TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 625

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 28 †
† Kabanata 29 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 31 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† Kabanata 32 Part 2 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 44: Princess
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

† Kabanata 12 †

3.4K 92 31
By PumpingLemma

*****************************

a/n:

Ang chapter na ito ay nakadedic. kay..."Tenteneneeeeeeen !xD" kay @addictedZ  :D  Yow dude! Eto na po.

Salamat pala sa pagtxt. Napangiti mo 'ko sa cnabi mo. ^_^

*pasensya na po kung natagalan mga katropa xD dapat sa wed. q na to naiud eh...eh...nagloko c google dahil kay maring XD kaya ngaun lang!  :D BOO! BASA NA PO! :) ayun ung pic. ni Ryu Sawada, ang pinaglalawayan ni Miro. > 3>

***************************

+TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH): KABANATA 12 +

Matapos ang pangyayaring 'yon sa room ay mabilis na kumalat ang balita sa loob ng school kaya pati sa Guidance ay nalaman ang ginawa ko kaya pinatawag ako agad.

"Haaay!... Alam mo ba na naaalala ko sayo ang sarili ko. Lalo na yung ginawa mo sa classmate mo."Nakinig lamang ako kay lola na Guidance Counselor dito.

"Nakuuuu...nung mga panahon ko. Mas malala pa diyan ang ginawa ko."Pagbibida niya. Akala ko sesermonan ako.

"Sinaksak ko yung nambastos sa'kin. Ilang saksak din yun. At take note...classmate ko din 'tong nangmanyak sa'kin,Iha."Tiningnan ko yung orasan na nasa wall.Malapit na ang Math. *Blag!*

 Nagulat ako ng paluin ni lola ang lamesa niya.

"Pero, sa kasamaang palad nakaw eh hindi pa natodas! Tsk! Pero wag ka ineng! Sa dinami rami pa ng lalakeng makakabiyak ko eh yung manyak na'yon!"Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lola. Yung nangmanyak sa kanya ay soulmate niya pa?!!!

Ngumiti siya sa'kin. "And that's the  story of our everlasting love!"Sabi niya na magkahawak pa ang kamay niya at parang may iniimagine.

PUTO'TKUNTYINTA NAMAN TO SI LOLA OH!!!!!

"Sa sobrang pagmamahal namin ni Roberto ay nakabuo kami ng labing limang napakagaganda at napakagwagwapong mga supling.Haaaay!....ka'y sarap mabuhay.  Yun bang tipo niya ay Maginoo pero Sobrang bastos!~"Mangiti-ngiti niyang sabi sa kawalan. Napangiwi naman ako sa matandang 'to. YUCK! "At alam mo ba? Sa edad kong 58 eh nakabuo pa kami! At kambal pa! 1month and 2 weeks na!"Tuwang tuwa niyang saad. Luh!  Sinara ko agad ang nakanganga ko ng bunganga sa sobrang gulat.

Nagkwento pa siya ng nagkwento.

Bwisit! Sana di nalang ako pumunta rito. Umubo ako para mapansin niya. Halata namang nagulat siya at biglang inayos ang salamin sabay biglang seryoso ng tingin sa'kin. Ang weird.

"Naiintindihan ko ang dahilan mo kung bakit mo nagawa ang gano'ng bagay pero hindi parin tama ang ginawa mo, miss Tanaka. Sige na, maaari ka ng bumalik sa room mo." Napanga-nga naman daw ako sa bigla niyang sabi. Yun na yun?! Tsk! Takte!

Umalis na'ko at naglakad na sa madilim na hallway.

Ramdam ko ang mga bulungan at tinginan ng mga estudyante dito. Dire-diretso lang akong naglakad. Hanggang ngayon gulat parin ako sa nagawa kong 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at bakit ako nakagawa ng ganun kabrutal. Oo! Alam kong may dahilan naman ako kung bakit ko nagawa 'yon. Hinipuan ako nung manyak na'yon kaya hindi ko rin masisisi kung bakit nagdilim ang utak ko. Grabe!

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Dumiretso ako sa Public Lavatory ng Girls at dun naghugas ng kamay.Andito parin kasi ang bakas ng dugo mula sa manyak na'yon. "Tsk! Ash, pwede namang sipain siya sa ari niya at hindi yung putulin! Ugh!"Mainis inis kong sabi habang madiin diin kong kinuskos ang kamay ko habang nakatutok sa tubig...sa may gripo. Buti nalang at walang tao dito.

