Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

The Nilaga Agreement

8.8K 369 19
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 16


Pumasok ako ng classroom namin at napansin na hindi ito yung kadalasang nadadatnan ko. Naguusap yung mga kaklase ko at may mga nagtatawanan. Nilibot ko yung tingin ko sa room at napansing wala si Alec. Kaya naman pala nagsasalita sila, wala yung kinakatakutan nila.

Umupo ako sa assigned seat ko at inilabas na yung notebook ko para magreview ng onti bago dumating yung prof namin.

Pero nakakapanibago naman kasi talaga na wala pa si Alec.

Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko kung saan dapat umupo si Alec. Naimagine ko siyang nakayuko sa chair niya at natutulog, ganun kasi palagi niyang gawa bago magsimula ang klase. Natutulog lang siya na para bang puyat na puyat siya palagi.

Dumating na si mam at napansing wala si Alec. Tiningnan niya ako na para bang nagtatanong.

"Si Imperial?"

"Hindi ko po alam." Sagot ko.

Naalala ko bigla yung pag-ubo niya kahapon at yung matamlay niyang itsura. Tumuloy kaya sa sakit yung nararamdaman niya?

Wag naman sana.

"Darating ba siya?" Tanong pa ni mam.

"Hindi ko po alam." Iling ko. Yung totoo, sakin talaga hinanap? Hindi naman kami ganun ka-close ni Alec.

But then again, walang gaanong mga kaibigan si Alec kaya sakin nagtatanong si mam.

"Okay. Let's just start without her." Desisyon ni mam.

Nagsimula na siyang mag-lecture pero hindi ko maibigay sa kanya ang buong focus ko kasi napapaisip ako sa kung anong nangyari kay Alec. Alam ko namang nagcucut siya pag trip niya at kapag may games siya pero kapag nasa mood naman siya ay pumapasok siya.

Kumusta kaya siya?

Hindi ko namalayan ang bilis ng oras kasi lumipas ang morning classes ko at naabutan ko na lang ang sarili ko na papunta na sa canteen.

Naabutan ko si Leone na nagsusulat sa isang notebook habang may suot na earphones. Sa tabi niya ay sila Ron at Ed na nagkokopyahan ng assignment nila.

"Sophie!" Bati sakin ni Ron. "Nakita mo si Louisse?"

"Hindi." Iling ko sabay tingin kay Leone. Hindi ko alam pero kahit alam kong sila Leone at Louisse pa rin naman ay hindi ko mapigilang maging concerned kay Leone.

"Don't worry, she's busy. Di niya tayo naririnig." Pansin ni Ed sa pagtingin ko kay Leone.

"Okay. Ba't niyo hinahanap si Louisse?" Naupo ako sa tapat nilang dalawa. Ni hindi napansin ni Leone ang pagdating ko sa sobrang tutok niya sa notebook niya.

"Paguusapan kasi dapat namin yung kunwaring pag-alis niya sa banda. Like, kung paano namin iaannounce or kung iaannounce nga ba namin." Paliwanag ni Ron.

Napasulyap ulit ako kay Leone pero wala pa rin siyang reaksyon. Patuloy lang siya sa pagsusulat.

"This is going to be a big announcement kaya inaasahan na naming dadami na naman yung mga paparazzi namin, especially Louisse and Leone."

"Nakakaintriga naman kasi." Sangayon ko.

"Oh, hello, Sophie." Nag-angat na ng tingin si Leone at nginitian ako. "Kanina ka pa?"

"Mejo. Busy ka kasi kaya di mo ako napansin. Ano ba yang ginagawa mo?"

"Bagong kanta. I feel like I'm going to end up making a whole album out of this." Sabi ni Leone at itinabi na yung notebook niya. "How's class?"

"Okay naman. Wala si Alec buong umaga so walang nang-gulo sakin."

Napaisip si Leone pero hindi na siya nagsalita tungkol kay Alec. Sila Ron at Ed naman sinamantala na yung pagkakataon para tanungin si Leone tungkol sa assignment nila.

Hinahanap ko yung isang notebook ko sa bag nang maramdaman kong may nagtext sa akin. Inilabas ko yung phone ko at napatingin kay Leone nang makitang siya ang nagtext. Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti.

"Asan si Alec?"

