She Changed Book 1 (Finished)...

By iamKIMPOT

41.8K 522 149

Book 1: Story of a girl that change because of love,friendship and family. She change her good personality in... More

She Changed <Prologue>
Chapter 1: The beginning
Chapter 2: She remember the Past
Chapter 3: HE looks like Him
Chapter 4: Her Friend is BACK.
Chapter 5: A Letter??
Chapter 6: He came
Chapter 7:My Twin sister and my fake cousin..
Chapter 8: That voice
Chapter 9:He knew it!
Chapter 10:Surprise!
Chapter 11:1 secret revealed
Chapter 12: Joke to Trip
Chapter 13: She's a Gangster??
Chapter 14:She was saved by a Ghost
Chapter 15: Her name Sadako.
Chapter 16: For nth time they met Again
Chapter 17: What kind of Glare is that?
Chapter 18: Drop the ball
Chapter 19: That Old Man.
Chapter 20: He's Beloved Ice Cream
Chapter 21:Breaking Her World
Chapter 22:She Don't Care
Chapter 23:She Hurt The Important Persons
Chapter 24:Beat HIM
Chapter 25: Bring back the LOVE
Chapter 26:First and Last
Chapter 28: Betrayal.. My Friend..
Chapter 29:It's my Turn
Chapter 30: Rioma Richwood
Chapter 31: Each of You
Chapter 32: Red Roses to Black Roses
Chapter 33:Friendship :)
Chapter 34: She Ruined Everything
Chapter 35:Heart or Mind?
Chapter 36: Ideal Daughter
Chapter 37: Her Side (Part 1)
Chapter 37: Her Side (Part 2)
Chapter 38: I.D.
Chapter 39: Wake up! Mika
Chapter 40: Last Chapter (Part 1)
Chapter 40: Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Halloween Special Chapter
Book 2: She Will NEVER Changed <Prologue>
Chapter 1: College Life
Chapter 2: Smile, Mika
Chapter 3: Ralph, a Two Timer??
Chapter 4: I will never let you go.
Chapter 5: Meet the BadBoy
Chapter 6:Hate or Love
Chapter 7: Ana
Chapter 8: A Deal is a Deal.
Chapter 9: Rain on the Rain
New Year's Special Chapter
Chapter 10: Living for good?
Chapter 11: Living for good? Part 2
Chapter 12: Is HE Lying?
Chapter 13: Savior
Chapter 14: Failed
Extra Chapter: Valentine's Day Special
Chapter 15: Weird?
Chapter 16: Investigation
Chapter 17: Caught in the Act
Chapter 18: Caught in the Act... AGAIN??
Chapter 19: Revelation

Chapter 27: Slut? Malandi? NO WAY!!

552 5 3
By iamKIMPOT

Chapter 27: Slut? Malandi? NO WAY!!

<Cyril’s POV>

Ewan ko ba pero eto nanaman yung pakiramdam ko na parang may hindi magandang mangyayare..

Naglalakad na ako ngayon pauwi.. at hindi ko parin alam kung anong ginawa ng g*gong lalaking yun kay ate mika..

Swear pag may ginawang hindi maganda yung lalaking yon hindi talaga ako magdadalawang isip na bugbugin ulit siya..

Nakakaimbyerna talaga!!

Pagkapasok ko sa bahay ay pumasok ako agad sa kwarto ni ate mika..

Pagkapasok ko roon ay wala pa ni liwanag na maaninag..

Wala pa siguro siya..

Sinara ko ulit yung kwarto niya at nagbihis muna ako, pagkatapos ay umupo muna ako sa may sofa at nanuod ng t.v.

Habang nanonood ako ng t.v ay nagbukas ang pinto at si ate mika ang ibinungad nito..

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at hinawakan ko ang mga balikat niya..

Tinitigan ko siya ng mabuti..

Nakayuko siya.. ayaw niyang itaas ang mukha niya..

“ate??”

Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at tumitig siya sa akin..

Hindi ko alam pero may ipinahahayag ang mga mata niya na hindi niya kayang sabihin..

Tinatago niya ang nararamdaman niya..

Nafefeel ko parang may gusto pa siya sa g*gong yun ehh..

“ate.. sabihin mo sa akin ang totoo.. mahal mo pa ba si hiro??”-daretso kong tanong sa kanya..

Biglang nagtaka ang mga mata niya sa tanong ko..

“h-hinde??”-ako

Bigla siya yumuko at…

“OUCH!!” ATE NAMAN!!”

Pano kaya sinuntok niya ang tiyan ko..

Ang sakittt!!! :((((

Pagkatapos niya akong suntukin ay nagdirediretso niya uli siya sa kanyang mahiwagang kwarto..

Ako naman tong namamalipit sa sobrang sakit nang suntok niya sa may tiyan ko..

Kayo kayang masuntok ni ate mika noh..

