Why Do You Hate Me? (To be Pu...

By jonaxx

64.1M 1.3M 339K

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kun... More

Why Do You Hate Me?
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas
Notes

Chapter 28

1.1M 26.1K 9.3K
By jonaxx

Chapter 28

Ang Bulaklak

Mariin akong pumikit nang naramdaman kong lumubog ang kama, hudyat na humihiga na siya sa tabi ko.

Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa gilid ko kaya imbes na maestatwa ako sa kinahihigaan ko ay tinalikuran ko siya.

"You belong here beside me, Cha." Marahan niyang utas.

Nagtindigan ang balahibo ko lalo na nang naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko.

"Jayden! What are you doing?"

Nanigas na ako habang hinihigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin galing sa likuran.

"Making you feel that I own you." Bulong niya sa tainga ko.

DAMN IT!

"You don't." Sabay kabig ko sa kanyang braso pero nanigas ito doon at mas lalo pang humigpit.

"Really? Kung ganun bakit ang bilis ng pintig ng puso mo ngayon? Bakit ka pinagpapawisan?" Aniya.

Napalunok ako at mas lalo na lang naestatwa sa ginagawa at sinabi niya.

"It's just... so hot." Marahan kong sinabi.

Kinagat ko na lang ang labi ko pagkatapos ko iyong sabihin. Mukha atang mali pa iyong naging linya ko. Naramdaman ko ang mabilis na paghinga ni Jayden sa likuran ko. Tahimik lang siya at mukhang mas nagiging tensyonado kami.

"S-So..." Nautal na ako sa kaba. "Uhm... Lumayo ka naman sakin. The bed is big. Hindi naman tayo mahuhulog kung me-mejo lumayo ka ng konti."

"I don't want you cold, Cha. I want you hot."

Para akong nabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ko iyon sa kanya. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa batok ko.

"Don't worry." His voice was husky. "Liligawan kita. All out, Charity. Kaya walang pwedeng mangyari satin dito, unless you kiss me. Remember that."

OH MY GOSH! Ang hirap! Weh? Hindi ko naman siya hahalikan kaya wala talagang mangyayari. Nahirapan ako sa pagtulog sa gabing iyon. Kahit sabihin pa nating nakainom ako at inaantok na ako dahil sa alak, ayaw mag shut down ng brain cells ko dahil sa mga sinabi at pinaramdam ni Jayden.

Walang nangyari samin... Hay. O bakit tunog disappointed ako? Darn it! Nagising ako sa sumunod na araw dahil sa bango ng niluluto ni Jayden.

Pinilig ko ang ulo ko saka tumayo. Mejo masakit ito, may slight hang over yata ako kahit hindi naman talaga ako lasing.

"Good morning!" Bati niya habang nilalapag ang mga ulam namin.

Bacon at sunny side up eggs. Nakatalikod siya sa akin dahil inaayos niya pa ang nalalabing bacon na hindi pa naluluto.

Parang mag asawa lang. Napangiti ako at pinagmasdan ko siyang mabuti sa ginagawa niya. Ang gwapo talaga ng Jayden ko. Ang sabi niya pa kagabi liligawan niya na ako? Nag ilusyon lang ba ako kagabi? Baka naman masyado lang akong lasing kaya iyon ang nasa utak ko.

"Kain na tayo!" Yaya niya nang natapos ang huling mga bacon.

Umupo siya sa tapat ko. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko tsaka nilagyan niya ng maraming ulam. Nalaglag ang panga ko sa mga pagkaing nasa pinggan ko.

"Jayden, tataba naman ako niyan." Sabi ko.

"That's why I'm doing this, Cha. I don't want you hot." Aniya.

Kumunot ang noo ko, "Ang sabi mo sakin kagabi, you want me hot? Bakit ngayon ayaw mo? Tsaka anong kinalaman ng pagkain sa pagiging hot ko?"

Matama niya akong tinignan, "I want to make you hot. But I don't want you to look hot."

WHAT? Nag iwas ako ng tingin pero mukha atang balak niyang itanim ko iyon sa kokote ko dahil titig na titig siya sakin.