Mabilis akong nagtype ng sagot ko.

"Tumuloy ata sa sakit yung ubo't sipon niya kahapon. Hindi naman aabsent yun unless sobrang tinatamad siya."

Kakatapos ko lang isend yung text nang may dumating na namang panibagong text galing kay Leone.

"Alam mo ba bahay niya? Puntahan mo kaya?"

Napakunot ang noo ko. Bakit ako na naman ang napaguutusan?

"Alam ko yung bahay niya pero bakit ako? Di ba pwedeng tayo ang bumisita sa kanya?"

"Pwede din."

"So, punta tayo? Anong oras?"

Hindi pa nakaka-reply si Leone nang biglang dumating sila Louisse at Jecko. Pinagitnaan nila ako pero sinigurado ni Louisse na nakapwesto siya pinakamalayo from Leone. Napansin ko naman ang biglaang paglungkot ng mga mata ni Leone.

"Sige na. Ako na lang magchecheck kay Alec but promise me na maguusap kayo ni Louisse?" Text ko kay Leone.

"Thanks. I'll have our driver take you there. I just need to talk to Louisse for now."

"Text kita pagkatapos ng class ko."

Nag-aya na si Ed na bumili ng pagkain kaya sabay sabay kaming tumayo sa table. Kaso sa paglalakad namin papunta sa bilihan ay napansin kong tumabi si Leone kay Louisse at palihim silang lumayo sa grupo. Hindi ko alam kung napansin nung mga lalaki ang pag-alis nila o di na lang sila nagsalita. Alam din naman kasi namin na kailangan magusap ng dalawa.

Nakabili at natapos kami kumain ng lunch pero hindi pa rin bumabalik sila Leone at Louisse. Hindi na rin sila hinanap nila Ron. Nang magpaalam ako kila Ed ay sinabi nilang sila na ang bahala sa naiwang gamit nung dalawa.

Sa paglalakad ko pabalik ng classroom ay may bumunggo sa aking babae. Paglingon ko ay nakita kong kasama niya ang grupo ng mga kaibigan niya. At sa mga linggong nakaraan simula noong una kong nakaaway si Alec ay alam ko na kung sino ang nananadyang saktan ako at sino ang hindi.

Tiningnan ako ng masama nung babaeng bumunggo sa akin. "Bulag ka ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

"Hindi ako bulag kasi nakita kong sinadya mo akong bunggoin." Kalmado kong sagot sa kanya.

"Kung nakita mo pala eh bakit hindi ka umiwas?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Ngumiti ako sagot niyang halatang hindi pinag-isipan. "Eh di inamin mo ding sinadya mo akong tamaan. You owe me an apology."

Natigilan siya sa sinabi ko at ilang segundo pa ang inabot bago niya naintindihang wala na siyang lusot sa ginawa niya. "Hindi ako magsosorry sa katulad mo!"

Matapos noon ay padabog siyang naglakad papalayo kasama ang mga kaibigan niya.

Minsan natatawa ako sa mga taga-hanga ni Alec. Kung anong ikinatalino niya, siyang kakulangan naman ng ilang masugid na taga-suporta niya.

Pagdating ko sa classroom ay iilan pa lang ang tao. Paupo na sana ako sa chair ko nang mapansin kong may announcement ang prof namin sa board.

"I can't meet you today. Discussion will resume next meeting. Review chapters 9-12. Get ready for a short quiz. -Sir Ton"

Sinulat kong reminder na dapat kong aralin yung Chapters 9-12 sa libro at napaisip na wala na akong klase ngayong araw, pwede ko nang puntahan si Alec sa bahay niya.

Tinext ko si Leone umaasang tapos na sila magusap ni Louisse para hindi naman ako makaistorbo sa kanila.

"Leone, free cut na yung last class ko. Do you still want me to see Alec?"

Ilang minuto ang inabot bago siya nakareply.

"I'm in class. Alam mo naman yung kotse namin diba? Hanapin mo sa front gate. Tinext ko na si kuya Dino na sunduin ka. Update me na lang later. I'll call you when I'm done with class."

"Thank you."

Naglakad na ako papuntang front gate at agad na natanaw ang kotse nila Leone. Nakilala din naman agad ako ng driver nila at pinagbuksan ng pintuan.

