She Who Dares Wins

By deymkewlkiddo

453K 9.7K 986

Guns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could ... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 30

15.7K 344 87
By deymkewlkiddo



Babala: short update kasi huli na hahaha

Chapter 30: Endings Are Sometimes Happy Beginnings

It has been months since that traumatic scene happened. Dapat nga ay sanay na ako sa ganun dahil lumaki naman ako na ganun ang nangyayari sa paligid ko, pero hindi eh.

Kapatid ko yun. Kapatid na matagal kong hinanap. Yung mga kuya ko kasi nasa ibang bansa naman at ako lang ang naiwan dito kasama si dad. I didn't know na may mas bata pa pala sa akin. And apparently, tinuturing niya akong kalaban this time.

Sana lang, she's in peace right now.


"Ly, you ready?" A girl interrupted my thoughts. I smiled when I saw her in her pink and white dress. Malaki ang ngiti niya sa akin kaya ginantihan ko yun.

"Wait lang, babe. I will talk to mom pa." Ang sabi ko naman. Andito kami sa likod kung saan nakalibing si mom. Sinamahan niya ako kahit na lagi na kaming nandito.

"I'll just wait for you inside the car. Bilisan mo ha? Baka ma-late tayo sa graduation nila ate Fille." Sabi niya. Tumango ako at saka. I stole a quick peck on her lips at hinampas niya lang ako nang mahina.


"Mom! Yung anak niyo oh!" Pagsusumbong niya habang palakad na siya palayo.mTumawa na lang kaming dalawa.


Pagkatapos nun ay bumalik siya sa kotse at saka iniwan ako sa may puntod ni mom.


Pag sumagot sa'yo 'to, Den, matakot ka na.



"Mom, ang kulit ni Den, di ba? Kaya siguro nagustuhan naming pareho ng kapatid ko. Sayang lang at di ka niya nakilala. Baka pag nangyari yun, walang mangyayaring ganito. Naka-move on na silang lahat. Ako na lang hindi. Kahit si dad, sumuko na rin ata sa paghahanap sa kanya. He keeps on telling me na hayaan na muna namin si Bea dahil masyadong bago sa kanya yung nalaman niya. Ni hindi nga kami sure kung buhay pa siya. No body found. Kung bago yun sa kanya, sa akin din naman ah? Ayoko lang na mag-isa siyang haharapin yun." Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa kaliwang mata ko. I still get emotional. I miss Bea so much.



"Tama na nga. Papagalitan na naman ako ni Dennise. Sasabihin na naman nun napakaiyakin ko daw. Ang tapang tapang ko tapos lagi akong iiyak. Hahahaha. Sige, mom. Baka naiinip na yung sa graduation. Akala mo naman siya yung graduating. Mahirap na, ako pa sisihin nun." Sabi ko at saka tumakbo papunta sa sasakyan.


Pumasok ako sa sasakyan at saka ngumiti kay Den. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin.

"Oh? Bakit?" I asked.


"Sira na make-up mo!" Pagtukoy niya sa nasira kong make up dahil sa pag-iyak.


"Tsss. I like it this way." Sabi ko na lang at saka nagdrive papunta sa gym. Minake-upan niya ako kasi trip niya daw. Parang ewan lang. Pag tinanggihan, magagalit. Labo.


We arrived na marami-rami na rin ang tao. So glad na reunited na ang mga batchmates ko with their family. Bago kasi sila pumasok dito, galit sila sa parents nila at ganun din naman ang parents nila sa kanila. Napakasaway namin eh. Siguro, we learn to value things that really matter.

Kasi pag nandun ka na sa bingit ng kamatayan, mga bagay na kinakatakutan mong maiwan ang unang papasok sa isip. That includes our parents. So much happiness in our campus! It's been awhile!


Anyway, iniwan ko si Den kila tito Mike and went to my friends na nagkukumpulan sa may photo booth.

Btw, nagalit sa akin si tito Mike that night I asked Den. And nope, nothing happened. Basta nagkwentuhan kaming dalawa hanggang sa nakatulog ako sa room ni Den. Tapos tito Mike, being a worried dad, pumasok sa kwarto ni Den. Yun, naabutan niya kaming dalawang magkatabing tulog. Nasermonan ako. Dad called tapos pinagtawanan lang ako. What a day. Pero okay na kami ngayon hahaha. He just gave a warning.


Naabutan ko si Kim, Ella ate Fille and Gretch sa tabi. Si Ara at Bang kasi nasa may photobooth, sila nagpapapicture. Bang will attend special classes para makahabol siya sa batch namin and kami naman ni Ara, we will continue running this school next year. We'll open it to everyone and wala ng frat wars kasi ang hassle pala. Siguro, sports na lang pag-aawayan namin hahaha.


Natapos ang graduation nila ate Fille with peace and happiness. Nakipagkamayan kami sa mga Archers and we made peace with them. Masaya kasi parang united na rin kami for the first time in history.