"Ang daming nagnanasa sayo. Kagabi sa bar, habang pinagmamasdan kitang napapaliyad at nag ga-grind sa gitna, maraming nabaling leeg sa kakalingon sayo." Nag iwas siya ng tingin. "That's the reason why I hate seeing you putting on those damn clothes." Sabay turo niya sa damit ko.

Napaawang ang bibig ko.

"Kaya ba binili mo ako nung mga damit na tulad kay Trisha? The sneakers, the pants, the t-shirts and all?" Matabang kong tanong.

"Binili kita non kasi hindi iyon nagpapakita ng sexiness. I want my girl to be hot in front of me... not in front of other guys." Aniya.

Tinignan ko siya ng mabuti.

"Because you don't want me to cheat. Right, Jayden?"

Dumilim ang titig niya sakin.

"Or m-maybe, binilhan mo ako ng mga damit na iyon para maalala si Trisha."

Darag kong nabitiwan ang mga kubyertos habang hinahabol ang sariling hininga. It's early in the morning, Charity! Why are you so emotional? Naramdaman ko na lang ang nagbabara kong lalamunan.

"We're not having this conversation, again, Cha." Aniya.

"Why? Bakit ayaw mong balikan? I want to know, Jayden!"

It's just not that simple to trust him. Kung pagkakatiwalaan ko man siya, gusto kong may sapat akong ebidensya na ako iyong mahal niya, at hindi si Trisha... Gusto kong may matibay na ebidensya. Ayaw ko ng mabuhay sa pag asa. Gusto ko ng kasiguraduhan. This is pathetic, but I don't want to be the loser in the end. Naging loser na ako nang binisita ko sila sa Manila at nalaman ang buong katotohanan. Ayoko ng bumalik pa sa pagiging loser ko.

"Because this isn't about me and her, Cha. It's about us!" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Iyong picture sa cellphone mo ng babaeng nakatalikod, siya ba iyon? Sa Le Marcelle ba iyon?"

Tumikhim siya at pinagmasdan akong mabuti, "Where is this conversation going?" Bulong niya sa sarili niya.

"What's with the sneakers? Bakit hindi mo siya pinigilan nang sinampal niya ako? Bakit-Bakit nagseselos si Troy sa inyo? May dapat ba siyang pagselosan?"

"WHAT THE FVCK, CHARITY?" Sigaw niya.

Tumayo agad ako. Ginalit ko siya. Oo. Mas mabuti na rin siguro itong nasasabi ko ang nararamdaman ko. Napasan ko na ang mga pagsusungit niya sakin ngayon, now it's his turn. At sa klase niya, alam kong hindi niya ito makakaya. Hindi niya makakayang pasanin ang insecurities ko saming dalawa. He's too controlling. Paano niya ide-deal ang isang babaeng hindi ma control ang feelings niya?

Ngunit, ang tangi ko na lang naisip ay eto: Kung hindi niya ako kaya ngayon, wa'g na lang siyang tumuloy sa panliligaw. I'll show him the shits I have, let's see if he can handle it.

"Kahit kailan, hindi ko naramdamang insecure ako kahit kanino. KAHIT KAILAN! Ngayon lang talaga! God, Jayden, you made me so insecure with her! Kasi alam ko simula palang mali na tayo. Mali na ako para sayo. So don't just barge in to my heart again and say na liligawan mo ako..."

Padabog akong nagmartsa palabas ng suite niya. DARN IT! Alam mo yung ganun? Pabigla-bigla na lang iyong nangyayari? Kinagat ko ang labi ko. Ang dami kong sinabi. Pero mabuti na rin iyon, kailangan kong ibuhos iyon lahat. It's up to him now. Ayaw kong mag ipon ng mga sakit ng loob. Kung anong nasa puso ko, iyon ang lalabas sa bibig ko.

Hindi na pwedeng tulad noon ay si-settle na lang ako sa mga sinasabi niya. Natatakot na akong masaktan ulit.

"Nagpatawag ng meeting si Sir Jayden." Sabi nung isang clerk.

"Talaga? Hindi ko alam iyon."