Naiilang man ay sumakay na lang ako. Mas mabuti na to kesa magcommute ako papunta kila Alec. Hindi ko naman kasi sigurado ang pag-commute papunta dun. Baka maligaw lang ako. Ayoko din namang gumastos para mag-taxi, magkano din yun.

Hindi ako tinanong ni kuya driver kung saan kami papunta kaya ako na ang naglakas loob na magtanong kung sinabihan na siya ni Leone.

"Kuya, alam niyo na po ba kung saan tayo pupunta?"

"Tinext na po ako ni Mam Leone na dalhin po kayo sa bahay ni Mam Alec."

Napaisip ako sa sagot ni kuya driver. Ibig niya bang sabihin pinupuntahan ni Leone si Alec madalas?

"Madalas pong pumupunta si Leone kay Alec?"

"Dalawang beses pa lang po."

Tumango tango na lang ako at nanahimik na. Alam ni Leone ang bahay ni Alec pero galit si Alec kay Leone so pano niya nalaman kung saan siya nakatira in the first place? Mukha namang wala sa personalidad ni Alec na mag-imbita ng kakilala sa bahay niya. Yun nga lang na tinulungan ko siyang makauwi ay nagalit na siya sa akin, paano pa kaya kay Leone na hindi na niya kasundo noon pa lang?

"Kuya, alam niyo ba kung paano nagkakilala si Leone at Alec?"

"Ay naku, hindi po mam eh. Alam ko lang po kung saan nakatira si Mam Alec kasi ako yung napaguutusan ng daddy ni Mam Leone kapag may pinapadala po siya kay Mam Alec na pera."

"Nagpapadala ng pera yung daddy ni Leone kay Alec? Para saan daw kuya?"

"Allowance po ata. Ang alam ko po ay scholar ni Sir Leo si Mam Alec."

Kaya ba binabantayan ni Leone si Alec ay dahil scholar nila ito? Pero kung ganoon ay bakit galit si Alec kay Leone? Kung ako si Alec ay magpapasalamat pa ako sa pamilya ni Leone sa pagsuporta sa pagaaral ko. Ang hirap kaya makakuha at makamaintain ng scholarship!

Ilang saglit pa ay tumigil na kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Alec.

"Aalis po muna ako, Mam Sophie. May inutos pa po kasi sa akin si Sir Leo. Pero itext niyo na lang po ako pag magpapasundo na kayo. Ito na po yung number ko."

"Kahit hindi niyo na ako sunduin, kuya."

"Sige na po, Mam. Inutos din po kasi ni Mam Leone na ihatid din po kita pauwi sa inyo."

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang number ni Kuya Dino bago ako lumabas ng kotse.

Kumatok ako sa pintuan ni Alec at ilang segundo pa ang nakalipas ay bumukas na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Iba yung tono ng boses niya at hirap na siya magsalita dahil sa ubo't sipon niya. Namumula na din ang ilong niya sa tindi ng sipon niya.

"Hindi ka kasi pumasok sa klase natin, naisip ko baka tumuloy sa sakit yung ubo't sipon mo."

Hindi ko na sinabi sa kanya na nautusan lang ako ni Leone. Baka kasi itaboy niya lang ako.

"Well, it did. Now leave." Pinunasan niya yung sipon niya gamit ang isang handkerchief na kanina pa niya hawak.

"Okay ka lang ba mag-isa?"

"I can manage myself, Sophie."

"Ummm, okay." Hindi na ako umangal. Wala din naman akong magagawa. "Sige, alis na ako."

Sinara agad ni Alec yung pintuan at tumalikod na ako. At least alam kong buhay pa siya.

Nakaalis na si kuya Dino kaya hindi ko na siya tatawagan pa para ihatid ako sa apartment ko. Pero nilabas ko pa rin ang cellphone ko para itext si Leone na nakita't nakausap ko na si Alec.

"Ba't andito ka pa?" Narinig ko ang may sakit na boses ni Alec sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakajacket siya.

"May tinext lang ako bago umuwi. Saan ka pupunta?"

"Bibili ng pagkain. Nagugutom na ako." Tapos umubo na naman siya. Sa tindi ng ubo niya napahawak siya sa gate ng kapitbahay niya.

