Why Do You Hate Me? (To be Pu...

By jonaxx

64.1M 1.3M 339K

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kun... More

Why Do You Hate Me?
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas
Notes

Chapter 26

1.1M 27.4K 5.8K
By jonaxx

Chapter 26

Ang Sagot Sa Mga Tanong Ninyo

Napangisi ako habang nag aayos ng buhok sa CR.

Push all the buttons, Charity? Yes, Jayden, hindi mo na ako kailangang pagsabihan ng ganun. Kung iyon ang dapat kong gawin para magalit ka at ma frustrate ka tulad ng pagkafrustrate ko sayo noon, gagawin ko talaga.

Umalis ako doon at agad kong nakita si Christian. Mukha atang may pupuntahan. Pero nang nakita niya ako ay tumigil siya at nginitian ako.

"Ano? Friday ngayon at packed na naman ang hotels. Mamaya?" Anyaya niya.

"Hmmm. Sige ba!"

Sa bagay, gaya ng sabi ko, ayaw kong makasalamuha si Jayden doon sa kwarto. Hindi ko kaya. Lalo na pag gising pa siya at masungit ang aura niya. Gusto kong bumalik ako doon ng tulog na siya para peaceful ang life ko.

"Don't worry, isasama ko si Nicole." Aniya. "Tsaka yung head ng security, si Wesley."

Tumaas ang kilay ko, "Si Nicole?"

Yung isang supervisor na kabarkada ni Tina na fanatic kay Jayden.

"Oo. Don't worry, hindi kasama si Shiela at Tina. Nababanas ako sa kanila, eh. Masyadong maarte."

Tumango ako at ngumisi.

Then, we're settled. Sa bagay, mas maganda nga naman kung marami kami. Sa Cebu kasi lagi kaming marami kung pupunta ng bar. Para bang kami yung may ari doon kaya wala akong pakealam kung malasing man ako ng todo doon. Hindi naman ako hinahayaan ng mga kaibigan kong mawala sa paningin nila.

"Okay, deal. Anong oras tayong magkikita? Saan?" Tanong ko habang naglalakad na kami sa corridors ng hotel.

"Sa tapat na lang ng hotel." Malagkit na ngumisi si Christian.

Tumango ako at nag iwas ng tingin.

Minsan kasi, yung mga malalagkit na ngisi at tingin ay na eencourage ng pag titig.

"Sige, kita na lang tayo mamaya."

Kailangan ko nga palang pumunta muna sa suite namin ni Jayden para makaligo at makapagready. Sana ay wala pa siya doon.

Pero nang tinulak ko na yung pintuan ay agad ko siyang naaninaw sa table. May pagkain siyang inihanda doon at may dalawang pinggan sa table. Humalukipkip siya at mas lalong sumimangot nang nakita akong pumasok.

"Are you expecting someone?" Sabay halungkat ko sa gamit ko.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"Don't worry, kung may bisita ka, ayos kasi may lakad ako tonight. You can have the whole room." Sabi ko.

Mabibigat talaga ang buntong-hininga niya kaya hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.

"Anong problema-"

"Hinihintay kita para makapagdinner na ako, Charity!" Simple niyang sinabi.

Nalaglag ang panga ko at agad dumapo ang paningin ko sa mga inihanda niya. Roasted chicken. Darn! Pinaghanda niya ako?

"What's the occassion? Oh my! Don't tell me happy birthday, Jayden!" Sigaw ko sabay hakbang papunta sa kanya.

Mas lalo ko yata siyang nagalit.

"It's not my birthday, Charity. Mag di-dinner tayong dalawa. Now..." Tumayo siya at hinila ang upuan. "If you don't mind..."

Naglahad siya ng kamay sa upuan. Agad kumalabog ang puso ko. Darn, traydor na puso! Pwede bah? This isn't his first sweet moment with me, wa'g kang umarte diyan na as if ito yung una.

Nagkibit balikat ako at matamang tinignan siya.

"Well..." Humakbang ako palapit sa kanya tsaka umupo.

Umikot siya para umupo doon sa harap ko.

"Let's just eat and get this over with." Sabay tusok ko sa kawawang manok.

Nilantakan ko agad iyon. Gutom naman pala ako. Sige, buti makalibre ako ng pagkain. Tsaka... pagkataos nito, maliligo na ako, magbibihis at aalis.

Nakatitig lang siya sakin gamit parin ang nakabusangot na mukha.

