The Temporary Girlfriend

By tearscream

467K 8.8K 345

Formerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013 More

I'm His Temporary Girlfriend
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine -- Part One
Chapter Nine -- Part Two
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Epilogue

Chapter Four

12.8K 244 2
By tearscream

Nag-offer si Red na ihatid ako sa amin pero tumanggi ako. Aba lang! Kahit na gwapo yun baka ano pang magawa nun sakin noh! Mga alas 5 na nung makarating ako ng bahay. Nagdecide kasi muna akong magmuni-muni. Parang ang dami kasi nung nangyari eh. Kailangan kong mag-unwind kaya tumambay ako sa park and kumain ng ice cream. :D

Pagkauwi ko, kompleto ang buong pamilya sa living room except kay Daddy. Nung pumasok ako, sabay sabay silang napatingin sa akin. Aish.

“Bakit ngayon ka lang?!” sabi ni Ate Maggy. Sa totoo lang, sobra pang magalit yan si ate kesa kina mama at daddy. Minsan nga sina mama wala ng pake, siya ginagawa pang big deal. Madalas nga napapaisip ako, baka siya talaga ang tunay kong ina. :D But oh well, mahal ko naman yan so pagtiisan na lang.

“Baka nakipag-date pa. Kamusta naman yung boyfriend mo?” si Kuya Indi naman ang pinaka-supportive sakin. Ako kasi ang sumunod sa kanya kaya siguro ganyan. Pero cool lang yan si kuya. Para siyang ‘masaya ang buhay, bakit kailangan pang magalit?’ na klase ng tao.

“’Yung totoo, Ate Vee, inakit mo lang yun noh?” eto namang si Purple, eto yung palagi akong inaaway. Ang weird lang eh noh? Siya pa tong mas bata, siya pa tong inaaway ako.

“Tigilan niyo na nga yan. Bakit ba kasi di mo sinabi na boyfriend ka na? Ayos lang naman talaga sa amin, Vee. Pero sana wag ilihim.”

Umupo ako sa couch at inilapag ang gamit ko doon.

“Sorry po talaga, Mama.”

Napatingin naman si mama sa’kin, “Basta mag-aral ka pa rin ng mabuti ha? Wag kang mag-aabsent ng class mo para lang doon sa boyfriend mo. Ayokong malaman na may retake ka kasi kung meron! Naku! Yang tenga mo, matatanggal yan sakin!”

I gulped. O.O Kapag sinabi ni mama, gagawin ni mama. Takot ako kay mama. “O-opo.”

