The Return of ABaKaDa (Publis...

risingservant által

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Több

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 67

46.7K 1.4K 284
risingservant által

"Charlie? Nasaan si Charlie?" tanong ni Jerico.


Bigla akong natauhan nang magsalita si Jerico. Ano ba 'to, bakit ko ba iniisip si Charlie? Iyan tuloy, kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko. Nakakahiya tuloy sa kaniya.


"Ay wala iyon. Namamalik-mata lang ako," pagsisinungaling ko.


"Gutom lang iyan. Tara kain muna tayo sa tabi-tabi. Maraming street foods o," ani Jerico habang tinuturo ang mga tindahan nito.


Bigla ko tuloy naalalang muli si Charlie dahil sa moment namin sa park na 'to. Sweet na sweet pa kami noon, masayang-masaya na naghaharutan, at walang iniisip na kung anuman tanging kami lang.


"Tara na," turan ni Jerico sabay tayo sa swing at inilahad ang kaniyang kanang kamay sa akin.


Nang tumingala ako sa kaniya, para siyang ilaw na nagbibigay liwanag sa aking kinauupuan dulot ng sinag ng araw na bumabalong sa kaniya. Para siyang prince in disguise nang bigla naman siyang ngumiti.


"Tititigan mo na lang ba 'ko? Bahala ka kapag nalusaw ako," segunda niya.


"Ano ka, ice cream?" biro ko sabay kuha sa kaniyang kamay na nakalahad sa aking harapan.


"Hindi e. Ako ang apa mo. Ang sumasalo sa iyo sa tuwing natutunaw ka," turan niya.


Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa sinambit niya. Nahihiya tuloy akong tingnan siya.


"Kung ang tawag sa baboy na nasa stick ay barbeque. Ang kamote na nasa stick ay kamote cue, ang saging na nasa stick ay banana cue. Ano naman ang tawag sa kabayong nasa stick?" bungad niya habang naglalakad kami.


Nakayuko ako kaya naman hindi ko alam kung ano ba ang ekspresyon niya. Bahagya kong tinungo ang aking ulo at tingnan siya.


"Ano?" tanong ko.


"Hulaan mo muna."


"Kabayo cue?"


"Mali."


"E ano nga?"


"Carousel! Haha!" giit niya.


Oo nga 'no? Loko-loko talaga 'to! May saltik na yata 'to kaya kung anu-ano ang naiisip.


"Baliw ka! Haha!"


"May joke pa ko."


"O sige ano iyon?"


"Kung ang tawag sa babaeng nakaitim ay black lady. Sa babaeng nakaputi ay white lady. Ano naman ang tawag sa babaeng naka-green?" aniya habang tumataas-taas pa ang magkabilang kilay.


Napa-isip akong bigla. Babaeng naka-green? Ahm...


"Princess Fiona?" tugon ko.


"Mali."


"Ano?"


"Girl Scout kaya. Haha!" aniya habang humahagalpak ng tawa.


"Ang korni mo! Haha!" sambit ko habang humahagikgik ng pagtawa.


"Ayiiee, ang sweet niyo namang dalawa. Holding hands pa talaga," bungad ng tindera nang makarating kami sa tindahan ng street foods.


Bigla ko namang hinila ang kamay ko kaya natanggal sa pagkakaniig ang aming mga kamay. Nakakahiya tuloy sa mga nakakita.


"Bili na kayo hijo't hija. Masarap ang kwek-kwek ko. Halina't tikman niyo," hirit ng isang tindera.


Naalala ko na naman ang kwek-kwek na iyan. Iyan ang paborito ni Charlie noong kumain kami rito e.


"Mukhang may gumugulo sa isipan mo a," bungad ni Jerico.


"Hindi a. Huwag mo itong intindihin. Tara na, kain tayo."


"Ahm, trip mo bang kumain ng balot? Iyon kasi ang paborito kong kainin e."


Nang marinig ko ang balot, biglang nagpanting ang tainga ko. Ipakain mo na sa akin ang lahat huwag lang ang balot. Hindi ko kayang tiisin na makakita at lumunok ng kiti o sisiw. Nandidiri ako. Iniisip ko palang, nasusuka na ko.


"A-- e-- hindi kasi ako kumakain ng balot."


"Gano'n? Ang sarap kaya. Gusto mo turuan kita kung paano kumain?" tanong niya.


Bumili siya ng dalawang balot na para sa amin. Iniaalok niya sa akin 'yong isa pero hindi ko magawang kuhanin.


"Okay, panoorin mo na lang muna ako kung paano kumain," aniya habang nakangiti nang nakakaloko.


"Pilyo ka talaga! It's a no!" giit ko.


Tumalikod muna ako saglit dahil hindi ko kayang panoorin ang pagkain niya. Naririnig ko pa kung paano niya higupin ang sabaw no'n.


"Ang sarap talaga..."


"Bilisan mo na ngang kumain diyan. Malapit nang mag-5pm. Kailangan ko pang magsimba," pakiwari ko.


"Bakit ka magsisimba sa Katoliko e 'di ba Christian kayo?" aniya.


"Oo, Christian ako dati pero lumipat na ako ng relihiyon. Ako lang sa pamilya namin ang lumipat," paliwanag ko naman.


"Bakit naman?"


"Ahm, secret. Tara na nga, simba tayo."


Malapit lang ang simbahan sa may park. Isang sakay lang ng jeep, nandoon na agad.


Pagkarating namin doon, nag-sign of the cross kaagad ako nang bumungad sa akin ang pinto ng simbahan. Pagkapasok namin doon, nagkaniya-kaniya na kami muna ng dasal bago mag-misa.


Matapos ang misa, napagpasyahan namin ni Jerico na umuwi na. Naglalakad palang kami palabas ng simbahan, ay kaagad naming nasilayan si Charlie na nakatayo malapit sa may puno.


"C-Charlie..."


Napatigagal ako nang makita ko siya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Jerico sa aking kamay.


Hindi ko alam kung galit ba ang namumutawi sa mukha ni Charlie dahil sa matalim niyang pagtingin at seryosong itsura.


Nakakatakot ang aura niya ngayon kaya naman hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin. Dapat bang tumakbo na lang ako palayo o kung dapat ko ba siyang harapin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang black lady na bumubulong sa kaniya.


Hindi siya dapat magpatukso!


---


E/N: exciting ang next chapter, abangan...

Olvasás folytatása

You'll Also Like

974K 46K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...