"What?" Kinakagat ko na yung legs ng chicken.

"Don't you have a romantic bone in your body?"

"HUH? Anong romantic?"

"I wanna date you, Charity. Kaya kita pinaghanda nito. Don't act as if inimbitahan lang kita sa pyesta at walang meaning ang lahat."

"Anong gusto mong gawin ko? Makipagtitigan sayo?" Inirapan ko siya.

"Damn this girl." Sabi niya sa sarili niya.

Ang buong akala ko ay makikipagtalo pa siya sakin, pero nagkamali ako. Hinayaan niya akong kumain ng tahimik. Nilagyan niya rin ng wine ang wineglass ko. Hindi ko na siya tinignan.

"Thanks." Sabay lagok agad sa isang shot ng wine.

Nakaupo ako doon hanggang sa unti-unti kong pinagmamasdan ang paglalaro niya sa bunganga ng wineglass. Nang naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya ay saka naman siya tumitig din. Nag iwas agad ako ng tingin.

"Do you have some questions in your mind, Cha?" Malamig niyang tanong.

Sinasabi ko na nga ba. I knew it. Ito ang gusto niyang mangyari ngayong gabi. Marami. Marami akong tanong na gusto kong sagutin niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko bang marinig lahat ng mga sagot niya.

Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

"Do you still love her, Jayden?"

Umiling siya. Tinitigan ko siyang mabuti. Tumitig din siya sakin. Kaya lang, agad akong bumitiw. It was dangerous. He is dangerous. Konting titig niya lang sakin, nalusaw agad ang dinidiligan kong galit sa puso ko. Nalulusaw ang mga pader na ginawa ko panlaban sa kanya. I don't even know if he loves me, pero nalulusaw na agad. This is all just ego trip. Gusto niya lang akong makuha ulit to prove that he's really good.

"What happened between you and her?" Matabang kong tanong.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita. Pero nang nagsalita siya ay may dala namang buntong-hininga.

"She cheated on me..."

Tumango ako. That's why... Kaya naman pala lagi niyang ipinapaalala sakin na hindi dapat ako nag chi-cheat. Dapat siya lang. Is this his ego trip all along? Kasi kung nag cheat si Trisha sa kanya, ibig sabihin masyadong naapakan ang pagkalalaki niya. Ibig sabihin, he lost his self-esteem. At nang natagpuan niya ako, unti-unti ko itong na ayos. Syempre, kasi hinabol ko siya.

Napalunok ako. Hindi ko kaya iyong naramdaman kong nagbabara sa lalamunan ko. Damn these insecurties. I'm not usually like this.

Simula pa noong highschool pa ako, hindi ko kailanman naranasan na may mas magaling, mas maganda, mas higit pa sakin. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko iyon. And I don't like it. I just didn't like this feeling.

"Si Troy ba iyong ipinalit niya?"

"Yup." Simple niyang sagot.

Pinahupa ko muna ang pakiramdam ko bago ako nagtanong ulit.

"Sa tingin mo, bakit siya nag cheat sayo?"

Naramdaman ko ang mariing titig niya sakin.

"Because she loves him, Cha."

Kumunot ang noo ko.

"Nang sinagot ka ba niya hindi ka niya mahal?"

"Minahal niya ako, pero hanggang doon na lang iyon. Troy was her extreme love. Yung tipong hindi niya mabitiwan. Yung binabalik-balikan."

Kinagat ko ang labi ko. I can't believe na siya mismo ang nagsabi sakin nito. Ibig sabihin, nag usap na sila ni Trisha tungkol sa nararamdaman nila?

"And she's your extreme love?" Tanong kong bitter.

"Nabitiwan ko na siya at hindi ko na siya babalikan. That's not extreme, Cha."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. I want to be his extreme love. Yung tipong hindi mabitiwan. Yung binabalik-balikan. Darn!

Tumango ako ng marahan. I guess that's enough for now. Baka mamaya pag ipagpatuloy ko maging nagger lang ako dito at magmumukha ulit akong tanga.

Tumayo na lang ako. Sinundan niya ako ng tingin.

"Okay... I guess that's all." Pumihit ako at tinalikuran siya.

Hinayaan niya akong pumasok sa bathroom. Naligo ako at natagalan sa loob. Paano ba naman kasi, biglaan kaming nag heart to heart talk ni Jayden. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Naiinis ako dahil sa pag uusap namin, hindi niya sinabi saking in love siya sakin, hindi niya sinabing extreme love niya ako... walang pampalubag loob. Hindi naman sa kailangan ko ng ganun ngayon...

