The Temporary Girlfriend

By tearscream

467K 8.8K 345

Formerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013 More

I'm His Temporary Girlfriend
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine -- Part One
Chapter Nine -- Part Two
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Epilogue

Chapter Seven

11.1K 200 1
By tearscream

So ayun, napag-usapan namin ni Red na pag morning at hindi niya ako masusundo, yung driver ang susundo sakin. Pagka hapon naman, dapat hintayin namin ang isa’t isa...

2 araw na din simula nung nalaman ng mga kaibigan ko na ‘kame’ na at sa dalawang araw na yun, di pa rin nila ako pinapansin. :(

Wednesday ngayon at hindi kami im-meet ng last period prof namin. Dapat umuuwi na ako sa ganitong pagkakataon pero hinihintay ko pa si Master Red. May practice pa siya eh kaya dito muna ako sa bench sa may field para gawin yung mga homeworks ko.

Natapos na ko’t lahat hindi pa rin ako pinupuntahan dito ng boyprend ko! So ayun, tinitigan ko na lang yung mga tao sa field... tapos nakita ko si Vincent... may kausap nanaman siyang babae. Sa tuwing nakikita ko siya, lagi siyang may kausap na girlaloo.

“Haaay. Pasulyap sulyap lang... patingin-tingin,” sabi ko sa sarili ko. Parang timang lang eh noh? Naalala ko na lang yung nangyari kahapon...

*konting Flashback

*KRIIIIIIING*

Sa wakas! Natapos na rin ang klase ko. Hindi pa ako naglulunch at ang usapan eh magkikita kame nina Danna sa caf para sabay kaming kakain dahil hanggang ngayon eh iniiwasan pa rin ako ng mga kabarkada ko. Haaaaay :(

Lumabas na ako ng room at nakita ko si Danna sa may hallway. Tatawagin ko na sana siya ng nakita kong may kausap siya. I squinted my eyes... si Vincent. OMO! Magkakilala sila?

Tinitignan ko lang silang dalawa habang nag-uusap at nagtatawanan doon. Nakaramdam ako bigla ng selos. Don’t tell me... girlfriend ni Vincent si Danna? Aray naman! Chos. Kala mo naman may pag-asang makilala ako ni Vincent.

After nung unang pagkikita namin, ngayon ko na lang ulit siya nahagilap dito sa campus. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, “hey! Nakapag-aral ako dito oh!” pero di ba nakakahiya yun? Malay ko bang nalimutan niya na ang una naming pagkikita? Charing. :D

Nung nagsimula ng maglakad sina Danna at Vincent, sumunod din naman ako. Nakita ko pa si Vincent na ngumingiti sa mga taong makakasalubong niya. Ang gwapo niya talagaaa!! Tapos kada ngingitian niya yung mga kababaihan, kinikilig din naman sila.

Kahit saan sila pumunta nakasunod lang ako. Hindi ako stalker, okay? Sinusundan ko lang sila. Ano ba ang sunod sa english? Diba follow? At anong tawag sa nag-ffollow? Eh di follower! So follower ako hindi stalker. Oh diba? Galing ng logic ko. Wahaha

Nung napahinto sila at napalingon si Vincent, todo tago agad ako at nagpapanggap na may tinitignan sa stairs kahit wala namang tao doon. Baka mamaya akalain pa niyang sinusundan ko sila ni Danna! Hindi kaya noh!

Napalingon at sumilip kung saan na sina Vincent ng biglang...

“Violet!” napatayo ako ng diretso at nagpretend na nililinis ko yung black shoes ko kahit na wala naman talagang dumi. Inangat ko ang ulo ko at nakita sina Lili at Giezel na nakatayo sa harap ko na naka-kunot noo.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Huh? Wala... naglilinis ng shoes..”

“Asus. If we know, may sinusundan ka lang!” Sumilip din sila doon sa sinisilipan ko kanina, napalingon din ako at nakita naming naglalakad na si Danna papunta sa amin.

“Oh? Problema niyo?” tanong ni Danna.

“Saan ka galing?” tanong ko.

“Sa Office ng Org namin. Nakasabay ko pa nga si Vince eh..”

“SI VINCENT WEE?!” sabay na tanong nina Giezel and Lili. O-kay. Don’t tell me sikat din yun?

“OMG! Danna! Dapat ipakilala mo na talaga kame kay Vincent!! Matagal ko na yung crush!!”

“Sikat ba din yung... Vincent?”