Napatingin ako sa salamin. May konting dugo sa uniform ko. "Tsk!" Winisikan ko ito ng tubig at kinuskos.

Badtrip! Bakit kasi kailangan pang mangyari 'yon? Pero, mabuti narin 'yon sa hayop na manyak na 'yon! Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko!

Umalis na'ko sa CR at dumiretso na papunta sa room. Pumasok ako sa Elevator. Ang tatalim ng tingin ng mga estudyante sakin dito sa loob ng elevator. Hindi ko nalang sila pinansin. Sinandal ko ang likod ko sa wall ...ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa palda ko at tumingin na lamang sa sapatos ko.

"Psh! Parang wala lang sa'yo ang ginawa mo sa classmate mo. Nakakatakot ka!"Hindi ko tiningnan ang babaeng matalim na nakatingin sa'kin. Hindi ko siya inimik.

Nakakatakot?....Tss. Eh mas nakakatakot pa nga kayo kaysa sa'kin.

"Napakaangas. Isang baguhan kalang naman dito! Tapos gumawa kana agad ng gulo!"Rinig kong sabi nung isang babae. Muli...hindi ako umimik.

"Dapat dun sa kulungan ang mga tulad mong kriminal!"Napasinghap ako ng marinig ko ang sinabi ng isang babae sakin. Tiningnan ko sila.

"Kriminal?!! Wow! Ang gagaling niyong magbunganga eh samantalang hindi niyo naman alam ang nangyari!!! Mga gago pala kayo eh! Eh kung kayo kaya ang hipuan sa hita! Bastusin! Hindi ba kayo magagalit?!!!"Sigaw ko sa loob ng elevator. Natawa ako. "Sabagay...sa mga itsura niyong 'yan ay masgugustuhin niyo pang mabastos. At baka umoo pa kayo pag kayo ang niyayang makipagsex!"Pagkasabi ko nun sakto namang bumukas ang elevator. Lumabas na'ko at iniwan silang tulala dun. Mga bwisit! Akala mo kung sino makapagsalita.

Bago pako makapasok ng room rinig ko na ang mga daldalan ng mga classmate ko...at ang topic nila ay tungkol sa ginawa ko sa manyak naming classmate. Huminga ako ng malalim at lumunok ng laway. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bigla nalang silang tumahimik. Ramdam ko ang pag-abang nila kung sino ang bubungad sa pinto. Nang tumambad na'ko sa harapan nila kitang kita ko ang mga tinging may galit. Wala ni isa ang nagtangkang alisin ang tingin sa'kin. Ramdam ko ang mga galit nila. Lahat sila ay nakatuon sa'kin habang ako ay nananatili paring nakatayo sa may pinto.

Galit sila? ..Tss.. ako rin naman galit sa kanila. Umpisa palang.

Pumunta na'ko sa upuan ko. Hindi parin natatanggal ang matatalim nilang tingin.

Masama na ba na ipagtanggol ang sarili mo? Akala ko maiintindihan nila ko kung bakit ko nagawa 'yon sa classmate namin pero obvious naman na hindi.

Dumating na ang next teacher namin sa Math. Si Sir Deguzman. Nagturo na ito ngunit ang mga classmate ko naman ay walang pakealam kay Sir. Inaasar pa nila ang matanda. May mga lumabas naman ng room.

Ilang araw palang ako dito pero parang gusto ko na agad umalis. Hindi normal ang mga estudyante dito. Tumungo na lamang ako.

x--x--x--x--DISMISSAL--x--x--x--x

Agad na nagsilabasan ang mga classmate ko. Ako naman ay kinuha ko na ang bag ko dahil ako nalang din ang natira dito sa loob ng room. Binuksan ko na ang pinto...sa pagbukas kong 'yon ay tumambad sa'kin sina Jerry at ang apat ko pang classmate na lalaki. Si Jerry na isa rin na sikat 'daw' sa school na'to...classmate ko rin siya. May mga hawak silang baseball bat.

"Excuse."Saad ko ngunit tiningnan lang nila 'ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Sabi ko, excuse."Madiin kong sabi. Ngumisi lang si Jerry sa'kin. Mas lalo akong kinabahan ng pwersahan niya kong itinulak papasok sa room at sinira na ng isa sa mga classmate ko ang pintuan.

