Why Do You Hate Me? (To be Pu...

Από jonaxx

64.2M 1.3M 339K

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kun... Περισσότερα

Why Do You Hate Me?
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas
Notes

Chapter 39

967K 20.1K 3.2K
Από jonaxx

Chapter 39

Ang Vase

Hinaplos ko ng marahan ang maamong mukha ni Jayden. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang kasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko. Ilang buwan lang ang pagitan noong mga oras na hindi ko pa mahanap ang sarili ko, at sa mga buwan na mahal na mahal ko siya... pero pakiramdam ko ang tagal ko na siyang minahal. At walang hangganan ang pagmamahal ko sa kanya.

Napatalon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan sa suite. Nasa loob kami ng kwarto kaya hindi ko alam kung sinong pumasok.

"Jayden?" Narinig ko ang isang boses ng matandang babae.

Nilingon ko si Jayden. Mahimbing parin siyang natutulog. Napatingin ako sa soot kong bra at panty lang. Kaya't pinulupot ko ang sarili ko sa kumot. Naka boxers lang din si Jayden. Napatingin ako sa doorknob na hindi sarado.

Sino naman kaya ang makakapasok dito nang ganun-ganun lang? Si Trisha? Napalunok ako. Pero mas lalong gumuho ang mundo ko nang nabuksan na ang pintuan ng kwarto.

Kasabay kaming nagulat nang isang mukhang sopistikada at may edad ng babae. Nasa late 50s siguro siya, bihis na bihis isang puting bestida at may simpleng gold necklace. Kung ihahambing siya sa mommy kong wagas kung mag bihis, di hamak na mas simple at sopistikada ang isang ito.

"Ma'am? Maling kwarto po yata." Sabi ko sa gitna ng panic.

Nag alab ang tingin niya sakin. May isang babae pang nag pakita sa gilid niya. Siguro kasing edad ko ang isang ito, matangkad, maputi at chinita. Wait a minute... Kamukha yun ni Jayden ah.

"Anong nangyayari?" Nanginginig na tanong ng mommy niya. "A-Ano 'to?"

Umalingawngaw ang boses niya sa buong Le Marcelle. Napatayo ako sa gulat at kaba. Dahan-dahan ding gumalaw si Jayden sa pagtulog niya hanggang sa unti-unti siyang nagising.

Pinasadahan ako ng tingin ng babae. Halos makita ko na ang usok sa tainga at ilong niya habang tinitignan ang kumot na nakapulupot sakin.

"Ma, let's go... Hayaan po muna natin sila ni Kuya."

KUYA? MA? THIS IS... THIS IS JAYDEN'S MOM!? And that's his sister?

Nakita kong dumilat ang mga mata ni Jayden at nakita ang mommy niya.

"Jayden!" Mabilis at mabibigat ang paghinga ng mommy niya.

Nanginginig ang kamay niyang tinuro ako.

"WHAT DID YOU DO TO HIM?"

Umiling ako, "Wala po."

"Ma!" Bumangon si Jayden.

Halatang naalimpungatan ito sa ginawa ng kanyang mommy.

"MY GOODNESS! MY GOODNESS! Babalik ka ng Maynila at ito ang bubungad sakin? Sabi mo may surpresa ka at bakit ako yung nasurpresa dito!?"

Kinusot lang ni Jayden ang kanyang mga mata at inabot ang kamay ko. Hindi ko alam kung tama bang iabot ko itong kamay ko gayong matatalim ang tingin ng mommy niya sa akin.

Nakita kong nanginig ang labi ng mommy niya nang nilagay ko ang kamay ko sa kamay ni Jayden.

"Surprise, Ma!" Humalakhak si Jayden at ipinakita ang mga singsing namin. "I'm married."

Pabalik balik na bumuka at natikom ng mommy ni Jayden ang kanyang bibig bago ako inirapan at nag walk out!

"Sorry, Kuya. Masyadong excited si mommy na makita ka. Ayaw ko sanang papuntahin dito kaso... mapilit siya." Malungkot akong pinagmasdan ng kapatid ni Jayden bago sumunod na sa mommy niya.

Ginulo ni Jayden ang buhok niya saka bumangon. Ako naman, naestatwa na sa kinatatayuan ko.

"Jayden... is this bad?" Nanginginig kong tanong.

Umiling siya pero alam kong masama nga itong nangyari.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Wa'g kang mag alala sa kanya." Aniya.

Pero kahit ano yatang sabihin niya ay hindi ko mapigilang mag alala. Nahuli kami ng mommy niyang nakahubad (well, may bra at panty ako, may boxers si Jayden) sa suite niya. Hindi niya alam na kinasal na si Jayden. Susurpresahin sana siya ni Jayden ngayong umaga pero pinilit ko si Jayden sa sa susunod na araw na lang. Kaya heto at sinugod kami dito para madatnan na ganun!

"Hindi mo pala sinabing kasal ka na?"

Umiling siya, "She'll be furious. Sabi ko lang sa kanya engaged na tayo. Gusto niya na ngang lumipad sa Cebu nang nalaman niya iyon pero sinabi kong maghintay dahil uuwi kami dito. Pag lumipad siyang Cebu, paniguradong di yun papayag na sa huwes lang tayo. Mas lalong tatagal ang kasal natin. Baka next year niya pa i-set. Ayaw ko namang pangunahan niya ako."

"P-Pero... Paano na ngayon 'to?"

Ngumisi siya, ngising nagpakalma sakin kahit paano, "Hayaan mo siya. Wala siyang magagawa. Lambingin na lang natin. Maayos din ang tingin nun."

