Game 28 - Polar Opposites
Pagkarating ko sa hospital ay agad akong nagpunta sa office ko para makapagpalit ako ng damit na suot suot ko sa scrubs at pinatong yung white coat ko.
Pumasok sa loob si Irma na hawak hawak yung tablet niya. "Doctor, mayroon po kayong consult bukas ng 9 am." she announced.
Tinignan ko siya bago ako umupo, sinuot ko yung reading glass ko at kinuha yung tablet sa desk ko. "Hindi ba pwede na kay Doctor Reyes nalang yan? 7 am ang uwi ko bukas." sabi ko habang binabasa yung charts ng pasyente ko.
"May seminar po si Doctor Reyes bukas. At pagtapos po ng consultation niyo bukas ay mayroon daw pong board meeting."
I sighed. Mukhang hindi pa ako makakauwi ng maga bukas. Because Ibarra Memorial is owned by my family and lolo has given me the seat in one of the directors of the hospital. Madaming may ayaw ng appointment ko dahil nga ang bata ko pa lang daw, ha they should talk to my dad and lola and tell two of them that I'm still young. Anyway, wala naman silang magagawa dahil I excel in this field. I'm on the 30 under 30 to watch in People's Magazine. "Sige, pumunta ka nalang sa bahay at ikuha mo ako ng masusuot."
"Okay po."
"May mga tao dun kaya mag door bell ka." paalala ko sa kanya. "You can go home now Irma." sabi ko sa kanya at nagbasa nalang ulit.
"Good night Doctor Price." narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Irma." I called. "Paki sabi sa mga interns na I will meet them in ten minutes but before that pwede paki tawag si Doctor Salas."
Lumabas na si Irma at mga ilang minuto ay pumasok si Doctor Salas. Tinignan ko siya at halatang ninenebyos ito. "Doc—" he cut off.
"Save it Salas." I told him. Binaba ko yung tablet at hinubas yung reader glass ko. Tumayo ako. "You're off my service for two weeks."
"Doc—"
I waved my hand dismissively "Wag kang magreklamo sa akin Salas. Sa tingin mo hindi ko alam kung bakit mo sinabi sa pasyente ko na ooperahan ko siya kahit ilang beses ko ng sinabi na hindi? You can't undermine me Salas."
"Hindi naman po yun ang intensyon ko."
"No?" I asked. "Then what? Isa ka sa mga interns na pinasok ni Doctor Aguilar. And everyone knows very well how that sly woman hates me. So don't underestimate me Salas." I told him. "Kahit anong kapit mo sa kanya Salas, tandaan mo ako ang Ibara dito at hindi siya." I reminded. "At sa isang pitik ng daliri ko ay kayang kaya ko ng sirain ang career mo. You might as well aply for a waitressing job in a fast food chain."
I noticed him flinched. "Hindi na po mauulit."
"Talagang hindi na mauulit dahil hindi ka na pwedeng makipag-usap sa mga pasyente ko. Pag nalaman kong nakikipag-usap ka, tanggal ka na." I warned."Now get out of my office." I told him. Agad naman itong lumabas.
Lumabas na rin ako at nasa labas na yung limang interns ko kasama si Doctor Salas. Nauna na akong naglakad at sumunod naman sila. Nakarating kami sa neuro surgical ward. Pumasok ako sa unang kwarto, kinuha ko yung chart ng pasyente sa unang kama at inabot sa isang intern.
Nagpatuloy lang yung rounds namin at tumigil kami sa isang private room. Pumasok kami sa loob. Nakaupo yung pasyente habang nanonood ng TV. Ngumiti ito nung nakita niya kami. "Hi Doctor Price." bati niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Kamusta Pauline?" I asked her.
"Quite alright Doc. When will we do the surgery?" she asked.
Lahat ay nagulat sa tanong niya except kay Doctor Salas. Alam ng lahat ay hindi pwedeng operahan si Pauline dahil inoperable na yung tumor niya.
"The surgery will only give you 10% Pauline." I reminded her. "It's too risky."