Paano ba naman kasi, masyado kong ginawang busy ang sarili ko sa pag chi-check ng mga empleyado. Hindi naman ako magtatanggal pero ayaw ko lang manatili sa office kung saan naroon si Jayden. Ayaw ko muna siyang makasama. Alam kong pasan niya rin ngayon lahat ng mga sinabi ko.

"Oo. Para iyon sa binabalak nila ni Ma'am Tina na party para sa mga empleyado, bukas." Aniya.

"Talaga? Mag papaparty siya?"

"Oo! Ang bait ni Sir Jayden, ano?" Aniya.

Kaya ilang sandali ang nakalipas ay pinatawag na lahat ng empleyado. Huli na akong pumasok. Buong akala ko ay nagstart na iyong meeting pero saka lang tumayo si Jayden nang nakita akong pumasok.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Pero siya naman hindi matanggal ang titig sakin.

"Ayan na, start na." Sabi nung isa.

Hindi parin ako tumitingin kay Jayden kahit na kapansin-pansin na ang pagtitig sakin at pagtayo niya sa harap.

"Bago ang lahat..." Aniya.

Tinignan ko ang kuko ko. I need manicure.

"Charity, kumain ka na ba?"

Napalingon lahat ng empleyado sakin. Halos malaglag ako sa upuan nang tignan siya ng matalim na tingin. WHAT? Napalingon-lingon na lang ako sa mga nakatitig na mukha sakin.

"Kasi kung hindi pa, ipaghahanda na muna kita at imo-move ko na lang ang meeting mamaya."

Naligo ako ng mura ko sa sarili at unti-unting nilubog ang sarili sa upuan ko. Unti-unti akong tumango saka ngumisi ng plastik sa iba.

"Tapos na."

"Good, then we'll start..."

Pabalik-balik ang tingin niya sakin. Napatingin tuloy ako sa kabilang gilid kung nasaan si Christian. Umiiling siya sakin tsaka nginuso si Jayden. Tumikhim ako at tinitigan na lang ulit ang kuko ko.

"Is the plan okay with you, Charity?" Paimportanteng tanong ni Jayden sakin pagkatapos niyang inilahad ang plano niya bukas ng gabi.

"Of course!" Hilaw na ngiti na naman ang naisalubong ko sa kanya.

Narinig ko na ang mga bulung-bulungan tungkol sakin. Mas lalo ko na lang inilubog ang sarili ko sa upuan.

Damn it, Jayden! Why are you doing this?

"Good, then let's call this a day." Aniya tsaka umupo sa kanyang swivel chair.

Isa-isang nagsilabasan ang mga excited na employees. Bukas ng gabi ang mga admin, kasama ako, ang mga lower employees ay sa susunod na gabi naman.

Nagpatianod na rin ako sa mga lumalabas kaya lang...

"Charity, you stay." Aniya.

Nakita kong umirap si Tina at umalis na para hayaan kaming dalawa ni Jayden sa opisina niya. Nakatayo ako ngayon sa harap niya at tinititigan niya lang ako hanggang sa humupa na ang mga empleyado.

Ang pinaka huling umalis ang nagsarado ng pintuan.

"Where have you been?" Tanong niya.

"Ginagawa ang trabaho ko." Sagot ko naman.

Nanliit ang mga mata niya at tumayo siya para lapitan ako.

Bumuntong-hininga ako at tamad na tumayo doon sa harap niya.

"Ano na naman-" Tanong kong di na natapos nang nakita kong may isang bouquet siya ng bulaklak.

"For you." Aniya sabay ngiti.

"For what? Kasi nanliligaw ka?"

Nasa mukha ko na iyong bulaklak pero hindi ko parin iyon tinatanggap.

"Hold it." Utos niya.

Dinampot ko iyon at umirap na.

"No." Aniya.

"Then? Para saan? Hindi naman ako patay." Malamig kong sinabi.

Nalaglag na lang ang panga ko nang nakita siyang nakaluhod bigla sa harap ko.

"I'm marrying you, Cha."

Tumingala siya sakin at inilahad ang isang engagement ring.

Continue Reading

You'll Also Like

595K 28.4K 5
"From Afar" is a story written by Jonaxx brought to you by Republika ng TM.
29.7M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
870K 32.8K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...