We took pictures with the graduates. Kaming barkada kasi finally, kumpleto na kami, nadagdagan pa nga. Magdidilim na rin ng matapos ang graduation. Yung iba tuwang-tuwa dahil finally, they're off to college. And they have time to spend with their family na. Yung iba excited to see the real world again. Traumatic may be, pero what happened months ago just taught new things. It taught us to be brave enough to face the challenges.

Maraming nagpasalamat sa akin nung humarap na ako sa lahat. They were scared. Akalain mo yung mga nagtatapang-tapangan, sila di pala yung titiklop sa dulo. Ayun nagpasalamat sa akin because I saved their lives. I shook my head nung sinabi nila sa akin yun. It was them who saved themselves. Their bravery.


Nawala ako sa pag-iisip na yun nang hinila ako ni Den palayo sa open space kung saan ginanap ang graduation. Dinala niya ako sa may gitna ng field, kung saan kami nag-uusap noon kapag dumadalaw siya sa dorm para kay Bea.

May naabutan kaming mga nakahandang pagkain dun. Nauna siyang umupo sa sapin na checkered tapos tinapik niya yung tabi niya. Dun naman ako umupo.

"Para saan 'to?" I asked.


"Gusto lang kita masolo." Den answered honestly.

"Solo? Next time na. Graduation nila ate Fille oh. Hindi na natin sila makakasama next year." Sabi ko.

"Saglit lang. Susunod din tayo sa kanila mamaya." Sabi niya. May handaan kasi sa kanila at parang maghahang out kami dun. Dapat paalis na kami kaso etong si Den, hinila pa ako dito.

"Do you remember the first time we talked here?" She asked. I nodded, "Yeah, galing ka sa dorm and I was here alone. Ikaw nanggugulo ng me time ko." Sabi ko naman tapos nakareceive pa ako ng kurot.

"Aray!" Sabi ko habang hinahawakan yung part na kinurot niya sa tagiliran ko.


Ngumiti lang siya sa akin. Parang baliw 'to.

"Crush na kita nun kaso ang sungit mo. Ayaw mo pa makipagkaibigan, kainis ka."

"Anong meron? Parang dati lang ayaw kong aminin na crush mo na ako umpisa pa lang."

"Ha! Kapal nito. Sinong magkakacrush sa taong nakashades eh nasa school naman?"


"Ikaw."


"Di din."


"Okay." I said at saka ngumiti na lang. Tumahimik na lang din siya. Hinayaan naming dalawa na dumampi sa akin ang malamig na hangin. I side hugged her at sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Pinanood namin yung mga seniors na naghahabukan sa malayo. Meron ding yung mga naghahagis na ng toga. Ang saya tingnan.



"Ang bilis ng oras. Parang lumulutang na lang tayo sa oras."


"Ha? Bakit ganun? Bumabagal oras ko pag kasama kita." Sabi ko tapos nagviolent reaction lang siya. Tumawa na lang ako. Di daw kasi siya sanay pag ganito ako.


"I hope she's in good hands now." Sabi ni Den.


"She is. And I think she's happy."



"Talaga?" Tanong niya at saka tumingin sa akin.

Again, I nodded, "She's Bea afterall. The sweet kid we know." Sabi ko. She smiled like yung sinabi ko is enough na para maniwala siya. I smiled at her too at saka hinug pa siya nang mas mahigpit.



This day may end for some people, but this could be a start for some too. I'm just happy that it's a good ending and a great start for everyone.

A lot of things happened, yung tipong mapapasabi ka na "ayaw ko na, can I just die, I give up". Pero we didn't give up. Kahit anong mangyayari, magiging part din naman ng past ang lahat. Lilipas din lahat.


I can't find a way to end this story because it's just the start of the real one. I know there will be a lot more challenges to come, and whatever, but I don't care. As long as my family and friends are with me, and Den's by my side. I could take them all.

We just want to thank you for being with us all. Thank you kasi kahati namin kayo sa mga emotion na nararamdaman namin sa mga pangyayari sa storya ng mga buhay namin. Thank you for being there until the end. Thank you for sticking with us through the roller coaster ride happenings in this story. If we're tough, you are too. Hahahaha. Alam kong nakakastress yung mga sikreto na di natin alam pareho kung kailan marereveal. We gave you headache pero nandyan pa rin kayo. Ang galing niyo. Hahahaha. Sorry lang if it took long para mahanap namin ang peace na alam namin sa una pa lang, ay gusto niyo nang maramdaman namin. We wish you well kung sakaling may DLM sa buhay niyo na hadlang din sa pangarap niyo. Kaya niyo yan gaya nang pagkaya namin! Kaya niyo yan. Basta pag may problema, isipin niyo na lang na lilipas din lahat. At some point, makakalimutan din nila lahat. Hahaha. Be brave. Don't be afraid to take risks. Kasi kung sino pa yung sumusubok kahit paulit-ulit, sila talaga yung nanalo. She who dares wins nga di ba? Hahaha. Maraming salamat sa lahat.