“Hindi naman. Sikat pero hindi kasing sikat nung boyfriend mo noh. Ayeee. Siya ang man of my dreamss~” sabi ni Lili habang nagniningning ang mata...

“Ahhhh~ sana maging boyfriend ko siyaaaa~” –Giezel

“Crush mo rin yun?!” shock na tanong ko. Napatigil naman silang tatlo.

“OMG friend, don’t tell us crush mo rin si Vince?!” at tumili naman sila.

*End of Flashback

So yun nga, nakakaiyak talaga. May kaagaw na ako kay Vince. Ajuju.

“Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa~?” Napakanta na lang ako.

“Aba.. nangangarap ka ng gising dyan?” Napalingon naman ako. Hay! Sa wakas! Dumating na rin siya!

Umupo siya sa tabi ko at tinignan si Vince. Hala. Baka mainlab to kay Vince. Wahahaha. De joke lang.

“So yan pala mga tipo mo.. habulin, gwapo, chinito, matangos ang ilong, maputi, matangkad, may kissable lips, makapal ang kilay, maangas tignan—“

“Teka, bakit parang sarili mo ata ang dine-describe mo?”

Ngumiti siya ng nakakaloko. “Ay, hindi ba ako ang type mo?”

Hinampas ko nga. “Ambisyoso ka! Ikaw na lang?”

Nilagay niya naman ang kaliwang kamay niya sa may dibdib niya at nag-act na parang nasasaktan. Yaks.

“Aray naman. Ganyan ba ang tamang sabihin sa boyfriend mo?”

Tinginan ko nga ng masama sabay irap. Tumawa naman siya.

“Yang mga tipo mo, mga good boys, madami kang kaagaw diyan.”

“I know! Sina Lili at Giezel nga may crush sa kanya! Paano na lang niya ako mapapansin?”

“Sigurado ka bang kahit walang magkakagusto diyan eh mapapansin ka niyan?”

Aba’t--! Hinampas ko nga ulit. Lenye. Imbes na suportahan ako.

“Grabe ka sakin! Kapansin-pansin kaya ako!!” diba? Diba? Diba?!

Tumawa lang siya. Weird. Habang busy siya doon, niligpit ko na ang gamit ko habang nagsasalaysay ng isang paragraph kung bakit ako kapansin-pansin. :D

(patalastas: Vincent sa right side. Oh diba? Ang gwapo niya? Wahaha. Mahal ko talaga si Song Joong Ki. Akin na siya! *bow* wahaha. Sige, ipagpatuloy... XD)

“Tara na nga!” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko.

“Oi! Saan tayo pupunta?” sabi ko habang naglalakad kami.

“Kain tayo. Gutom na ako. Saan mo gusto?” Ayy. Eto gusto ko kay Red eh, galante. Wahahaha.

“McDo na lang tayo, mas malapit eh.” Di halatang gutom ako noh?

***

Pumasok na kami sa loob ng Mcdo. Alangan namang sa labas, diba? Ay ewan. Inaaway ko ang sarili ko. Sakit na to.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya.

“McSpaghetti with medium coke, medium fries, cheese burger and sundae. Ayy! Extra catsup ah?”

Tinignan niya lang ako na parang di kapani-paniwala ang sinabi ko. “Ilang tyan ka meron?”

“Ang OA mo! Konti lang nga yang in-order ko.”

“Oo na, oo na. Hanap ka na bakanteng table.” Pumila na siya at ako naman, naghanap ng vacant space. Ayun! Sa pinakadulong parte.

Naghintay ako doon. Hindi naman madami ang order ko, dibadibs? Sadyang yun talaga ang lagi kong in-order kapag kumakain kame dito ng mga kaibigan ko.

Ilang sandali pa, dumating si Red na may kasama pang isang crew. Nilapag nila yung pagkain.

“Enjoy your meal, sir, ma’am..” tapos umalis na rin siya.

“Siguraduhin mo lang na mauubos mo yan ah?”

“Oo naman! Wala pa kaya akong nasasayang na pagkain noh!”

Doon lang kame umuupo, kumakain, usap-usap. Eto pala first date namin noh? Char. Date daw. Eew. Hahaha.

Nagkwento siya ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili niya, ganun din naman ako. Nalaman ko na mahilig pala kami manuod ng mga movies na may genre na mystery or thriller and humor. Gaya ko, mahilig din siya sa music and fan ng iba’t ibang banda. Mga ganun... nagkwento din naman ako tungkol sa pamilya ko, siya din naman, may nakakatandang kapatid pala siya na lalaki pero di na niya in-elaborate yung ibang details. Tapos napunta kami sa past relationships...