Kung lambing lang rin naman... kaya ko iyon. Pero ibang usapan ito. Mommy ito ni Jayden at may wrong first impression siya sa akin. Anong iniisip niya sakin? Na isa akong walang delikadezang babae.

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Jayden habang nag da-drive. Alam ko kung bakit niya inamin agad kanina na kasal na kami. Nahuli kami ng mommy niyang nakahubad sa loob ng iisang kwarto. Hindi naman namin pwedeng sabihin na nag mahjong kami doon sa loob diba? Alam niyang may nangyari saming dalawa. Kaya para masalba ang paningin niya sakin ay agad na lang inamin ni Jayden na kasal na kami.

"I'm sorry, Cha." Tumikhim siya nang nagpark kami sa bahay nila.

Malaki at simple ang bahay nila. May garden, fountain, at maayos na village ang napili nilang pagtayuan nito. Mukhang dito nakatira ang mga may kaya sa Manila. Sa bagay, iyong damit pa lang ng mommy niya kanina ay sumisigaw na ng pera.

"Sana sinabi ko na lang agad kay mama."

"It's okay, Jayden." Sabay tingin ko sa bahay nila.

May nagbukas ng gate. Pinasok agad ni Jayden ang sasakyan niya at nagpark sa garahe. Nakita kong may tatlong dalawang nakahilerang sasakyan pa doon. Sabay kaming lumabas.

Ngayon, sinigurado kong maayos ang damit ko. Dress, pero long sleeve. At hanggang tuhod ang haba ng skirt. Naka wedge ako, hindi masyadong mataas para mapagkamalang kung ano.

"Let's go..." Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko ito.

Halos sumabog na ang puso ko sa kaba. Para itong sinisipa ng kabayo habang binubuksan niya ang pinto at pumapasok kami. Nakita kong may nakakunot ang noong mas bata saking lalaki ang nag aabang sa sala.

"Kuya." Aniya.

"Jude." Bati ni Jayden.

Pinilit kong ngumiti sa likod ng kaba.

"This is Charity. Charity, ito si Jude, kapatid ko."

Naglahad ako ng kamay. Tinignan niya ang kamay ko saka tinanggap.

"Oh, Kuya..." Nandyan na naman ang kapatid niyang babae na may disappointed look sa kanyang mukha.

"Nga pala, Cha, ito si Jen. Kapatid ko rin."

Ngumisi si Jen sakin pero saglit lang. Maglalahad na rin sana ako ng kamay pero agad siyang bumaling kay Jayden.

"Tinawag ka ni mama."

Tumango si Jayden at hinawakan ang bakante kong kamay. Umamba siyang dadalhin ako sa mama niya pero pinigilan siya ni Jen.

"Kuya, ikaw lang daw... uh... dapat... Sorry."

Ngumuso si Jayden at iminuwestra ako sa pinaka malapit na sofa.

"Hintayin mo na lang muna ako dito." Aniya at naglakad na papuntang kitchen ata ng bahay nila.

Umalis si Jen at Jude, umakyat sa taas. Kaya ayun at ako lang ang nandito sa sala nila. Hindi ako mapakaling nakaupo lang. Kaya ang ginawa ko ay nilapitan ang nakahilera nilang mga frame malapit sa mga muwebles.

May nakita ako doong bata pa si Jayden. Kahit noong bata pa siya ay sobrang gwapo niya na. Yung tipong pag naging schoolmates kami ay magiging ultimate crush ko siya. Nakita ko ang picture niya noong High School. Seryoso at makisig na siya noon pa man. Nakita ko rin sina Jude at Jen na close na close sa kanya. Nakita ko ang picture nila buong pamilya. Ang kanyang daddy at mommy. Magkahawig si Jayden at ang daddy niya kaya naman ay hindi ko agad napagtanto na mommy niya iyong kausap ko sa kwarto.

Nang nasa piano na ako ay may nakita ako doong pictures ni Jayden kasama ang mga kaibigan niya. May nakita pa nga akong picture ni Chase Martin doon. At sa huli... napaawang ang bibig ko nang nakita ang isang picture ng mga naka unipormeng pang Le Marcelle (the scarf and all that). Sa tabi niya ay isang naka peace sign na Trisha. Marami sila sa picture na iyon pero silang dalawa ang nasa gitna.

"AYOKO!" Napalingon ako sa banda kung saan pumunta si Jayden.

Hindi ko gaanong marinig kaya lumapit ako ng konti sa isang cabinet ng mga iilang muwebles para marinig ang pinag uusapan nila ng mommy niya.

"I DON'T LIKE THAT GIRL, JAYDEN!" Sigaw ng mommy niya.

"Ma... Calm down-"

"No! Divorce! Separate! O mag pa anull kayo!"

"MA!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Jayden.

Tumindig ang balahibo ko. I know he's angry. Really angry.

"Sa lahat ng dinala mo dito? Si Anna, noon, okay lang siya sakin kahit ang babata niyo pa noon. Si Olivia, okay lang din sakin kasi mabait iyon. At si Trisha, sobrang bait nun! Anong nangyari at ngayon ka lang ata pumalpak sa pag pili ng babae? AT PINAKASALAN MO PA TALAGA!?"

Kinagat ko ang labi ko.Parang pinisil ang puso ko sa narinig. Cha, stay strong. Wa'g kang mag paapekto sa sinabi ng mommy niya.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
43.1M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...
2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.4M 156K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...