Yun lang, salamat. Salamat sa inyo, mga nagbabasa!

Supremo, and well, Den, signing out!

Endings are sometimes happy beginnings. Take it from me and Den. :)

+++++++++++




Crash story //









Few months ago


Sa isang liblib na lugar, may dalawang taong magkasama sa maliit na kubo na pinapaligiran ng matatayog at malalaking puno. Ang isa ay nakahiga at nababalot ng benda ang katawan at ang isa naman ay naghahanda ng hapunan.

Tahimik  sa paligid at tanging paghampas lamang ng hangin sa mga dahon ng puno, mga insektong gumagawa ng ingay, at tunog nang nagbabagang apoy lamang ang maririnig sa paligid.


Mabuti na lamang at may kuryente sa lugar kaya mas komportable ang walang malay na babaeng nakahiga. Mas magaan siguro ang pakiramdam niya. Hindi gaya ng iba na habang walang malay, o tulog nang may iniindang sakit, binabangungot.

Ang kaninang puno ng dugong damit niya ay nakatabi na sa lamesita na katabi ng kama ng kubong iyon. Inayos na yun ng babae para mas magaan ang pakiramdam ng kapatid ng boos niya.

Malamig na sa loob dahil gawa lamang ito sa kawayan kaya malayang lumalabas at pumapasok ang malamig na simoy ng hangin. Hindi na kakailanganin ng electric fan. Mas malamig pa nga ang hangin pag iyon lamang ang materyales ng bahay. Wag lang sa polluted na lugar gaya ng Manila.


Ilang sandali pa lang ay may ingay na narinig ang babaeng gising. Ito ay mula sa pagbangon sa kamang gawa rin sa kawayan ng babaeng natagpuan niyang walang malay tatlong araw na ang nakararaan.


Agad niya itong dinaluhan pero inalis lamang nun ang kamay niya. Ininda niya ang sugat sa kanang balikat at ang namamagang binti dahil rin sa sugat.


Nakapikit pa ito kaya hindi niya napansin ang mukha ng kasama niya sa kubo. Hawak pa nito ang ulo dahil sa sakit na dulot ng tatlong araw na tulog.


"Bea, humiga ka muna." Sabi ng babaeng nakatagpo sa kanya. Agad niyang minulat ang mata dahil hindi pamilyar ang boses na iyon sa kanya.


"Sino ka?!" Takot na tanong ni Bea. Napaatras pa ito sa kama na naging dahilan ng mabilis niyang pagkilos kaya muling nadama niya ang sakit ng katawan dahil sa mga sugat na natamo niya sa bakbakan.


"Humiga ka muna!" Galit na utas nito sa pasyente. Medyo mainitin din kasi ulo niya.

Mas mabuti daw na tulog pa si Bea dahil madali niya itong naaalagaan.

"Teka, sino ka ba?" Tanong ni Bea. Medyo wala na ang pagkagulat niya. Mukhang hindi naman siya sasaktan ng babaeng naka-itim na iyon. Mula ulo hanggang paa. Kasi kung may balak ito, dapat wala na siya doon. Baka hawak na siya ng mga galit sa kanya.

At saka mukha naman mabait. Pero takot pa rin siya, di siya sanay sa bagong mukha.


"Ano ba? Masakit na yang sugat mo, akin na papahiran ko pa ng gamot!" Sabi nito. Hindi naman ganoon kalalim ang tama ni Bea. Kailangan lang talagang lagyan ng gamot para mas mabilis maghilom ang mga iyon.


"No, I won't let you touch me!" Hysterical na sigaw ni Bea.


"Ang arte mo naman. Ilang araw na kitang inaalagaan. Hindi mo lam kung ilang beses na kitang nahawakan." Sabi nung babae.

Nawindang si Bea sa narinig, "WHAT?!"

Natawa lang yung babae.


"HOY! SERYOSO AKO!!! SINO KA?! BAKIT AKO NANDITO? BAKIT KITA KASAMA? ANONG PANGALAN MO??"

Tumawa lang yung babae at saka umirap na lang sa kanya dahil mas inalala pa nito ang pangalan niya kaysa sa kondisyon nito. Masakit na nga ang pangangatawan, nagawa pang magtanong ng pangalan ng ibang tao.

"Agent JM15 ng Valdez Empire. Jhoanna Maraguinot real name ko. Okay ka na ba, Bea de Leon?"






/////////

Yaaaaaaay! Tapos na. Iniklian ko na yung ending para happy happy na lang hahaha.
Sabi sa inyo baka di niyo magustuhan yun ending hahaha. Wala ng next! Hahaha. Thank you sa mga naghintay ng ilang buwan for each update. I love you all! Hope you enjoyed reading this. Yun lang!

-dey

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 20.4K 66
"1st rule: bawal mainlove sa subject nyo" <----- patay! bagsak na agad,. Anong gagawin mo kung mahulog ka sa subject mo habang nasa kalagitnaan ka...
74.6K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...
898K 14.2K 72
Love was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...