namin. Kumuha ako ng isa at ipinasa na sa likuran. Luminga-linga ako sa paligid at nagsisimula na silang sumagot kaya ganun rin ang ginawa ko.

Wala pang ilang minuto pagsimula ng exam, naramdaman kong may tumitingin sa akin. Automatiko akong tumingin sa harapan at nahuli ko si Daniel na nakatitig sa akin.

Nang makita niyang tinitingnan ko siya, kinindatan nanaman niya ako at ngumisi.

Sinimangutan ko siya at nagpatuloy sa exam.

Pero buong exam, di ako maka-concentrate dahil sa mga titig niya at pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko.

Nasaan ang hustisya sa mundo?!

Bakit ba ako napansin ng isang playboy na lalaki gaya niya?!

 DRAINED ako pagdating ko sa bahay namin. Hinigop ata ni Daniel lahat ng lakas ko, pati pasensya ko. Malapit ko ng maibalibag sa mukha niya yung inuupuan ko. Lakas makasira ng katinuan ang lalaking iyon.

“Bakit naman nakasimangot ang babe ko?”

Tumingala ako at nakita kong pababa ng hagdan ang magaling kong kapatid na kagagaling lamang sa isang summit sa Cebu. Fresh na fresh pa ang loko at parang hindi man lang na-stress kahit trabaho ang inatupag niya doon.

“Kailan ka pa dumating?” tanong ko naman.

Tumingin siya sa orasan niya. “20 minutes ago lang ata. Pero never mind, sasabihin mo ba sa akin kung bakit ka nakasimangot?”

“Wala, pagod lang ako, Robi...” tugon ko.

Siya naman ang sumimangot ngayon. “Kuya Robi ang itawag mo sa akin!!”

Nirolyo ko lang ang mga mata ko at umakyat na ng hagdan para bigyan siya ng isang halik sa pisngi at isang mahigpit na yakap.

Kahit mokong itong kapatid ko, na-miss ko rin siya sa isang linggo niyang pagkawala.

“I missed you Robi...” saad ko.

“Awww...I missed you too babe,” sabi niya sa akin at niyakap niya rin ako ng mahigpit tapos hinalikan sa noo.

Maya-maya bumitaw na kami sa yakap.

“Babe, may favour pala akong hihingiin sa’yo tonight.” Binigyan ako ni Robi ng kanyang famous puppy eyes at pout.

Bumuntong hininga ako. “Ano nanaman?”

“Nagkayayaan kami magkakabarkada. Kailangan ulit kita as my gorgeous girlfriend!!” wika niya.

Humalukipkip na ako.

Siyempre pumayag nanaman ako.

Wala naman talaga akong choice eh.

#WYCFM

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

361K 19.1K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9.7K 1.4K 51
How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in story realm? Alora thinks that she is s...
1.2M 44.3K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...