Why Do You Hate Me? (To be Pu...

By jonaxx

64.1M 1.3M 339K

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kun... More

Why Do You Hate Me?
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas
Notes

Chapter 20

1.1M 22.5K 5.2K
By jonaxx

Chapter 20

Ang Art of Seduction

Nakahiga ako sa kama ko habang panay ang sermon sakin ng pinsan ko.

"Cha, this isn't good." Umiiling siya.

Kanina pa siya iling nang iling sakin.

"You're too obsessed with that guy! I mean, look at you! Bigla kang napunta dito just to check on his past! My God!" Umirap siya.

"Hindi ko talaga siya matanong ng diretso, A. Anong itatanong ko? Sigurado ako sa sagot niya... That I'm being too childish... always dwelling on the past."

"So? Ano naman ngayon?"

Hindi ako sumagot. Bumangot na lang ako at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin sa tabi ng kama ko.

"What happened to the Charity I know? Sabi ni CJ nung mga araw na nandun ka pa sa Cebu bago ka umalis ng Bantayan, hindi ka na daw masyadong nagpapakita. Hindi ka masyadong lumalabas. I thought you were always drunk-"

"Hey? Is it that bad? Yung changes ko? Mabuti ba yung pagiging lasing ko gabi-gabi at pagbabar ko gabi-gabi? At parang imbes na manalo kayo sa lotto dahil sa pagbabago ko ay daig niyo pa ang nasunugan?"

Hindi siya nakasagot.

"Ito yung dapat ginawa ko noon pa, diba? All the changes... Lahat ng ito, para din naman ito sa kapanan ko."

Napaawang ang bibig ng pinsan ko.

"Can't believe you said that."

Hindi ko mapagtanto kung bakit imbes na sumaya siya sa mga pagbabago ko ay mukha pa siyang na ooffend. I just don't get it.

Napangiwi ako habang sinusuklay ang buhok ko.

"Some love are just not good for us, Cha. They make us feel we're whole, when in fact were losing every bit of us in the process. It's dangerous. And this is one of those kind of love."

Nilingon ko siya.

"What do you mean, A?"

"Yes, Jayden's your first true love... I can see that... But this isn't healthy, Cha. You're not you anymore. You've lost yourself... because you found him."

Kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Naiinis ako dahil nanghihimasok siya sa mga desisyon. Siguro iyon ang dahilan ng paninikip ng dibdib ko. Pero kalaunan, narealize kong hindi... hindi iyon ang dahilan... Ako... dahil alam ko sa sarili ko, na tama siya.

"Come on, let's go out. Maybe you'll forget him-"

"A, Jayden will call to check on me-"

"Oh! Forget about him! Can't you see? He's still not over his ex. You're a rebound, Cha. I'm sorry, but you really are..."

"No. Wa'g kang bitter." Maangas ko iyong sinabi kahit na namumuo yung luha ko. "Bitter ka lang."

"I'd rather be bitter than be hurt..." Hinila niya ang kamay ko.

Tuluyan na akong nanghina sa pagkakahila niya. Nagpatianod ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami patungo.

Siya yung nag drive, wala akong ginawa kundi tumunganga at minimemorize ang mga plate number ng ibang sasakyan sa labas. Hindi rin umiimik si A. Ang alam ko lang, panay ang tawag niya sa mga kaibigan niya. Mukhang makikipagkita siya sa kanila doon sa isang sikat na bar.

"Tribe Lounge, yes, yung pinsan ko- si Charity- Charity Rama- Oo- Yung anak ng mayor-"

Ilang beses niya itong inulit. Wala akong pakealam kahit na anong sabihin niya sa mga kausap niya. Gusto ko lang magmuni-muni.

"Get out, Cha..." Utos ni A pagkatapos niyang mag park sa tapat ng isang lugar na puno ng napakaraming bar.

Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay. Bumuntong-hininga ako at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan.

"Oh! God! Please, Charity! Find your lost self!" Hinila niya ako papasok sa isang bar na may malaking Tribe Lounge na nakalagay sa taas.