“ohh.. Cyril bat nakahiga ka jan sa sahig ha??”

Tumingin ako doon sa nagsalita at andito na si mama..

“ah.. w-wala po..”-pagsisinungaling ko..

“tumayo ka nga diyan. Ang dumi dumi jan.. tapos hihiga ka..”-mama

Tumayo ako kahit namamalipit na ako sa sobrang sakit..

Kinabukasan din ay miyerkules as usual ano pa ba..

Nasa may tapat na kami ng gate ng school ng nakita ko si Ralph na patakbo sa amin ni ate mika..

“cy.. *hingal* m-magugulat *hingal*--“

Hindi ko na muna siya pinagsalita dahil sa hingal na hingal siya..

“hinga kanga muna ng malalim.. ano ba yang sinasabi mo ha?”-ako na may pagtataka.

Paalis na sana si ate mika pero lumapit si Ralph sa kanya at hinila..

“uyy Ralph..”-ako

Sinundan ko sila kung saan man dadalhin ng lalaking to si ate mika..

Hindi naman pumapalag si ate mika..

Napadpad kami sa may building ng mga 4th year.. kung saan ang room namin..

Bat andaming tao dito??

May flag ceremony ba??

Wednesday Flag ceremony??

Tumigil na sa paglalakad si Ralph..

Dinig ko sa paligid ang usap usapan ng mga estudyante na nandirito..

“diba siya yung nasa tarpaulin??”

“yung gangster?”

“siya pala yung mang aagaw..”

“pangit talaga ang ugali niya noh..”

"malandi nga siya"

Napapatingin ako sa mga taong to..

Anong problema ng mga toh..

Nag sigh si Ralph at sabay sabing..

“tumingin kayo sa taas..”-ralph

Napatingin naman ako sa taas at..

O__O

Napatingin ako kay ate mika at naka close fists na siya habang tinitignan ang pagkalaki laking tarpaulin na ang larawan na nakaukit doon ay sina hiro at ate mika na naghahalikan at may naka sulat pang "i have you boyfriend" sa ibaba nito..

Napayuko si ate mika..

Ayoko to.. pinapahiya na niya si ate mika..

Tama na…

Tumingin ako sa paligid may ibang nagbubulungan, may ibang nagtatawanan, may ibang tinuturo si ate mika..

“TAMA NA!!”

<Ralph’s POV>

“TAMA NA!”

Sumigaw si Cyril at lahat ng nasa paligid ay nagumpisa ng tumahimik..

Ewan ko pero sobra na to..

Hindi na tama..

“ANO BANG NAPAPALA NIYO SA PANGIINSULTO KAY ATE MIKA HA? MAY NAKUKUHA BA KAYONG MAGANDA?!!”-pagsisigaw ni Cyril..

Nilapitan ko siya at pinipigilan..

Nawawalan na nang control si Cyril baka biglang makasakit ng tao ito..

Tahimik…

Wala ni isa ang kusang sumagot..

Pero may naririnig kaming mga yabag papalapit sa amin..

Si mika? Nakayuko parin at naka close fists ate ready nang makipag away..

Nakita ko yung isang babaeng papalapit sa kinatatayuan namin..

Ni isa walang nagtangkang lapitan siya para pigilan..

Pamilyar ang babaeng ito..

Kelan ko kasi siya nakita?? AHH! Naalala ko na! siya yung babaeng tinulungan ni Cyril sa bar noon..

Tumigil siya sa harap ni mika..

Laking gulat naming lahat sa ginawa niya..

*SLAP*

Napaangat ng ulo si mika sa ginawa nung babae sa kanya at nag death glare siya..

Imbis na lalong magalit yung babae ay bigla siyang kinabahan sa tingin ni mika sa kanya..

Kahit ang mga ususero’t usiserang nandito nangilabutan din sa tingin nay un ni mika..

Hindi siya basta basta death glare..

SUPER DEATH GLARE SIYA!!

Ayan capslock pa!!

Yung iba pa nga nag step back dahil sa tingin nay un ehh..

“WALANG HIYA KA!! HANGGANG NGAYON PARIN BA INAAGAW MO SA AKIN SI HIRO!! MANG AAGAW KA! MALANDI KA!”-galit na sigaw nung babae..

Susugod sana si Cyril pero pinigilan ko siya..

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka..

Umiling lang ako na sumesenyas na “hayaan mo siya”

Sasampalin ulit sana nung babae si mika kaya lang naunahan na siya ni mika at nakuha na niya ang mga kamay niya bago pa siya makadampi sa mga pisngi niya..

Hinawakan ng mahigpit ni mika yuhng wist nung girl kaya napapasigaw siya ng “ARAY!! ANO BA HA!! MASAKIT!!”

Feeling ko nagpipigil lang nang galit si mika.. dahil halata naman sa mga mata niya ehh..