"Ano bang problema niyo?!!!"Bulyaw ko. Hindi na talaga maganda 'to. Marahas akong hinawakan ni Jerry sa kanang braso ko. Napapikit ako sa sakit dahil sa pagkakadiin ng pagkakahawak niya. Iniharap niya 'ko sa kanya. Hindi ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong makita nila na mahina ako.  Dahil, hindi ganun ang isang Ashley Miro Tanaka.

"Bitawan mo'ko."Seryoso kong sabi. Shit! Pakiramdam ko mababali na ang buto ko sa pagkakahawak niya.

"Tss! Sa kabila ng ginawa mo kay Rick, nakukuha mo paring mag-angas!? Ahaha! Hindi mo alam kung anung kaya kong gawin."Saad niya habang padiin ng padiin ang kamay sa braso ko. Ughh!

Kaya mo 'to, Ash.

Nginisian ko siya. "Is that a warning?"Napansin kong kumunot ang noo niya sa inis at mabilis naman 'yong napalitan ng ngiti. "Sa tingin mo."At pagkasabi niya non ay agad na lumapit sa'kin ang dalawang classmate kong lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso habang pinipilit nila itong talian ng lubid. Nagsisigaw ako.

Agad naman akong sinalpakan ng tela sa bibig nung isa.

 Bakit ba nangyayari 'to? Ano bang kasalanan ko?

Sinenyasan ni Jerry na lumayo na ang apat sa'kin. Napaatras ako ng lumapit siya sakin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Akala ko hahalikan niya ko pero inilihis nito ang mukha niya papunta sa tenga ko at bumulong.  "Sayang...maganda ka pa naman...kaso...masyado kang matapang."Hinalikan niya ang tenga ko na bagay na nagpanginig sa'kin. Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko ay masusuntok ko na'tong lalaking 'to!

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin pagkatapos nito. Pero, kakayanin ko naman 'tong mag-isa diba?!

Inilayo na niya ang mukha niya sa'kin at ngumisi ito.

"Another victim...Ashley Miro Tanaka."Nagtaka ako sa sinambit niya.

Victim ?...

Pinalo na'ko nito ng base ball bat sa ulo. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay nabutas ang ulo ko sa lakas ng pagkakapalo.

Sa isang palo lang ay mabilis na nakaramdam ako ng pagkahilo. Ramdam ko rin ang malakas na impact ng pagkabagsak ko at pagkauntog ng ulo ko sa sahig.

Umiikot ang paningin ko...

...Unti-unting lumalabo...

...hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paligid.

+ Yoshio's Pov +

SHIT!

Nagmadali akong pumasok ng elevator habang dala dala ko ang bag ni Miro-Hime.

Kagagaling ko lang sa room niya. Nadatnan ko nalang ang bag niya at ang ilang patak ng dugo sa sahig. Nakita ko rin ang isang singsing na malapit lang sa dugo. May nakaukit na 'Jerry'.

Lumabas na'ko ng elevator.

Nakita ko sina Shiro at Ryu na hingal na hingal. "Nilibot na... namin lahat pero... wala."Sabi ni Shiro. "Tinawagan ko na si Riku para tumulong sa paghahanap."Sabi ni Ryu.

Hinagis ko sa kanila ang bag ni Miro-Hime at nagmadaling pumunta sa kotse ko.

"Yoshio!!!"Sigaw ni Shiro.

Bago palang ako makapasok ng kotse nakita ko na si Riku na kadarating lang. Hindi ko na sila pinansin at nagmadaling pinaharurot ang sasakyan paalis ng Faxton.

Kahit kailan, tanga ka talaga...Jerry Chua.

+ Ash's Pov +

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nasa madilim na kwarto ako. Abandunado.

"mmph.."Napangiwi ako sa sakit ng kumirot ang ulo ko. Fvck. Dun ko lang naalala ang mga nangyari. Ang pagpukpok sa'kin nung hayop na Jerry na'yon ng baseball bat sa ulo ko. Tsk!

Tinangka kong bumangon mula sa pagkakahiga ko dito sa semento kahit na nakatali ang dalawa kong kamay pero hindi ko kaya dahil sa tuwing inaangat ko ang katawan ko...naaapektuhan naman ang ulo ko. Sumasakit.