“Oh, Maggy, Vee, dali dito at tulungan niyo kong maghain para pagkauwi ni daddy eh luto na.”

~~~

“Ma, ‘Dy, nakahanap pala ako ng scholarship. Bale po, paid na yung fees ko sa school this semester lang po. Next sem, mag-aapply na ako ng school scholarship.”

Napatigil naman si daddy sa pagkain. “Anong scholarship pala yang meron ka ngayon?”

Interrogation time. “Private po. School provided pero private sector. Wala po kasing assurance na magtatagal ako doon sa scholarship na yun, kaya mas okay na yung may back-up plan.” Sorry family, pero mas okay na yan yung sabihin ko sa inyo.

“Okay na rin yan.”

“Ay nga pala, susunduin po ako ni Red, yung boyfriend ko bukas po ah? Gisingin niyo kong maaga, ma ah?”

The next morning...

Geez! Sabi ko kay  mama gisingin ako ng maaga! Unfortunately, ang tingin niya pala sa maaga eh alas 8! At ang dahilan niya sa’kin, “Ang maaga kaya sa’yo 10 am. Buti nga inagahan ko pa ang gising ko sa’yo.” Grr. Okay, ma! Ikaw na talaga. >.<

So, pagkababa ko, nakita ko si Ate Maggy, Kuya Indi at Purple na kausap si Red. Aba. At mukhang close na silang apat ah.

“Oh? Ang aga mo ata? Kaka--” hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko eh agad naman nila akong kinaladkad palabas ng bahay. “Oi teka!”

“Vee! Wag mo naman sanang paghinatayin ng ganoon ang boyfriend mo! Tignan mo nga anong oras na. Umalis na kayo. Maging masaya sana ang date niyo” sabi ni Ate. Asan na ang mabangis kong ate? At anong date?

“Pero di pa ako kumakain!”

“Papakainin ka naman ni Kuya Red eh. Wag ka na ngang mag-inarte dyan!” si Purple at Ate Maggy, magka-ugali. Grr. Grade 7 pa lang yan ah, pero ang talas ng dila.

***

Pumasok kame sa isang exclusive na subdivision. Never kong pinangarap na makipag date sa loob ng isang subdivision. O________O Ano ba ang ginagawa namin dito? Suddenly, nagstop kame sa harap ng isang bahay. May kung ano siyang kinuha doon sa bulsa niya and press something doon and biglang bumukas ang gate. Ang mayayaman talaga.

Pagkapasok namin, napagtanto ko na bahay pala nila to. Wow. Ang lawak ng lugar. Twice ng laki ng bahay namin ang laki ng bahay nila. Pwede na nga akong magpagulong-gulong sa damuhan dito, masaya na ako. :D

Bumaba na siya at akala ko pagbubuksan niya yung pinto ko pero... akala ko lang pala.

“Oh, Violet, di ka ba lalabas diyan?” inalis ko na ang seatbelt ko at lumabas ng kotse niya.

“You know what... I’m starting to not like you more and more...”

He smiled. “Well, that’s good to hear.”

***

 Andito ako ngayon nakatingin sa napakalawak nilang pool habang kinakain ang carbonara na inihain ni Nanay Fe, ang kasambay nila, sa akin kanina. Hmmm. Dapat siguro magchange na ako ng PE. Mag-swimming na lang ako. Para kung may assumerang girlpren man ang biglang sumulpot dito at bigla akong itulak dyan sa pool nila, marunong akong mag-ala sirena. :D

Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko ng may biglang umupo sa katabi kong chair.

“Vee? Earth to Violet, Earth to Violet...” binatukan ko nga.

“Wag kang epal. Nilalasap ko ang tanawin dito eh!”

“Aray ko naman! Bakit ka ba nambabatok? Psh. Oh ayan, papel at ballpen. Isulat mo na ang rules natin.” Kinuha ko yung papel at ballpen.

“Number one rule, dapat lagi akong sinusunod ni Red.”

“Oh, abuso na yan ah!”

“Anong abuso? Ganyan naman talaga ang mag boyfriend! Masunurin sa girlfriend!”

“Yeah, right pero hindi naman importanteng rule yan. Dapat yung importante talaga.”

“Okie. Ikaw masusunod, bossing kita eh.”

“Good.”

Pinag-usapan namin yung rules. Ewan ko lang kung may kwenta yung ibang rules. Pati nga yung kontrata ginawa na din. Ayaw daw kasi ni Master Red ng verbal agreement dahil madaming beses na daw siyang naloko diyan. Napaka-masikreto nitong boyfie ko, uso naman sana ang share ngayon.

Pumunta kame sa room niya at doon fininalize ang lahat. Ang laki lang ng kwarto niya at ang linis. Dinaig pa yung kwarto ko e tapos may sariling entertainment area dito. Iba na talaga pag mayaman ka. Yung kwarto mo, pang hotel na.

Nung natapos na kame sa pagawa ng kontrata at rules, pinaprint namin at may kanya-kanya kameng kopya. Tapos, we signed it na.

(a/n: puro ka-echosan lang ang rules and contract na to. Hindi ako marunong gumawa nun, soo... I’m sarreh ;D)

RULES:

#1. Tanging si Jarred at Violet lang ang dapat makaalam sa deal.

#2. Violet should act like a real girlfriend. Jarred should act like a real boyfriend.

#3. PDA is not allowed.

#4. Hatid-sundo ni Jarred si Violet.

#5. Respetuhin ng bawat isa ang desisyon ng isa.

#6. Acknowledge each other in front of friends, family, mates.

#7. Exchange information about each other.

#8. This is just a job.

CONTRACT:

As of 22 June 2013, Violet Ree Arcillas will work for Jarred Nikolo Candry as his temporary girlfriend. The employee and employer shall follow the set of rules discussed by both side. This deal will be over once the employer get what he wants.

Signed by:

Violet Ree Arcillas

Employee

Jarred Nikolo Candry

 Employer

And the real story begins here...

---

Thank you sa patuloy na nagbabasa ng story na to. Vote and Comment po kayo. :)

<3 Tear.

Continue Reading

You'll Also Like

803K 12.1K 36
[Ongoing revision ahead.] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician...
41.1K 884 32
How #2 of How Trilogy Paano nga ba makalimot? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Ang...
361K 12.2K 41
Sa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi k...
13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...