“Wala ka bag ex-boyfriend?” bigla niyang tanong habang sinusubo yung sundae niya.

“Waley. Walang nagkakainteres sakin.”

“Asus. Pa-humble effect ka lang.”

“Totoo nga eh. Eh ikaw?”

“Wala akong ex-boyfriend.” Sinipa ko nga. Pilosopo.

“Aray! Brutal ka masyado ah!” sabay himas sa leg niyang sinipa ko.

“Eh kasi naman! So ano, ex-girlfriend?”

“Yeah.. meron.”

“Ilan?”

“Mga... 3”

“Sa 3 na yun, ilan ang seryoso?”

“Grabe ka naman! Lahat yun seryoso noh!”

“Weh? E bakit ang flirt mo?”

“Aray. Ako? Flirt?”

“Ay hindi ba?” Waha. Totoo naman diba? Inirapan niya ako at may kung ano-anong binulong. Masyado ba akong harsh? Pasensiya naman. :P

Iginala ko naman yung mata ko. Mag-6 pm na pala. Dumadami na yung mga tao dito. Mga ganitong oras kasi lumalabas yung ilang studyante, at dahil gutom, dito sila kumakain dahil malapit sa school.

Tinuon ko ang paningin ko kay Red. At aba’t--! Pumuslit pa ng fries ko! Bago niya pa mapasok sa bunganga niya yung fries, pinigilan ko na yung kamay niya.

“Hala! May sarili kang fries kumukuha ka sakin!”

“Naubos na eh..” at ipapasok niya sana ulit pero pinigilan ko. Nag-wrestling yung mga kamay namin para di niya lang masubo yung fries. Para kaming mga timang doon. Wahaha. Ang damot ko sa kakapiranggot na fries lang noh?

Hindi ko inasahan yung sunod niyang ginawa. Sinasabihan ko kasi siya noon at nung pagbukas ko ng bibig ko, shinoot niya agad yung fries. Na-shock ako kaya kumuha ako ng tatlong fries at sinuksok sa bibig niya. Ayan! Wahaha.

“Ang sweet naman ng dalawang to. Nagsusubuan pa.”

Napalingon kami ni Red sa left side namin kung saan may middle-aged couple na nakatayo at nakatingin sa amin ng nakangiti.

“Tignan mo Hon, naistorbo pa ata natin sila. Sige mga bata, iapagpatuloy niyo lang yan,” sabi naman nung asawa nung nagsalita kanina saka umalis na. Napalunok naman ako at agad namang nabulunan. Nalimutan kong may fries pa pala sa bibig ko. Agad namang inabot ni Red yung baso ng coke sakin. Nung okay na ako, napatingin ako sa paligid. At shemaaaaii!! Ang daming nakatingin samin. Karamihan schoolmate pa namin! Napayuko na lang ako sa kahihiyan... tapos narinig kong tumatawa ng mahina si Red. Tinignan ko nga ng masama. At doon na siya natawa ng malakas. Jeez.

***

Lumabas na kami ng McDo. Tawa pa rin ng tawa si Master. Lenye. Napahiya na kami’t lahat... masaya pa rin siya.

“You know...” Napalingon naman ako sa kanya habang papunta sa kotse niya. “Eto yung first time na nangyari sa akin to. And kahit nakakahiya, nakakatuwa yung nangyari... so, thanks.” Tumawa nanaman siya nad pinched my cheeks.

Napatulala ako. Bakit parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Hindi kaya....

*BEEP BEEP*

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang unwanted thoughts and sumakay na sa kotse ni Red.

Hindi.. imposible...

---

:)

<3 Tear.

Continue Reading

You'll Also Like

194K 5.2K 19
From a scale of 1-10, Atty. Jessa Althea Delarmente is a perfect ten. Mabait, maganda, matalino at mapagmahal na anak at panganay sa tatlong magkaka...
287K 3.8K 47
Complete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash a...
756K 11.4K 42
[Completed] Book 3 ng My Bestfriend is a Heartbreaker. Four years after makipagbreak ni Belle kay Ross. Belle was hurt, but Ross was even more devast...
3.2K 349 72
A story in which Gayle Johanna met again her rival, after six years. What will happen? Are they going to have another comeback, or another series of...