Nagblowdry ako ng buhok at nakita kong nakaupo parin siya doon at umiinom ng wine.

"Where are you going?" Tanong niyang halos hindi ko marinig sa ingay ng blower.

"Night out." Sagot ko.

"Night out?" Tumaas ang tono ng boses niya.

Binaba ko ang blower. Tumataas na rin yata ang BP ko dahil sa tono niya.

"Yes." Sagot ko at binalewala ang kislap ng galit sakin.

Hinalughog ko ulit iyong cabinet na pinaglagyan ko ng iilang gamit ko para hanapin iyong pills. Nagulat naman ako nang hindi ko mahanap ang mga iyon. Marami akong dala para hindi ako maubusan at hindi ko makaligtaan. Sigurado akong dala ko iyon pero wala iyon dito.

"Darn! Where's it..." Bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko ang padabog na paglapag ni Jayden ng wine.

"Why can't I make you stay?" Tanong niya.

Nilingon ko siya.

"The dinner doesn't make it all okay, Jayden. I told you... I think we really are done."

You are just here to power trip, ego trip, that I'm all yours kahit hindi naging sa iyo si Trisha. I know I'm over reacting, pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon. It's probably because alam ko sa sarili ko na kahit anong deny ko sa kanya, siya parin iyong gusto ko.

Imbes na aminin ko iyon, I won't give him the satisfaction of it, idedeny ko na lang. Coz sometimes, some things are just not enough to take the whole thing back.

"Anong karapatan mo para magdesisyon niyan? This is OUR relationship, Charity. Tayong dalawa. Saan pumwesto yung desisyon ko satin?" Tumayo siya at lumapit sakin.

Halos ginulo ko na ang buong cabinet sa pagmamadali at paghahanap ng pills. FVCK! Where is it?

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Nilingon ko siya at ipinakita niya ang isang lalagyan ko ng pills.

"Give me that, Jayden!" Sinubukan kong kunin iyon sa kamay niya pero inilayo niya agad sakin.

Pakiramdam ko pusa akong pinagkakaitan nung yarn sa ginagawa niya. Matangkad ako, pero mas matangkad siya. Syempre, mas malakas din kaya kahit anong abot at pilit ko, hindi ko makuha iyon.

"Give it back to me, Jayden."

"Bakit mo ba ito iniinom?" Seryosong tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Why do you care!?"

"Para safe? Tuwing may party, hindi ka na mag aabala?"

Mas lalong sumiklab ang galit ko.

"JUST GIVE IT BACK!" Nilahad ko ang kamay ko.

"No. Way." Aniya.

Tumindig ang balahibo ko. Tinulak ko siya pero hindi siya natinag.

"ALRIGHT! Baka gusto mo yang inumin kaya hindi ko babawiin. It's all yours, then! I don't need that!" Umirap ako. "Akala mo?"

Nanliit ang mga mata niya, "Para saan ba ito?" Tanong niya.

"Mind your own biz!"

Yes, para iyan sa regular menstruation, at para na rin safe ako.

Sinubukan ko ulit abutin pero hindi ko nagawa.

"YOU!" Itinuro ko siya. "You aren't my damn first and you won't be my last, Jayden! Akala mo, ha? Ego tripping mo lang ito! Iniisip mong sayo ako ng buong-buo? Well, nagkakamali ka... By now, alam kong alam mo na kung anong klase akong babae. I've dated many guys... been with so many guys kaya wa'g kang mag ego trip sakin kasi ako yung babaeng hindi lang sayo-"

Seryoso siyang humakbang palapit sakin. Napaatras ako at nanghina.

"Really, Charity? Really?" Malamig niyang tanong. "Akala mo ba hindi ko alam kung anong nawala sayo nung first night natin?"

Napalunok ako. DAMN!?

"Alam ko. I felt it. Hindi iyon naging importante sakin dahil alam kong gabi-gabi ka sa bar, Cha. Pero naramdaman ko kung anong nawala sayo sa gabing iyon, so don't act as if I'm not the only one, because I know I am, Cha! I am the only one! At balak kong selyuhan iyon. Hanggang sakin ka na lang."

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 74.9K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
897K 33.5K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
2.9K 113 25
A COMPILATION OF POEMS All Right Reserved 2022 ©_sadistrin
3.4M 94.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...