"Brix and I are dating. It's been 3 weeks."
WHAT!?!? No it can't be! Three weeks!? Ibig sabihin sila pala nung time na pinahiya ako ni Regina!? Sila pala nung time na sila ni Angelica!? Oh my gosh, he is such a jerk!
"N-No.. This can't be real. K-Kayo ni Brix nung time na kami pa?" Nauutal na sambit ni Angel. Halatang halata rin na pinipigilan n'yang tumulo ang mga luha n'ya.
Oh gosh, poor Angel. Regina is such a fake friend. Ang galing nilang magsabi sa'kin na malandi at mang-aagaw nung time na nalaman nilang ex ko si Axl pero ngayon hindi nila masabihan ng ganun si Regina. Grabe.
"Regina, please tell me this isn't real." Wika naman ni Michelle.
"I wish I could, Mich. But this is real. I'm sorry, Angel. But Brix doesn't love you when you thought he does. He was also my boyfriend that time you thought he was yours. Funny right? He's just playing with you." Regina answered and laughed. God, how could she laugh!? Her friend is in pain right now! I swear she is the most evil person I know!
"Regina, I love you so much but what are you doing with your life? Friends don't share boyfriends!" Sigaw naman ni Carylle. Regina is so messed up. Hindi ako makapaniwala.
Angelica started to tear up. I can't believe this. Hindi ko ma-imagine si kuya at si Regina.
"Ha! Look at your reactions! I can't believe you girls will actually get mad at me." Regina said and laughed.
"What?" Naguguluhang tanong ni Gretchen.
"Magpunas ka ng luha mo, Angel. It was just a joke. Brix and I never happened. Although I wish it will in the future." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sentence na sinabi n'ya.
"What?" This time, ako naman ang nagtanong.
"What? Your brother is cute." Sagot ni Regina. Binigyan naman namin s'ya ng seriously look. "'Kay fine. I lied, okay? Hindi kami ni Brix. That is not my secret because it never happened. However, my secret is that I've been crushing on him. I mean, who doesn't have a crush on him? Strong, bad boy type. That's every girls' dream." She said and laughed. Natawa nalang din ako.
Can't blame her. Tama naman s'ya. Kahit ako alam ko sa sarili ko na talagang ang pogi ng kuya ko. He got a nice figure. Pa'no ba naman kasi laging nasa gym yan. Ang buhok n'ya ay itim na itim na medyo kulot. Ang kilay n'ya ay makapal, gano'n din ang pilikmata n'ya. His nose is really pointed while his lips are red. He looks really strong and tough.
"So who's next to play? Brianna?" Regina asks. Oh no, not me! "There's something I wanna know about you. Do you like Caleb?" Nabigla ako sa tanong n'ya. "Haha. You know what? Don't answer that. Let's go get some sleep. It's late. Tomorrow is another day."
"Yeah. Bukas na yung tryout para sa cheerleading team diba?" Tanong bigla ni Carylle. Cheerleading? Gusto kong sumali dun. I mean sure, dancing is not my thing pero gusto kong subukan. Lahat ng nasa cheering team ay magaganda't sexy. If I can make it in, lalong tataas ang tingin sa'kin ng mga tao. Kailangan ko yun if I really wanna beat Regina.
"Can't believe you're thinking of that, Carylle. I mean, who cares? Nakareserve na naman tayong lima sa team. Hindi na natin kailangan mag-tryout." Regina said boredly.
"Yeah, I know. I'm just thinking kung gusto ba ni Brynn sumali. I mean, we're all part of the team. Mas maganda kung s'ya rin." Carylle said. Kitang-kita ko na pinanlakihan s'ya ng mata ni Regina dahil sa sinabi n'ya. Hmm, seems like she doesn't want me on the team. Well, guess what? Sasali ako at hindi ko ipapaalam sakanya. Magugulat na lang s'ya kasali na pala ako sa cheering team.
---
Here at school. Ngayon ay naglalakad na ako papuntang school cafeteria. Galing ako sa tryout ng cheerleading team.
If you're curious sa kung ano mang nangyari, wala naman. I just showed them some of the dance routines that I prepared and they look pretty impressed. Wala dun ang R Squad. Gaya nga ng sinabi nila, nakareserve na ang spot nila sa team so hindi na nila kailangan mag-alala.