"Alec, okay ka lang ba talaga? Ako na lang kaya bibili ng pagkain mo?"

Sumenyas siya na okay lang siya at nagmadaling bumalik sa loob ng apartment niya. Sa pag-aalala ko sa kanya ay sinundan ko siya bago pa niya maisara yung pintuan.

Dumiretso si Alec sa CR at mula sa labas nito ay narinig ko siyang sumuka.

Tumingin ako sa paligid ng apartment ni Alec. Makalat ang kitchen at puno ang basurahan ng mga take out na pagkain, de lata at ng cup noodles. Ilang araw na ba siyang may sakit at bakit puro ganito ang kinakain niya?

Bumukas ang pintuan ng CR at lumabas si Alec na hirap na hirap huminga. "Anong ginawa mo dito? Umalis ka na!"

"Alec, hindi ka ba marunong magluto?"

"Pakialam mo ba kung marunong ako o hindi?"

"Hindi healthy ang mga kinakain mo. Pano ka gagaling agad sa cup noodles?"

"Eh sa gusto ko ng sabaw eh!"

"And you said you can manage yourself pero hindi ka pala marunong magluto?"

Kumunot ang noo ni Alec. "Marunong ako magluto. I'm just too weak to do it now."

"Kaya lalabas ka kahit hindi mo kaya?"

"Sophie Jaranilla, leave or I swear I'm going to hurt you."

"Sasaktan mo ako samantalang hinang hina ka sa sakit mo?"

"I can kill you with not that much effort."

"Alec, I can help you only if you'll let me."

"I don't need your help." Umiwas siya ng tingin at narinig kong kumalam ang sikmura niya.

"Sure ka? Kasi willing akong ipagluto ka ng nilaga."

Napatingin agad siya sa akin at nakita kong interesado siya sa offer ko, pinipigilan lang niya ang sarili niyang pumayag dahil sa pride niya.

"Why are you even willing to help me? Anong kailangan mo?" Mahina niyang tanong.

"Simple lang. I want you to be nice and not be a douche all the time."

"Yun lang?"

"Oo."

"If I do what you ask, will you promise me not to tell any living soul about this?"

"About what?"

"You helping me."

Napabuntong hininga ako. "Alec, hindi masamang humingi ng tulong specially if you really need it. Wala naman talaga akong balak sabihin to sa iba eh. Para namang may mapapala ako dun."

"Ikaw walang mapapala pero ako maraming mawawala."

"Like what? Yung mga fans mong willing manakit ng iba for no reason at all? Yung pride mong mas mataas pa sa Burj Khalifa?"

"You won't understand."

"Then explain para maintindihan ko kung bakit ka ganyan?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Why would you even care, Sophie?"

"Because I know what happened to you and your mom."

"And so?"

"I know your mom wouldn't like it if you're pushing everyone away that cares for you. Malulungkot yun pag nalaman niyang nagiisa ka sa buhay."

"Hindi ako nagiisa. Ikaw na nagsabing madami akong fans."

"And do they even know who you really are? Kaya ka lang naman nila gusto dahil sa talino mo at sa paglalaro mo ng tennis. Other than that, ano pang maipagmamalaki mo?"

Hindi na makasagot si Alec at umiwas na lang ng tingin.

"Alec, I'm willing to help you kasi alam ko ang feeling ng magkasakit na walang nagaalaga. Alam ko din ang feeling na walang magulang na makakasama. At alam ko na kaya ka ganyan ay dahil gusto mong mag mukhang sobrang lakas kahit ang totoo ay hinang hina ka na."

Tiningnan niya ako, yung mga violet eyes niya tila nagiisip.

"Alam ko na hindi ka masamang tao and you know I'm not, either. Ganyan ka lang kasi you're protecting yourself from getting hurt."

"How do I know I can trust you?"

"Because I consider you as my friend and I don't hurt my friends."

Inabot ni Alec yung balikat ko at sinabing, "Okay." Bago siya nahimatay at bumagsak sa akin.


Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.2M 66.9K 52
Book two of Kissing Reese Santillan. Reese ❤ Maddy
87.2K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
69.2K 3.5K 24
Elliott is an introvert-not a shy person, but a quiet one. She prefers to be alone and finds peace in solitude. Her stern demeanor and chilly gaze ar...