Why Do You Hate Me? (To be Pu...

By jonaxx

64.1M 1.3M 339K

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kun... More

Why Do You Hate Me?
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas
Notes

Chapter 35

1M 21.5K 1.3K
By jonaxx

Chapter 35

Ang Mga Ex

Mabagal ang araw tuwing excited ka. Pero dahil mag asawa na kami ni Jayden at masaya ang bawat araw ko ay mas lalo na lang bumilis ang panahon. I don't want to end this little bubble of happiness. Masaya ako dito sa Cebu kasama siya. Kaya lang, kailangan naming i-meet ang parents niya. Syempre, nagpakasal kami ng wala siya kaya't kailangang espesyal na mapuntahan namin sila.

"Hindi ba strict ang parents mo?" Tanong ko nang hinahanap namin ang upuan namin sa eroplano.

Nasa Manila na ang mga pinsan ko. Anila'y kailangan nilang mauna para maghanda ng macho dancers. Really? Nakakatakot naman yan. Pwede siguro akong malasing ng bongga sa bridal shower, pero hindi yung tulad nang nangyari sa Cebu.

"Nope..." Ngumiti si Jayden at pinisil ang kamay ko.

Umupo na kami sa magkatabing upuan na nakatalaga saming dalawa. Siya iyong nasa window side pero gusto ko doon kaya hinayaan niya akong umupo dun.

"Talaga? Uh, naipakilala mo na ba mga ex mo sa kanila?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Hindi ba sila nagalit sa kanila?"

Kumunot ang noo niya, "Ba't naman sila magagalit?" He pinched my nose. "Mababait yun."

Ang alam ko may dalawang kapatid si Jayden. Babae at lalaking nakakabatang kapatid. Ano kaya ang itsura ng mommy niya? How about his dad? Yung lalaking kapatid? Yung babae? Wala akong inisip kundi ang mga kapatid niya sa buong byahe. Siya naman ay abala sa pagsagot sa mga tanong ko.

"I'm getting really really nervous."

He smirked, "Ito ba ang first time mong ipakilala sa family?"

Umiling ako, "Hindi naman."

Ngumuso siya at bahagyang sumimagot. "Who was the first boy who introduced you to their parents?"

Alam na alam ko na kung ano ang punto niya sa usapang ito.

"Ano ka ba? It's all in the past. Yung mga nangyari, di ka pa dumadating nun."

"I know... Gusto ko lang malaman kung sino..."

"Si Jake?" Patanong pa ang pagsagot ko.

"Jake?"

"Jake." Sabi ko.

"Jake lang? Anong apelyido?"

Nanliit ang mga mata ko.

"Anong gagawin mo sa apelyido niya?"

"Wala baka kilala ko?" Nanliit din ang mga mata niya.

"Hindi mo yun kilala. He's from Cebu din. Boyfriend ko siya nung highschool pa ako." Sabi ko.

"Ilan ba ang naging boyfriend mo noong highschool ka?" Mas lalong naningkit ang mga mata niya.

Kung makapagtanong ito parang nag ti-test lang.

"Dalawa?"

"College?" Tanong niya agad.

"Apat?"

"At isa after college? Yung rapist?" Tumaas ang kilay niya.

Ngumuso rin ako sa sagot niya.

"Ilang months ba ang pinaka matagal mong relasyon?" Tanong niya.

"Months talaga? Di pwedeng years?" Tumawa ako.

"So... may tumagal ng taon?" Humilig siya sakin kaya napaatras ako. "Sino?"

"T-Teka? Why are we having this conversation?"

"Because we always talk about my exes, Cha. Hindi natin napag uusapan yung mga boys mo." Seryoso niyang sinabi.

"Boys 'ko'? Ex ko rin sila-"

"So..." Binalewala niya ang sinabi ko.

Mas lalong naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"Sino yung pinakamatagal?" Tanong niya.

"Si Jake?" Patanong ko paring sagot.

"JAKE? What's his family name?"

"Bakit ba?"

"High school boyfriend mo tapos taon ang itinagal ninyo?"

Tumingin ako sa taas habang inaalala ang nakaraan, "Actually six months lang yata kami ni Jake noong highschool. Pero nagkabalikan kami noong college, pitong buwan ang itinagal namin, hindi nag work out."

"Bakit? Anong nangyari? Sino ang may problema? Siya ba? Ayaw niya ba sayo kaya hindi nag work?" Dirediretsong tanong niya.

Nakita kong napalingon pa ang katabi niya saming dalawa. Apparently, his voice was loud enough for everyone to hear. Uminit ang pisngi ko at tinulak siyang bahagya.

"Jayden, tone down your voice."

Para kaming nasa ligawan stage kung makapag usap dito sa loob ng eroplano.

"Hindi. Ako. Syempre. You know I'm not the serious type until I met you." Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"So what's his family name?" Tanong niya ulit.

"Ugh! Jayden!" Napangisi na ako sa kakulitan niya.

"Sobrang dami sigurong gwapo sa San Carlos at bakit iniwan mo si Jake, ano?" Panunuya niya.