May naaamoy akong malansa tapos parang...basa pa sa may gilid ng noo ko. Teka...nagdudugo.

"Gising kana pala."Nagulat ako ng may humipo sa buhok ko. Hindi ko namalayan na nandito 'tong hayop na'to. Gusto ko siyang sigawan pero na nanatili paring may nakasalpak na tela sa bunganga ko.

Nakita ko rin ang apat ko pang classmate na nakatayo at tinitingnan lang ako.

Pakshet! Kung hindi lang talaga nakatali ang mga kamay ko hindi ako magdadalawang isip na patayin sila!!!

"Sino mauuna sa'tin?"Tanong nung isa kay Jerry na nananatiling nakatitig lang sa'kin. Tumayo na siya.

Kinakabahan na'ko...

"Ako na! Hawakan niyo ang paa. Panigurado maglilikot 'yan."Sabi nung isa na ikinagulat ko. Sumang-ayon naman ang iba pwera lang si  Jerry na tahimik lang akong pinagmamasdan.

"MMMmmph!mmph!"Ako ng makita ko silang papalapit sa'kin. Si Jerry ay nakatayo lang at hinayaan ang mga kasama niya na lumapit sa'kin.

PAPATAYIN KO TALAGA KAYO!

Tinatawanan nila ko habang papalapit.

"Mmmph!..mph!"Hinawakan nila ang hita ko. Naramdaman kong malapit na ang kamay nung isa sa pagkababae ko."Mmph!..mmph!"MGA WALANGHIYA KAYO!!! Hindi ko na kinaya ang emosyon ko at tuluyan ng napaluha.

Napahagulgol pa'ko ng maramdaman kong may isang kamay sa tiyan ko paakyat sa dibdib ko.

Nagulat na'ko sa sumunod na nangyari. Apat na putok ng baril ang umalingawngaw dito sa loob.

Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Jerry dahil pinaputukan niya sa ulo ang apat na humuhipo sa hita ko. Sunud sunod silang bumagsak sa'kin. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon.

Bakit?...

Tahimik lang na lumapit sa'kin si Jerry at inalis ang apat sa pagkakadagan sa katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Inupo niya ko. Tinanggal niya ang pagkakatali ng kamay ko sa lubid pati narin ang tela sa bunganga ko. Nanginginig ako.

Mas lalo pa'kong nagulat ng marinig ko ang sinabi niya.

"Zannen desu..."(I'm sorry)Hinalikan ako nito sa noo. "...Hime."(Princess)

Tumayo na siya at patakbong umalis.

Samantalang ako...tulala...hindi makapagsalita....gulat....takot sa mga nangyari.

Ilang minuto din akong tulala. Balewala sa malansang amoy ng dugo ng apat na bangkay dito sa loob ng silid.

Hinipo ko ang ulo ko. Tuyo't na ang dugo.

"HIME!!!"Nakita ko yung lalaking pinagsakluban ng langit at lupa matapos balibagin ang pinto.

Napamura siya papunta sa'kin ng makita niya ang dugo sa ulo ko. Hindi ako makapagsalita habang pinagmamasdan siyang mura ng mura. Nakakatakot.

Nabigla ako ng yakapin niya 'ko. Napabitaw rin siya sa pagkakayakap ng dumating na sina Aike(Riku), Shiro at Ryu. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Nasa'n si Jerry?!"Nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pananalita ng lalaking to.

Nang tanungin niya 'yon...parang umurong ang dila ko. Pakiramdam ko walang kasalanan si Jerry sa nangyari sa'kin pwera nalang sa pagpalo niya sa'kin ng baseball bat sa ulo. Parang dapat pa ata akong magpasalamat sa ginawa niya.

"Yoshio, kailangan na nating dalhin si Miro-Hime sa Ospital."Sabi ni Aike at binuhat na'ko nito ng bridal style. Sinabi ko ng kaya ko maglakad pero hindi ako pinakinggan ni Aike at tiningnan niya ko ng masama. Hindi ko na nagawang magprotesta dahil sa tingin niyang 'yon.

"Mauna na kayo. "Sabi nung Yoshio habang pinagmamasdan ang apat na bangkay.

Alam kong hahanapin niya si Jerry.