"But you can do it." Pauline said. "I want the surgery Doctor Price. Ayoko ng dalawang taon, gusto kong magkaanak kami ni Leo, so please make the surgery happen."
I looked around the room and noticed that her husband wasn't with her. "Where's Leo?"
"Office."
"Napag-usapan niyo na ba ni Leo to?" I asked.
She looked uneasy. "About that, Leo doesn't know yet."
I sighed. "Pauline, pag-usapan niyo muna itong mag-asawa dahil ayun yung importante." sabi ko sa kanya. "Pag napag-usapan niyo na, kakausapin ka namin kasama siya tungkol sa surgery."
"He's too scared Doctor Price. Natatakot siyang mawala ako."
"Mahal ka niya kaya ganun."
She smiled faintly. "Hindi siya papayag Doctor, mas gugustuhin niya yung dalawang taon pero ayaw ko ng dalawang taon. Kaya do the surgery Doctor. I'm still your patient and I want the surgery." she said determined with her decision.
Lumapit ako sa kanya. "Talk to him first Pauline. Masyadong malaking desisyon to. Hindi lang buhay mo ang magbabago kundi sa kanya rin."
She sighed and smiled. "Okay. Kakausapin ko si Leo pero i-sched mo na yung surgery. Mapapapayag ko siya."
"Friday, 5pm." sabi ko sa kanya. "Doctor Perez, schedule Pauline's surgery." sabi ko sa isang intern.
She looked uncertain. "Doctor." she started.
I looked away from her and turned to Pauline. "CT scan bukas." paalala ko sa kanya. Lumabas na kaming lahat. Hinarap ko silang lahat. "Objection?"
"Diba sabi mo po, inoperable na po ang pasyente?" Doctor Perez asked.
"There's a chance we can remove the tumor. I suggest pag-aralan niyo na dahil dalawa lang ang makakapasok kasama ko sa sugery na ito."
Naglakad na ako palayo sa kanila pumasok na ako sa office ko ulit at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng mga charts.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Caleb. "Hi." bati ko nung pagkasagot niya.
"Hey."
"Kumain na ba kayo ni Shiloh?" tanong ko.
"Natutulog pa pero nagluto na ako ng pasta. Gusto ba niya ng pasta?"
I laughed. "Yeah yeah. Thank you again."
"No worries. Anong oras ka nga pala uuwi bukas?"
I sighed. "Hapon pa. May meeting bukas kaya hindi ako makakauwi agad. Darating yung secretary ko para kumuha ng damit ko bukas." sinabi ko sa kanya.
"Okay. Hatid ko nalang si Shiloh kayla Andy bago ako pumasok." Caleb said. "Kamusta pala yung pasyente mo?"
"She's a stubborn one. Hindi pa pala niya nakakausap yung asawa niya." sabi ko. "She said her husband is too scared to lose her." pagkukwento ko sa knya.
"Mahal niya eh."
"Ayun yung sinabi ko rin." I smiled. "Love is such a stubborn thing isn't it?"
"It really depends Emma."
"It's really stubborn. Your mind reminds you not to hold on too much anymore but still your heart still hold on too tight, not letting go even when in the end maiiwanan ka."
"HIndi naman porket nawala na yung mahal mo, wala na yung pagmamahalan niyong dalawa. Actually it stays with you for all eternity." Caleb said. "Love that stays like that is what they call true love."
A true love. Minsan napapaisip ako bakit si Caleb na lalaki mas maraming alam pa kaysa sa akin tungkol sa pag-ibig hindi ba't kaming mga babae ang sinasabing adik sa love at ang mga lalaki ang adik sa katawan?
Caleb and I are polar opposites.
He believes in the sham of true love while I don't.
A/N:
Boring chapter, tinatamad ako masyado kay Emma.
I'll dedicate this to Ate Mary, author of one my favorite works here in Watpad. Bukas nandito na ulit siya sa Philippines kaya Welcome Back Ate Mary. See you soon! Dadalawa ako kung ayos lang sayo!
Vote and Comment.
till next time . . .