"Mejo!" Sinakyan ko naman.

Pero mas lalo siyang sumimangot. Humalikipkip siya at hindi na ulit ako kinausap.

"Ang OA nito! Noon naman yun!" Sabi ko sabay hila sa kamay niya palabas kami ng eroplano.

Nag susungit na naman si Jayden hanggang sa pumara kami ng taxi para makaalis na ng airport.

"Ano? Pupunta na ba tayo sa bahay niyo?" Tanong ko.

Umiling siya at umirap sakin, "Naka book tayo sa Le Marcelle for today. Bukas ng umaga tayo pupunta ng bahay. Sa bahay namin ang breakfast." Aniya.

"O-Okay... Tapos, ano... mamaya nga pala yung bridal shower."

Naku! Patay ako nito! Ngayong nagsusungit siya, talagang hindi ako papayagang umalis ng Le Marcelle. Well, it's not a big deal for me. Syempre, I'll miss the fun. Kaya lang mas fun yata kung si Jayden ang kasama ko.

Matalim siyang tumingin sakin. Napalunok ako at napakamot sa ulo.

"Kung a-ayaw mo, it's okay. I can stay with you all night."

Hindi siya sumagot. Inirapan niya lang ako hanggang nakarating kami ng Le Marcelle. Kilala si Jayden doon, syempre dahil na manage niya na ito.

Sabay kaming humakbang sa Le Marcelle ng magkahawak kamay. May mga tumataas ang kilay na tumitingin sakin. Yung iba ay talagang iniexamin ang soot ko at pati ang pagsasalita ko ay binabantayan.

"Yes, po, Sir Jayden." Sabi ng receptionist pagkatapos ng tanong ni Jayden tungkol sa room namin.

"Let's go." Anyaya niya sakin.

Kahit na masungit siya at mejo galit sakin, kaya niya paring hawakan ang kamay ko ng mahigpit. Wala siyang imik nang nasa elevator kami. Hindi ko na lang siya pinilit hanggang sa nasa room na kaming dalawa.

Malaki at engrande ang room na nakuha niya. Ito yata yung isa sa mga pang VIP. Hindi tulad noong na stayhan kong room dito last time akong pumunta ng Maynila.

Nilapitan ko si Jayden na nag titimpla ng kape sa kitchen pagkatapos naming nilapag ang mga bagahe sa kama.

"Jayden, about later... Pwede namang hindi na ako-"

"No... You go and have fun." Matabang niyang sinabi.

"P-Pero baka ayaw mo. I mean, yes, I wanna have fun pero mas masaya naman kung kasama kita. I'm not really into parties anymore."

Nilapag niya ang iniinom na kape sa mesa at lumapit sakin.

"Maraming gwapo, Cha. But I'll make it damn sure that you're going to only see me."

He cupped my chin. Instinct na ang pumikit ako at agad kong naramdaman ang mapupusok niyang mga halik. Yung tipong nakakapanginig ng tuhod.

I've been kissed so many times but no ones ever kissed me like the way he did. Yung nakakalasing. Nakakawala sa ulirat. Nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin.

"Damn..." Napapikit ako nang hinalikan niya ang leeg ko at unti-unting binababa ang strap ng spagetti top ko.

Hinawakan niya ang hita ko at itinaas ito.

"I don't think I can have my bridal... shower tonight." Paungol kong nasabi.

"You will have it, Cha. At ito na ang huling pagkakataong makakalingon ka sa ibang gwapo. I'll only allow you tonight. You're not going to see anymore boys when you get home later tonight."

I can't believe I have my possessive husband's approval!

"Jayden..." Nanginig ang labi ko nang narinig kong halos mapunit yung top ko sa kakahalik at kaka baba niya nito. Umuungol na ako sa pangalan niya. That easy.

Siya lang ang nagpapatayo sakin. Kasi kung hindi niya hinahawakan ang hita ko, I swear mahihimatay na ako dito at hihiga na lang sa carpet.

"Yes, Cha. I want you saying it loud and clear. Ako lang dapat. Walang iba."

"Th-Then, b-bakit mo ako pinapayagan na magkaron ng bridal shower?"

Okay. 99% ayaw ko ng gawin ang bridal shower. Nasa cloud nine na kasi ako. 1% na gusto kong gawin dahil sa guilt sa mga pinsan ko. Pinaghandaan nila iyon kaya laslas leeg kung di ako makakapunta. Ako pa naman yung center of attention.

"Coz I know you won't cheat." Ngumisi siya.

Naramdaman ko iyon sa bawat halik niya pababa sa dibdib ko.

"I... won't." Sabi ko.

"I won't give you a chance to." Bulong niya sa tainga ko. Dinig na dinig ko ang authority sa boses niya.

Controlling and possessive, I like him that way. Who would have thought? Yung obsession ko sa freedom ay nawala ng parang bula. I want to be locked, caged, and loved by Jayden Corpuz.

Continue Reading

You'll Also Like

905K 33.7K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
595K 28.4K 5
"From Afar" is a story written by Jonaxx brought to you by Republika ng TM.
62.7M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
2.7M 74.9K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...