+ Jerry's Pov +

Flash Back

Isinakay ko siya sa itim na van. Panibagong biktima....

Rinig ko ang mga sabik kong kasama sa loob ng van na galawin at hipuan si Ash pero pinigilan ko sila. Pinaandar ko na ang sasakyan.

"Tsk! Tang.na naman,Jerry! Bakit hindi pa dito natin galawin? Lalayo pa tayo."Rinig kong reklamo ni Allen . Prineno ko agad ang sasakyan sa sobrang inis.

"Kating kati kana ba?!! Maghintay ka! Kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!"Napilitan siyang tumahimik. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan.

Nakarating na kami sa isang abandunadong bahay kung sa'n nakatirik sa di mataong lugar. Dito...madalas naming dinadala ang mga babaeng nagkakaatraso sa'min. Pinaparusahan namin gamit ang sarili nilang katawan.

Binuhat ko na si Ash at pinasok sa isang kwarto ng bahay na'to. Napagpasyahan ng mga kasama ko na lumabas muna at bumili ng alak. Ako naman ay nagpaiwan na. Muli akong bumalik sa kwarto kung sa'n si Ash. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

Hindi ko alam pero nung una ko siyang makita parang pamilyar siya sa'kin.

Mukha siyang birhen kung matulog.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan siya sa pisngi pababa sa leeg. Napatigil ako sa paghalik ng makita kong nakaunbutton ang dalawang butones ng blouse niya.

Napangiti ako.

Dahan dahan kong hinawi yun.....pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nasa bandang dibdib niya.

Siya....

Narinig kong dumating na sina Allen at pumunta dito.

"Ano na? "Tanong sa'kin ni  Allen na inip na inip na. Gayundin ang tatlo pa naming kasama. Napangisi ako.

"Maghintay kayo."

Nang magising na si Ash sinubukan niyang bumangon pero hindi niya magawa.

Hinaplos ko ang buhok niya."Gising kana pala."Halatang nagulat siya ng mapansing andito ako.

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa ginawa ko ngayon sa kaniya. Pinagmasdan ko lang ang babaeng gusto ko makasama habangbuhay.

Isang katarantaduhan ang nagawa ko!!!

Si Ash....ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

"Sinu mauuna sa'tin?"Napayukom ako.

Ako mismo ang nagdala ng kapahamakan sa babaeng mahal ko simula bata pa.

Tumayo na'ko.   "Ako na! Hawakan niyo ang paa. Panigurado maglilikot 'yan."

( a/n: Ang nakaraan nung bata pa si Jerry .

+ Third Person's Pov +

"Mama! Ako na po magdadala ng pagkain ng Hime!"Masiglang saad ng isang anim na taong gulang na batang lalaki. Pinayagan naman siya ng nanay niya at ibinigay sa kanya ang pagkain. Ang nanay ni Jerry ay naninilbihan bilang isang kasambahay ng pamilyang Tanaka.

"Hime! Andito na po ang pagkain niyo!"Sigaw ni Jerry at kinatok ang pinto.

Pinagbuksan din siya nito ng pinto. Ito palang ang pangalawang pagkakataon na nakapasok siya sa kwarto ng Hime. Hindi niya maalis ang takot kapag nakikita niya ang itsura ng loob nito. Para siyang nasa loob ng haunted house. Napakadilim. Wala kang makikitang ibang kulay kundi tanging itim lang.

Nakita niya ang batang babae na pinaglalaruan ang mga nakakatakot na manika habang nakaindian sit sa itim na kama.

Lumapit si Jerry sa Hime at manginig nginig na inilapag sa lamesa sa may gilid ng kama ang pagkain nito. Gusto ng umiyak ni Jerry at tumakbo papunta sa kanyang ina dahil sa takot pero napigilan niya 'yon ng tumingin sa kanya ang batang babae. "hime, ku...kumain na po kayo."Sabi niya at paalis na sana siya ngunit....

"Wag ka umalis."Biglang kinabahan si Jerry. Bumaba ang batang babae sa kama habang nanlilisik ang mga mata papalapit sa batang lalaki.

"Dito kalang."Sabi ng batang babae.

"P..po?."

"Maglaro tayo."Binigay ng batang babae ang isang nakakatakot na manika kay Jerry.  "P..pero."

"Walang pero-pero. Maglalaro tayo."Pinanlisikan siya ng mata ng Hime kaya hindi na nakaya ng batang lalaki na pigilan ang luha.