Bago pa man binitawan ni mika ang pagkakahawak sa kamay nung girl ay sinampal niya ng malakas yung girl kaya napahiga siya sa sahig..

Nag GASP lahat ang mga nanunuod..

May iba nagsasabing..

“gangster nga siya”

Dahil sa malakas siyang sumampal..

Napahawak sa may pisngi niya yung girl at tumayo agad..

“WALANG HIYA KA TALAGA!! Ikaw pa may ganang sampalin ako! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!”-pagsisisigaw nung girl..

Tumaas lang ng isang kilay si mika..

At palapit na lumapit dun sa girl.. pero eto naming si girl ay nagste-step back..

Takot siguro?? :D

Kita sa mata nung girl ang pag iwas sa mga titig ni mika sa kanya..

Kahit naman din ako noh kung tititigan ako ni mika ng ganun parang feeling mong may sasanib sayong masamang espiritu..

Nag close fists si mika at nagsalita…

wala kang karapatang sampalin ako dahil wala kang alam…”-mika

“anong walang alam.. ehh ano yan?? *sabay turo dun sa tarpaulin* wag mung sabihing hindi totoo yan ha?? Kayong dalawa ni hiro yan at ikaw nanaman ang nang ahas  sa kanya!”-pagsisisgaw ni girl

Nagsmirk si mika..

Ewan ko pero parang wala siyang pakialam sa mga sinasabi nung girl parang ang calm lang niya kasi dib a natural sa mga babae pag ganyan ang mga eksena ay iiyak sila.. pero siya parang mas prefer ko ang word na”COOL” sa kanya..

sigurado ka?”-sarkastiko niyang sabi..

“oo!! Sigurado ako!! Wag ka na ngang magkaila! Ikaw ang nasa tarp nay an at hinahalikan mo ang boyfriend ko!! Malandi ka! Slut!”-pagsisigaw nanaman niya..

“anong slut??”

Napatingin kaming lahat dun sa nagsalita..

Si hapon.. este.. hiro pala..

“anong slut?? Si mika?? Baliw kaba?? Atsaka break na tayo matagal na kaya wag ka ngang manggulo dito. At yang nakikita mo sa tarpaulin nay an.. oo totoo lahat ng yan pero ako ang nagumpisa walang kasalanan si mika dito kaya wag na wag mong sabihing slut siya.. dahil walang tayo…”-pagsasalaysay ni hiro..

Nag GASP nanaman ang mga ususero’t ususera sa paligid..

“h-hindi totoo yan hiro!! Kelan pa?? wala akong alam na break na tayo!! A-atsaka wag mo ngang pagtanggol yan dapat ako pagtanggol mo hindi siya!!”-sigaw nanaman nung babae..

Hindi na tumigil sa kakasigaw tong babaeng ito!!..

Nakakabingi kaya.. dinig sa buong building yun sigaw niya sabagay tahimik pala kami dito kaya naririnig siya sa buong building..

“matagal na.. tigilan mo na nga ang panggugulo dito..”-hiro..

Tapos tumakbo siya paalis.. hindi ko alam kung saan pumunta..

“hindi pa tayo tapos.. humanda ka.. pag babayaran mo ang ginawa mo sa akin..”-girl..

At tumakbo siya paa;is..

Bigla nalang nahulog yung tarpaulin sa paanan namin ni Cyril.. tumingala kaming lahat at si hiro ang nagtanggal noon…

*RINNGG RIINGG*

Nang mag ring na ang bell ay nag si alisan na ang mga estudyante at kaming tatlo nalang ang natira dito..

Lumapit agad si cyril kay mika..

Ako naman etong nakasagap ng masamang ihip ng hangin at napatingin ako samay gilid ko..

Nandoon si michelle na napaka lapad ng ngiti habang pinapaikot niya ang rubis cube sa mga kamay niya…

Pagkatapos noon ay tumalikod siya at naglakad na palayo sa amin..

 Nakita kong patakbo na ulit dito yung hiro na may dalang posporo..

Kinuha niya yung tarpaulin at finold niya ito at nilagay sa may baldeng sunugan.. kung saan sinusunog yung mga papel papel..

Nilagay agad ni hiro ito at sinunog..

nakahinga siya ng malalim at tumingin sa amin..

Pero si mika lang ang mismong tinitigan niya..

"tara na.."-pag aaya ni cyril..

Hinawakan ni cyril ang kamay ni mika at palayo na sila akay hiro..

Ako nalang ang lumapit kay hiro at sabay sabing..

"Salamat sa pagtatanggol sa kanya.."

<to be continued…>

(a/n: sorry po kung ngayon lang po nakapag update.. kakatapos lang po kasi ng prelims namin :)) sorry po kung maikli po..hahabain kop o next time.. :)) salamat pos a pagbabasa :)) GOD bless *love love*)

Continue Reading