Yes, maybe I need some booze. But, darn, Jayden will freak out... Naalala ko yung huli kong pagbabar sa Bantayan, galit na galit siya. But... will he really freak out? Nag freak out ba siya dahil nagseselos siya? Dahil mahal niya ako? O dahil lang naapakan ang ego niya? Dahil lang ayaw niyang makita akong nagkakagusto ng iba? Dahil nakakalift ng ego niya yung pagkakahumaling ko sa kanya?

Inilagok ko ang pangatlong Absolut.

Nakatitig lang si A sakin kahit kanina pa may nangungulit sa kanyang magsayaw.

"A, you're going to be an old maid. Parati kang masungit, aayaw ang mga lalaki sayo. You should be a little flirty." Ngumisi ako.

Wala na yata ako sa sarili ko. Pinaglalaruan ko na lang ang bunganga ng shot glass bago ito inilagok ulit.

"Why? You don't seem flirty yourself. Kung noon, flirty ka to the highest possible level, ngayon naman morbid. Ikaw siguro ang magiging old maid satin."

"Oh come on, I'm still young."

"I'm young, too."

Napatingin ako sa kanya, "Pero maldita ka. Aayaw ang lalaki sayo. Try Art of Seduction."

"I'm not desperate, Cha. At least... Walang mawawala sakin kung umayaw sila. Coz I don't like them. Eh, ikaw? Panay ang ingat mo sa kanya, pero..."

Lumagok ako ng mabilisan, tatlong shots. Nalaglag ang panga ni A nang nakita iyon.

Bimuga ako ng hininga dahil sa anghang na naramdaman sa lalamunan ko.

"pero... he's drifting away." Dagdag ko.

Napatingin ako sa dancefloor. Habang tinitignan ko ang mga taong nagsasayaw, may nakita akong isa na nakatitig sakin. Isang lalaking nagsasayaw doon pero sakin nakabaling ang buong atensyon.

Bahagyang tinulak ni A ang balikat ko bilang panunuya.

"Go, Cha. Make him feel like he's not the only one. That's your art of seduction, right?"

Mas lalong lumagkit ang titig ng lalaki. Uminom pa ako ng tatlong beses bago bumaling ulit kay A.

"Yes, you're right... I'll make him FEEL like he's not the only one. Pero hindi ko yun tunay na gagawin. I will make him my only one, kahit na ipaparamdam ko sa kanyang hindi."

Habang sinasabi ko iyon sa kanya, may naaninaw ako sa bar table. Nakaupo siyang mag isa at tinititigan iyong shot niya. Magulo ang kanyang buhok at mejo mukhang badtrip. Tinititigan niya ang shot glass na parang may lalabas na fairy doon. Masyado siyang nahuhumaling dito at hindi niya namamalayan ang mga babaeng pa-cute nang pa-cute sa kanyang harapan.

"A, stay here." Bigla akong nabunutan ng tinik.

"Huh?"

Tumingala si A at sinundan ako ng tingin. Lumalapit na kasi ako sa lalaking iyon. I'm right! Habang papalapit ako sa kanya, mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha. It was Troy... The Troy of Trisha. Ito yung karibal ni Jayden, if I'm not mistaken.

Hinila ko pataas ang dress kong sinoot bago tumabi sa kanya. Kahit na matangkad ako, masyadong matangkad itong upong inuupuan niya kaya't nahirapan ako sa pag upo. Namalayan niya naman ang pag upo ko sa tabi niya. Agad kong narinig ang mabigat niyang buntong-hininga bago ininom yung shot.

"Isa pa..." Aniya sa bar tender.

"Oh! You look broken hearted." Bumungisngis ako.

Narealize kong plastik ang pagbungisngis ko. Sana hindi niya iyon namalayan.

"None of your biz, miss." Masungit niyang sinabi.

"I'm broken hearted, too." Sabi ko.

"Heard that a lot of times. I'm not interested." Masungit parin ang tono niya.

Hindi niya man lang ako nililingon. Panay lang ang lagok niya sa iniinom niyang Daniels.