"Bakla."Nagulat siya ng sabihan siya ng Hime.

Bigla siyang niyakap ng batang babae na bagay na lalong nagpalaki ng mata ni Jerry. Hindi niya inaasahan ang pagyakap sa kanya ng Hime. Bumitaw na sa pagkakayakap ang Hime at ngumiti ito kay Jerry. Ito ang kauna-unahang nakita niyang ngumiti ang batang babae. Halos hindi na makapagsalita si Jerry. Para bang nakaramdam siya ng malakas na tambol sa dibdib niya. "Punasan mo luha mo."Binigyan siya ng itim na panyo ng Hime. Agad naman niya itong pinunasan. "Sabayan mo'ko kumain."Yaya nito sa kanya. Tatanggi pa sana si Jerry ngunit sinamaan na naman siya ng tingin.

Mula nung araw na'yon dun na nag- umpisang magustuhan ni Jerry ang Hime. Sa tuwing papasok ang nanay niya sa pagsisilbi sa pamilyang Tanaka ay lagi na siyang sumasama.

Pero...isang-araw...ng muli niyang pinuntahan ang Hime sa kwarto nito. Laking gulat niya ng makita niyang walang malay  at duguan sa sahig ang batang babae na may hiwa sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Dinala ang Hime sa Ospital. Nalaman na at nahuli narin kung sino ang may kinalaman sa pagtangkang pagpatay sa batang babae. Isa itong tauhan ng kalabang grupo ng angkan ng Tanaka na nagpanggap na katulong.

Ilang araw ding nanatili ang batang babae sa Ospital. Gusto mang puntahan siya ni Jerry ay mahigpit naman 'yong pinagbabawal na may dumalaw. Para narin daw sa kaligtasan ng batang babae. Kaya't wala naring nagawa si Jerry kundi ang maghintay sa pagbabalik ng Hime sa mansyon ng Tanaka.

"Anak, halika na! Wala na siya! Pumunta na sila ng Japan! Hindi na sila babalik!"Sigaw ng ina sa kanyang anak na nananatili lamang na nakatayo sa harap ng gate ng mansyon.

"HINDI PO!!! UUWI SIYA! MAGLALARO PA KAMI!!!"Pagwawala ng bata habang nagngangangawa.

Sa mahigit isang linggo din na naging malapit sila ng batang babae ay hindi manlang niya natanong ang pangalan nito. Tanging Hime lamang ang alam niya. Pati nanay niya ay hindi rin alam ang pangalan nito. Mahigpit na pinagbabawal kasi ni Mr. Ashton at asawa nito nasi Mrs. Lady Kaori na ipaalam sa ibang tao ang pangalan ng kanilang anak maliban nalang sa miyembro ng grupo na tinatawag na YAKUZA. Para narin sa kaligtasan ng bata.

Lumapit ang kanyang ina at hinagkan siya nito. "Sshh...tahan na,Jerry. Nasa malayong lugar na siya. Lugar na kung saan ay masligtas siya."

End of flashback. )

Ang peklat sa kaliwa niyang dibdib.

Hime....

Natauhan ako ng makita kong humagulgol si Ash. Hindi na'ko nagdalawang isip at pinaputukan sina Allen sa ulo.

Hime....

Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang lubid sa kamay niya pati narin ang tela na nasa bunganga niya.

Etong babaeng nasa harapan ko ay ang babaeng ilang taon ko ring hinintay. Pero...anong ginawa mo Jerry?

Pinagmasdan ko ang nagdudugo niyang ulo na kung saan ako ang may gawa.

Patawarin mo ko! Hindi ko alam....hindi ko alam!

"Zannen desu..."Hinalikan ko siya sa noo. "...Hime."Bago pa niya makita ang pagbagsak ng luha ko agad na kong tumakbo palabas ng bahay.

Sumakay ako sa Van at do'n nagsisisigaw. "T.NG.NA KA JERRY!!!!"Sa sobrang inis sinuntok ko ang bintana ng sasakyan. Nabasag ito kasabay din nun ang pagdurugo ng kamao ko.

Mas mabuti ng hindi niya malaman na ako yung batang lalake dahil kung malaman man niya ay kamumuhian niya parin ako.

Pinaandar ko na ang sasakyan. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta.