"Hey, Brianna!" Napalingon ako ng may tumawag sa'kin. Si Caleb pala. Medyo matagal na kaming hindi nakakapag-usap. Actually simula nung naging parte ako ng R Squad, hindi n'ya na ako pinapansin. Hindi dahil sumusunod ako sa deal namin ni Regina. Wala akong planong sundin 'yon.
"Hey, buti naman kinausap mo na ako." I said as I walked closer to him. Gosh, bakit ako ngiting ngiti!? Kausap lang naman, ah? Sinusubukan kong 'wag paabutin ang ngiti ko sa tenga ko pero mukhang talagang abot tenga talaga ang ngiti ko. I was so happy to talk to him again.
"You tried out for the cheering team?" He askeed and raised one eyebrow. Gosh, he looks so gorgeous when he does that. Nakakadistract tuloy.
"Y-Yeah." Yan lang ang naisagot ko.
"Hmm. Seems like you really are part of the R Squad now." He said and faked a smile. God, here we go again.
"What's that suppose to mean?" I said as I raised my left eyebrow.
"Oh, nothing much. Ang laki lang ng pinagbago mo, Brianna. Siguro nga gumanda ka ngayon pero sana ibalik mo yung dating ikaw." Sa sinabi n'yang yan, napatango nalang ako tsaka ako tumalikod na sakanya.
At least inamin n'ya na maganda ako. Pang-ilang beses ko ng narinig yan.
*RIIIIIINGG* *RIIIIINGG*
Napatingin ako sa cellphone ko na nagring.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa Heartbreak Hotline pala ang tawag na ito. Caleb.
Napalingon ako agad sakanya. Hawak n'ya ang cellphone n'ya habang nakatingin sa cellphone kong nagriring. "What a coincidence." He said.
Napapikit ako. Parang tila ba nakadikit ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Aren't you gonna answer that?" He asked. Again, hindi ako sumagot.
Tinignan ko na ang cellphone ko at nagpanggap na may kung ano mang kini-click doon pero ang totoo ay dinecline ko ang tawag n'ya. Nang madecline ko iyon, tinapat ko agad ang phone ko sa tenga ko para hindi halata na ako yung natawagan n'ya.
"Oh, hey mom!... Oh, yeah. Uuwi ako ng maaga ngayon..." Pagpapanggap ko na may kausap ako. S'yempre magaling akong umisip ng paraan eh. At least ngayon iisipin n'ya na may tumawag nga saakin at hindi ako ang Heartbreak Hotline na tinatawagan n'ya. "No, no... I'm doing great... Ano?... Ah, oo. Break time namin ngayon eh kaya---"
*RIIINGG* *RIIIINGG*
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko nang magring nanaman ang phone ko. Napatingin ako kay Caleb na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakataas ang isang kilay. Busted.
Binagsak ko ang cellphone ko para lang hindi na mapag-usapan ang pagsisinungaling ko. Ngayon tuloy ay halata na na nagpapanggap lang akong may kausap.
Dali-dali namang lumapit si Caleb at pinulot ang cellphone kong binagsak ko.
"Gosh, sorry. I am so clumsy. Haha, buti nalang di nabasag ang phone ko. Anyways, hinihintay na ako nila Regina kanina pa so see you later, bye!" I said and walked as fast as I can. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil gusto kong makaalis na sa lugar na 'yon.
Gosh, sigurado akong kahit papano ay nahalata n'ya 'yon! Bakit ba naman kasi s'ya tatawag sa school!? Gano'n ba kalaki ang problema n'ya para tumawag ng school!? Tss.
"Ugh, ang tagal mo. Patapos na kaming kumain. Sa'n ka ba galing?" Kunot-noong sabi ni Regina.
"Yeah, sorry. May inasikaso lang." I said started eating.
*BUZZ* *BUZZ*
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. Dinukot ko iyon at inopen ang text na natanggap ko. Darn, it's from Caleb again.
From: Caleb
Heartbreak Hotline inactive again. Tsk tsk. Siguro nalulugi na kayo 'no? Basta tatawag nalang ulit ako mamaya pagkauwi ko. May sasabihin akong importante. It's about the girl I told you I like.
Babaeng gusto n'ya? Wait, as in yung babaeng gusto n'ya bukod kay Regina? Sino nga ba yung babaeng 'yun? Hindi n'ya nabanggit eh. Should I ask him? Nope. Baka sabihin n'ya ang chismosa ng Heartbreak Hotline. Little did he know, it doesn't even exist.
End of Chapter XIV...