"Minsan... pag nag cheat na yung tao, hirap talagang mag trust ulit. Pakiramdam mo, anytime kaya kang ipagpalit ulit. Kaya niyang ulitin. Yung tipong you've done it before, you may do it again..."

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko bakit ito yung naging linya ko. Siguro ay dahil kahit wala parin naman talaga akong nalalaman tungkol sa nangyari sa kanila noon, ay may hinala na ako. May hinala akong pinagpalit ni Trisha si Jayden para kay Troy. At kung ano mang bumabagabag sa kanya ngayon, it's either he's falling out of love or she's doing it again.

In this case, it would be the latter. Kasi naman, titig na titig siya sakin pagkatapos ko yung sabihin.

"What? You've done some research? Sabagay, hindi mahirap ungkatin. The whole world knows it... Hah!"

Pakiramdam ko nakatapak ako ng treasure box. TAMA YUNG HINALA KO.

"I bet not." Tumawa ako. Pa effect at the same time natatawa ako sa pagiging tama ko. "I'm from Cebu, kaya hindi pa buong mundo yung nakakaalam sa story mo. Hindi ko narinig sa Cebu, eh."

Umiling siya at hindi na sumagot.

He's really killing the conversation. Para bang annoyed siya sakin kahit na interesante naman yung pinag uusapan namin.

"Your hair is kinda messy. Pa hair cut ka kaya?" Give him weird remarks - Art of Seduction rule.

"Not here to please anybody. If it's ugly, so be it."

"I'm not saying it's ugly, you know. I'm just saying it needs trimming. Para mas lalo kang hot."

Hindi ulit siya umimik. Umorder na lang siya ng isang beer. He's really killing my clauses. I hate it. Pakiramdam ko hindi gumagana yung Art of Seduction ko sa kanya.

"Pareho kayo ng ginagamit na perfume ng lolo ko." Sabi ko.

More weird remarks, Cha. Lalo na ngayong beer na ang iniinom niya. Ibig sabihin, malapit na siyang umuwi. Papatapos na yung pag inom niya.

"Your lolo has the same taste with my wife, then." Sa wakas at may sinabi siya.

Pero kung totoong nagpapapansin ako sa kanya, sumuko na ako. Kasi may wife, eh. Pero dahil hindi ako nagpapapansin at kailangan ko ng impormasyon, I will persevere.

"Your wife... Is she the reason bakit badtrip ka?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Annoying guy! Ayaw niya talagang patulan, ah? He really loves him that much!

"Kung totoong mahal ka niya, dapat hindi ka niya pinaparamdam ng ganito. Dapat secured ka. Dapat hindi yung iniisip mo pa kung maaagaw ba ulit siya o hindi..." Nagsalita naman ako kahit na hindi ko iyon ma apply sa sarili ko. "Kung pinaparamdam niya ito sayo, then that means she doesn't love you."

Umiling siya at padabog na nilapag ang beer. "Stop it. You don't know a thing so shut it." Tumayo siya at humakbang ng isang beses.

Pero mukha yatang masyado na siyang maraming nainom, napasandal siya sa isang upuan dahil nasamid siya. Tumayo agad ako para tulungan siya pero tinulak niya ako.

"I'm just trying to help you..." Sigaw ko.

"I don't need the help." Masungit niyang utas.

Hinawakan ko ang braso niya pero pumiglas siya. Inangat niya ang mukha niya. Pinagmasdan kong mabuti kung paano nagbago ang reaksyon niya. Unti-unting lumiwanag ang mukha niya. Nakita ko ring kumuyom ang panga niya sa nakita niya sa unahan namin.

"What?" Tanong ko at nilingon ko kung sino ang nakita niya't para siyang nakakakita ng multo.

Inalalayan ko siya, hindi na siya nakaangal sa sobrang pagkabigla niya.

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
5.9K 92 11
The bitter-sweet lovestory of Jeviva Alcantara. "Hindi lahat ng iniwan mo, pwede mo pang balikan. Kahit ano pang rason, iniwan mo pa rin siya kaya wa...
624K 22.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.