Ilang taon....

Ilang taon ko siyang hinintay...

...

Natawa ako.

..Dahil din sa katangahan ko ay masasayang din ang paghihintay ko sa babaeng mahal ko.

Babaeng pinapangarap ko.

"AAAAAAAAAA!!!!"

"Aaaaaaaaa!!!"

Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa mapagod ako. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad.

Biglang tumigil ang makina ng sasakyan. Paulit-ulit ko 'tong sinubukang paandarin ngunit ayaw parin. Sa layo narin ng narating ko hindi ko napansin na wala na kong kargada.

Bumaba nalang ako ng sasakyan at naglakad na lamang.

Hindi ko alam kung ano na nga bang lugar 'tong napuntahan ko.

Madilim...walang katao-tao..

Napahinto ako sa paglalakad ng  mapansin ko ang isang babaeng papalapit sa'kin. TagaFaxton High din ito dahil sa uniform na suot niya. Maamong mukha ngunit malamig ang mga mata.

Napahigpit ako ng hawak sa baril ko ng bitawan niya ang katagang 'yon.

.

.

.

.

.

.

"Death."

+ Yui's Pov +

Napangiti ako ng makita ko ang mga bakas ng dugo niya sa kamay ko. Pinagmasdan ko ang Wakizashi sa harapan ko na may dugo rin. Nakapatong ito sa lamesa.

"Siya na ba?"Tanong  niya ng pumasok siya sa silid ko. Hindi ko siya tiningnan at ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro ng baraha. Nagkaroon narin ng bakas ng dugo ang mga baraha dahilan para mapangisi ako.

"Where's your manners?"Saad ko. Binalasa ko na ang mga baraha.

"Go...gomen nasai, Ojou-sama."(Sorry, YoungLady)

Mautal-utal niyang sabi at nagbow sa'kin. 

"Nakakalimot kana, Zuren."Hindi siya umimik at nanatili lamang itong nakatungo.

"Magpalit na po kayo ng damit."Naaninag kong inaabot niya sa'kin ang pulang damit. Tumayo na'ko at kinuha iyon. Hinubad ko na ang damit ko. Napansin kong nagulat siya ng maghubad ako sa harapan niya kaya agad siyang tumalikod sa'kin. "Tss." Ipinagpatuloy ko lang ang pagbibihis at ng matapos ...agad na'kong bumalik sa ginagawa ko.

"O...Ojou-sama...bakit kailangan mong.."Hindi ko na siya pinatapos.

"Ayokong ginagalaw ang mga pinagkakaingatan ko."Tinitigan ko siya.

Iniwas niya ang tingin niya sa'kin at matarantang kinuha ang mga damit na hinubad ko pati narin ang espada ko.

Nagbow ito sa harap ko at nagpaalam na bago lumabas ng silid.

Ayokong ginagalaw ang mga pinagkakaingatan ko dahil ang kapalit nun........ay 'KAMATAYAN'.

Binuksan ko ang isang itim na Cabinet. Napangiti ako ng makita ko siya. Ang taong nakaranas ng Kamatayan.

Diba......

"Jerry."

*********************************

Toraburu Koto(Trouble High): Kabanata:12

*********************************

a/n: 

*Yakuza-  (ヤクザ), also known as gokudō (極道), are members of Transnational organized crime syndicates in Japan.

*Wakizashi- isang uri ng espada tulad ng Katana at tanto.

--------------------

--------------------

@AddictedZ-  Zuren! Welcome sa Toraburu Koto! *Sabog Confetti* *Clap...clap..* pwaha! XD

@henesis_tuliao - Hello... Ang cute naman po ng reaction mo sa chap.11.. XD  Base narin sa pagsasaliksik ko at base sa sagot ng aking utol eh hindi naman po daw yun nakkmatay. XD pero malas nga lng dhil hindi na cla mkk-Ano ng chix XD pwaha!

@To my readers:

Bow po ako sa inyo dahil patuloy parin po ang pagbbsa niyo nito. :)

Kapag nababasa ko ang inyong mga komento eh hindi ko maiwasang mapahead bang sa sobrang kasiyahan na aking nadarama. XD nyehehe! 

 THANK YOU !!! TvT

Muli...ako ay mag-iiwan sa inyo ng katagang....I lab u! X3 lels! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...